Chapter Three
This chapter is dedicated to staana_esmie . Thank you for being active on comment section! Palagi ko na tuloy inaabangan mga comments mo every chapter. :")
__
#CYECChapter3
DON'T fall asleep, Ciem.
I kept saying that to myself every time. I kept thinking about all the things that can make me stay up.
"You should sleep," Hope said.
I glanced at him. He's sitting on a couch on the side of my bed with his legs crossed.
"I should not," I replied.
"Why? I love sleeping. It's all I need. Lahat naman tayo 'yon ang kailangan."
"But not me."
"Bakit nga?" tanong niya ulit.
Hindi ko siya sinagot at ibinalik ko lang sa kisame ang paningin ko. Hindi ko pinapatay 'yong ilaw sa kuwarto ko para hindi ako antukin.
Ramdam ko pa ang alak sa sistema ko, pero hindi sapat para patulugin ako. Marami akong nainom kanina pero mas nangingibabaw pa rin 'yong nakatanim sa isip ko na ayaw kong matulog.
"Tell me a story, Ciem. Para 'di ka makatulog," he suggested.
Tumagilid ako ng higa para humarap sa kanya. "Where do I start?"
"Ikaw bahala," sagot niya.
Nag-isip ako ng puwede kong ikuwento sa kanya pero wala talagang pumapasok sa isip ko. "Magtanong ka na lang. Sasagutin ko."
"Okay," sambit niya at saka nag-isip ng puwedeng itanong sa 'kin.
"Why do you trust me? I mean . . . I'm a guy, and you don't really know me. Bakit sinama mo 'ko dito sa bahay mo? Hindi ka naman nakasisigurado kung mabuti akong tao," tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napaangat ang kilay ko. "Why? Are you a bad guy?"
He laughed. "Don't answer me with another question."
I shrugged nonchalantly. "I was too desperate, and nagkataon na nando'n ka no'ng mga oras na 'yon. If you think you're special? You're absolutely not."
"Why are you so scared to fall asleep?"
Natahimik ako dahil sa tanong niya at napayukom ang kamao ko sa 'di malamang dahilan.
Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko bang sagutin ang tanong niya, pero dahil hindi naman kami talagang magkakilala, baka mas okay nga na magkuwento ako sa kanya. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin.
"Two years ago, after my parents died, I started having nightmares. Those nightmares felt so real. May mga araw na gumigising ako tapos may mga sugat talaga ako sa katawan. Sabi ko sa sarili ko, nanaginip lang naman ako pero bakit gumising akong may mga galos? Saan galing ang mga sugat ko?" panimula ko.
Hindi siya umimik at nanatiling nakikinig lang sa 'kin.
"I was sweating, and having trouble with breathing when I think about sleeping. I could always feel the tightness of my chest every time I think about falling asleep. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa 'kin."
Habang nagkukuwento ako sa kanya ay naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko pati ang pagtulo ng pawis ko.
Nang mapansin niya iyon ay agad siyang tumayo at lumapit sa 'kin.
He flashed me a worried look. "Hey, you don't have to force yourself to talk about it. I'm sorry," he said, lightly rubbing my shoulder.
I just gave him a half smile and gestured him to sit beside me, so he did.
"I went to a mental health professional and asked for help." There's a pause, then I continued. "I was diagnosed with Somniphobia."
Because of my fear of sleep, kulang ako lagi sa tulog, at mas madalas na wala talaga akong tulog kaya humina 'yong immune system ko. Halos palagi talaga akong nagkakasakit, o kapag may naka-interact ako na customer sa trabaho tapos may sakit siya, mabilis akong mahawa. Mabilis na rin akong makalimot ng mga bagay-bagay dahil may masamang epekto rin talaga sa memory 'yong palaging walang tulog o walang sapat na tulog. Mabilis din magbago ang mood ko.
"The doctor wants me to undergo therapy. Pumayag naman ako, pero isang beses lang ako nakapunta dahil hindi ko talaga kaya. So, I went to meet an old friend. He was a former professional in that field, but he hasn't been practicing for years. I came to him and asked for his help. Umasa ako na baka matulungan niya ako sa ibang paraan. Pero gano'n pa rin pala. He told me the exact same things, and he wanted me to undergo the exact same thing. Face my fears. But I couldn't do it. After that, I never asked for any professional help anymore. They're asking me to do something I couldn't do, and that sucks. It's like a suicide for me."
"So, you needed someone to just be there for you and do nothing," bigla niyang sabi kaya napatitig ako sa kanya.
"Not exactly nothing . . ." I trailed off. "Just . . . someone who can stay with me."
"Okay," sagot niya saka siya humiga sa tabi ko at humarap sa 'kin.
"Okay?"
"Okay, I'll stay with you," sambit niya kaya napatitig talaga ako sa kanya.
"Pero tuwing gabi lang kita mapupuntahan tapos kailangan ko rin umalis ng umaga. I have a life you know. My job and all," dagdag pa niya.
