Chapter8

[ Clyde ]

Matapos akong makipag-kita sa mga isa sa mga Contacts ko para sa karagdagang impormasyon ay nagpasya na muna akong umuwi sa Sector29 dahil bumalik na naman ang pananakit ng ulo ko. Nasa kwarto lang ako ngayon at hinihintay ang muling pagbabalik ni Laida galing sa isa nyang assignment. Ilang araw din syang nawala katulad ko kaya naman ay medyo namiss ko sya. Ayon sa E-mail nya ay baka abutin sya ng dilim sa daan kaya naman nagdesisyon ako na basahin muna lahat ang mga nakuha kong documents habang hinhintay sya.

Hiindi pa natatagalan ay may kumatok naman sa pinto ng kwarto at iniluwa nito sina Beyond at Death na may dalang fruit salad. My favorite desert!! Agad naman silang kumuha ng kanya-kanyang mga upuan at pumwesto sa likod ko.

"Oh, My God Clydee DEL VIELO ang Assigment mo?" Gulat ni Beyond ng masilip nya ang laptop ko. Binuksan ko kasi ang website ng Del Vielo dahil gusto kong makita ang mga itsura ng mga stock holders pero unfortunately ay puro pangalan lang ang nakalagay dito at gaano kalaking pera ang nasa ilalim ng mga pangalan nila.

"Yup! Related sa kanya yung Assignment ko." pag-amin ko sabay kuha ng isang bowl ng salad at simulang kainin yun.

"Dont tell me, about yan sa biglaang paglitaw ng anak ng matandang Del Vielo?" si Death.

Medyo nagulat ako ng konti kung  paano nila nalaman pero  hindi nadin ako nagtataka dahil isa sa mga responsibilidad namin ay alamin ang mga nangyayari sa paligid namin.

"Yeah.." sagot ko.

"So, yung bruhitang si Isabelle ang target mo? Terminate ba or Investigate lang?" si Beyond.

Hahaaayyy.. si Bey talaga! nasasanay na ata syang laging ganun ang trabaho nya. Ako kasi, kahit alam kong ganito ang trabaho namin ay minsan hindi ko pa rin lubos maisip na sa kamay ko matatapos ang mga buhay ng mga target ko. Kahit labag sa loob mong gawin, kailangan tapusin.

Umiling lang ako at ngumiti sa tanong nya.

"Ayy.. Sayang! Kung Terminate sabihin mo agad sakin. Ako tatapos!" sabi nyang kunway sinuntok ang palad nya. Napatawa naman ako.

"Sya nga pala, Clyde. Kasama ba sa Target mo ang Hunk na Ampon ni Mr. Del Vielo?" kinikilig na tanong sakin ni Death, nakita kong ganun din si Beyond.

"May ampon Ang matandang Del Vielo?" Gulat ko. Wala kasi sa Profile na may ampon pala sya!

"Actually, hindi naman talaga ampon dahil hindi naman talaga sya inampon, pinag-aral lang sya ni Mr. Del Vielo at nung nakatapos na sya sa pag-aaral ay pinili nya na sa kompanya nalang ni Del Vielo magtrabaho bilang kabayaran sa pagkupkop nito sa kanya." Mahabang satsat ni Death.

"Teka- Kilala mo bang yung hot as in super hot na lalaking tinutukoy namin?" Excited na tanong ni Beyond.

"Hindi ko naman sya target kaya bakit ko naman sya pag-aaksayahan ng oras?" sabi kong pinuno ng salad ang bibig ko. Masyado kong namiss ang pagkain nito lalo na sa gabi. pinagbawalan ako ni Handler sa pagkain nito dahil sa sobrang sugar content, baka daw magkaron ako ng Diabetes dahil sa katakawan.

"Really? Then you should really see this.." Pinaalis muna ako ni Death sandali sa harap ng laptop ko at nagsimulang  mag-type ng kung anu-ano.

Wala naman talaga akong pake dun kung sino man yun kaya naman sumubo lang ako ng sumubo ng kinakain ko. Bahala sila sa "Hot" guy nila! mga babaeng to talaga! puro lalaki ang iniisip!

"There you go!" malakas na sabi ni Death na naging dahilan naman kung bakit napatili si Beyond ng napakalakas.

"Kyaaaaaaaahh! Ang hot nya talaga!" tili ni Beyond na nuoy nakita ko pang humarap sa monitor at tila hinahalikan ang screen.

"Bey, Lagot ka sakin pag nangamoy laway yang monitor ko." saway kong patuloy pa din sa pagkain.

I rolled my eyes Dahil sa kalandian nitong dalawa kong kasama! Minsan ang sarap talagang balatan ang singit sa kaingayan! Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy ako nalang ako sa pagkain.

