Epilogue

#CYECEpilogue


I couldn't stop my tears from falling.

I haven't seen him for six years, and thousands of unexplained emotions are eating me now that he's right in front of me.

"H-Hi." My voice was shaky and a little unclear.

Hindi ko alam kung deserve ko bang makita siya ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na nandito siya ngayon. Hindi ko alam kung dapat bang gumaan ang loob ko dahil makalipas ang ilang taon ay sa wakas, dinalaw niya ako.

"Hi," he responded, hesitation written all over his eyes. Kahit 'di niya sabihin, alam kong ayaw niya sana akong puntahan dito. Kahit 'di niya sabihin, alam kong ayaw niya akong makita.

Ni hindi siya makatingin sa 'kin ng diretso.

"Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya at pilit akong ngumiti kahit hindi pa rin niya nakatingin sa 'kin.

Hindi siya umimik at nanatili lang siyang tahimik. Napayuko tuloy ako at hindi sinasadyang mahagip ng mga mata ko iyong kamay niya.

He's wearing a wedding ring on his finger.

Nakaramdam ako nang biglaang pagsikip ng dibdib ko at namuo na naman ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Y-You're married. Congrats," tumatango tangong sabi ko. Pinilit kong maging masaya para sa kanya, pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

"Congrats?" He scoffed. I was stunned when he said that.

His eyes finally met mine. "You really have the nerve to congratulate me after abandoning me?" Anger and pain were written all over his eyes.

"I—"

"You pleaded guilty six years ago, Ciem! It drove me insane! I told you to wait but you didn't! I was working on it! I was—"

"But I am guilty, Adam," I cut him off and avoided his eyes.

"You were my partner. You were the love of my life. You still are. But you're a great lawyer, Adam. And that made you the first one to discover the whole truth," tipid na ngiting sabi ko.

"You hated defending someone who's guilty, and I didn't want you to hate me," dagdag ko pa.

Hindi siya nagsalita at iniyukom lamang ang kamao niya.

"You did nothing wrong. You did your best. You did your part."

I wiped my tears off my cheek but they just kept on falling.

"I didn't abandon you, Adam. I just . . . did what's right. Kahit huli na ang lahat. Kahit hindi ko na maibabalik 'yong buhay na kinuha ko mula sa iba. Kahit nakagawa na ako ng masama. I still did what I think was right. I know, Hope wanted the same. He wanted me to rot in jail for killing him. He wanted me to suffer. At walang dahilan para ipagdamot ko 'yon sa kanya. Tama lang na mabulok ako rito sa kulungan. Tama lang na tumanda akong mag-isa. Tama lang na hindi ako maging masaya. Sa dami ng mga mali na nagawa ko, tama lang na pagsisihan ko 'yon panghabangbuhay."

Muli kong pinunasan ang luha ko kasabay ng paghikbi ko.

"There's no reason for me to defend myself in court. I—couldn't do that. I couldn't do that to Hope. Not when I remembered everything."

Ayokong makitang umiiyak si Adam, pero heto siya ngayon at umiiyak sa harapan ko dahil sa 'kin.

Napakasama ko talagang tao.

"There's something important I want to tell you, by the way," pagkuha ko ulit ng atensyon niya.

Nag-angat siya ng tingin at hinayaan lang ako sa gusto kong sabihin.

"When we broke up in high school, life has never been the same for me," panimula ko. "I lost a big part of me and I couldn't fill it up no matter how hard I tried. I loved you so much that it broke my heart when I ended things with you. I didn't want to do it, but I had to."

"That's all in the past now, Ciem. Why are you telling me this now? I'm already marri—"

"And then I met Hope when I was in college," nakangiting sabi ko. "I never thought that I'll be able to fall in love again, but I did. We dated for a short time, but I loved him so much. Totoo pala talaga na hindi sa tagal mababase 'yong pagmamahal mo sa isang tao. Kasi no'ng nahulog ako sa kanya, kahit saglit lang kaming nagkasama, naiparamdam niya sa 'kin lahat ng mga bagay na hindi naiparamdam sa 'kin ng iba."

Nanatili siyang nakikinig sa 'kin. Bakas sa mukha niya na hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ko.

"I loved Hope so much, and a part of me died with him when I killed him."

Patuloy ang paghikbi ko. Pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko. Pinagsisisihan kong nagpalamon ako sa galit. Pinagsisisihan kong nagpadalos dalos ako.

