Special Chapter
#CYECSpecialChapter
PAGKAPASOK ko sa Paria Book Store, unang hinanap ng mga mata ko ay sina Chas at Sandro.
Kaba ang nangingibabaw na nararamdaman ko dahil baka pinaglalaruan na naman ako ng tadhana at panaginip lang pala ulit lahat.
Agad akong nakahinga ng maluwag nang makita ko si Chas at abala sa pagiging Customer Service Representative, habang si Sandro naman ay abalang naglalakad paikot at ginagampanan mabuti ang pagiging Bookstore Manager niya.
"Good morning!" bati ko sa kanila. Kahit abala sila sa dami ng customer ay sabay silang napatigil sa ginagawa nila at lumingon sa 'kin.
"Anong nakain mo?" nakangangang tanong ni Chas na para bang himala ang pagbati ko sa kanila.
"Wala lang, masaya lang ako," nakangiting sabi ko saka ko sinalubong ng yakap si Chas pagkapasok na pagkapasok ko sa customer service area.
"Stay alive for a very long time, alright? Kung kaya mong umabot ng 100 years old or mahigit, mas mabuti," bulong ko kay Chas kaya inirapan niya ako at biglang lumayo sa 'kin.
"Alam mo, nakakatakot ka. Ibalik mo 'yong Ciem na masungit. Mas gusto ko siya," reklamo niya kaya napailing ako at sabay-sabay kaming humalakhak.
For the whole day, I processed purchase payments, recommended and located books for customers, received and displayed inventory, and organized book shelves and tables. I was also involved in placing, receiving and following up on special orders for customers, in person, online, or over the phone.
Napangiti ako ng malapad. It was another normal day at Paria Book Store. Ang pinagkaiba lang, mas na-a-appreciate ko na ngayon 'yong mga taong nakapaligid sa 'kin, at mas magaan na ang pakiramdam ko.
"Good mood ka yata?" pang-aasar sa 'kin ni Sandro no'ng makasalubong ko siya sa may dulo ng mga shelves.
Ngumiti lang ako ng malapad at saka ko siya inakbayan. Ikinabigla niya 'yong ginawa ko, pero pinisil ko lang siya sa pisngi saka ko hinigpitan 'yong pagkakaakbay ko sa kanya.
"Thanks for being a good friend, Sandro," sinsero kong sabi kaya napakamot siya sa sarili niyang ulo.
"You have always been there for me, and I will be forever grateful to you." I paused. "But please, promise me one thing."
Umangat ang kilay niya at hinintay akong magsalita ulit. "Let's say . . . My life is in danger. Promise me you'll never do anything that could ruin your life, okay? Always put yourself first."
Sandro was one of the selfless guys I've ever met. He's one of the best. At first, he was just a normal boss to me. But now? He's more than that. He's one of the people who saved my life, and I'll never forget what he has done for me. Even if it was just a dream.
"Wow. Are you two dating?"
Sabay kaming napalingon ni Sandro kay Chas na bigla-biglang nagsasalita doon sa customer service area. Napaangat ang kilay ko at nagtataka ko siyang tiningnan. Sino ba ang kinakausap niya? Ako o si Sandro? O kaming dalawa ni Sandro?
Ngumuso si Chas sa may entrance kaya napunta roon ang paningin ko at natigilan ako nang makita ko si Hope na nakatitig sa 'kin, magkasalubong ang mga kilay.
"Did you ask him to stay with you forever, too?" He scoffed and rolled his eyes.
"Huh?" wala sa sariling sabi ko.
He clenched his jaw and pointed his finger to Sandro who's standing next to me.
Nagpakawala ako ng isang malaking tawa at saka ako agad na umiling. "We're just friends!"
"Oh? Kailan pa? Akala ko ba katrabaho lang ang tingin mo sa 'min?" gulat na sabi ni Sandro kaya muli akong umiling at binigyan lamang siya ng tipid na ngiti.
Naglakad ako papalapit kay Hope at saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Hi," bati ko sa kanya pero nang tingnan ko siya ay nakatulala lamang siya at hindi makapagsalita.
"H-Hi." Finally, he found his voice to speak.
"Kain tayo?" aya ko sa kanya at agad naman siyang tumango.
"Saan mo gusto?" tanong niya sa 'kin.
