10. Fix
CHAPTER TEN
"I CAN'T BELIEVE you!" mariin kong sigaw kay Kassian nang sa wakas ay nasa loob na kami ng isang malaking kwarto kung sa'n kaming tatlo matutulog ng isang buong gabi. "I almost got hit with your attacks kanina, bwiset ka!"
Parehas namang itinaas ni Kassian ang magkabila nitong kamay habang natatawa sa reaksyon ko. "I'm just following your orders, Savannah. I'm just following what I was told, that's all."
"Pero sana naman nag-ingat kang bwakanang-shet ka! Paano kung nadali mo 'tong bespren ko sa ginawa mong stunt. At 'di mo man lang akong naabisuhan na ganito pala ang plano mo? I asked you here to help me to get away with your Boss, ngayon, mas maiipit pa ako lalo rito!"
Kassian only shrugged at me.
"Y-You know each o-other?" parehas kaming napatingin ni Kassian kay Cleopatra. Halatang halata ang pagkagulat nito at pagtataka sa'ming dalawa nitong hambog na 'to.
"Unfortunately, yes, best friend of Savannah." Kassian replied and he even bowed mischievously at us. Mabilis ko ngang binatuhan ng unan na malapit lang sa'kin.
"Can you explain what's happening?" Cleo asked.
Napabuntung-hininga ako tapos ay tiningnan ang nakaupong Cleo sa gilid ng kama namin.
"I contacted Kassian on the first night we slept here for an SOS message. You know that I'm not really comfortable being here with my Ex, Girl. Natatakot akong magpakatanga uli sa gagong 'yon." I explained.
"Tanga ka pa rin naman hanggang ngayon," sinamaan ko ng tingin itong si Kassian nang mag-comment sa likuran ko.
"Kassian is Nico's right hand and therefore I've known that he's the Jack of Clubs. Ngayon ko lang rin nalaman ang part na 'yon pero dati kasi, I've known him as the playful and boastful right-hand man of Nicodemus." I added.
"P-Pero sabi n'ya hindi raw s'ya talaga papayag sa pagtawag sa kanya ni Nicodemus?" Cleo clarified what she had heard.
It was Kassian who replied. "Because it should be, pretty lady. Hindi ko alam kung nakwento na nila but I'll bet na oo, about the last War we've encountered. After they successfully jailed the Joker before, they've given an amnesty to be released from their position as the Kings. Being the Kings means there's a lot of restrictions that they need to follow, maraming bawal. In short, they don't own their lives, bilanggo sila ng kasunduan noon na maging Hari. Nang makuha nila ang normal na buhay na gusto nila, that's the end of our contracts as their Jack."
Dinugtungan ko ang mga sinabi ng binata. "Hindi kasi 'yan marunong sumunod sa utos ng kahit na sino unless he is legally bind with a contract."
"Uhuh," Kassian reacted.
"Ibig mong sabihin, Sav, nakakontrata s'ya sa'yo kasi sinunod ka n'ya." Maging ako ay napaisip sa naging tanong ni Cleo.
She's right, am I legally bonded with Kassian? Pero hindi ko naman alam na may ganito pala s'yang sinusunod. Maging ako ay nagulat nang pagsalitaan n'ya ng gano'n si Nicodemus. Nang hingin ko ang tulong ni Kassian, he just asked me if what he could possibly get if he would help me. Since he's a well-known playboy in this town, I told him that he can party and drink on my Escort Club for free valid for three months only. Okay, lang ang naging sagot n'ya sa'kin no'n.
Kassian looked at me with his menacing and mischievous grin. Kung hindi ko 'to kilala kahit papaano, baka kabahan pa ako ng husto. Pero dahil sanay na ako sa ganito n'yang pag-uugali, nakasanayan ko nalang. He amazed me with his unusual decisions most of the times.
"You are the Town's Queen, Savannah. That's enough reason for me to say yes."
