Chapter9
[ Clyde ]
Ito ang araw na kinatatakutan ko sa lahat.. Ang Personal na pakikipag-usap ko kay Ryan. Kahit alam kong darating ang araw na to ay hindi pa rin maiwasan na hindi kabahan.
Kaya naman madaling araw pa lang ay gising na gising na ako.. Sa totoo nyan ay halos wala nga akong tulog kakaisip kung paano ko sya pakikitunguhan. Alam kong hindi kami pwede mag-usap tulad ng paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya nung magkasama pa kami. Bawal yun dito.
Nasa office lang ako ni Handler ngayon. May binabasa about parin sa kaso na hawak ko at habang hinihintay na din ang Signal ni Handler para harapin ko ang kliyente.
Kung alam ko lang na sya ang nagpapatrabaho nito ay hindi ko sana ito tinanggap.
Pinaka-importanteng dokumento ang kasalukuyan kong binabasa pero hindi ko iyon gaanong maintidihan dahil nahahati ang isip ko sa mga pwedeng mangyari mamaya.
Ilang sandali pa nga ay narinig ko na ang pag-pasok ni Handler sa opisina. Hudyat para naman iligpit ko ang gamit ko ay isauli ito sa folder na pinagkunan ko.
"Are you okay,Clyde?" Tanong ni Handler na sinilip ang mukha ko. "Maputla ka ata.." pahabol nya.
"Im okay, Handler. Marami lang akong iniisip." pagtatakip ko. Sa totoo nyan kasi ay masyado na akong kinakabahan. Ano ba naman to? Haharap lang ako kay Ryan pero grabe na ang kabang nakukuha ko?!
"Are you sure? Kung hindi mo kaya-"
"No!" pagtutol ko. "Ako ang haharap. This is my case.. I'll do it." matapos kong sabihin iyon ay nagpaalam na ako kay Handler at lumabas na ako ng opisina nya. Pakiradam ko nagba-vibrate pati ang tingin ko sa sobrang kaba. Hindi naman dapat ako kabahan diba? Tutal, Wala naman akong kasalanan sa kanya!
WALANG KASALANAN? NILAYASAN MO KAYA YUNG TAO!
Ako: Umalis ako kasi alam kong mapapahamak sya kung hindi ko gagawin yon!
Para naman akong tanga na nakikipagtalo sa isip ko.. tiyak, kung may makakita sakin, mapagkakamalan na talaga akong sira ulo dito!
Ilang sandali pa nga ay narating ko na ang guest room #1 kung saan naghihintay sakin ang taong sabi ng konsenya ko ay NILAYASAN ko raw!
Matagal muna akong nakatayo sa harapan ng pinto habang hawak-hawak ang doorknob.
Sa oras na buksan ko to kailangan kong magpakatatag.
Isang pihit lang.. magkikita na kami.
Isang pihit lang..
Sandali lang naman ang interview at tapos na to!
Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto.
[ Ryan ]
Pigil hininga kong pinagmasdan ang taong iniluwa ng pintuan na kanina ko pa tinititigan.
Nakatingin lang sya sakin. Malamig ang mga tingin na pinupukol nya sakin.
Kaswal syang lumapit sabay dampot ng folder na nasa paanan ko na kanina ko pa hinahawakan. Hindi ko napansin na nabitiwan ko pala ito.
"Sorry to keep you waiting.." panimula nya na parang bang hindi nya ako kilala. "Im the one handling your case.. Im Clyde.." Pagpapakilala nya na diretsong tinitigan ang mga mata ko. "Nice to finally meet you... Mr. Trevelian." makahulugan nyang banggit sa pangalan ko.
Anong ginagawa nya dito?
Dito ba sya nagtatrabaho?
Bakit hindi ko alam?
Maraming tanong ang agad namutakti sa isipan ko.. kung susukatin pa ay mas iba ang aura na nakikita ko sa kanya ngayon. Pakiramdam na katulad nung una naming pagkikita. Pakiramdam na hindi mo kahit kailan mahuhulaan.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Tumitig lamang sya akin at inilatag ang mga folder sa lamesa na hawak nya.
