11. Scam

CHAPTER ELEVEN

HER NAME IS Thyra Zavaroni. Napalunok ako nang mariin dahil sa kanya. Savannah and I didn't anticipate na ganito pala ang lugar na gustong puntahan ni Kassian— Savannah's friend and the Jack of Clubs.

Kassian said I need to be fixed first before we plan what action do we need to do next. And I have to agree, dahil lumalala na ang sira ko. I can't control my movements sometimes and I can feel a few electricity radiating on my skin and it's dangerous as per Kassian.

Ang taong makakatulong raw sa'kin para ayusin ang ilang parts ko ay nasa loob ng lugar na 'to. Pero puro yatang mga barumbado ang mga nasa loob at nalulula ako sa laki at tangkad nila.

"Tingin ko may karapatan akong malaman kung sino kayo." Ani Thyra habang nakangisi nang nakatingin sa'ming dalawa. "At paano kayo napadpad sa teritoryo ko?"

Ang teritoryo na sinasabi n'ya ay ang lugar kung saan malapit ito sa hangganan ng susunod na town sa may bandang kanluran.

"We're here to look for someone whose name is Bordeaux."

Natigilan ang babaeng kaharap namin pero tawanan naman ang namayani sa mga kalalakihan na nakapalibot sa'ming dalawa.

"Aba, Boss, mga inglisera pala ang mga 'to 'eh!" asar ng isa sa kanila.

"Mukhang mga nakakaahon sa buhay, Bossing."

"Tamang tama, marami tayong makukuha sa kanila!"

"Hindi na tayo mahihirapan pang magbayad ng—" Nagulat kaming lahat sa mabilis na pagsungangab ni Thyra sa huling lalaking nagsasalita.

"Masyado kang maingay." Komento nito sa malalim nitong boses at bahagyang nanginig ang mga binti ko sa takot.

Napadaing ang lalaking iyon nang mabilis na hinampas ni Thyra ang braso nito sa mismong leeg ng lalaki dahilan para mapaatras ito at alalayan ng iba pang mga kasama.

Natahimik ang buong lugar dahil sa ginawa ng Boss nila. Ang Boss nilang matalim na ang mga tingin na binibigay sa'ming dalawa pero nananatili ang kaseryosohan na pinapakita.

"Sundan n'yo 'kong dalawa." Utos nito sa amin.

Nagkatinginan kami ni Sav, medyo hesitant kaming parehas kung susunod ba kami o hindi lalo na't nagsimula nang maglakad palayo si Thyra.

Tinanguan ko nalang s'ya at pilit kong pinakita na hindi ako takot kasi paniguradong igigiit nitong lumabas nalang kami at umalis. Kung 'yon ay makakalabas pa kami ng buo at buhay. Savannah can fight but not enough para mapatumba nito ang lahat.

Parehas naming nilandas ang daan na dinaanan ng Boss ng mga malalaking tao na 'to. They're giving us a way dahil mukhang kahit anong sabihin ng Thyra na 'yon ay walang pag-aalinlangan nilang susundin ang dalaga. Ngayon palang saludo na ako sa kanya. Kasi kaya niyang pasunurin ang mga delikadong tao na 'yon to think na mas malalaki ang mga ito sa kanya.

Her resto-bar was not really in good shape anymore. It was made on hardwoods pero halatang sobrang tagal na nito base sa kulay at itsura. Pilit na lang na nirerenovate siguro.

Ang ungot ng sahig ang nagsisilbi naming ingay sa pagitan naming tatlo habang nilalandas ang isang pasilyo sa ikalawang palapag ng lugar. Tahimik lang ang babaeng aming sinusundan at tila walang planong kaming i-accommodate ng maayos as her guest. Savannah, on the other hand, is roaming her eyes back and fort sa paligid. I don't know if she's also fascinated of the authenticity of the bar's interior design or she's already calculating and memorizing each corner of the area for a possible way out if things get worse.

"Pasok," malamig nitong utos sa aming dalawa nang buksan nito ang isang kwarto. Ibang iba sa paraan ng pagtingin n'ya sa amin kanina na may halong ngisi at katuwaan.