Napanganga ako sa sinabi ng gagong 'to. Anong Queen, Queen? Sa'n n'ya nakuha 'yan?
Nakasinghap naman akong tiningnan ni Cleo habang nakatakip ito sa bibig.
Ang OA, girl?
"Y-You're his Q-Queen?" 'di makapaniwalang tanong sa'kin ni Cleo pero binigyan ko s'ya ng masamang tingin.
"I'm not," tanggi ko dahil totoo naman 'yon. Kailan pa ako naging Reyna? Ta's ano? Reyna pa ng gagong 'yon? Ulul.
Cleo looked at Kassian to ask for an explanation. Kassian just smiled at me mischievously. Pinagtitripan ba 'ko nito?
"You're the only one who was not aware, Savannah. Lahat ng tao rito ay alam na ikaw ang Queen of Clubs." Natigalgal ako sa sinabi n'ya.
Alam ng lahat?
"It was an order from Nicodemus of keeping it away from you. He wants you to live normally and protected by everyone."
Umikot ang mata ko sa pagtatanggol n'ya kay Nicodemus.
"'Di mo ba pansin ang mangilan-ngilang pagrespeto sa'yo na para kang santo sa may Bayan? O doon sa nanloko sa'yong seller no'ng lupang binili mo? The scammer doesn't really want to sell it to you. Pero nang maalala ka n'ya, naisip n'yang baka ibinigay 'yon ni Nicodemus sa'yo." Dugtong pa ni Kassian.
"It seems to me that your loyalty is still with him. Akala ko ba wala na?" tanong ko sa kanya na may kasamang sama ng tingin. Pag-untugin ko pa silang dalawa.
Mas lalong lumawak ang gatla sa labi nito tapos ay prenteng sumandal sa maliit na sofa habang pinatong ang magkabilang braso sa sandalan.
"So, this is the Queen's Rage," he commented amazingly? "Kaya pala bahag ang buntot ng Hari ngayon."
"Kasi galit ang reyna." marahas ang paglingon ko sa gawi ni Cleo nang s'ya ang nagdugtong no'n. At ang bruha, nakahalukipkip na sa'kin habang nakangisi na rin gaya ni Kassian.
"At pinagtutulungan n'yo na 'kong dalawa ngayon?" mataray kong tanong sa kanila habang nataas pa lalo ang alta-presyon ko.
"Because you're still affected, Sav." Cleopatra Selene commented.
I scoffed hard unbelievably. "What? Ako? No! Of course not!"
"Girl, you won't react that way if you really want to move on." dugtong pa ng babaeng 'to. "Akala ko ba, move on na?"
Mabilis kong hinila nang bahagya ang patilya ng bwakanangshet na 'to at narinig ko ang pagdaing n'ya. "Excuse me! Hindi ako affected sa kanya 'no! Sa ginawa n'yang pag-iwan sa ere, tingin mo, babalik pa ako do'n? A big no!"
"Wala naman s'yang sinabi na plano mong makipagbalikan, Queen Savannah." Tudyo pa ni Kassian sa gilid ko na nagpamula yata sa aking magkabilang pisngi.
"Nahuhuli ka sa sarili mong patibong." Cleo added.
Napairit nalang ako sa inis sa dalawang 'to. Pinagtulungan talaga nila ako.
"HOY! Nakikinig ka ba, Sav?" napamulagat ako nang bungangaan ako ni Cleo sa tapat mismo ng aking mukha.
"H-Huh?" napabalik ang atensyon ko sa kanya nang may ipakita sa'king dalawang pares ng damit.
"Ang sabi ko, ano ba ang bagay sa'kin dito? Ito ba? O ito?" she talking about between two different dresses. The one she's holding on her left hand is a tight oceanic dress with a print of water waves. While on the other hand, she's holding a very neat and classical dress with an orange and peach color prints but the length is way longer than the other one.
I rolled my eyes at her. Parang 'di naman n'ya alam ang taste ko sa damit.
"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yang tanong mo?" I replied with an accusing tone.