"These are the reports i have gathered through researching the details.." Kaswal parin nyang simula.
Letse! Hindi pwede yung ganito!
"Bakit bigla ka nalang umalis?" Muli kong pagtatanong. Wala akong pakialam kung pagalitan nya ako!
"I also managed to get this document sa mga nasabing umampon kay Isabelle but apparently ay iba ang lumabas na mga resulta.." binuksan nya ang isa pang brown envelope at muling may inilatag na mga papel sa harapan ko.
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam?" hindi ko mapigilan na hindi muling magtanong. Maraming bagay akong gustong malaman tungkol sa kanya. Ngunit Tulad ng mga nauna kong tanong.. Wala syang sinagot sa mga yon.
Sa pagkakataong ito, Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwa ang muli naming pagkikita. Pakiramdam ko kasi ay may malapad at makapal na pader ang nakapagitan sa aming dalawa kahit ilang metro lang ang layo namin sa isat-isa. Pero kahit papano ay natutuwa pa din ako kahit may halong pagkabigla.
Pormal nyang dinis-cuss ang mga nakuha nya sa pag-iimbestiga sa kaso tungkol kay Isabelle, Samantalang ako ay hindi inaalis ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya. Kung pwede lang ay mas pahabain pa ang usapan na to ay gagawin ko. Pero alam kong may hangganan ang paghaharap naming ito.
"May dumi ba sa mukha ko, Mr. Trevelian?" Buong pagtataka nyang tanong sakin.
Ngayon ko palang talaga na-realize masyado pala akong nakatitig sa kanya.
"Ah, Wala naman. Pasensya na." I Said with a huge heart.
"We need to Concentrate on this matter Mr. Trevelian. This is your case and Im doing my job wholeheartedly kaya sana naman.. Seryosohin nyo to at Hindi kung sino-sino ang iniisip nyo.." Parang bata nya akong pinagalitan.
Hindi ko alam kung nababasa ba nya ang iniisip ko. Sana din pala ay kaya nyang basahin kung ano ang nasa puso ko.
Nakahinga naman ako ng malalim ng sa wakas ay natapos na sya sa pagsasalita.
"Is there anything else you want to know?" Malamig parin ang mga mata nyang tinitigan ako.
I gave her the same look. "Bakit hindi ka nagpaalam nung umalis ka?"
Nakita kong natigilan sya sa tanong ko na iyon. Pakiramdam ko ay umiiwas sya na itanong ko ang mga bagay na yun sa kanya.
"Alam mo ba na ako ang nagpapa-imbestiga nito?" muli kong pagtatanong.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya, bagkus ay tumayo lang sya sa kinauupuan nya at kinuha ang mga papel na nagkalat sa lamesa.
"Wala kang karapatan magtanong sa akin tungkol sa mga bagay na ganyan dahil kliyente ka namin." sagot nya.
"Pero hindi naman tungkol sa trabaho ang tinatanong ko. Tungkol to sa sayo.. Sa atin." -ako
"Mr. Trevelian.. Hindi ko dapat sagutin at wala akong obligasyon sayo na sagutin ang mga tanong mo.." mabigat nyang sagot sabay abot sakin ng mga papel.
"Pero BH-"
"My name is not BH." pagputol nya sa kung anu man ang sasabihin ko. "Im Clyde. Profesional Investigator and currently assigned on your case.." yun lang at tatalikod na sana sya ng pigilan ko sya sa mga braso nya.
"Bakit kaba ganyan? Bakit ang lamig ng pakikitungo mo sakin? Ano bang nangyayari sayo?" Sunod-sunod kong tanong. Sa totoo lang ay yun ang mga bagay na kanina ko pa gustong itanong sa kanya.
Mas maganda nang matanong ko iyon dahil masyadong mabigat sa dibdib.
Humarap sya sakin na tila ba may nakapalibot na bigat sa mga mata nya.