"Nasa loob ba ang hinahanap naming tao?" tanong ni Savannah sa kaparehas na tono na ginamit ni Thyra. Sav's voice was screaming safety precaution. Alam kong nag-iingat lang s'ya dahil baka may umatake sa amin sa loob na hindi namin alam.

"Pumasok kayo nang malaman n'yo." May taray na tugon ni Thyra sa aming dalawa tapos ang isa nitong hintuturo ay nagmistulang pangamot sa nangangati nitong ilong.

She moves like a man. 'Yon ang una kong napansin.

"Mauna ka, 'di ako madaling magtiwala." Giit ni Savannah. Hinawakan ko na ang dulo ng damit nito para sana maghinay hinay ng sinasabi.

Kung minsan sa matabil nitong dila kami mapapahamak ng wala sa oras 'eh.

Thyra scoffed and the side of her lips move upward like a boyish kid who has been amazed by someone who was stubborn.

"Daming arte," bulong nito na narinig namin pero ito na rin ang unang pumasok.

Sumunod kaming dalawa sa pagpasok at ako na ang nagsara ng pinto. Thyra walked straight to a wooden desk and sat coolly. Nakataas pa ang isa nitong paa sa lamesa habang patuloy pa rin sa pagnguya ng chewing gum.

She motioned us to take a seat on the sofa adjacent to her wooden desk. Savannah let out a small groan.

"We're not here to waste time. Kailangan na naming makita at makausap si Bordeaux." Inip na wika ni Savannah. Hindi umupo sa inoffer na upuan ni Thyra.

"H'wag ka ring mag-alala, ayaw ko rin nasasayang ang oras—" pinutol siya ni Savannah.

"— kaya nga, nasa'n s'ya?"

Parehas kaming nagulat ni Savannah nang mabilis na may binatong patalim si Thyra diretso sa mukha ni Sav. Napairit ako ng sobra nang kamuntikan na iyong tumama sa mukha ni Sav kung'di lang rin mabilis umilag ang kaibigan.

"W-What was that for?!" may halo pa ring gulat at sigaw ni Savannah sa babaeng nagtapon ng patalim.

"Ang ayoko sa lahat ay yung hindi ako pinapatapos ng salita. Nasa teritoryo kita, kahit kayang kaya kitang iligpit ay hindi ako magdadalawang isip na tapusin ang buhay mo." Napalunok ako sa kaseryosohan ng tono ni Thyra. Halatang nagalit nga 'to sa inasta ni Savannah. "Kayo ang may kailangan sa kanya hindi ba? Ang lakas ng loob mong magmaldita."

Hinawakan ko na sa braso si Savannah nang tangka nitong susugurin si Thyra. Mariin ko s'yang binulungan. "She's right, Sav. You're being impulsive. Don't say anything that might cause our lives to be vanished."

Tiningnan ko naman sunod si Thyra at bahagyang tumango sa kanya. "Apologies on behalf of her, she doesn't mean to cut you off. At tama ka, kami nga ang may kailangan sa'yo."

Marahas ang naging paglingon sa'kin ni Savannah at gulat na mata naman ang binigay sa'kin ni Thyra.

They're both wondering what did I just say.

Muli kong tiningnan si Thyra and I gave my humble smile. "You must be Bordeaux. Tama ba?" tanong ko sa kanya to confirm my observation.

Kassian said that the person who would help me is currently here. He didn't provide any names since last night basta sinabi lang nito ang taguri sa taong 'yon.

On that note, we can definitely conclude that the person who would help me was either a scientist, engineer or a tech savvy.

Thyra has a mic piece na nakasabit sa tainga nito. 'Yung mic piece na 'yon ay may nakausling parte na hindi nalalayo sa bibig plus the fact that she has a single lens device on her right eye. She may be has a tomboyish vibe but the gadgets attached on her face scream's intelligence in technology for me.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at mabilis na itinutok sa'ming dalawa ni Savannah ang isang mahabang Katana. Nanggagalaiti ang mga mata nitong nakatingin sa'min.

"Sino kayo?! At ano'ng kailangan n'yo sa'kin?!" sigaw nito na nagpakompirma sa deduction ko.

Savannah is stopping me to face her by simply pushing me behind her back to protect me.

