Chapter Thirteen
#CYECChapter13
"YOU should sleep in my room," sambit ni Adam habang nilalagyan ng wine ang baso ko.
Tatanggihan ko pa lang sana si Adam pero nagprisinta na si Adlei na sa kuwarto na lang niya si Chas tapos magsama na lang daw sa guest room sila Sandro at Hope.
F*ck no.
Adam will know about my condition.
Gustuhin ko mang tanggihan ang alok ni Adam, wala na akong nagawa. Nagkuwentuhan lang sila habang umiinom kami at nanatili naman akong tahimik.
Si Hope ay nakikipagkuwentuhan din sa kanila, at hindi ako nililingon. Buti naman at natauhan na siya. Mas gusto kong siya na mismo ang umiiwas sa 'kin dahil iyon naman talaga ang dapat niyang gawin.
Nagligpit na kami ng mesa pagkatapos namin at dumiretso na sila sa kani-kanilang kuwarto.
Inasikaso ni Adam lahat ng gamit ko bago ako dumiretso sa banyo ng kuwarto niya para maghilamos.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napabuntonghininga ako. Just one night, Ciem. One night.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako at tumabi kay Adam sa kama niya.
Abala siyang magbasa no'ng hawak niyang makapal na reviewer kaya hindi ko na muna siya kinausap para makapag-focus siya sa ginagawa niya.
Nanatiling mulat ang mga mata ko at nakatitig lamang sa kung saan. Hindi ko alam kung paano ko mairaraos ang gabing ito nang hindi nalalaman ni Adam ang tungkol sa kalagayan ko. Ayaw ko nang makadagdag pa sa mga iniisip niya. Masyado na siyang maraming hinaharap na problema.
Sa dami ng nangyari kanina ay hindi ko maiwasang antukin. May mga oras na napapapikit ako dahil sa antok, pero kinakagat ko ang sarili kong labi para lang makaramdam ako ng sakit at manatiling gising.
"I think I've seen your friend somewhere else."
Napunta kay Adam ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
"Sino?"
"Si Hope," sagot niya saka siya bahagyang tumingin sa 'kin.
"The first time I saw him with you on the convenience store, it felt like it wasn't the first time. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang matandaan kung saan o kailan," aniya. Tumigil pa siya saglit sa ginagawa niya at nag-isip ng mabuti kung saan niya nga ba nakita si Hope.
"Baka may kamukha lang?" sabi ko naman.
He shrugged. "Maybe. Or maybe not. Baka nakita ko na talaga siya dati. But—who cares? Baka nakasalubong ko lang sa daan."
Natawa ako ng mahina. Ugali kasi ni Adam pagmasdan 'yong mga mukha na nakakasalubong niya sa daan. He does that most of the time because it helps him refresh his mind and memorize.
Nang ituloy niya ang ginagawa niya ay tumahimik na naman ang paligid kaya bumalik ang antok ko at napapahikab pa ako.
"You should sleep, Ciem. Mauna ka na. Mamaya pa 'ko matatapos dito," he says, his eyes not leaving the paper.
"Y-Yeah. Sure." Muli kong kinagat ang labi ko.
I could feel my sleepiness; the drug slowly wears off.
The more I think of going to sleep, the harder it is for me to breathe.
Sobrang sikip ng dibdib ko, at halos umiikot ang paningin ko sa sobrang hilo.
Bago pa man ako masuka ay nagmadali akong pumunta ng banyo at binuksan ang gripo. Hinayaan kong manatiling tuloy-tuloy ang pagbuhos ng tubig mula sa gripo kasabay ng pagsuka ko sa lababo.
"Hey, everything alright?" rinig kong tanong ni Adam sa labas ng pintuan.
Hindi ako sumagot at nagmadali na agad akong linisin 'yong lababo at ang sarili ko saka ko binuksan 'yong pinto.
Bumungad sa 'kin si Adam na nag-aalalang nakatingin sa 'kin pero agad akong ngumiti.
"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya, iniiba ang usapan.
"Hindi pa. Mauna ka nang matulog. Mukhang masama pakiramdam mo," aniya.
Agad akong umiling.
"Okay lang ako," sagot ko saka ko hinanap 'yong bag ko para sana kunin 'yong pills ko. May iinom kasi ako palagi para manatili akong gising.