"Its not right treating your investigator as if you paid their whole existence to answer nonsense questions!" sagot nya. "You have no idea what i can do.." matalim nya akong tinignan na para bang anytime ay kaya nyang burahin ako sa mundo. Nanlamig ang buong katawan ko sa mga pinag-iisip ko.. pero hindi ako dapat magpatalo sa takot na to!
"Binabantaan mo ba ako?"
She gave a death glare bago muling nagsalita. "Bakit? Natatakot kaba?"
"Hindi ako natatakot!" Mabilis kong sagot.
"If that so, hindi mo kailangan isipin na pagbabanta yung mga sinabi ko.."
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko na hindi ko inaalis ang mga kamay ko sa braso nya. Sana hindi nya na muna yun mapansin. Matagal din akong nasabik na mahawakan sya ng ganito.
"Whatever the reason is.. You are not Responsible for it.. so you dont have to bother yourself about it!" sagot nya.
Sa mga binibitiwan nyang salita ay para bang gusto kong magsisisigaw para maramdaman naman nya kung gaano ako nasasaktan sa inaasal nya sa akin ngayon. Gusto ko syang yakapin sa oras nato pero hindi ko kaya Dahil ang harang na ginawa nya sa pagitan naming dalawa ay masyadong makapal para marinig nya ang kung anu mang nararamdaman ko.
"Tell me, may nagawa ba akong mali para magalit ka sakin ng ganyan?" halos pagmamakaawa kong tanong sa kanya.
"I told you-"
"Just tell me.. Tell me kung meron para naman makabawi ako!" my voice finally broked at hindi ko na rin mapigilan ang luha ko. kita ko sa mga mata nya ang galit. I hate seeing her eyes full of hatred at diko alam kung san nanggagaling ang galit na yun, pero gusto kong maintindihan.
"Wala akong sasabihin sayo.." Matigas nyang sagot at binawi ang mga braso na kanina ko pa hinahawakan.
"Till the next meeting Mr.Trevelian.." Yun lang at nagpatuloy na sya sa paglabas.
Naiwan akong nakatanga lang sa kawalan. Hindi ko alam na magiging ganito pala kakumplikado ang sunod naming pagkikita. Pero naisip ko, mas maganda na din yung ganito.. alteast alam ko kung nasan sya.. and this time, hindi nya ako tinutukan ng baril kahit malamig ang pagtrato nya sa akin, Masaya na ako kahit papano, kahit puzzled padin hanggang ngayon kung bakit ganun sya kanina sakin.
"Hows the meeting with our most coldest agent, Mr. Trevelian?" Tanong sakin ni Handler. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papalabas ng Sector29. Sya mismo ang sumundo sakin sa loob matapos ang ilang minutong pag-alis ni Clyde.
"Ok naman, We Discussed everything at marami akong nalaman.. " sagot ko. Sa totoo nyan ay konti lang talaga ang naintindihan ko sa mga sinasabi ni BH- or should i say.. Clyde kanina. Masyado naging busy ang isip ko kanina dahilan kung bakit nawalan ako ng gana makinig tungkol kay Isabelle. Only matters to me awhile ago is her..
i really did missed her at buong puso kong inaamin yon.
"Matagal na po ba dito nagtatrabaho si Clyde?" Bigla kong tanong.
"Since she was 15.." Deretsong sagot ni Handler.
Medyo nabigla ako dahil hindi ko aakalaing sa murang edad ni BH ay ganito nang klaseng buhay ang tinatahak nya.
"Ano bang klaseng tao si Clyde?" Tanong ko ulit. Gusto ko talagang malaman ang tungkol sa kanya.
Hindi sumagot si Handler.
Bigla kong naalala yung tungkol sa panuntunan nila dito. Hindi pala pwedeng sabihin ang tungkol sa mga pagkakakilanlan ng mga agents nila.
