Chapter4
Ilang oras na ang nakakalipas simula nung Dumating si Chin sa Condo ko. Siya yung tinawagan ko kanina, She's a Doctor and one of the closest friend of mine. Siya ang kauna-unahang pumasok sa isip ko kanina para mahingan ng tulong. And as fast as lightning, dumating sya Dito with her medical stuffs. Na-shock sya pagdating niya dahil hindi nya siguro inaasahan na magdadala ako ng babae sa Condo ko at sa ganun pang sitwasyon at sa ganung oras. I just gave her my I'LL-EXPLAIN-LATER look.
Nasa Sala lang ako ngayon, palakad-lakad. hindi mapakali... Pinalabas ako ni Chin kanina dahil kailangan nyang bihisan yung maganda kong Hero, Hindi ko kasi alam ang pangalan nya kaya yun muna ang itatawag ko sa kanya.. After Almost a couple of hours ay lumabas din si Chin at sinalubong ko siyang hindi màpakali.
"How's She? She'll be alright right? How about her fever? bumaba na ba?" Sunod-sunod kong tanong. Di kasi ako mapakali kanina pa at kung pwede nga lang na makapasok ako kanina para ma-check siya ay kanina ko pa ginawa. Pero, alam kong alam ni Chin ang ginagawa nya.
"Woah..Woah.. Calm down Ryan, isa-isa lang okay? pagod ang kalaban." Sagot nya sa aking winawasiwas ang kamay nya. "Para ka namang boyfriend kung makatanong." She added with her Teasing smile.
Para tuloy akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig sa last nyang sinabi. Oo, nga naman. Parang Tanga lang. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. "So, kamusta na sya?"
"Before i answer your Questions, Let me ask you first." Humarap sya sakin at seryoso akong tinignan. When it comes to me kasi, O.A kung makapag-react si Chin, We're actually bestfriend. Oo. May bestfriend ako at Oo, babae siya! Siya lang ang nag-iisang mapagkakatiwalaan ko sa lahat aside from Mikael.
"Who's that Girl?" taas kilay nyang panimula.
"Bisita ko." Walang pagdadalawang isip kong sagot, it's true then. Nakita kong Mas lalong tumaas ang kilay nya at alam kong hindi nya yun pinapaniwalaan. Bahala siya!
"What happend to her?" -Chin
"She was shot-"
"Shot??" Napasinghap siya.
I nodded.
"But Why?" naguguluhan nyang tanong.
Kahit sagutin ko pa sya at kahit ikwento ko ang mga nangyari kanina ay hindi ko rin mahagilap ang sagot kung bakit. Ang alam ko lang ay Dumating sya sa Resthouse ko at the next thing i knew is nakadapa na ko at pinapaulanan na kami ng bala and.. And She saved my life. Yun lang. Gustuhin ko man sabihin kay Chin lahat pero, i think, hindi pa ito ang tamang oras.. Hindi pa rin ako handa magkwento kasi medyo na-trauma pa din ako sa bilis ng mga pangyayari.
"I cant tell you right now Chin.. Masyadong maraming nangyari and i just cant right now."
Hindi ang Tipo ni Chin ang namimilit pag may gusto malaman. Kaya naman alam kong naiintindihan nya na hindi ko pa muna masi-share sa kanya ang nangyari.
Ilang sandali matapos nya akong mabigyan ng instruction sa gagawin kong pag-aalaga kay Ms. BH (Beautiful Hero) ay nagpaalam na si Chin at sinabihan lang akong tumawag basta mangailangan ulit ako ng tulong.
Nag-decide muna akong magluto since hindi pa din naman sya nagigising ng sa ganun naman kung magising sya ay may maihahanda akong pagkain.
After the food preparation ay naligo muna ako at nagpahinga saglit. Pero, ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin sya nagkakaron ng malay. Medyo lumalamig na din ata ang inihanda kong pagkain para sa kanya. Nagpasya muna akong manood ng TV, pampalipas oras habang hinihintay syang magising, Nakailang lipat ako ng channel at kahit anong ganda ng palabas ay hindi ko parin ma-focus ang pag-iisip ko sa pinapanood ko, dahil mayat-maya sumusulyap ako sa pinto ng kwarto kung saan sya nagpapahinga, pero ilang saglit pa ay nakaramdam din ako ng pagkabagot kaya naman at pinatay ko din ito agad. Katulad ng Scene kanina ay nagpabalik-balik ulit ako sa paglalakad sa loob ng Condo ko, paikot-ikot. Hindi ko na napansin ang paglipas ng oras maliban sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harapan ng kwarto ko kung san dun natutulog si Ms. BH ko.