Cleo just smiled at me and shrugged as she headed herself to the counter and stating what she picked. "Kukunin ko po itong blue dress."
Ang babaeng ito. Alam kong gusto n'ya akong kausapin tungkol sa pinag-usapan namin nina Kassian kagabi but she's stopping herself from doing it. She's also bothered from the things that I've learned about. She's trying to make our atmosphere light. Away from the knowledge that I've got.
Nilingon ko nalang ang aking sarili at inabala sa pagtingin tingin ng mga damit. We are currently in the downtown area of North Clubs. They don't have any malls here pero sagana sila sa mga street stalls. And mind you, I don't know that it's possible but all branded items are being sold here. Each stall areas were either structured using bricks or either hardwood. The feels of being classic would definitely be felt here. Ang paligid ay malinis rin. Ibang iba sa lungsod. Even the people living here are too friendly and very accommodating.
Lumabas muna ako sandali ng stall ng mga damit dahil hindi naman ako namili masyado. I'm betting my whole clothes are still with him. Kaya 'di na 'ko masyadong nag-abala pang mamili ng damit.
"Are you guys done?" tanong ni Kassian na kasalukuyang humihithit ng sigarilyo. Namataan ako kaya biglang lumapit.
Both Stavros and Nicodemus agreed to buy our clothes today. Nagulat nga kaming dalawa sa kanila na hindi man lang nagtanong ang mga ito sa kung ano ang nangyari sa'ming tatlo kagabi sa iisang kwarto. Kasi bago pumayag ang damuhong si Nico, halos patayin n'ya sa tingin si Kassian.
Gusto nga ng dalawa na sila nalang ang sasama sa'ming dalawa ni Cleo but since they had meetings to deal with lalo na't sa nangyayari, hinayaan na lamang nila kami na si Kassian ang magbabantay.
Kassian agreed... as we planned last night. He planned this so we can go to someone for Cleo.
"I know who and what you are," iyon ang bungad ni Kassian nang humupa na ang asar nila sa'kin patungkol sa pagiging Queen of Clubs. Maging si Cleo ay natigilan sa diretsahan at tahasang wika ng binata.
Napakunot noo naman ako sa sinabi n'ya. Hindi maintindihan ang ibig ipahiwatig ng binata.
"W-What do y-you mean?" Cleo showed the signs of being agitated and nervous through her body movements. Mas kumunot ang noo ko dahil may napansin ako sa bawat galaw n'ya.
She seems... unusually moving like a robot. 'Yung movement na bigla biglang nagalaw ang ulo patagilid, ang manaka nakang panginginig ng mga kamay at braso nito. Wala namang sakit ang babaeng 'to magmula nang magkahiwalay kaming dalawa. At no'ng magkita naman kami ay mukhang normal naman s'ya.
"You're the reason why the Buffoons infiltrated our town." This is the first time I saw how Kassian's face become impassive.
Never he did show to me this side of him. Parati itong nakangisi at laging mapang-asar at hindi nito kailanman pinakita ang ibang ekspresyon ng mukha nito. Ngayon lang.
"H-Hindi ko alam 'yang sinasabi mo." Nauutal na wika ni Cleo and now her head movements are being simultaneously moving.
"You're the first successful Android. Tama ba?" sunod na wika at tanong ni Kassian na nagpalaki ng mata ko sa gulat.
Mas naging seryoso ang tingin ko kay Cleo lalo nang maging ito ay nagulat sa sinabi ni Kassian.
A-Android?
"Ang kaibihan mo lang sa gano'ng uri ng AI Android, you still have the seventy percent of your human body and the famous scientists only adjusted and modified few internal parts na hindi na maaayos."
Hindi ko na naiwasan pa ang mapasinghap pa lalo.
Totoo ba 'to? Pero imposible ang mga sinasabi n'ya. Tangina, si Cleo? Android? Like... robot? For real? I can't believe this!