"Pasensya na kung-"
"Clyde is a silent person." Nabigla ako ng biglang magsalita si Handler. "May pagka-hardheaded at hindi madaling i-manipulate. Sya yung tipo ng tao na hindi aantayin ang isang bagay na mangyari, bagkus.. sya mismo ang gumagawa ng paraan para mangyari yun.." Then he smiled. "She's too deep.. kahit ako ay hindi kayang hulaan ang mga gagawin nya. If she did something that is against her will ay sigurado akong may malalim yun na dahilan." Then he faced me. "I dont know why im saying this to you.. Doing this is breaking the Sector29's Rule, dont you know that?."
"Hindi ko naman po ipagpipilitan na sagutin nyo ang tanong ko.. Pero, bakit nga nyo ho na sinasabi sakin ang bagay nato?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa paligid at hindi ko namalayan na narating na pala namin ang parking lot.
" Anyway, I just want to apologize for asking those matter to you, sir.. Alam kong masyadong private para itanong pa yon.. im sorry." Sinsero ko syang hinarap.
He gave me a tapped on my shoulder at ngitian lang ako. Magpapatuloy na sana ako patungo sa kotse ko ng muli akong tawagin ni Handler.
"Let say.. I have trust in you.. Sa lahat kasi ng naging kliyente ni Clyde, ikaw lang ang bukod tanging nagtanong tungkol sa kanya, Sa totoo nyan ay dapat mabahala ako.. pero on the other side, alam kong mabuti kang tao." Then he took his way back to sector.
Wala akong ideya kung dapat ko bang ikatuwa ang mga sinabi ni Handler pero.. sana maging maayos ang lahat.
Isa lang ang nasa isip ko ngayon.. Dapat mas maintindihan ko pa si Clyde.
[ Clyde ]
"Ok ka lang ba?"
Yun ang unang tanong na sinalubong sakin ni Laida pagkapasok ko pa lang ng kwarto namin. Alam nya ang magiging paghaharap namin ni Ryan ngayon.
"Ha? ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre-"
"Hindi mo kailangan magsinungaling." lumapit sya akin at pinahid ang pisngi ko. Dun ko lang din napagtanto na may luha dun.
"You're not good in lying, Mismong mga luha mo ang nagsasabi nun.. Now tell me, anong nangyari? Nagkausap na ba kayo?" tanong nyang iginiya ako sa upuan.
"Nakausap na kami at ginawa ko lang ang dapat."
"Hindi kaya pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo?"
"Mas ok na yung ganito. Atleast, hindi ako mag-aalala tungkol sa kaligtasan nya." matigas kong sagot kay Laida. Buo ang loob kong ipagpatuloy ito. Walang atrasan!
Ilang sandali pa ay iniwan ako ni Laida para mapag-isa sa kwarto ayon na din sa kahilingan ko. Siniguro muna nya na ok ako bago sya umalis.
Sa totoo nyan ay Gusto kong kausapin si Ryan kanina tulad nung magkasama pa kami, nung inaalagaan pa nya ako. Pero.. hindi pwede dahil sa sitwasyon namin ngayon. Hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang lahat ng nasa paligid ko. Hindi pwedeng magpadala ako sa nararamdaman ko.
Malaya kong inihilata ang likod ko sa higaan at ipinikit ang mga mata ko.
Kanina nung hinawakan nya ako sa braso ay nakaramdam ako ng panlalambot sa katauhan ko, Parang gustong bumigay nang sistema ko nung mga oras na yun, nung tinawag nya akong BH ay muntik na akong madala dahil ilang beses kong pinangarap na muli nya akong tawagin sa ganung pangalan, tila naman nahati ang puso ko sa ilang milyong beses ng makita ko ang luha nya sa mga mata habang tinititigan ako. Kita ko mula sa mga mata nya ang sakit na naidudulot ko. Nung nakita ko ang mga luha na yun ay Gustong gusto ko na ako mismo ang magpunas sa mga iyon at yakapin sya ng buong higpit. Pero mahirap man sa kalooban ko, kailangan kong maging matigas sa harap nya. pakiramdam ko ay parang gusto kong pagsisihan ang naging desisyon ko. Ngunit alam ko din naman na sa ganitong klase ng buhay ko ay parang ako na mismo ang naghahatid sana kanila sa sarili nilang kapahamakan.