"Kilala mo na kami dahil d'yan sa suot mong salamin," I replied. "You're the one that I need. Please help me!"

"Cleo!" rinig kong sigaw in Sav sa'kin nang pinilit kong harapin si Thyra kahit na nasa leeg ko na halos ang dulong talim ng espada nito.

"Let me handle this, Sav." Anang ko tapos ay nagsusumamong tiningnan si Thyra. "I need your help so I can still live."

Nakakunot ang noo ni Thyra dahil sa sinabi ko sa huli pero napalitan iyon ng pagkagulat at pagkamangha nang binuksan ko ang isang bahagi ng leeg ko kung sa'n makikita ang ebidensya ng katauhan ko. I even heard Sav's shocking reaction as well.

"I-Isa k-kang... A-Android?" hindi makapaniwalang tanong ni Thyra at tango lang ang naging sagot ko sa kanya. Kasabay rin niyon ang pagbaba nito ng sandata at mabilis nitong paglapit sa'kin.


"HINDI PA RIN ako makapaniwala na hindi ka tao." Nakakailang ulit na komento ni Thyra sa'kin. "Ang bangis mo, ngayon lang talaga ako naka-encounter ng ganito."

Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya habang nakatingin sa salamin na nasa harap namin at pinapanuod ang ginagawa n'yang pagbubutingting sa likod ng aking leeg.

"Kailangan nating palitan ang ilang parte at chords na nakakabit sa utak mo dahil ang iba kasi ay hindi na ganoong nagana at iba ay hulas na. Mukhang hindi mo 'to pinapatingnan. P're, kailangan 'yon dahil talagang masisira ka kapag walang titingin sa'yo." Cool n'yang komento.

Hindi ko alam kung ano ang pwede naming pag-usapan maliban sa akin kasi mukhang nakwento na nito at nasabi ang lahat ng terms na hindi pamilyar sa'kin habang chinecheck n'ya ako. Her way of communicating was almost the same with some other guys. Her movements din ay galaw ng lalaki. Gusto ko tuloy itanong kung... tomboy ba s'ya.

Well, I don't have any problems with it. Hindi ko naman s'ya huhusgahan nang dahil do'n. I'm just... curious. And I find her really cool. Yung pagiging cool n'ya, hindi pilit 'eh. Normal na normal na halos bumagay na talaga sa kanya.

When it comes to her physical appearance, she has an inverted bob haircut na mas lalong nagpakinang ng cool vibe at awra n'ya. She has a fair skin din pero medyo mamula mula 'yon, marahil gawa ng init ng araw ngayon. She's just wearing a plain white sando sa ilalim ng itim nitong jacket na tinanggal n'ya kanina. Gusto ko namang mainggit sa dibdib n'yang malulusog. Well, 'di yun sobrang laki. Kungbaga, sakto lang para sa petite nitong pangangatawan. Sexy rin s'ya kasi medyo hapit ang sando nito na yumayakap sa malabote ng coke na katawan nito.

She has some tats din sa may braso pero hindi yung klase ng tats na halos bumabalot na sa buong balat. Yung pang-lowkey na designs lang.

"Tomboy ka ba?"

Nanlalaki ang mga mata kong napalingon kay Sav na nasa gilid na naming dalawa.

"Savannah! There's a proper way to ask that question!" suway ko dahil hindi maganda ang ganoong paraan ng pagtatanong about sa gano'ng tanong. Thyra might be offended.

Tinaasan lang ako ng isang kilay ni Sav at nagkibit balikat. "I speak what's on my mind, girl. Dapat alam mo 'yan."

Tawa naman ni Thyra ang namayani sa buong kwarto.

Her laugh is genuine na halos matulala ako sa kanya. Ang ganda n'ya kapag nakangiti o nakatawa. My god, nakakatibo s'ya infairness.

Tiningnan ako ni Sav na parang nagtataka. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Sorry mga tropa. Hindi ko lang napigilang tumawa." Tapos ay nagpunas pa ng noo si Thyra. Gano'n s'ya kalakas natawa na pinagpawisan pa ang noo niya. "Matagal tagal ko ring hindi narinig 'yang tanong na 'yan kaya pasensya na."