"You h-have no evidence—"
"You're showing signs of being destroyed," parehas kaming napatingin kay Kassian sa sinabi nito. "I'm not sure what did you do to your life but your system should be rebooted frequently every year. Also, you should have used most of the system features of your body because the more you don't use it, the higher the chances of having it malfunctioned. And being malfunctioned is the major sign that you might not be able to control your body anymore and you can harm people."
Napaupo si Cleo sa gilid ng kama habang nakatulalang nakatingin sa sahig dahil sa narinig kay Kassian.
"The scientists who fixed your body didn't disclose your full identity to protect you. Especially from Primeval Union. I don't know exactly the reason why they are after you but based from the Legends that we heard a few years back; a Seer of the Relics will appear in a body of an artificial being. Hindi namin 'yon pinaniwalaan because it's really impossible. Sino ba ang maniniwala na ang isang artificial being na binubuhay lang ng technology ay magbibigay ng mga pangitain? That's scientifically unacceptable."
Biglang nanghina ang tuhod ko sa nalaman kay Kassian at hindi ko napigilan ang umupo sa kalapit na upuan sa harap ng isang vanity mirror. Nakatulala pa rin akong nakikinig sa sinasabi ni Kassian.
That explains what happened back there in the mountains. The strength and speed that she had shown were a glimpse of what she can do as an Android.
"I got an Intel upon knowing the reason why they're rehabilitating the Primus City is to use it to find you. Pero maging sila ay naalarma nitong nakaraang araw nang malaman nilang gumagalaw na naman ang mga Buffoons and surprisingly, they already know that you are still alive."
Hindi ko napigilang sumingit. "You mean to say, both parties are looking for... her?"
Sunud-sunod na tango ang isinagot nito sa'kin na mas nagbigay alala naman kay Cleo.
"Why they are after... me?" Cleo asked and with that, she in some way admitted that she really is an Android. Napasinghap akong muli dahil do'n.
Kassian shrugged. "I don't know yet, but, the Kings might have a knowledge. Pero, regardless kung anumang rason 'yon, knowing the fact that you can see what will happen in the near future, sapat na rason na 'yon para kunin ka. You are useful for both parties at gagawin nila ang lahat para makuha ka."
"If the Buffoons that you are talking about are looking after her," parehas na nilingon ako ng dalawa. "Then, they want your Intel in the future to... make their master awake?"
I'm talking about the Joker that Nico and Stavros were talking about when they told us the glimpse of truth. The only person who caused the war against all nations.
"And the Primeval Union wants me dead so I won't be useful anymore." It was Cleo who ciphered the context of hide and seek.
Napatayo ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi n'yang kongklusyon. I hate her hypothesis so much. Mabilis ko s'yang tinabihan ng upo sa kama at hinawakan ang magkabila n'yang braso.
"Tao ka man, hayop, lugar, bagay, siraulo o robot... you're still the Cleopatra Selene that I know, you're still my best friend and I won't let that happen. Naintindihan mo? I'll protect you one way or another." Sinsero kong wika sa kanya.
Cleo's eyes watered and she immediately hugged me and cried like a river. "I'm sorry, Sav if I didn't tell you this part of my existence. I don't mean to keep it away from you but it was the only choice that I have because I wanted to live a normal life again right after what happened to my parents. I'm sorry, I'm sorry."
Tinahan ko s'ya dahil ramdam ko ang bigat ng iyak n'ya. Halatang bigat na bigat na ito sa nararamdamang guilt sa pagtatago sa'kin ng katotohanan ng kanyang buhay.
"Para kang hindi robot, bruha ka. Makaiyak ka naman wagas." Komento ko habang inaalo ko pa rin s'ya. I heard her chuckled. "Okay lang 'yon, girl. Ang importante, you are safe right now. You're like a sister to me and a family. Tayo na lang ang magkasangga ngayon, alam mo 'yan."
Ramdam ko ang sunud-sunod na pagtango n'ya sa dibdib ko.