Nang mapagtanto kong wala 'yong isa ko pang bag ay napasapo ako sa noo ko. Naiwan ko nga pala 'yong shoulder bag ko sa baba, sa may sofa sa sala.
"Inom lang akong tubig. Kuhaan din kita?" tanong ko kay Adam na bumalik na sa puwesto niya para ipagpatuloy 'yong inaaral niya.
"Yes, please. Thanks," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako at tumango.
Paglabas ko ng kuwarto ay dumiretso ako sa sala para kunin ang bag ko at dinala ko 'yon sa kusina.
Kumuha ako ng isang baso ng tubig saka ko inilabas sa bag ko 'yong pills ko.
I know I should take pills that could help me fall asleep, but it's the other way around for me. I take pills that could make me stay awake.
Pagkatapos kong inumin 'yon ay muli kong kinagat ang labi ko at halos mapapikit ako sa sakit. Pakiramdam ko ay nabugbog ko masyado ang labi ko.
"You should sleep, Ciem."
Gulat akong napatingin sa harapan ko dahil sa biglaang presensya ni Hope.
"Kanina ka pa nand'yan?" tanong ko. Hindi niya puwedeng makita na may iniinom ako.
"Nah. Kabababa ko lang. Matulog ka na," paalala niya sa 'kin.
"You know I can't do that," madiin kong sabi.
Lumakad siya papalapit sa 'kin at napaatras ako dahil sa biglaan niyang paghawak sa labi ko.
"You're bleeding," nag-aalalang sabi niya pero tinabig ko ang kamay niya at dumistansya ako sa kanya.
"I'm fine."
"You're not."
"I said I'm fine, Hope. Bakit ba ang kulit mo?" Bakas sa boses ko ang pagkairita sa kanya.
"Sorry," napapahiyang sabi niya. Napaigting ang panga niya bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito.
Why am I even feeling this way? Konting lapit niya sa 'kin, pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko. Tuwing hahawakan niya ako, bumibilis 'yong tibok ng puso ko.
Mali 'tong nararamdaman ko, kaya hangga't maaga pa ay ako na mismo ang iiwas sa 'yo, Hope.
Pagkabalik ko sa kuwarto ni Adam ay nagtaklob na lang ako ng kumot at nagpanggap na tulog kahit ang totoo ay hindi ko kayang ipikit ng matagal ang mga mata ko.
Natatakot akong baka makatulog na naman ako . . .
***
"TWO thousand three hundred po lahat," sabi ko sa customer.
Ilang araw nang hindi pumapasok si Chas at kahit si Sandro ay hindi alam ang dahilan. Hindi naman daw nagpaalam sa kanya si Chas na mag-a-absent siya ng ilang araw. Kaming dalawa lang tuloy ni Sandro ang tumatao rito sa bookstore.
"Dalawin natin mamaya? Maybe she's sick."
Slowly, I shake my head. "Puwede ka naman niyang i-text o tawagan para magsabi na masama ang pakiramdam niya. Pero hindi niya ginawa. Maybe she doesn't want us to know, so let her be."
Tumango-tango siya, senyales na sumasang-ayon siya sa 'kin.
Mabuti na lang ay malakas ang ulan ngayon kaya wala masyadong customer at hindi kami gaanong nahirapan ni Sandro. Habang nag-co-computer ako ay napapahikab ako. Tinatamaan ako ng antok dahil ilang araw na naman akong hindi natutulog.
Agad kong kinuha sa bag ko 'yong pills ko saka nilingon ang paligid para masiguradong walang nakakakita sa 'kin. Nang masigurado kong walang nakatingin sa 'kin ay binuhos ko sa kamay ko ang pills. No'ng hindi ako nakuntento ay ginawa kong apat na piraso iyon sa kamay ko saka ko binuksan ang tumbler ko at ininom ang pills ko.
Nairaos ko ulit ang araw na 'yon nang hindi nakakatulog. Pero habang nakahiga ako sa kama at natatamaan ng sinag ng araw ang balat ko, napabuntonghininga ako.
Paulit-ulit na lang akong ganito. Walang bago sa araw ko. Sawang-sawa na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top