"I loved you, too, Adam. And I still do." There's a pause. "But not the way I loved Hope."

Binalot kami ng katahimikan matapos kong sabihin iyon.

"I'm sorry," huling sabi ko sa kanya bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko at tuluyang tumalikod mula sa kanya.

***

EVERY morning, it's the same thing over and over again. It's something so easy and repetitive that I almost memorized the feeling but still not used to it.

Letting me know it's time to roll out of bed, I heard the loud annoying beep of my alarm clock. As I woke up, slowly pulling the comforter off me and grasping every last moment of comfort, I rubbed the sleep out of my eyes and groggily stood up, dizzy and not ready to face again the world.

I made my way through the kitchen, and I halted as soon as I saw a man on the kitchen counter, his back facing me. I heard a loud chopping of meat, and it made me wonder how did he get in?

Who is he?

What is he doing in my kitchen?

I wanted to ask him all that, but no words were coming out from my mouth.

I rubbed my eyes again and again, but the man was still there.

"Uhm—hi? What are you doing in my kitchen?" I finally found my voice to speak.

The moment he heard my voice, he stopped whatever he's doing and slowly turned around to face me.

I don't know why, but everything was blurry. I couldn't recognize his face.

"Hey, good morning," bati niya sa 'kin.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa 'kin at natigilan ako nang unti-unting luminaw ang paningin ko at naaninag ko na kung sino 'yong lalaki ngayon sa harapan ko.

"H-Hope?" gulat na sabi ko.

Napaangat ang isa niyang kilay at napailing-iling. "You look like shit, Ciem. Is that your normal face every morning?"

Muli kong kinusot ang mga mata ko saka ako madiin na pumikit. Nagbilang ako ng isa hanggang tatlo saka ko dahan-dahang binuksan ang mga mata ko.

Nandito pa rin siya ngayon sa harapan ko.

Nananaginip ba ako?

I thought he's—dead?

"Have you seen a ghost or something? Why are you staring at me like that? Pinagluto na nga kita ng breakfast, eh. Bakit parang galit ka?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at saka ako humakbang papalapit pa lalo sa kanya. Nagtataka niya akong tiningnan.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya at saka ko siya tinitigan ng matagal. Nakakangalay ang puwesto ko dahil mas matangkad siya sa 'kin, pero wala akong pakialam.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at bakas naman sa mukha niya ang pagtataka dahil sa ginagawa ko.

"We're not close enough for you to hold me like this," masungit niyang sabi pero umiling ako at hindi pa rin inaalis ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya.

"Anong araw ngayon?" tanong ko sa kanya. Mas lalong napakunot ang noo niya.

"Mukha ba akong kalendaryo?" reklamo niya pero nanatiling seryoso ang mukha ko.

"Ano nga?" ulit ko.

"February 5, 2022. Saturday," sagot niya saka niya inalis 'yong mga kamay kong nakadapo sa pisngi niya.

"February 5? 2022?" nagtatakang tanong ko at wala sa sarili akong naglakad papalapit sa kalendaryong nakasabit sa may dining area.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong totoo nga ang sinabi ni Hope. February 5, 2022 nga ngayon.

"Napapa'no ka ba? Hindi naman gano'n kadami 'yong ininom mo kagabi, ah?"

"Huh?" Gulat akong napalingon sa kanya. "Uminom ako kagabi?"

"Yeah. You even asked me to sleep with you. So, here I am. I slept with you."

"H-Huh?"

"Puro ka 'huh'. Masakit ba ulo mo? Okay ka lang ba? Napa'no ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin. Ang kaninang inis sa mukha niya ay napalitan ng pag-aalala.

"N-Nagkita tayo kagabi?" naguguluhang tanong ko.

"Did you hit your head or something? Bakit nakalimu—"

"Sagutin mo na lang ako, please!" pakiusap ko sa kanya.

"Alright, alright! Calm the f*ck down!" natatarantang sabi niya saka siya bumuntonghininga.