BH ko? Pakshet! ano ba tong pinagsasabi ko?!
Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa doorknob, pero bakit parang nanlalamig ang mga kamay ko sa pagkakahawak non? Bakit parang nahihirapan akong pumasok sa sarili kong kwarto?
P*tcha naman! Ano to lokohan?
Ilang sandali pa ay nagkaron din ako ng lakas ng loob na buksan yon!
Next time, magpapalit na ako ng pinto! :))
And there she is, mahimbing na natutulog. She looks more peaceful right now compare kanina sa kotse. Hindi na din siya mukhang namumutla. Thank God! Na-relieve na ako! Mas nagkaron ako ng pagkakataon na matitigan sya ngayon ng husto not unlike kanina at ngayon ay kitang-kita ko na ang mukha nya.. god! She got an Angelic face, napaka-amo ng mukha nya na malayo sa kilos, sa pananalita at sa tingin nya kanina. Howcome na nagawa nya ang lahat ng yon? hanggang ngayon ay puno pa din ng pagtatanong ang isip ko. Mga tanong na kailangan ng kasagutan, like: Sino ba talaga siya? Ano ang pangalan nya? San siya galing? May koneksyon ba sya sa mga lalaki kanina? Lahat ng yon.
Marahan akong umupo ng gilid ng hinihigaan nya habang abala pa din ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya... Ang sarap nyang pagmasdan. Hindi sya nakakasawang titigan and hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaron ng pakiramdam na ayaw ko syang mawala sa paningin ko.
P*tcha! bakla na kung bakla pero para akong babaeng kinikilig everytime na naaalala ko yung pagliligtas nya sa buhay ko. Yung mga mata nyang para kang hinihila papalapit sa kanya? And then, i just found myself, caressing her short hair na medyo basa pa.. How could an angel like her can do such thing? Nalilito pa din ako. Akala ko nga sa mga pelikula ko lang makikita ang mga eksenang ganun, pero nasaksihan ko yon mismo with her at kahit muntikan pang malagay sa alanganin ang buhay ko ay hindi ko iyon pagsisihan. Never!
Maya-maya pa ay narinig ko ang mahina nyang pag-ungol. Agad akong tumayo mula sa kina-uupuan ko at pinagmasdan lang sya. Then. Slowly, Idinilat nya ang mga mata nya. She looked at me and i just smiled in return. Inikot nya ang paningin nya sa buong kabahayan at tinignan akong muli. Then, bigla-bigla na lang ay bumangon ito at agad dinampot ang baril nya na nasa bedside table lang, kinasa nya iyon at muli na naman nyang itinutok sa akin, Pero, this time.. Wala na akong nararamdamang takot. Pero iisipin ko pa lang na nakatutok yung baril nya sakin na ginamit nya para patumbahin ang mga lalaking yon kanina ay parang gusto ko ng maihi sa kaba,
"Where am i?" Tanong nyang nanlilisik ang tingin.
Hindi na ako nabigla sa ginawa nyang iyon, pero kailangan ko pa ding maging maingat dahil alam ko naman na anytime, She could kill me. Tinaas ko nalang ang magkabila kong kamay, mahirap na! Letse! basa na ata ang pantalon ko, first time kong nakaramdam ng takot sa isang babae! footragis! sinong hindi matatakot kung ganitong babae ang kaharap mo? Kahit gaano kaamong mukha pa!
"You're at my Condo" -ako
"Anong nangyari sakin?"
"Nawalan kanang malay kanina sa kotse, I Really want to bring you to the Hospital kaso before you passed out because of fever ay sinabi mong wag kitang dalhin dun." I Explained. Nakita ko namang tumango sya at marahan nyang ibinaba ang baril nya, Salamat naman!
"Pwede ko ng ibaba itong kamay ko? medyo nakakangawit na kasi.. Pwede?" tanong kong pataas-baba pa ng kilay ko. Letsugas! nagagawa ko pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon!
She nodded. Umupo naman ako sa couch na malapit lang sa pwesto nya.
"Im sorry.." Mahina nyang sinabi.
"Ok lang!" sagot ko namang pakamot-kamot sa ulo ko. Letse! para akong bata sa kinikilos ko!
Ilang sandali pa ay aakmang tatayo sya kaya naman ay agad din akong tumayo para alalayan sya. Pinatong ko ang kaliwang kamay nya sa balikat ko at naka-suporta naman ako sa bewang nya. Mula sa Peripheral Vision ko ay nakita kong napatingin sya sakin.