"I'm fine with it. Gabi lang din naman kita kailangan hanggang umaga bago ako pumasok sa trabaho."
"Anong oras ba pasok mo?"
"10AM to 7PM," sagot ko. "Ikaw ba?"
"Depende. Basta umaga hanggang hapon," sagot niya naman kaya napataas ang kilay ko.
"Depende?" I scoffed.
"Yeah. Hawak ko naman palagi oras ko."
Maybe he's the boss in their field. Wow. Big time pala 'tong si Hope.
"I have one condition by the way," biglang sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Ano kaya? Salamin ba? Regaluhan ko siya kahit ilan gusto niya.
"You asked me to stay with you to keep you awake. But that's not what I want to do."
Nagtataka ko siyang tiningnan. Ano ang ibig niyang sabihin?
"I'll stay with you but you have to sleep, Ciem."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabangon mula sa pagkakahiga ko. "You're crazy."
"Trust me, nothing will happen to you. Okay? I'll wake you up when you start having those nightmares again."
"I always have them! So ano? Maya't maya mo akong gigisingin? E'di gano'n din!" reklamo ko.
"Still, you have to try," seryoso niyang sabi saka niya tinapik 'yong unan ko sa tabi niya.
"Now go to sleep, Ciem. I'll stay awake for you."
Natigilan ako nang sabihin niya iyon.
Willing siyang mapuyat o hindi matulog para lang bantayan ako?
Sino ba ako para sa kanya? Bakit okay lang sa kanya na tulungan ako?
***
RAMDAM ko ang panginginig ng mga kamay ko habang naglalakad ako papalapit sa aparador ko.
Kanina pa ako may naririnig na kaluskos mula sa aparador ko at ayaw akong patahimikin nito.
Palagi na lang bang ganito?
Bakit ba ayaw nila akong patahimikin?
Bakit ba nila ginagawa sa 'kin 'to?
Nang makalapit ako sa aparador ko ay ipinikit ko ang mga mata ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at gustong-gusto kong buksan iyon pero nangingibabaw ang takot ko.
Akmang bubuksan ko na sana iyon pero natigilan ako nang may marinig akong umiiyak mula sa likuran ko.
Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at mabilis akong napaatras nang makita ko ang isang babaeng umiiyak doon sa kabilang sulok ng kuwarto ko.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng mahaba niyang buhok pati ng mga braso niyang nakayakap sa mga tuhod niya.
Nagsimula akong umiyak nang makita ko ang dugo sa sahig ng kuwarto ko. Mabilis akong umakyat sa kama ko at parang bata na umiyak.
"P-Please, go away!" basag na boses kong sigaw. Paulit ulit na lang na nangyayari 'to sa 'kin. Nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.
"Ciem," a familiar voice said.
"Ciem . . ." the voice repeated.
"Go away!" sigaw ko pa ulit at gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga.
Naghabol ako ng hininga at pinunasan ang pawis ko.
Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit na lang ganito.
But there's one thing that makes it different this time.
Someone's hugging me while rubbing my back.
"It's okay, Ciem. I'm here. You're not alone." Hope said, his voice was calm.
And that was enough to keep me from bursting out into tears.
***
"MAS okay 'to," pagrerekomenda ko ng libro ni Esther Finley sa bagong dating na customer.
"I'm not into tragedies," sagot no'ng customer kaya napangiti ako.
"Then Yura Ia's books are for you," sambit ko saka ko itinuro sa kanya 'yong mga libro ni Yura. Her novels are all romantic comedies with happy endings.
"I'm not into romance," sabi naman ulit no'ng customer kaya napaawang ang labi ko.
Eh ano palang gusto niya?
"Do you have Cleon Arria's books?" tanong niya. Oh. So, she loves science fiction.
"Here, Ma'am," I said, leading the way to the next row.
"Thanks," sambit niya saka siya kumuha ng libro para basahin 'yong blurb sa back cover.
Iniwan ko muna saglit 'yong customer saka ako pumunta kay Sandro.
"Ikaw muna do'n. Mag-withdraw lang muna ako. Balik din agad ako," paalam ko sa kanya.
"Sige. Daan ka na rin sa Talia Café, pabili akong Latte."
"Uy, ako rin. Cappuccino," singit naman ni Chas.
"Okay," sagot ko saka ko kinuha 'yong bag ko sa desk ko bago ako umalis.
Habang naglalakad ako sa sidewalk ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga taong nakakasalubong ko.
Nagbabakasakali ako na makita ulit si Hope.
I don't have his number. Hindi ko rin naman alam kung saan siya nakatira. At bukod sa pangalan niya, wala na akong ibang alam sa kanya. Pati nga apelyido niya ay wala akong ideya.
Hindi ko sigurado kung makikita ko pa ulit siya. Wala naman din kasi siya sinabi kaninang umaga no'ng umalis siya. Basta pagkatapos kong maligo, wala na siya.
Napabuntonghininga ako.
Bakit bigla na lang siyang nawala?
___
Follow me on Twitter: @TianaVianne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top