chapter10



[ Clyde ]

Napaaga pa sa inaasahan naming petsa ang pagpapakilala kay Isabelle, at sa totoo niyan ay hindi ko alam kung magiging preparado nga ako ng buo dahil umaandar na naman ang sakit ng ulo ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Pero, hindi dahilan ang sakit para hindi ito magtagumpay.

"Clyde, natanggap mo na ba yung blue print?" Salubong sa akin ni Handler pagkapasok niya ng Training room.   Tumango lang ako ng hindi sya tinitignan.
Dala-dala niya ang mga hiningi kong kagamitan kagabi. Dalawang maliit na bag yon.
Dito na ako nagplano sa training room dahil mas tahimik dito. Madalas ako dito lalo na kung maselan ang trabaho ko.

"Sigurado ka na talaga sa gusto mong gawin?" Parang nag-aalangan pa na tanong sakin ni Handler. Para naman syang hindi sanay na ganito talaga ang ginagawa namin. Madalas nga mas malala pa sa pagpasok sa bahay ang ginagawa ko.

Walang buhay akong bumaling sa kanya. "Hindi ko alam kung nag-aalala ka or Nauutot ka lang.."

Napakamot naman sya sa makintab nyang ulo ng wala sa oras.
"Clyde, this is too dangerous.. papasukin mo ang bahay ng halos lahat- I mean Lahat ng sulok ay puro CCTV.."

"Handler, hindi ba mas nakakatakot  ang pumasok sa building na puno ng Invisible laser na pwedeng humiwa  sa katawan mo bago mo pa malaman?"  Pagpapaalala ko sa kanya ng isa sa mga trinabaho ko nuon.

Umiling-iling lang ito. Kalbo talaga.

"Hindi ko lang talaga feel ang gabing ito, Clyde. Ewan ko. Mag-ingat ka lang."

"Dont think of it too much, baka mas lalong kumintab pa ulo mo, nakakasilaw na." pagbibiro ko.

"Isa pa, Kayang kaya na namin to." sabay tapik ko sa balikat niya.

"Kami?" tanong nyang agad na nagdugtong ang kilay.

"You heard it right, sasama kami."
Sabay kaming napalingon ni Handler sa Gawing pintuan at naroon na nga ang tatlo, bitbit ang kani-kanilang mga armas.

Litong napalingon naman sakin si Handler.

"Alam kong Maselan ang trabahong ito dahil anytime pwedeng mabulilyaso kaya humingi ako ng pabor sa kanila. Ayokong masira ang reputasyon ng Sector dahil lang sa kapabayaan ko."

Alam kong naiintindihan ni Handler kaya naman ngiti lang at tango ang isinagot sa amin saka nagmartsa papalabas ng training room.

Matapos makalabas si Handler ay para naman kaming mga tanga na nagpalit-palitan ng mga ngiti. Alam kong may kanya-kanya silang assigment pero mas pinili nila na tulungan ako at hindi man lang sila nagdalawang isip na pumayag.
I really love this Girls. Pamilya nga kami.

"So, planuhin na natin?" suhestyon ni Laida na nakangisi.

Tumango lang ako at iginiya sila sa table kung saan naroon ang lahat ng plano.



[ Ryan ]


Kanina pa ako hindi mapakali. Dapat relax na ako ngayon dahil alam kong ilang sandali na lang ay matatapos na ang pagkukunwari ni Isabelle. Pero, hindi ko maiwasan mabahala lalo na at alam kong si Clyde ang humahawak ng plano. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil matatapos na ang lahat or mag-aalala ako para kay Clyde.
Alam kong bihasa na sya sa ganitong trabaho. Pero, Aaaarg! babae kasi sya!

Naputol ang pag-iisip ko ng may bumangga sakin mula sa likod.

"Sorry Sir, Sorry po.." pagpapaumanhin ng isang staff dito.

"Okay lang.." agad kong ganti.

"Sorry po talaga Sir." patuloy nito sa pag-sorry, matapos kong masigurado sa kanya na Okay lang ay nagpaalam na ito. Hindi na muli ako nakapag-isip ng dumating si Mik.

"Pare, okay ka lang?" tanong nito sakin. Alam kong alam niya kung anong nararamdaman ko. Alam niya din kung anong mangyayari ngayong gabi.

"Hindi ka dapat kabahan dahil si Clyde mo ang tatrabaho.."

"Kaya nga ako ganito dahil alam kong sya ang gagawa."  Maagap kong sagot.

"Try to relax Ryan, wag' kang magpahalata na kulang nalang pati tumbong mo sumabog dyan. Chillax!" suhestyon nito.

"Sinong hindi mag-aalala? For pete's sake Mik, Sinong Matinong lalaki ang gusto mapahamak ang babaeng Mahal niya?!"  irita kong baling sa kanya.

"Tssss... forever nga naman." nasa tono niya ang pang-aalaska.