"Wala kaba talagang plano Tignan to? Promise dika magsisisi!" paghahamon ni Death.

"Ang yummy kaya! magsisisi ka kung hindi mo makikita yung perfect abs nya oh,my gosh!" patiling sabi ni Beyond.

minsan talaga hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa mga isip nitong dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin at hindi nalang talaga ako nagsayang ng oras para tignan pa yun mga yun.

Ryan's Abs is Perfect for me! bulong ko sa sarili ko.

hehe..

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at pagsaksak ng salad sa bibig ko at nagpatuloy naman sila sa ginagawa nilang milagro sa laptop ko.

"Alam mo Clyde nung umulan ng pagka-KJ lahat sinalo mo!" si Death na nakatutok pa din sa monitor. "Tsk! Sayang talaga ang abs!" sundot pa nya.

Naiirita na talaga ako sa kanina pang pagpaparinig nung dalawa sakin.

"Alam nyo, hind ako interesado sa mga ganyang bagay kasi gugulo lang yan sa sistema ko! mabuti pa.." Tumayo ako at pinatayo ko na din sila sa harapan ng laptop ko at iginiya sila papuntang pintuan. "Matulog na kayo kesa naman sa pagpantasyahan nyo yung abs nung lalaking yon! panigurado.. May may-ari na nun!" Hindi ko na sila hinintay na makapag-react at sinara ko nalang ang pinto. Narinig ko pang nagsalita si Bey sa ;abas.

"Basta, Hot sya!" sigaw nito. Napatawa nalang ako at ini-lock ang pinto. Bago pa man ako bumalik sa harapan ng computer ay kinuha ko muna yung salad na kanina ko pa nilalantakan. Kanina pa sana ako tapos sa binabasa ko kung hindi lang dumating yung dalawang magandang impakta.

 pag-on ko nang monitor ay naibuga ko naman ang laman ng bibig ko sa picture na nag-appear sa monitor ko.

"Si- si- Ryan?" halos hindi ko makapaniwalang sabi.

Naka-display sa monitor ko ang topless nyang picture. Nakasuot din sya ng faded jeans at mala stolen shot ang dating ng image.

Halos mapa-nganga naman ako sa nakikita ko.

"Ohhh..myy.. ang hot nga!" nasabi ko ng wala sa oras habang hinahagod ng mata ko ang kabuuan ng litrato nya. Para syang model sa larawan na to! nagbukas pa ulit ako ng iba pa nyangs picture at tulad pa din ng inaasahan ay kapwa hot ang dating ng pictures nya. Ano ba siya? Artista at ganito kadami ang pictures nya sa internet?! Naloka ako kakabukas ng samut-saring mga larawan at kulang na lang ay tumulo ang laway ko dito.

Bago ko pa man siguro ako tuluyang maloka sa mga pictures nya ay sinara ko na ang mga site na pinagbubuksan nila Death.

Pero syempre, nag download ako ng isa! :))

[ Ryan ]

Tulad pa din nung mga nagdaang gabi ay hindi ko na naman mahuli ang tulog ko. Malakas talaga ang pakiramdam ko na si Clyde yung nakita ni Lia kanina.

Aaaahh.. bwisit! Alam kong nakita nya yung ginawang paghalik sakin ni Lia.. Masama tuloy ang kutob ko, hindi kaya pasukin nalang ako ni BH dito tas tutukan ulit ako ng baril?

Haizt! nakakaasar talaga! sa dinami dami naman kasi ng pagkakataon na pwedeng makita nya ako ay talagang sa mismong pagkakataon nadin na yun!

Dahil sa Hindi naman talaga ako makatulog ay binuksan ko nalang ang laptop ko. I Checked my E-mails at halos lahat ay related sa trabaho. Then Napansin ko din na may Email din sa akin si Mikael. Bigla kong naalala na bukas na pala ang araw ng pakikipag meet up ko sa investigator na naka-asign sa pinapatrabaho ko.  Medyo natagalan ata ang investigation dahil sinabi ko din na hindi ko naman yun masyadong minamadali dahil kailangan ko ang sigurado at kumpletong detalye.

Teka- anu nga ulit ang pangalan nya? Clyde ata yun.. sa kanya pala ako makikipag kita bukas. Haayy.. Kailangan ko na naman pa lang bumalik sa nakakatakot na lugar na yun. Makakasama ko na naman yung mga guard na nakakatakot ang itsura.

Nagpasya akong bumalik na sa higaan para naman makagising ako ng maaga. Sa Sector29 kasi dapat daw palaging ontime ang dating. Medyo bumilib din ako sa facilities nila at sa discipline ng mga nasa loob.  totoo ngang maganda ang hinahawakang reputasyong ng ahensyang iyon, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming nagpapatrabaho sa kanila dahil na din sa kalidad ng mga impormasyon at trabaho nila.