Kinikilig ako Letse! nababakla ako!
Diniretso ko na sya sa Dining area para lang din mapakain sya. Alam kong kailangan nya yon para mabawi ang lakas nya. Buti na lang pala at naisipan kong magluto.
****
"Ikaw nagluto?" Hindi nya makapaniwalang tinitigan ako matapos kong ihanda ang kakainin namin.
"Oo, palagay mo sakin?" sabi kong tinapik pa ang dibdib ko, nakita kong bahagya siyang ngumiti at ewan ko ba kung bakit kahit sandali lang ang ngiti nyang yon ay gusto ko muli iyon makita. Sa way ng pag-uusap namin ngayon ay parang matagal na kaming magkakilala. I dont know anything about her pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, Regardless sa pagligtas niya sa buhay ko.
"Sa itsura mo kasi parang itlog lang ang kaya mong lutuin.." Saka siya tumawa. Kanina pa kami nagkukwentuhan hanggang sa napunta ang usapan namin sa pagluluto ko.
Pero mas bumilis yata ang pag-tibok ng puso ko ng marinig ko syang tumatawa. god! nakaka-addict sya!
"Anong nakakatawa?" poker face.
"Nothing! i just cant imagine na ang lalaki? nagluluto? ng Staek?" tawa pa din sya ng tawa.
Anak ng! sa Macho kong to at sa Gwapong kong to? itlog lang ang kayang lutuin?
"Shutt up! marunong ako ng kahit anong putahe! Just name it and i'll cook it!" pagyayabang ko. SA totoo lang tatlong puntahe lang naman talaga ang kaya kong lutuin eh! Adobo, Staek at pinakbet.. hihihi..
Walang angal ok? ako nagluluto kaya walang epal! hmp!
Nagsimula na kaming kumain at kita ko sa expression nya na sarap na sarap sya sa niluto ko.
Buti na lang pala at naitabi ko ang cook book ko. Nakalimutan ko na kasi ang procedure kung paano yon lutuin, Buti na lang at may pagka-masinop ako sa gamit ko.
"Masarap ba?" taas-baba ng kilay kong tanong sa kanya habang nakapangalumbaba naman at tinititigan lang sya. Mas nauna kasi akong matapos kumain. Konti lang naman ang LAMON ko, isang bandehado lang kaya saglit lang. AHAHAH :))
"It tastes..."
Para batang nilapit ko ang mukha ko sa kanya habang hinihintay ang susunod nyang isasagot. Subukan lang nyang sabihing nakakasuka ang lasa at magrereklamo agad ako sa Author ng Cook book na yan!
"It tastes... Good!" pagpapatuloy nya, Para naman akong batang napa-YES! sa harapan nya. Ilang sandali pa ay naalala kong dapat ko pa palang itanong ang pangalan nya. Nakalimutan ko kasing itanong kanina, masyado kasi ako naging-busy sa pagkakatingin sa kanya habang kumakain.
"By the way.. " I started at tumingin siya sakin na parang bata.
Crap! pigilan niyo ko! mahahalikan ko to!
"Hmm??" nakatingin padin siya sakin.
"Ano nga palang pangalan mo?" alam kong walang sinseridad sa pagtatanong ko dahil sa expression ng mukha ko. Ewan ko! hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi mapa-ngiti habang tinitignan siya. Bigla naman siyang nasamid after sa pagtatanong ko, kaya naman ay dali-dali akong kumuha ng tubig at inabot sa kanya yun.
"Are you ok BH ko?" pagtatanong ko habang medyo tinatapik ang likod nya. Medyo nauubo pa din siya. Pero matapos kong tanungin yon ay nakitakong nagsalubong ang kilay nya at tinignan nya ako.
"BH?" -siya
Napangiti lang ako ng malapad at bumalik na sa upuan ko matapos kung ma-sure na ok na siya.
"BH! Beautiful Hero!" I answered.
Napatawa naman siya sa sinabi ko.
Wala namang masama diba?? Diba??
"Dami mong alam!" sabi nya at ipinagpatuloy na ang pagkain.
I love staring at her. I love being with her at ewan ko kung anung meron siya at nagkakaganito ako. Simula kagabi ay naramdaman ko na to at diko ma-explain.