Hindi ko na sya pinansin at inabala ko nalang ang sarili ko sa pamamasid sa paligid.
Still, no signs of Clyde. Napamura ako dahil hindi ko man lang maramdaman na nandito sya.

Asan na  nga ba sya?



[ Clyde ]


"Yeeeeeeee! kinilig ako dun." impit na tili na Beyond sa mula sa maliit ng Microchip na nasa tenga ko papasok pa kasi sya ng Mansion.

"Shut up Bey, just concentrate." wika kong hindi maiwasang mapangiti.

Narinig kasi namin ang usapan nila ni Mik na kaibigan niya.

"Pasalamat ka, pumayag akong dito moko ilagay sa baba at nakita ko agad prince charming mo!" Si Death naman na nakita kong inilapag ang tray na dala-dala niya mula dito sa taas. Yep, sya yung bumunggo kay Ryan para mailagay nito ang MicroCam sa likod nito ng hindi namamalayan.

"Good work Death.. thank you!" sabi ko. Sinadya kong ipalagay iyon sa likod nya para narin sa seguridad niya.  Hindi kasi ako makakapag-isip ng maayos kung hindi ko sya. mamomonitor.

"Geez Clyde. Ginusto ko din yun, ang sarap kayang madikit sa likod ng pinaka-Hot na lalaking nakilala ko, Ampogi ng lintek! -Kaso nga lang, may nagmamay-ari na sa kanya.." Sa huli nitong sinabi ay tila nai-imagine kong Nakangisi ito at binibigyan ako ng mapang-asar ng tingin.

"So, dont go near him again kung hindi makakatikim ka kay Clyde, Haha!" saad naman ni Laida na nasa First floor ng bahay at nagsisilbing katulong.

"Im in!" sabay naming narinig mula kay Beyond na sa wakas nakapasok na sa 3rd floor ng Mansion.

"Standby Ladies.. ako naman ang papasok."  Sabi kong tinanggal ang wire harness na nasa bewang ko. Agad ko namang isinuksok ang dalawang baril sa bewang ko at Sampung magasin sa gilid ng boots ko. Buti na lang at maingay ang tugtog sa ibaba  at abala ang lahat kaya naman hindi nila napansin ang pagpasok ko gamit ang parachute.

Hindi naging madali ang pagpasok ko dahil nasa ibabaw pa lang ay may Mga laser na na nagkalat, buti lang at flexible ako kaya naman nalagpasan ko iyon ng walang kahirap-hirap. Pagdating ko sa 5th floor ng Mansion ay nagkalat nga ang mga CCTV na ayon din sa blue print. Maingat akong naglakad kahit alam kong puro empty guest rooms lang ang nandito. Paliko na sana ako para makababa ng 4th floor ng may mahagip  ang aking mga mata. Napahinto ako sa pwesto ko at tinitigan ang nakita ko. Painting ito ng isang babae na may kalong-kalong na isa ding batang babae na nasa edad 2-4. Hinagod ko muna ng tingin ang kabuuan nito dahil parang naramdaman ko ang saya nilang mag-ina habang ipinipinta sila. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Longing for a family siguro.

Pipihit na sana ako paalis ng Mapansin ko ang tila itim na kung anong linya na nasa ankle part ng batang babae. Akala ko ay alikabok lamang ito kaya naman ay sinubukan kong taggalin iyon. Ngunit napaatras na lang ako ng mapagtantong hindi lamang iyon isang simpleng alikabok. Isa itong linya ng mga unknown characters na parehas na nasa akin.

Bakit meron sya non?

"Clyde, still there?"

Bakit meron sya non? bakit parehas kami? Bakit?

"Clyde.. ano na? andyan ka pa ba?" 
naputol ang mga nasa isipan ko ng marinig ko ang boses Laida sa kabilang linya. Naalala ko kanina pa pala nya ako tinatawag.

"Ye-yeah... andito ako." walang kabuhay-buhay kong sagot na nakatitig pa din sa painting.

"Asan ka na ba? Malapit ng lumabas si Isabelle.." dugtong niya.

"Pababa na.." Marami mang katanungan ang bumaha sa isip ko Ngunit hindi pwedeng daigin ako nito. Dali-dali kong inayos ang sarili ko at dumiresto sa pinagplanuhan.



[ Ryan ]


Ilang beses kong kinontak si Uncle dahil ilang minuto na lang ay sisimulan na ang pagtitipon, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya naman napag-pasyahan kong akyatin sya sa 3rd floor.

Matapos ang ilang katok ko ay sumagot naman si Uncle. Pagpasok ko ay ang nanlulumo nyang ekspresyon ang bumugad sakin

"What happened?" nilapitan ko sya at inalalayan maupo.

Hindi  sya sumagot, Sa halip ay inabot niya sakin ang isang malaking brown envelope.

Hindi na din ako nagtanong at binuksan na lang iyon at binasa na lang ang nilalaman nuon. Habang binabasa ko ang kabuuan nuon at nagsalita naman si Uncle.

"I want to apologize for not believing you... I know i made things complicated. Im sorry son." mahinahon nyang sabi.