"You were at Buono's last night, eating with your friends—Chas, and Sandro. I was outside coincidentally, tapos bigla mo akong nilapitan. You wanted to get drunk, but you didn't want to fall asleep, so you asked me to sleep with you. I mean—you wanted me to keep you awake. I said yes. I brought you home last night, that's why I'm here. We talked about you. You told me about your parents who died two years ago. I asked you why you were so afraid to fall asleep, then you told me that you were diagnosed with Somniphobia. When we ran out of things to talk about to, I asked you to sleep and I assured you that I'll stay awake for you. You were having a nightmare, but you were fine. You slept peacefully after I wiped your tears off your cheek when you were having a nightmare, so I decided to not wake you up."

After hearing what he said, everything that happened last night started flashing on my mind like a replay.

"ISA lang naman, 'di ka naman agad aantukin do'n," natatawang sabi ni Sandro pero umiling lang ulit ako. Hindi nila ako mapipilit. Wala naman silang alam sa nararamdaman ko.

"Isa lang, Ciem. Dali na," pilit sa 'kin ni Chas.

Napabuntonghininga ako. Sa totoo lang ay gusto kong magpakalasing ngayong gabi. Pero sa tuwing maiisip ko na ayaw kong antukin o makatulog, talagang napapaatras ako kapag alak na 'yong pinag-uusapan.

Tatanggi na sana ulit ako sa kanila pero natigilan ako nang may isang pamilyar na lalaking biglang huminto sa gilid ko. Katabi ko kasi 'yong glass wall kaya napalingon ako sa gilid ko at halos lumundag 'yong puso ko mula sa dibdib ko dahil may lalaking nagsasalamin sa tabi ko.

Pamilyar 'yong mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?

Napakunot ang noo ko nang maalala ko kung sino siya. Siya rin 'yong weird na lalaki na nagsalamin sa harap ko no'ng nasa convenience store ako nitong nakaraan lang.

Bakit ba kung saan-saan ko siya nakikita? At bakit ba tuwing makikita ko siya ay tinitingnan niya lagi 'yong repleksyon ng sarili niya?

"Ang guwapo, jusko," kinikilig na sabi ni Chas habang titig na titig doon sa lalaking nananalamin sa tabi ko.

Napairap ako. Guwapo nga, guwapong-guwapo naman sa sarili.

Irita kong kinatok 'yong glass wall sa tabi ko kaya natigilan siya sa ginagawa niya at kunotnoong tumingin sa 'kin. Nang maaninag niya ang mukha ko ay napataas ang kilay niya. Naalala niya rin siguro ako.

"Ciem, ano na? Beer ka rin ba?" pag-uulit ni Sandro.

Napataas ang kilay ko nang may maisip akong magandang ideya. Agad akong tumango. "Limang beer," sagot ko kay Sandro kaya parehas na namilog ang mga mata nila ni Chas.

"Seryoso? Akala ko ba ayaw mo?" natatawang sabi ni Sandro pero imbis na sagutin ko siya ay tumayo ako at nagmadaling lumabas ng Buono para lapitan 'yong lalaking guwapong-guwapo sa sarili.

Napasinghap siya at natawa ng mahina. "Small world, huh. Ikaw na naman," umiiling na sabi niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mabilis kong kinuha ang kamay niya kaya gulat siyang napatingin sa 'kin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, pero wala akong panahon para magkaroon ng pakialam sa kung ano man ang nararamdaman o iniisip niya.

"Sleep with me," seryosong sabi ko. Ilang segundo siyang napatulala pero maya-maya lang ay agad siyang tumawa.

"Are you drunk?"

"No, but I want to get drunk," diretso kong sagot sa kanya.

Napatitig siya sa 'kin nang sabihin ko iyon at agad na nawala 'yong ngiti sa labi niya. "Are you serious? You really want to sleep with me?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na ang pangit palang pakinggan no'ng sinabi ko.

What the fuck, Ciem? Bakit naman gano'n ang sinabi mo sa kanya?

"I didn't mean it that way. Ang ibig kong sabihin, you have to entertain me the whole night."

Napataas ang parehong kilay niya.

What? May mali na naman ba a sinabi ko?

"You have to make sure that I won't fall asleep," I clarified.

"Ah . . ." He nodded slowly like he just finally got what I meant. "And why would I do that? I don't even know you," bigla niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

Paano ko ba mapapapayag 'to? Gusto ko man siyang irapan ay hindi ko na magawa dahil may kailangan ako sa kanya.

"Please? I just really need someone to keep me up all night," desperada kong sabi.