*****

As expected ay napaaga nga ako ng dating dito sa Sector29. Napaaga ako ng 15minutes kaya naman medyo naghintay pa ako ng konti sa lobby nila at dun ay hinatiran naman ako ng kape ng isa sa mga tauhan na nandun. Expected ko na sexy ang maghahtid sakin ng kape pero tuald ng kape ko ay isa ding barako.

Maya-maya pa nga ay dumating na yung dati kong nakausap. Si Handler kung tawagin nila. Kalbo padin sya. Okey, masyadong maaga para mapansin ko ang ulo nya.

"I hope magkakaron kayo ng magandang usapan ni Clyde, Mr. Trevelian." pagbabasag ni Handler sa katahimikan while naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng Sector.

"Sana nga.. Anyway, siguro ay magiging sandali lang ang pag-uusap namin, alam ko naman na masyadong abala ang mga agents mo." pormal kong sinabi. " hindi naman siguro sya yung tipong nanunutok ng baril once na uminit ang ulo diba?" pabibiro ko. Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita ni BH ko. Ganun na ganun ang nangyari. 

Napatawa ng bahagya si Handler. "Hindi naman mahirap kausapin si Clyde so, hindi kailangan ng effort to please her."

"Aahhh.. Mabuti naman kung ganun. May kakilala kasi akong ganun ang ginawa sakin." dagdag ko.

"AAhh.. She must be a tough lady.. bihira sa mga babae ang marunong gumagamit ng baril." He said na pinagbuksan ako ng pinto, nakarating na kami sa dating room na pinaghintayan ko sa kanya. "Pero dito sa Sector29 Mr. Trevelian.. Ginagawang laruan lang ng mga babae dito ang mga baril." 

Naisip ko lang, kung lahat siguro ng mga babae ay tulad ng mga babae dito sa sector, Wala na sigurong lalakeng mangangaliwa or magtu-twotime.

"Anyway Mr. Trevelian.. Clyde is on her way here. maiwan muna kita." Lalabas na sana si Handler ng pintuan ng muli ko syang tawagin.

"Uhhmm.. Yung Clyde ba, Palagi ba syang may dalang baril kahit nakikipag usap sa kliyente?" Curious kong tanong.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay ngumiti lang ito at tuluyan na ngang isinara ang pinto.

Sh*t paniguradong pagpapawisan na naman ako ng malamig nito!

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay hindi na ako mapakali. Tayo-lakad ang ginagawa ko.  ilang beses ko na din naluwagan yung necktie ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Samut-saring mga tanong ang pumuputakte sa isip ko ngaun, tulad ng

'Anong itsura nya?'

'ilang tao na ang napatay nya?'

'Sa paanong paraan ko sya kakausapin?'

'Mainitin kaya ang ulo nya?' Yung mga ganung bagay.

Maya-maya pa nga ay may narinig na akong mga yapak mula sa labas na papalapit sa kinaroroonan ko.

*Gulp* F*ck! Heto na sya.. Agad naman akong bumalik sa kina-uupuan ko at inayos na din ang maluwag kong necktie. Sh*t talaga! ayoko ng pakiramdam nato! mabigat na nga ang pakiramdam papunta dito pati ba naman pakikipag-usap sa taong to pahirapan pa din?

Pinilti kong mag-relax kahit alam kong hindi madali lalo na sa ganitong pagkakataon. Kung hindi sana ako na-trauma kay BH ay hindi naman ako ganito magiging ka-nerbyoso.

seryoso akong nakatitig sa doorknob. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa horror movie na naghihintay na may magbukas ng pinto habang nakatago ang biktima sa lumang aparador.

Ilang sandali pa nga ay nakita kong pumihit ang doorknob.

okay Ryan.. Hiindi ka naman takot, nerbyoso ka lang!  pagpapaalala ko sa sarili ko. Konti na lang parang gusto ko nang yakapin ang unan na nasa sofa na sinasandalan ko.

Naghintay pa ako ng konti pang sandali at hindi pa rin ito nagbubukas.

Bwisit! kailangan thrill talaga? halos mamatay matay na ako sa nerbyos dito aahh??!!

Then maya-maya pa nga ay nagbukas na nga ang pinto ay iniluwa ang isang babae na sobra sa inaasahan ko.

itutuloy..

 

#Alam ko pong matagal ang pag-UD at alam kong maikli lang.. pero ok na yun kesa sa wala diba? heheh.. busy lang po talaga and medyo nakalugar kasi wala akong trabaho ngayon.. Forceleave po ang tuliling nyong Author kaya naman nagkaron ng pagkakataon na matapos ko ang chapter nato..

Anyway.. maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa..

Godbless sa ating lahat!!

 

-kaikai

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top