"Kailan mo isinagawa ang DNA, Uncle?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang binubuklat ang isang papel kung saan naroon ang DNA results ni Isabelle.

"Simula pa lang." sagot niya.

kunot noo ko syang tinignan. Sa natatandaan ko kasi ay Todo ang pagtanggi niya nuon pa man. Kaya nga laking gulat ko ng makakita ako ng DNA results.

"Bakit ipinagpatuloy mo pa rin Uncle kahit alam mong niloloko ka lang ng babaeng yon?" Sagad sa buto ang galit nararamdaman ko para sa taong iyon.

"Gusto kong sya mismo ang umamin sa akin na nagpapanggap lang sya. Gusto kong bigyan sya ng pagkakataon para makapag-bagong buhay... pero-" naiiyak itong napayuko.

Kaya nga hindi ko kayang lokohin na lang ng basta-basta si Uncle. Masyadong malambot ang puso nito sa ibang tao kahit pa alam niyang may ginagawa itong hindi maganda sa likod niya.

"What do you want to do with her?" muli kong tanong sa kanya.
Kung ako ang masusunod ay sa kulungan ang kahahantungan nya. Walang kapatawaran ang ginawa nya sa taong itinuring ko nang pangalawang ama.

"Naaawa ako sa kanya.." iyak nito.


"That's the last thing you should feel for me."

Agad akong napatayo dahil biglang iniluwa ng pintuan si Isabelle na may hawak na baril na nakatutok sa amin.

"Ang drama naman ng pinag-uusapan nyo.. Para gusto kong maiyak." sarkastiko nitong baling sa amin.

Nilingon ko si Uncle pero Wala man lang nabakas na takot sa mukha nito.

"Ano ba talagang gusto mo? Kung pera, kaya namin ibigay yon sayo!" sigaw ko.

Tumawa lang saka muli kaming binalingan. "Pera? kung hihingi ako ng pera, alam kong hindi parin iyon sapat para bumagsak ang Del Vielo Empire dahil mahirap man aminin, sadyang napakayaman mo tanda!" baling nito kay Uncle. "Isa lang naman ang gusto ko, Ang mamatay ka sa kamay ko Del Vielo!"

"B*tch!" napamura ako sa gigil.

"I know!" saka ito muling tumawa.
Nakakainis! Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na saktan sya, pipilitpitin ko talaga leeg nya hanggang sa hindi sya makahinga.

Inihagis nya sa akin ang dala-dala nyang lubid.

"Anong gagawin ko dito? itatali ko sa leeg mo?" nakakainis na talaga!

"Haha- ang sweet mo naman.." Natawa ito saka muling nagsalita. "Itali mo yang si Tanda."

"What if i dont?"

"Babaralin ko na lang sya para hindi na ako mahirapan pagkatapos ay isusunod kita.. simple hindi ba?"

Muli akong napamura.

Wala na akong nagawa kundi itali si Uncle sa upuan.

"Ayusin mo ang pagkakatali para hindi yan makatakas." 

"You dont have to tell me!" naiinis kong sigaw. 

F*ck! kung meron lang sana akong baril dito or kahit na ano para makalaban ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon.
Habang itinatali ko si Uncle ay napadako ang mata ko sa lamesa, may tasa roon. Kahit nasa ganito kaming sitwasyon ay napangiti ako ng bahagya. Tuwing makakakita ako nun ay lagi ko syang naalala.

Sana.. Sana lang, bago mahuli ang lahat, Sana lang makita ko sya. Kahit iyon lang.

Matapos kong maitali si Uncle ay bumagsak naman sa harapan ko ang isang posas. Tiningala ko sya at ganun na lamang ang panlilisik ko ng mata ko.

"Gwapo ka sana, kaso nagkita tayo sa maling paraan at pagkakataon.. posasan mo sarili mo ng matuwa naman ako sayo!" sabi nitong itinutok sa akin ang baril.
Padabog ko namang kinuha iyon sa sahig at isinuot iyon sa akin.

"Pagbabayaran mo lahat to!" Pagbabanta ko.

"Can't wait..." sabi nitong itinulak ako sa isa pang upuan katabi ng kay Uncle at itinali maging ang  mga paa ko.

Tumayo sya ng tuwid sa harap naming dalawa at muling itinutok sa amin ang dalawang baril na nasa magkabila nyang kamay.

"Sayang tanda, Na-enjoy ko pa naman ang pagiging anak mo, marami pa sana akong gustong ipabili sayo' pero, atat na yung Boss ko na ilibing ka sa lupang nireserba niya para sayo... at ikaw!" baling niya sakin. "Gwapo ka talaga, sayang ka. Kaso kailangan isunod kita kay Del Vielo para malinis ang trabaho ko. Only three counts at mamamatay na kayo."

Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot  ako para kay Uncle. He dont deserve this!

"Isa..." kita ko ang pagpuntirya nya ng sa mga ulo namin ni Uncle.