Nakipagtitigan ako sa kanya, nakikiusap ang mga mata ko na pumayag siya sa pabor na hinihingi ko. Sana ay may kabutihang loob siya kahit papaano.

Crossing his arms above his chest, he leaned on the glass wall. "I need something in return."

I blinked. 'Yon lang? "Okay. Tell me," mabilis kong sagot.

His lips curved into a smile and said, "Just not now." Before I could even say anything, he already entered Buono and sat across my workmates.

"The audacity of that guy." I groaned in disbelief.

Agad akong sumunod sa kanya sa loob at umupo sa tabi niya. "May boyfriend ka pala?" tanong sa 'kin ni Sandro at agad naman akong umiling.

"Hindi ko siya kilala. Ano ngang pangalan mo?" baling ko sa katabi kong guwapong guwapo sa sarili.

"Hope," he replied before calling the waiter to take his order.

"Hope?" natawa ako ng mahina. "Bakit hindi Self? Mahal na mahal mo naman sarili mo."

Biglang natahimik sina Chas at Sandro dahil sa sinabi ko, at humalakhak naman si Hope. "Malapit ko nang palitan pangalan ko. Update kita kapag okay na."

Napaawang ang labi ko at napatitig sa kanya. "God. I was just kidding! Seryoso ka talaga?"

Napahalakhak ulit siya. "And you are?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ciem," tipid kong sagot pero agad na umeksena si Chas para kunin 'yong atensyon ni Hope.

"Hi! I'm Chas!" bati niya saka siya ngumiti ng malapad. Lagi na lang 'to ngumingiti ng gano'n. May kakaiba talaga sa ngiti niya, hindi ko alam kung ano.

Ngumiti naman si Hope at nakipagkamay sa kanya. Bakas sa mukha ni Chas 'yong nag-uumapaw na kilig kaya napailing na lang ako.

"Sandro," pagpapakilala naman ni Sandro at nakipagkamay din kay Hope.

Hinintay naming dumating 'yong order ni Hope saka kami sabay-sabay na kumain. Habang abalang magkuwentuhan sina Chas at Sandro tungkol sa trabaho, kinausap naman ako bigla ni Hope.

"Why me?" tanong niya sa 'kin.

"Why not? I mean—I don't know. Siguro dahil walang hiya ka kaya bakit naman ako mahihiya sa 'yo? 'Yon ang unang pumasok sa isip ko," pagsasabi ko ng totoo saka ako sumubo ng pesto.

"Wow," hindi makapaniwalang sabi niya saka siya natawa.

"May girlfriend ka?" tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo papayag ako sa gusto mo kung may girlfriend ako?"

Napataas ang kilay ko. "Sa bagay, may point ka naman."

"You really have to use your brain, Ciem."

"And you really have to remove your eyes, Hope. Masyado kang guwapong guwapo sa sarili mo," pagganti ko sa kanya.

"Guwapo naman talaga ako. Bakit? Hindi ba?" nakangising sabi niya.

Shaking my head, I rolled my eyes. Mukhang malabo ngang antukin ako kapag siya ang kausap ko dahil kumukulo ang dugo ko tuwing sasabihin niyang guwapo siya.

Wala na ba akong ibang maririnig mula sa bibig niya? Talagang kailangan 'yon na lang palagi?

***

DON'T fall asleep, Ciem.

I kept saying that to myself every time. I kept thinking about all the things that can make me stay up.

"You should sleep," Hope said.

I glanced at him. He's sitting on a couch on the side of my bed with his legs crossed.

"I should not," I replied.

"Why? I love sleeping. It's all I need. Lahat naman tayo 'yon ang kailangan."

"But not me."

"Bakit nga?" tanong niya ulit.

Hindi ko siya sinagot at ibinalik ko lang sa kisame ang paningin ko. Hindi ko pinapatay 'yong ilaw sa kuwarto ko para hindi ako antukin.

Ramdam ko pa ang alak sa sistema ko, pero hindi sapat para patulugin ako. Marami akong nainom kanina pero mas nangingibabaw pa rin 'yong nakatanim sa isip ko na ayaw kong matulog.

"Tell me a story, Ciem. Para 'di ka makatulog," he suggested.

Tumagilid ako ng higa para humarap sa kanya. "Where do I start?"

"Ikaw bahala," sagot niya.