"'Eh mukhang takot kasi ang mga alaga mo sa'yo kaya siguro." Komento ni Sav. Siniko ko na s'ya. Ayan na naman s'ya katabilan ng bunganga.

"Siguro," pagsang-ayon ni Thyra. "Pero hindi ang sagot ko." Tugon nito tapos ay umikot ang mata nito.

"Sana hindi ka na-offend. Pasensya ka na." mahina kong wika sa kanya.

"Hindi, 'wag kang mag-aalala. Hindi naman big deal 'yon sa'kin. Hindi ko rin naman kayo masisisi. Galaw lalaki rin naman kasi talaga ako at maging sa pananalita. Paraan ko rin 'to para galangin ako ng mga loko lokong 'yon." Dugtong pa n'ya.

"Tingnan mo na! 'Di naman raw s'ya na-hurt. OA ka lang, girl." Hirit ni Sav sa'kin pero binigyan ko s'ya ng matalim na tingin.

"It's not an excuse to invalidate their feelings and be sensitive on how the way you will ask the question." I reasoned out na nagpataas ng dalawang kamay ni Savannah.

"Fine, fine. Sige na. Mali na. I admit. Sorry, Thyra." Wika nito na nagpangiti na sa'kin.

"Sus, wala 'yon! Okay na 'yon."

"Paano pala kayo napadpad dito at paano niyo nalaman ang tungkol sa'kin?" Thyra asked when she's putting back the last piece on my neck.

"Kay Kassian, you must be familiar with him," Savannah replied. "Nasa'n na nga pala 'yon?"

Thyra scoffed that made us look at her. "Nakipagkasundo kayo sa monggoloid na 'yon?" hindi nito makapaniwalang tanong.

"He helped us on his own will," Savannah said with a confusion on her face.

Napapailing iling naman si Thyra nang magsimula na itong magligpit ng mga gamit na ginamit n'ya sa akin. "Hindi dapat kayo nagtitiwala sa tulad niyang gago. Nakipagkasundo na ako roon noon, ang resulta? Heto, nagkandautang utang ako sa kung sinu-sino at nakasangla ang buong lugar na 'to."

"Hindi na tayo mahihirapan pang magbayad ng—"

Iyon ang natatandaan kong sinabi nang nasaktan ni Thyra and it somehow connected sa sinabi nitong utang nang dahil kay Kassian.

"Ano bang ginawa ng tarantado na 'yon?" tila bagot na tanong ni Savannah. Yeah, Savannah knows him better than us. Halata sa mukha ng kaibigan na hindi na bago 'yong sinabi ni Thyra patungkol sa binata.

Kitang kita namin kung paano napakuyom ng kamao si Thyra at masamang napatitig sa sahig. "Binenta n'ya kami sa isang sindikato. Yung pambayad sana sa buwanang renta ng lugar na 'to ay nauwi sa wala nang ipusta ni Kassian sa isang laro. Lumaki ng lumaki ang presyo nang itinalo niya hanggang sa hindi na namin mabayaran 'yon. Mabuti nalang at pumayag ang lider ng sindikato na 'yon na bayaran namin kada buwan na may mataas na porsyento ng interes kaya nakakapag-operate pa ang bar ko."

Napangiwi ako sa kwento ni Thyra habang napamura naman si Savannah sa gilid ko.

"Hindi ko alam na kaya n'yang umabot sa gan'yan." napalingon kami ni Thyra kay Savannah. "Usually, he just loves to play with other people kapag walang inuutos sa kanya si Nico. He can really be like that but I never thought that he would be."

Matalim ang naging tingin ni Thyra sa'min pero ramdam kong para kay Kassian 'yon. "Magaling 'yong mang-uto at mautak. Kung s'ya mismo ang naghatid sa inyo rito, maniwala kayo, iniwanan na kayo no'n."

"Subukan n'ya lang at mawawalan s'ya ng bayag sa'kin." Komento naman ni Savannah and mind you, totohanin n'ya 'yan.