"Dalawa..." kinalabit nya ang bandang likod ng dalawang revolver  nya.
Nakita kong napapikit na lang si Uncle. Ito na ba talaga katapusan namin? Sa Ganitong paraan ba talaga kami mamamatay? Wala na bang ibang paraan para mailigtas kahit si Uncle man lang? Kahit sya lang? Napayuko ako.

"Tatlo!"



"Pull the trigger... and you'll dead."

Tila ba nabuhayan ako ng pag-asa ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong nag-angat ng tingin at tila ba tumalon ang puso ko ng makita ko syang nakatayo sa likod ng nanginginig na ngayong si Isabelle  habang nakatutok naman ang baril nito sa ulo  nito.

"Sino ka?" sigaw ni Isabelle na hindi parin inaalis ang nakatutok na baril nito

"Sorry, but Sector's rule.. NO NAMES!" saka nito mas idiniin ang baril sa ulo ni Isabelle. Kita kong nahintakutan Ito.

"Bakit kaba nakikialam? Kung gusto mong pera, bibigyan kita!" Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Isabelle.

"Hindi ako tumatanggap ng pera pag hindi ko pinaghirapan.. Pasensya na." saka nito ikinasa ang Desert Eagle niya.

"Pwede naman natin itong pag-usapan.. Madali lang naman ako kausap-" Isabelle.

"At Madali naman akong magalit. Madaling uminit ang ulo ko at kapag uminit ang ulo ako, pumapatay ako ng deretso." Saad nitong hindi man lang kami tinitignan. Habang pinagmamasdan ko sya ay halos hindi pa rin ako makapaniwala na ang BH ko ay ganitong klase. Bibilib ka but somehow, matatakot ka.

"Magdasal kana-" Clyde.

"Simulan mo na rin magdasal.."

Tila ba tinakasan ako ng dugo na may tumutok na rin sa ulo ni Clyde na Baril. Sa likod nya nakatayo ang isang malaking lalaki.

"Clyde..." Sigaw ko.

Kita kong napamura si Clyde.

"Sige, iputok mo! Nang mabasag din ang bungo nitong babaeng to!" saad pa ni Clyde na mas lalong idiniin ang baril sa ulo ni Isabelle.

"Baka nakakalimutan mong dalawa kami at isa ka lang?" Pagpapa-alala ng lalaki.

Ako ang nakaramdam ng takot para kay Clyde. P*tcha kasi, bakit ko pa pinosasan ang sarili ko?!



[ Beyond ]

Mula sa ibaba ay kitang-kita ko ang mga galaw ng tao. Kilala ko din kung sino ang dapat bantayan sa kanila. Kitang-kita ko din ang pwesto ni Laida at ni Death. Isang maling hakbang ng mga taong iyon ay paniguradong basag ang mga bungo nila. Kanina pa kating-kati ang kamay ko para kalabitin ang Gatilyo ng bagong-bago kong sniper. Gustong-gusto ko na mabinyagan.
Ilang sandali pa akong naghintay dito at  hindi nga nagtagal ay nahagip ng mata ko ang isang armadong lalaki na papalit sa direksyon ni Death. Agad kong kinontak si Death ngunit tila sira ang communication system naming dalawa. Agad kong binigyan ng Warning si Laida pero tulad ni Death ay sira din ang Com.System namin.

Nalintikan na!

Wala na akong ibang paraan kundi binyagan tong dala ko! 



[ Death ]


Nakakainis! kanina pa ako nagsasalita dito pero ngayon ko lang nalaman na sira pala ang Com.System namin. Hinanap ng mata ko si Laida pero wala sya sa pwesto niya. Asan na kaya yon?
Kahit may dala akong tray ay pilit ko parin hinahanap si Laida para din masabihan sya. Ngunit sa paglingon ko ay ang malaking lalaki ang nabungaran kong papalapit sa akin habang nakatago ang kamay niya sa mahaba nyang suit.

Wala sa plano to pero,Time to play na. Ayos!

Mabilis pa sa alas kwatro kong ibinagsak ang tray na dala-dala ko at dinukot mula sa hita ko ang dalawang baril na nandun. Ngunit bago pa man ako makapaputok ay nawisikan na ako ng bahagya ng dugo nito sa mukha at damit.

Aaaaaarg! kaasar! Naunahan ako.

"Beeeeeey, naman eh!" reklamo kong tiningala ang pwesto niya.  Nasira yung make up koooo!

Matapos nun ay nagkagulo na nga at wala na akong pinalagpas na oras kundi burahin ang mga taong magtatangkang harangan kami.



[ Laida ]

Dahil kanina ko pa napansin na Sira ang Com.system ay agad na akong pumuslit ng panhik paitaas  ng Mansyon. Letche! san ko naman kaya hahanapin si Clyde? andaming kwarto dito?!

Ilang lakad pa ay may nakita akong dalawang lalaking naka-uniporme. Mga Guard siguro. Magtatago sana ako pero huli na dahil agad nila akong nakita.