Nag-isip ako ng puwede kong ikuwento sa kanya pero wala talagang pumapasok sa isip ko. "Magtanong ka na lang. Sasagutin ko."

"Okay," sambit niya at saka nag-isip ng puwedeng itanong sa 'kin.

"Why do you trust me? I mean . . . I'm a guy, and you don't really know me. Bakit sinama mo 'ko dito sa bahay mo? Hindi ka naman nakasisigurado kung mabuti akong tao," tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napaangat ang kilay ko. "Why? Are you a bad guy?"

He laughed. "Don't answer me with another question."

I shrugged nonchalantly. "I was too desperate, and nagkataon na nando'n ka no'ng mga oras na 'yon. If you think you're special? You're absolutely not."

"Why are you so scared to fall asleep?"

Natahimik ako dahil sa tanong niya at napayukom ang kamao ko sa 'di malamang dahilan.

Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko bang sagutin ang tanong niya, pero dahil hindi naman kami talagang magkakilala, baka mas okay nga na magkuwento ako sa kanya. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin.

"Two years ago, after my parents died, I started having nightmares. Those nightmares felt so real. May mga araw na gumigising ako tapos may mga sugat talaga ako sa katawan. Sabi ko sa sarili ko, nanaginip lang naman ako pero bakit gumising akong may mga galos? Saan galing ang mga sugat ko?" panimula ko.

Hindi siya umimik at nanatiling nakikinig lang sa 'kin.

"I was sweating, and having trouble with breathing when I think about sleeping. I could always feel the tightness of my chest every time I think about falling asleep. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa 'kin."

Habang nagkukuwento ako sa kanya ay naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko pati ang pagtulo ng pawis ko.

Nang mapansin niya iyon ay agad siyang tumayo at lumapit sa 'kin.

He flashed me a worried look. "Hey, you don't have to force yourself to talk about it. I'm sorry," he said, lightly rubbing my shoulder.

I just gave him a half smile and gestured him to sit beside me, so he did.

"I went to a mental health professional and asked for help." There's a pause, then I continued. "I was diagnosed with Somniphobia."

Because of my fear of sleep, kulang ako lagi sa tulog, at mas madalas na wala talaga akong tulog kaya humina 'yong immune system ko. Halos palagi talaga akong nagkakasakit, o kapag may naka-interact ako na customer sa trabaho tapos may sakit siya, mabilis akong mahawa. Mabilis na rin akong makalimot ng mga bagay-bagay dahil may masamang epekto rin talaga sa memory 'yong palaging walang tulog o walang sapat na tulog. Mabilis din magbago ang mood ko.

"The doctor wants me to undergo therapy. Pumayag naman ako, pero isang beses lang ako nakapunta dahil hindi ko talaga kaya. So, I went to meet an old friend. He was a former professional in that field, but he hasn't been practicing for years. I came to him and asked for his help. Umasa ako na baka matulungan niya ako sa ibang paraan. Pero gano'n pa rin pala. He told me the exact same things, and he wanted me to undergo the exact same thing. Face my fears. But I couldn't do it. After that, I never asked for any professional help anymore. They're asking me to do something I couldn't do, and that sucks. It's like a suicide for me."

"So, you needed someone to just be there for you and do nothing," bigla niyang sabi kaya napatitig ako sa kanya.

"Not exactly nothing . . ." I trailed off. "Just . . . someone who can stay with me."

"Okay," sagot niya saka siya humiga sa tabi ko at humarap sa 'kin.

"Okay?"

"Okay, I'll stay with you," sambit niya kaya napatitig talaga ako sa kanya.

"Pero tuwing gabi lang kita mapupuntahan tapos kailangan ko rin umalis ng umaga. I have a life you know. My job and all," dagdag pa niya.

"I'm fine with it. Gabi lang din naman kita kailangan hanggang umaga bago ako pumasok sa trabaho."

"Anong oras ba pasok mo?"

"10AM to 7PM," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Depende. Basta umaga hanggang hapon," sagot niya naman kaya napataas ang kilay ko.

"Depende?" I scoffed.

"Yeah. Hawak ko naman palagi oras ko."

Maybe he's the boss in their field. Wow. Big time pala 'tong si Hope.

"I have one condition by the way," biglang sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Ano kaya? Salamin ba? Regaluhan ko siya kahit ilan gusto niya.

"You asked me to stay with you to keep you awake. But that's not what I want to do."