Ngumiti lang ako at saka ko hinawakan 'yong kamay niya. "Kahit saan, basta kasama ka." Gasgas na linya na 'to para sa iba, pero napangiti pa rin nito si Hope kaya napailing na lang ako at pinigilan ang sarili kong asarin siya.
Inaya rin namin sina Chas at Sandro na sumama sa 'min dahil tapos naman na rin ang oras namin sa trabaho kaya sabay-sabay na kaming nagpunta sa Buono. Habang naglalakad kami ay nakikinig lang kami sa kuwento ni Chas tungkol sa mga nakaharap niyang customers kanina na nakakapang-init daw ng ulo. Ewan ko ba, pero natatawa talaga ako sa paraan nang pagkukuwento niya.
Nanatili lamang kaming nakikinig sa kanya pero agad akong napatigil sa paglakad dahil sa hindi ko inaasahang lalaki na nakatayo ngayon mula sa 'di kalayuan.
It's Adam, leaning on his car, his arms crossed over his chest.
He's wearing a black suit, and I think it's the same uniform he wore in my dream when he was in law school.
"Kilala mo?" tanong ni Hope sa tabi ko. Marahan akong tumango.
"He's Adam, my ex," sagot ko kaya natahimik silang tatlo at napatitig kay Adam.
"Girl, ang guwapo!" bumubungisngis na sabi ni Chas kaya napailing na lang ako at mahinang natawa.
"Teka lang, ha," paalam ko sa kanila at tumango naman sila parepareho. Bumaling ako kay Hope at binigyan siya ng isang magandang ngiti.
"He's not just an ex."
Hindi siya kumibo at hinayaan lang akong magsalita.
"He was a good friend of mine, too," I clarified.
Tumango naman siya at kalmadong tumitig sa mga mata ko. "Una na kami sa Buono. Sunod ka na lang," paalam niya sa 'kin saka niya ako nginitian. Tumango naman ako.
"Okay. Thank you."
"For what?"
"For letting me talk to him in private?" patanong kong sagot.
Hinintay ko siyang magsalita ulit pero natigilan ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa 'kin at hinalikan ako sa noo.
"When you were having a bad dream, you called his name every time you needed help."
Tumitig siya sa mga mata ko at saka niya marahang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"I may not know everything that happened in your dream, but I know that Adam was one of the good guys," he said and gave me another soft kiss on my cheek.
"So, go. Talk to him. It's fine with me," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako at agad na tumango.
Kinurot pa ako ni Chas sa pisngi dahil sa inggit niya. Bumulong pa nga siya sa 'kin at sinabing ang suwerte ko raw kay Hope. Natawa na lang ako at napailing. Kulit talaga ni Chas, eh.
Nauna na silang maglakad papunta sa Buono at saka naman ako naglakad papalapit kay Adam na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapansin ang presensya ko. Abala siyang nakatitig sa relo niya na para bang kanina pa siya may hinihintay.
Bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay huminto ako saglit dahil natanaw ko si Calizo sa 'di kalayuan, naglalakad patawid sa kabilang gilid ng kalsada.
Pinagmasdan ko lang si Calizo at payapa lang siyang naglalakad kasabay 'yong malaki niyang aso.
Napangiti ako bigla.
I'm glad everyone's doing okay. I'm glad they're living their own lives, far from the miserable happenings in my dream.
Life really is a blessing. I didn't appreciate it at first, but at the end of the day, I realized how lucky and blessed I've always been.
T H E E N D
__
Author's note:
Hi, everyone! Thank you so much for reading this story despite its stressful events and flaws!
When I set out to tell the story of Close Your Eyes, Ciem, I knew it was going to be different from everything I had done before. I wasn't sure if it would be a great story, or if I could even finish writing it, but thankfully, I did finish writing it and I did love the story.
I honestly started writing this story last July2021, and planned to finish writing it by September 2021, but unfortunately, I couldn't finish it by that time due to personal reasons. Updates got delayed, and readers waited for it in months, but thankfully, they're all patient with me and waited for me to continue writing the story. Thanks to my readers who stayed with me and kept on asking nicely for updates. You're one of the reasons why I found myself writing again.
Follow me on my social media accounts and let's keep in touch! See you there!
Facebook: Tiana Vianne
Twitter: @TianaVianne
Instagram: @christianavianne
Facebook Page: Tiana Vianne
Facebook Group: TianaVianne's Readers
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top