"San ka pupunta Miss?" Ma-otoridad ang pagtanong nito.

"Ha? Ah- eh mag-si-CR lang sana ako.." pagdadahilan ko. Peste! sana lumusot.

"Comfort room? hindi ba may CR sa baba para sa mga Katulong na tulad mo? hindi mo ba alam?" humakbang sila papalapit sakin. Napaatras naman ako. Kaylangan kong magpigil kundi mabubulilyaso kami nito pag-nagkataon.

"Ha? ano kasi- Barado! Oo, tama barado nga!" Walang hiya! hindi na talaga ako papayag maging katulong sa susunod.

Nagtinginan muna silang dalawa na tila ba ineksamin pa ang mukha ko bago nila paniwalaan. Tinaas-baba ko naman kilay ko at konting facial expression para ma-feel nila na talagang kailangan ko na ng banyo.

Pero, taliwas sa inaasahan ko ay mas nagsalubong pa ang kilay nilang muling humakbang papalapit sa akin.

"Sigurado kaba?" tanong ng isang lalaki.

Bago pa ako makasagot ay umalingawngaw na ang mga putukan sa labas.

"HINDI!" sagot ko sa tanong nila saka ko binunot ang dalawang baril na nasa likod ko at tag-iisa kong pinaputukan ang mga binti nila. Pinukpok ko na din ang ulo nila para hindi na sila makabangon.

"Huwag na huwag nyo kong haharangan lalo na pag Naghahanap ako ng Banyo!" Yon ang huli kong sinabi bago ako tumalikod para hanapin si Clyde.



[ Clyde ]

"Ibaba mo yang baril mo dahil wala ka nang magagawa." narinig kong sabi ng huklubang lalaki na nasa likod ko.

"Tssss... nakakasawa na yang dialog mo."  Singit ko.

"Tigas mo din no? sabi nang ibaba mo yan!" napasigaw na ito.

"Sabi nang ayaw ko eh!" sigaw ko din. Nakakainis! talsik pa talaga yung laway nya sa leeg ko!

"Ibaba mo na yan kung ayaw mong may mamatay!" muli nitong sigaw.

"Ilang beses kabang inire at ang kulit mo, sabi nang ayoko!" naiinis na talaga ako!

"Bakit kaba kasi nakiki-alam? sino bang nagbayad sayo para kumontra sa gusto namin?" Isabelle.

"Bakit ako nakiki-alam? pano' kung sabihin ko sayong TRIP ko lang? Kahit pa malaman mo kung sino nagbayad sakin, hindi mo pa rin mahihigitan ang ibinayad niya."  Napasulyap ako kay Ryan na bakas sa mukha ang grabeng pag-aalala. Aksidente naman na nahagip ng mata ko si Mr. Del Vielo na tutok na tutok sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Wala kang alam sa ginagawa namin kaya kung mahal mo pa ang buhay mo, umalis kana!" muling sigaw ni Isabelle.

"Sinusiguro ko sayong alam ko kung bakit ako nandito!" pagdidiin ko.  "Gusto nyo lang naman nakawin ang pamamahala mula sa kamay ni Mr. Del Vielo dahil hindi sya pumayag na bilin nyo ang 29% ng stocks hindi ba? Kaya naman dahil gusto nyong mapadali ang proseso ay pinagplanuhan nyo na magpapanggap ka bilang nawawalang anak, at hindi ba ito ang dahilan kung bakit may pagtitipon ngayon? ito ang araw na pinaka-hihintay nyo dahil ito ang araw na ililipat sa pangalan ng nag-iisang anak ni Mr. Del Vielo ang lahat ng ari-arian?! Malas mo lang dahil bago pa mangyari ito ay alam na ni Mr. Del Vielo ang pagpapanggap mo kaya naman, inilipat niya itong lahat sa ilalim ng pangalan ni Ryan Trevelian!"  kita ko ang pagkagulat sa mata ni Ryan.

"No! Hindi, hindi totoo yan, Si Mr. Trias lang ang makakakuha ng yaman!" nagsimula nang mag-hyterical si Isabelle.

"Isa pa, hindi ba ang amo mo ang dahilan kung bakit namatay ang asawa at Nawala ang nag-iisang tagapag-mana nila?" Pagbubunyag ko.

Mula sa dito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang namumugtong mata ni Mr. Del Vielo.
Oo, ramdam ko kung anong sakit ang narardaman niya.

"Clyde.. please.. umalis kana!" Pagmamakaawa sa akin ni Ryan. Pero binigyan ko lang sya ng WAG-KANG-MAKIALAM look ko.

Magsasalita pa sana si Isabelle ngunit nakarinig na lang kami ng sunod-sunod na putukan sa labas, saglit na na-distract ang lalaking nasa likod ko kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para yumuko at pumihit paharap sa kanya at mapilipit ang leeg nya. Nung oras na humarap sakin si Isabelle ay sabay pa kaming nagtutukan ng baril.