Nagtataka ko siyang tiningnan. Ano ang ibig niyang sabihin?

"I'll stay with you but you have to sleep, Ciem."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabangon mula sa pagkakahiga ko. "You're crazy."

"Trust me, nothing will happen to you. Okay? I'll wake you up when you start having those nightmares again."

"I always have them! So ano? Maya't maya mo akong gigisingin? E'di gano'n din!" reklamo ko.

"Still, you have to try," seryoso niyang sabi saka niya tinapik 'yong unan ko sa tabi niya.

"Now go to sleep, Ciem. I'll stay awake for you."

SLOWLY, it all made sense to me and tears started rolling down my cheek.

"I . . ." I trailed off. "I had a dream."

He didn't say anything. He just stood there and listened.

"It was a very long dream," pagkukuwento ko. "And it was a bad dream."

I sat on the chair and stayed silent for a while, trying to take things slowly.

"In that dream—you died. And I was the one who killed you." I burst out in tears and let it all out. I could feel my shoulders shaking as I sobbed like a kid.

"I thought I really killed you," umiiyak na sabi ko. "I . . . I thought I had lost you forever."

Walang tigil akong umiyak nang umiyak. Napakasama ng mga nangyari sa panaginip kong iyon. Sa sobrang bigat ng mga nangyari, akala ko totoo lahat.

"Hey . . ." malumanay niyang pagtawag sa 'kin. Hindi niya inaasahan ang pag-iyak ko kaya hindi niya rin malaman ang gagawin niya, pero hindi siya nagdalawang isip na yakapin ako.

Patuloy lang akong umiyak sa dibdib niya at nilabas lahat ng sama ng loob ko.

Panaginip lang pala ang lahat, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kung dapat ba akong mainis dahil muntik ko nang ikamatay ang panaginip na iyon.

"I'm here, okay? I didn't die. I even cooked for you," pagpapakalma niya sa 'kin pero hindi ko magawang ngumiti.

"Why did you cook for me?" tanong ko saka ko inilayo ang mukha ko sa dibdib niya at umayos ako ng upo.

"Kasi gusto ko?" patanong niyang sagot.

"Bakit gusto mo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Because it felt like you needed someone to do it for you, so I did it for you."

Natigilan ako sa sagot niya at napatitig lamang sa kanya.

Muli kong hinawakan ang pisngi niya at unti-unti na namang kumawala ang luha sa mga mata ko.

"I'm really glad you're still alive," sinsero kong sabi.

"'Wag mo 'kong titigan ng gan'yan," reklamo niya kaya napaangat ang kilay ko.

"Nanghihina ako sa ganiyang titig mo," dagdag pa niya kaya wala sa sarili akong napangiti.

"Basta ako, mahal kita."

Natigilan siya sa sinabi ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Do'n sa panaginip ko, bago naging masama 'yong mga nangyari, naging masaya muna tayo. Naging masaya ako sa 'yo. Mahal na mahal kita doon sa panaginip ko."

"It's just a nightmare, Ciem. You don't have to fall for it."

Marahan akong umiling. "It wasn't just a nightmare, Hope." I paused. "It was a blessing."

Slowly, I closed the gap between us and gave him a soft kiss on his lips.

"I think you cured me, Hope Vegas . . ."

Napatitig siya sa 'kin, gulat pa rin dahil sa biglaan kong paghalik sa kanya kanina.

"Did you just—kiss me?" wala sa sariling sabi niya kaya mahina akong natawa. Marahan akong tumango at saka ko siya hinalikan ulit sa labi.

"Are you crazy? We just met. We don't even know each other that well!" parang bata niyang reklamo sabay punas sa bibig niya. Lalo akong natawa.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at saka ako yumakap na parang bata sa braso niya.

"Can you please stay with me forever?"

That caught him off guard.

"W-What? No. I mean—seriously? You really are crazy, Ciem. You still don't know me that well. How could you ask me that?"

"Please?" pakiusap ko sa kanya, hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Napabuntonghininga siya at parang sasabog na sa sobrang pula 'yong mukha niya.

"You're lucky you have an adorable face," umiiling na sabi niya kaya napangiti ako.

"Is that a yes?"

"Yes," he replied and shrugged nonchalantly, like it was the easiest decision he has ever made. And that made me smile even more.

How is this all possible?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top