*****
Ilang araw na ang nakakalipas simula nung dumating sa buhay ko si BH.. Yeah! nandito padin siya dahil hindi ko hinayaan na umalis siya hanggat hindi pa bumubuti ang lagay nya. Kita ko yon the way sya kumilos at alam kong hindi parin sya talagang nakakabawi sa lakas niya. May time pa nga ng dahil sa gusto nyang umalis ay humarang ako sa pinto at dahil dun ay tinutukan nya ako ng baril. Actually, wala naman akong pakialam kung iputok man nya yun, ang importante sakin ay bago pa man siya umalis dito ay magaling na talaga siya. Up until now din ay hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Hindi ko nalang pinagpilitan na alamin pa. Alam ko naman kasi na ayaw niya din yun sabihin dahil sa twing itatanong ko sa kanya yun ay nililiko nya ang usapan. Ramdam ko yon umpisa pa lang. Kung bakit ayaw nyang malaman ko ang pangalan nya? Hindi ko alam. Pero kung anu man ang dahilan sa likod nun ay buong puso kong igagalang.
Sa totoo lang talaga, ayoko talaga siyang umalis at hindi ko alam kung bakit. Sa ilang araw naming magkasama ay para bang mas gusto ko pa siyang makilala ng husto. Nalilito nadin ako sa sarili ko kung anung kahangalan ang nangyayari sakin. Isang beses ko pa lang naramdaman ito sa isang babae at matagal na yun na panahon. Yung babaeng yon matagal na siyang nawala. Bigla lang nawala at wala na akong naging balita sa kanya since then. Parehas kay BH, sa komplikadong sitwasyon din kami nagkakilala. Ilang beses kong inuulit-ulit na tinatanong sa sarili ko kung ano ba ang wala ako at bigla na lang siya umalis na walang pasabi. Alam ko naman na hindi ako nagkulang.
She left nung panahon din sana na magpo-propose ako sa kanya. Magkikita sana kami nun sa Lugar kung san namin madalas pinupuntahan, pinaghandaan ko talaga ang araw na yon. Pero, ilang oras ang lumipas ay hindi pa siya dumating. I tried to call her pero hindi na ma-Contact. Then, sa sobrang panlulumo ay napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada and from there, may lumapit sa aking bata and he handed me a piece of paper, pinabibigay daw yun ng isang babae. Then, As I Read the letter, dun ko lang nalaman na sa kanya pala galing ang sulat. Saying na She cant do it at hindi nya daw ako mahal, at kailangan ko na daw mag move on!
p*tcha lang! parang ang daling gawin ng gusto nya! Kung alam lang nya ang nararamdaman ko nung oras na iyon! First time kong nagmahal ng todo at yun lang ang nangyari. Since nun, pinilit ko ang sarili ko na kalimutan ang lahat ng ginawa nya sakin at nag focus na lang ako sa trabaho ko.
And now, BH came.
Nasa sofa lang ako, nakaupo while watching her from the Veranda. Napaka-ganda nya talaga kahit pagbali-baliktarin man ang mundo.
Everytime na tititigan ko sya ay parang may nagda-drums sa dibdib ko. Pakiramdam na parang tumitigil ang oras kapag tumitingin ako sa kanya. The way na hinahawi ng hangin ang buhok nya. The way she speak.. How she smile. How she gaze at me. How she laugh. The way she walk. Her amazing body. Nakaka-addict ang lahat ng yun! I dont even know kung anu ang pwede kong gawin para lang manatili siya dito. Manatili siya sa buhay ko.
Hindi ko alam!
Naglakad ako papalapit sa kanya. Unti-unti.. at ng makalapit na ako sa kanya ay niyakap ko siya mula sa likod. Nanlaban siya saglit pero mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Let me hug you for a moment.. kahit ngayon lang.." sabi ko.
after I Utter those words ay hindi ko na naramdaman ang pagtutol nya sa ginawa ko.
God! I think im falling for this girl.. sooo hard! sooo Damn Hard..
I have to reminisce this moment. Ayokong sayangin ang pagkakataong ito. Gusto ko lang mayakap siya. I want to let her know na Andito lang ako sa tabi nya. Na hindi ko siya iiwan kahit maging kalaban man niya ang buong mundo. Gusto kong maramdaman nya na may tao pa din na handang humarap kay kamatayan para lang maipagtanggol siya...
-
-
-
-
-
Kahit gamit pa ay isang maliit na TASA!
Teka! Author, TASA talaga? Wala na bang iba? Martilyo or Lagare, OK na!
Ganda na kasi ng moment eh! Na.insert ko pa tuloy ang Pesteng TASA na yan!
Ilang sandali kaming tahimik na ganun ang posisyon. Then All of a sudden.. SHE HUGGED BACK.
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top