"So quits na tayo? tumba na yung isa." sabi kong nakangisi.

"Walanghiya ka!"

"Alam ko. Thanks for reminding me."

"Ano ba talagang gusto mo?" Muli nyang tanong. Ang kulit niya, parang sirang plaka!

"I want you dead..." sagot ko.

"You cant kill me!" sigaw nyang papuputukin na sana ang baril na hawak nya pero mukhang minamalas sya at sineswerte naman ako dahil hindi iyon pumutok.

"Tsk! dispalinghado ang baril mo Girl!" pang-aasar ko.

Galit nyang itinapon sa akin ang baril nya  ngunit nailagan ko naman iyon saka tumakbo para sugurin ako. Mabilis pa sa alas-kwatrong natamaan ako ng suntok niya sa pisngi. Tumilapon ang baril ko sa sulok kaya naman dali-dali kong kinuha iyon, ngunit hindi ko inasahan na hawak narin pala nya ang baril. Sabay kaming napatayo at pinag-agawan ito.

Ilang sandali kaming nag-agawan hanggang sa pumutok ito.




[ Laida ]

Matapos kong malagpasan ang dalawang lalaking iyon ay nagpunta na ako sa 3rd floor para hanapin si Clyde. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko naman syang naaninagan sa nakaawang na pinto. Dali-dali kong tinungo ang silid na iyon. Pagbukas ko ay ang  dalawang pagputok ng baril ang nabungaran  ko kasabay na reaction sa mga mata ni Clyde. 

May tama sya. Hindi!

Pero, hindi nagpatinag si Clyde. Isa pang pihit ang ginawa nya at nagkaron pa nag isa, dalawa, tatlo, apat at lima na putok..
Matapos nun ay duguang bumagsak si Isabelle.

Napasulyap  muna sa akin si Clyde bago ito tuluyang bumagsak.

******

"Maraming salamat po, Mr. Del Vielo."  Iyon lang ang tanging masasabi ko matapos syang mag-donate ng dugo kay Clyde na nangailangan ng blood transfusion dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Sa ngayon, Stable na ang kalagayan niya matapos ang isang oras na operasyon. Maliit lang naman ang naging tama at yung isang bala ay daplis lang. Mabuti na lang daw at walang vital organs na natamaan kundi magiging kritikal ito.

"Wala iyon iha,  Utang ko sa kanya ang buhay ko. Napakatapang na bata. Maswerte ang magulang niya sa kanya." sabi nito.

Napangiti na lang ako. Kung maikukuwento ko lang sana ang lahat, malalaman nya kung gaanong hirap ang pinag-daanan ni Clyde.

Si Ryan naman, kanina pa pabalik-balik sa paglalakad dahil hindi nya daw matanggap na wala man lang sya nagawa para kay Clyde.  Ni Hindi nga daw sya pwedeng makapag-Donate ng dugo dahil hindi sila compatible. Muli kong pinaalala sa kanya na iba si Clyde sa mga babaeng nakilala nya.

Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Mr. Del vielo. Hindi ko mawari kung anong klaseng ekpresyon iyon pero tila balisa ito.

"Iha, pwede ba magtanong?" sabi nitong napaupo sa tabi ko.

"Sige po, ano ho iyon?"

Tumikhim muna ito saka nagsalita. "Yung tato ni Clyde sa Ankle nya.. san nya iyon nakuha?"

Matagal ko syang tinitigan. Hindi ko alam kung kaya or dapat ko bang sabihin ito.



*******


Ilang oras kaming nasa labas ng kwarto nya hanggang sa lumabas ang nurse  na kakapasok lang at Nagulat kami ng itanong  sa amin kung nakita ba namin ang pasyente. Dali-dali kaming pumasok sa silid na iyon at ang dextrose lang nyang nakasabit at ang maliit ng papel na nakapatong sa higaan nya ang nandun. Dinampot ko lang papel na yun at binasa.

"Maniningil lang ako."


Matapos nun ay nagtinginan lang kami nina Death at Beyond.

"San si Clyde?" Kinakabahang tanong bungad sakin ni Ryan.

Nilingon ko lang sya.
"Get your car ready..."





[ Third person ]

Galit na naihagis ko ang kopita na kanina ko pa hinahawakan lalo na nang mabalitaan ko na wala na si Isabelle.

Matagal kong binayaran ang babaeng yon kaya galit ako mamatay lang sya ng ganun-ganun na lang. Sabagay, tanga din ang isang iyon. Kaya hindi na ako magkakamali na mawawala sya ng ganun kadali.

Mula naman sa isa kong tao nalaman ko ang isang bagay na nagbigay sakin ng matinding takot.