Hindi pwedeng mag pumasok sa buhay namin, Hindi pwede.
[ Ryan ]
"Anong sabi mo???" Nahampas ko ang table ko sa opisina ng buong lakas sa pagkabigla ko tungkol sa mga sinabi ni Mikael.
"Yun ang narinig ko.. Kaya nga tinawagan kita agad." Sagot nya. Hindi pa man kasi ako gaanong nakakalayo sa Sector29 matapos ang muling naming pagkikita ni Clyde ay tinawagan na ako ni Mikael at agad akong pinapapunta dito sa opisina para ibalita sakin ang impormasyong nalaman nya.
Ayon sa balitang nalaman ni Mik ay isang buwan mula ngayon ay ililipat na sa ilalim ng pangalan ni Isabelle ang ari-arian na dapat ibigay sa nag-iisang anak ng Business Tycoon na si Mr. Del Vielo. Maraming tumutol sa bagay na to dahil tulad ko ay may pagdududa din sila sa katauhan ng babaeng yon!
"Hindi pwedeng mangyari yan! ngayon pa na konti na lang at malalaman ko din ang totoo sa kasinungalingan nya?!" Makahulugan kong tinignan ni Mikael na buong pagtataka naman akong tinitigan.
"Oo, Mik.. Malapit na at malalaman na natin ang totoo tungkol sa pagkatao ng Isabelle na yan!"
Agad naman akong nilapitan ni Mik.
"Talaga pare? kung yun naman pala, bakit hindi pa natin sabihin sa Mr. Del Vielo?"
"Hindi pa pwede Mik, Hindi pwedeng magpadalos-dalos tayo.. Hindi madali ang kalaban natin, Hindi sila basta-basta at alam natin yun pareho."
"Ang mahirap nyan Ryan ay kung dumating na ang araw na yun ay baka naman huli na para sa sinasabi mong tamang panahon."
Natigilan ako sa mga sinabi ni Mik, Sa totoo nyan ay natatakot ako para kay Mr. Del Vielo, Hindi ko alam kung kakayanin nya kung malalaman nya ang totoo..
"Mas magandang kumilos na tayo.. Hinding hindi ko mapapayagan na maloko si Mr. Del Vielo, Hindi mangyayari yon hanggat nabubuhay pa ako!"
Third person:
"Konting panahon na lang at maisasakatuparan na natin ang plano ko.." sabay hithit nito ng sigarilyo.
"Wala kang dapat ipag-alala Boss, ako na ang bahala sa lahat. Konting konti na lang.." sabi nito at malademonyong ngumisi.
"Naiinip nako.. kailan mo balak tapusin ang sagabal na si Ryan na yan?"
"Boss, hindi ba napag-usapan na natin na ako na nag bahala sa kanya? Ipaubaya mo nalang sya sakin."
"Alam mong mainitin ang ulo ko, Ayokong maraming iniisip.."
"Alam ko boss.. pero-"
"Wala nang pero-pero.. pag sinabi kong tapusin mo.. Tapusin mo! Naiintindihan mo ba ako?"
Hindi na sya sumagot bagkus ay tumango na lang sya.
Kung hindi dahil sa Del Vielo na yan! Buhay pa sana ang mga magulang nya! Sana ay hindi sya nag-iisa sa buhay at kinailangan ibenta ang kaluluwa sa mga hangal na tao katulad ng kaharap nya ngayon!
Ayaw man nya sa trabahong ito pero wala syang magagawa. Ang taong to ang nagbigay ng pagkakataon sa kanya na makaganti sa taong dahilan ng pagkamatay ng mga magulang nya! Kailangan pagbayaran ito ng taong iyon!
KONTI NA LANG MR. DEL VIELO.. MAGPAPAHINGA KA NA NG HABANG BUHAY SA KAMAY KO!
#Haluuuuu!
Alam ko pong maikli lang yung UD ko.. pasensya na po.. siningit ko lang ulit.. anyway,, malapit na pong matapos ang IMI,, at marami pong salamat sa lahat ng nagbabasa :))
kaikai <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top