"Well, technically, it seems it was just her brain and heart were the only parts that have been changed." Rinig naming komento ni Kassian sa aming tabi.
Ilang segundo pa ang iniyak ni Cleo at mabilis s'yang kumalas sa aking at seryosong pinakatitigan si Kassian.
"You're telling me these here alone with us inside of a soundproofed room. There's a reason why kaya ayaw mong malaman nina Stavros at Nicodemus ang tungkol dito. I want to know why." Cleo asked with a serious face this time.
"I think you already know it," Kassian replied with a glimpse of amazement sa naririnig kay Cleo.
"Because they're still associated with the Primeval Union? Because they would kill me sa oras na malaman nila ang tungkol dito?"
Kassian and I exchanged looks when a big man appeared in front of a resto-bar. Cleo is still at my back and she's keeping herself hidden dahil ramdam ko ang takot n'ya sa lugar na pinuntahan namin. Dito kami dumiretso matapos makapag-shopping ni Cleo.
"Wala kayong imbitasyon at hindi kayo pwede rito." Masungit na wika ng tila bouncer ng resto.
Mabilis na kinausap ni Kassian in his usual attitude ang bouncer. Kassian's goofiness is very useful in this situation. Isang senyas ang nakita namin sa kanya na nagsasabing pumasok na kami sa loob nang sa wakas ay ma-divert nito ang atensyon ng bouncer sa kanya.
Cleo and I immediately went inside at sinalubong kami ng usok mula sa mga tabako at makalumang tugtugin mula sa kanlurang bahagi ng globo. Hindi ko alam kung cowboy quarters ba ang pinasukan namin pero gano'n ang ambiance na naabutan namin sa loob. Bahagya pa akong namangha dahil ang musikang bumabalot sa loob ng resto ay nanggagaling sa isang makalumang jukebox machine. Gusto kong mapanganga sa paghanga.
Natigil lang ang pag-appreciate namin ni Cleo sa makalumang makina nang bigla kaming palibutan ng mga maton na may hawak pang mga rifle na nakasuot sa kanilang balikat.
Parehas kaming napalunok na dalawa ni Cleo dahil mukhang dehado kami sa mga 'to dahil mas malalaki sila at matatangkad. Hindi kakayanin ng kaalaman kong lumaban ang patumbahin sila ng sabay sabay.
Lagas na ang mga buto ko bago ko pa magawa 'yon.
"Ano ang ginagawa n'yo rito mga, Binibini? Mukhang naligaw yata kayong dalawa?" wika ng isa sa kanila.
"Dapat alam n'yong hindi kayo ligtas sa lugar na 'to lalo pa't gan'yan kayo kagaganda." Wika pa ng isa sa kanila na tadtad pa ng balbas at bigote.
Hindi kami nakasagot ni Cleo dahil sa pangamba at takot na maaari nilang gawin sa'min. I don't know what happened to Kassian outside pero kahit s'ya siguro ay hindi mapapatumba ang mga dambuhalang mga amoy barako na mga 'to.
"At anong kaguluhan 'yang nangyayari d'yan?!"
Napatingin kaming lahat sa ikalawang palapag na bahagi ng restobar at isang napakagandang babae na astigin ang itsura ang nagpakita sa aming lahat mula sa kinatatayuan nito.
"Aba, mukhang may mga bisita tayong mga magagandang dilag ngayon." Nakangisi nitong komento habang may nginunguya itong chewing gum.
Cleo and I were both shocked when suddenly the cool woman from up there did a back tied jump and landed the floor gracefully. Bahagya itong nag-ayos ng sarili bago nilahad ang kamay sa'kin.
Ito kaya ang taong kayang tumingin at mag-ayos sa system data ni Cleopatra? I looked at her from head to toe. Mukhang balewala naman iyon sa babae ay nakangisi pa ring nilahad muli ang kamay.
"Ako nga pala si Thyra... Thyra Zavaroni. Welcome sa Thyzav Resto."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top