Tungkol iyon sa tunay na anak ni Del Vielo. Ang mismong anak niya ang pumatay sa tao ko. Nakita mismo ng isa kong tauhan iyon sa Ospital. Ang tato sa paa nung babaeng iyon. Ang tato na iyon ay ang tato ng anak ni Del Vielo at hindi kami maaring magkamali. Aksidente ang pagkakakita na iyon ng tauhan ko kaya naman pinatignan ko muna iyon ng maigi. Kaya naman napauwi ako sa bahay ng wala sa oras lalo na at kayang-kaya ng babaeng iyon ang kumitil ng buhay. Hindi ko alam kung ano syang klaseng tao at kung ano ang kaya nya gawin. All i know is, She's a threat.

Nasa Opisina ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa ibaba.

"What is it?"

"B-boss, m-may n-nakapasok- tut.tut.tut" Hindi ko na muling narinig pa ang anu pa mang sasabihin niya ng marinig ko mula sa kabilang linya ang pagbagsak ng telepono. Ilang sandali pa nga ay nakarinig na ako ng ilang pagputok ng baril sa labas. Agad akong napatayo mula sa aking kinauupan at lumabas para dumiretso sa kwarto ko. Mas ligtas ako dun. Tinakbo kona ang hagdan. Hindi nya ako mapapatay!

Hindi naman maaring malaman nya ang kinaroroonan ko diba? isa pa, nasa Ospital ang babaeng iyon dahil sa tama nito ng baril kaya hindi pwedeng mapaunta sya dito! Hingal man ay tinakbo ko nalang ang hagdan. Agad ko naman ini-lock ang pinto pagkarating ko. Dali-dali ko din pinindot ang mga security system ng kwarto ko kaya alam kong hindi sya makakapasok.

Hindi sya makakapasok.


"Ang tagal mo... Boss."

Tila napako ako sa kinatatayuan ko at parang nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko iyon mula sa likod ko.

Paano sya napunta dito? Hindi pwede! Hindi pwedeng nandito sya! Hindi maari!

Unti-unti ang ginawa kong paglingon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit at tila mas gusto ko pang matamaan ng bala sa ulo kesa makaharap sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang pinapasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Totoo ngang malaki na sya.

Ang laki ng pagbabago simula nung iwan ko sya noon na maliit pa sa daan habang walang malay.
Sinong mag-aakala na magiging ganito na sya? Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat, dapat sana pinatay ko na lang sya noon pa!





[ Clyde  ]


Madali lang ang naging pagpasok ko sa Napakalaking Mansyon ng tao na naging dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko. Kung bakit namatay ang Mama ko. Kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

Ngayon.

Ngayon ang tamang oras para maningil ako sa lahat ng ginawa nya sa pamilya ko at sa buhay ko.

Tama, natatandaan ko na ang lahat. Hindi ko alam kung paano. Basta  nagising na lang ako na naaalala ko na ang lahat.

Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at mula sa ekpresyon ng mata nya, tila hindi na ako mahihirapan magpakilala.

"Mabuti naman at nakikilala mo ko."

Kita ko ang ilang paglunok nya at kung paano sya pinagpawisan. 

Yan, dapat ka ngang matakot.

"Anong pa bang kelangan mo? napatay mo na ang nagpanggap bilang ikaw, ano pang gusto mo?" sigaw niya sakin.

"Nakakatawa ka din." tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama niya at inilapag ang baril na hawak-hawak ko.

"Paano ka magbunot ng Damo?" baling ko sa kanya.

Kwestyonable  nya akong tinignan.

"Tinatanggal ang ugat para dina muling tumubo hindi ba?" umikot ako sa likuran nya at kita ko ang panginginig niya.

"Alam mo bang magaling akong magtabas ng damo? lalo na kung ang damong iyon ay masyado nang masakit sa mata?"

"Maawa ka. Wag' mokong papatayin!"

Parang gusto kong matawa sa gusto nyang mangyari.
Kinuha ko ang maliit na kutsilyo na nakasuksok sa bewang ko at itinutok iyon sa leeg niya.

"Maawa ka,  Parang awa mo na.." iyak niya.

"Naawa ka din ba sa mama ko noon nang barilin mo sya? Naawa ka ba sa Pamilya ko nung tinangka mong patayin pati si Papa? Hindi diba? So, papaanong sumagi sa isip mo na maaawa pa ako sayo?"

"Hindi ko rin iyon ginusto! Pero wala na akong choice! Parang awa mo na!" muli nyang sigaw.

Ang pagmamakaawa niya, Natatandaan ko pa. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Saksi ako kung paano binaril si mama sa harapan ko. Saksi ako kung papaano nagmaakawa si Mama para lang hindi nila ako saktan. Hanggang sa kahuli-hulihan nyang hininga, kaligtasan ko lamang ang hiningi niya. Pero, hindi sya nito pinagbigyan.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa pagbalik sa ala-alang iyon.

"Maniwala ka, hindi ko iyon ginusto.." muli nyang saad.

Hell i care!

"Kung noon ay hindi mo ginusto ang pagpatay sa mama ko.. " Kinapitan ko ang noo nya mula sa likod.

"..Ako, ang pagbura mo sa mundo ay ang bagay na gustong-gusto ko." saka ko dahan-dahan ibinaon ang punyal sa kanya.