"Mabalik tayo sa'yo," napalingon ako kay Thyra na humila ng isang upuan at nakabukakang umupo roon at masinsinan akong pinakatitigan. "Paano ka naging ganyan? Hindi mo ba alam na ang isang katulad mo ang isa sa mga greatest weapon and science miracle na dapat ma-discover? Kikita ka ng bilyon kapag pinakilala mo ang sarili mo na--"

Savannah immediately interrupted Thyra at nagsimulang magtaray muli.

"Anong kikita ng bilyon? Nasa panganib na ang buhay n'ya tapos 'yan ang dapat n'yang isipin?" Savannah retorted.

Thyra on the other hand shrugged her shoulders. "Ano ba ang kaibahan no'n kapag 'yon ang ginawa n'ya?" she commented and she has a point. "Kahit naman anong gawin n'ya sa katotohanang iba s'ya sa ibang tao, nasa panganib pa rin ang buhay n'ya kahit anong tahakin n'yang daan. Mas maganda nang may mapakinabangan nalang n'ya 'yon."

Savannah scoffed hard, "Are you saying that she just surrenders herself to those people who want her at pag-eksperimentuhan?! You're unbelievable."

"Hindi naman sa gano'n mga trops," wika ni Thyra tapos ay tiningnan ako with her apologetic look. "Nagiging praktikal lang ako bilang isang tao."

Hindi ako nakaimik man lang sa mga sinabi n'ya. In totality of her opinion, dapat mas naging mautak ako sa ganitong buhay na mayro'n ako. Na kung nasa panganib rin lang pala ang buhay ko, I should have least made myself useful.

Pero para saan?

"Well guess what, girl. We're here to make her life safe. Hindi isuko ang sarili."

"That's enough," anang ko sa kanilang dalawa dahil nakakasiguro akong mag-aaway pa sila lalo.

Dudugtungan ko na sana ang sasabihin ko nang biglaang nagbukas ang pintuan ng kwarto at ipinasok niyon ang isa sa mga alagad ni Thyra. Bakas sa mukha nito ang takot. Maging tuloy ako ay nakadama ng takot.

"B-Boss! N-Nandito na u-uli sila." Bungad nito na nagpaputla sa mukha ni Thyra. Tapos ay may takot itong nilingon kami.

"Kailangan n'yong magtago! Bilis!" she said while hissingly.

Rinig ko naman ang mura ni Savannah nang lapitan n'ya ako at sa sitwasyon. "Maiipit pa tayo sa gulo nila." Bulong nito habang hawak hawak na ako nito sa braso.

"Dito kayo. At h'wag na h'wag kayong gagalaw, malakas sila makadama." utos sa kanila ni Thyra nang tinulak n'ya kami sa isang malaking tokador sa pinakadulong bahagi ng kwarto.

Parehas kami ni Savannah nakiramdam lalo na nang nagsimula nang pumasok ang mga taong hindi inaasahan ni Thyra.

"Uy, mga repa! Naparito kayo? Anong atin?" rinig naming tanong ni Thyra. It's obviously perky but I bet that she almost chokes kung hindi lang 'to nag-ayos.

"Where's the package?" a man with an Indian tone spoke. His deep voice screams danger.

We heard Thyra cleared her throat and her voice became... menacing.

"Ready na sila para kunin ninyo."

From there, I know something was not right. My body convulsed like what happened with Stavros and me in the fast food.

"Danger..." bulong ko na narinig ni Savannah.

Bago pa rumehistro sa utak ni Sav ang nangyayari, the cabinet where we are in moved like it's locking something from the outside.

"Shit, we are trapped. Sinangla tayo ng bruhang 'yon sa kanila." Savannah commented then surprisingly, the cabinet opened at nakita naming dalawa ang mga nasa labas.

Tama nga ang kanyang hinala, indian merchants ang mga ito. Mga limang naka-corporate attire ang nasa loob ng kwarto at tanaw sa dulong bahagi ng kwarto ang mangilan-ngilang mga bodyguard.

Hindi ko inasahan ang sunud na nangyari. May mga tali ang biglang humalugpos sa baywang, binti at leeg namin sa loob ng tokador and we both grunted in pain.

"So, who among them is the Android?" the one who's holding a cigarette asked.

Hindi makatingin ng diretso sa'kin si Thyra nang ituro n'ya ako.,

Clearly, she sold me to the devil.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top