Ilang saglit syang nanlaban.. Ilang saglit ang impit nyang pagsigaw. Ilang minutong panonood kung paano sya malagutan ng hininga. Gusto kong maging saksi sa unti-unti nyang pagkalunod sa sarili nyang dugo.

At ilang saglit pa ay malamig na syang nakahiga.

Kung ako ang masusunod ay masarap pa sana syang i-torture. Mas masakit kung paanong ti-norture ng tadhana ang buhay ko.

Hindi na ako nag-abala pa dumaan sa entrance since nakarinig na ako ng mga wang-wang ng mga police. Umikot na lang ako sa likod at tumakas na.



*****


"Ano na ngayon ang plano mo?" Seryoso na tanong sa akin ni Handler. Sa Opisina nya ako dumiretso matapos kong maningil sa taong naging dahilan ng lahat ng ito.

Hindi ako sumagot sa halip ay pinaglaruan ko lang ang dulo ng baril ko.

"You know what Clyde, naiintindihan kita. Alam ko kung gaano kahirap magbitaw ng desisyon lalo na sa lugar mo ngayon. Pero, kung anu man ang magiging desisyon mo. Asahan mo na nandito lang kami ng Sector." Mahaba nyang litanya.

Sa totoo lang, gusto kong bumawi kay Papa. Gusto kong muling hanapin ang sarili ko. Yung totoong ako.

"I want to leave Sector29.." mahina kong sagot. Buo na ang desisyon ko. Matanda na si Papa at ayokong mapahamak sya dahil lang sa nakagisnan kong buhay na malayo sa karangyaan.

Wala namang naging reaksyon si Handler at tila inaasahan na nya ang sagot ko na iyon.

"Alam kong mahirap ang mga pinagdaanan mo Clyde. Hindi madaling desisyon sakin ang bitiwan ka nalang matapos ang ilang taon natin dito. Pamilya tayo dito." Saka ito ngumiti ng matamis sa akin at yumukod sa harap ko. "But, im happy for you.. wag ka lang makakalimot"  Hindi ko to inaasahan na magiging ganito lang kadali ang desisyon ni Handler. Hindi ko din naman hiniling na magiging mahirap ang pag-alis ko.


Ilang sandali pa kaming nag-usap saka na ako nagdesisyon na Umalis.

Paglabas ko ng Sector ay muli kong tinanaw ang building kung saan ako hinasa sa mga imposibleng bagay. Dito sa gusaling ito nagkaron ako ng isa pang pamilya na hindi ako itinuring na iba at patapon ang buhay, Dito, binigyan nila ako ng rason para ipagpatuloy ang buhay ko. Dito, pinatibay ang loob ko. Dito ko naging naging kakampi ang sarili ko sa lungkot at pangungulila.

At ngayon.. iiwan ko na ang buhay na minsan ko din minahal. Na minsan kong kinamuhian. Buhay na isinisi ko sa Kapalaran.

Unti-unti ang ginawa kong paghakbang, hanggang sa maaninagan ko di kalayuan ang mga taong magiging bagong rason ko para mabuhay.. Si Papa at si Ryan.

Mataman lang nila akong pinagmamasdan. Sa pagkakatitig ko naman kay Papa ay tila alam na namin ang gusto naming sabihin sa bawat isa. Mga salitang matagal kong kinimkim dahil sa pag-aakalang wala nang pag-asa na muli kong makita ang totoo kong pamilya.

Siguro nga ay hindi ko na mababago kung anong nakasanayan ko. Pero alam kong kaya ko naman punan ang mga bagay na hindi ko nagawa sa mahabang panahon.

May mga bagay man akong pinagsisihan, ay iyon ay ang naging pagkukulang ko bilang anak. Kaya naman hanggat humihinga pa ako at nabubuhay, mamahalin ko si Papa.

 

"Anak.."  tawag nito sa akin pagkalapit ko. Agad naglandas ang luha ko pagkarinig ko nun. Hindi ako sanay na tawaging anak. Pero, ang sarap pala talaga marinig iyon.

Hindi na ako nagsalita at niyakap ko nalang ng mahigpit si Papa habang titig na titig naman sa akin si Ryan na halata ang kasiyahan sa mukha nito.

"I'll deal with you later..." i mouthed habang yakap-yakap si Papa.

Ngumiti lang ng nakakaloko ang loko-loko.

Ngunit agad din napawi ang mga ngiti nito sa idinagdag ko.


"...Cause' I'll kill you."  I added saka malademonyong ngumisi.




-End-



Hi! alam kong iniisip nyo na minadali ko and Tama po kayo. Minadali ko nalang po kasi excited na akong umpisahan yung susunod kong kwento. Sa mga sumuporta sa Clyde. Maraming thank you po talaga! Kung dati rati kasi ay nasa lumang natitirang page lang sya ng notebook ko nakasulat, eh ngayo nasa wattpad na!

So tagos hanggang ngala-ngala ang pasasalamat ko.

Godbless us always!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top