Chapter Nineteen
This chapter is dedicated to Binibining_Kedi
__
#CYECChapter19
HINDI ko alam kung saan ako nakakuha nang lakas ng loob para magpunta sa burol ni Chas.
Hindi ako pumasok sa bahay nila, pero nandito ako sa labas at nakikiramay sa pagkawala niya. Ayokong makita ako nang pamilya niya o nang mga kaibigan at kamag-anak niya. Natatakot ako na baka ako ang sisihin nila sa pagkamatay ni Chas.
Natatakot ako sa puwede nilang gawin sa 'kin.
Nalulungkot at nanghihinayang ako sa pagkawala ni Chas dahil naging mabuti siyang kaibigan sa 'kin, pero lamang ang takot na nararamdaman ko tuwing naaalala ko kung ano ang ginawa niya sa 'kin no'ng gabing 'yon bago siya namatay.
I still don't understand why she did all those things to me. She's been a good friend to me all this time. I wonder why we ended up in this situation.
Kakaunti lang ang mga nagpunta sa burol ni Chas. Hindi ko sila kilala, at halos puro matatanda ang nakikita kong dumarating na bisita.
I wiped the tears off my cheek and started walking away from that place.
Ilang gabi na akong walang tulog, at ang mas masaklap pa, mas lumalala ang mga nanagyayari sa panaginip ko. Hindi ko na maipaliwanag ang mga nangyayari, pero may parte sa panaginip ko na malabo ang nakikita ko o hindi ko maalala masyado. Siguro'y dala 'to nang takot ko sa nangyari.
Pagkauwi ko sa bahay ay pinalipas ko ulit ang buong magdamag nang hindi ako natutulog.
Maya't maya ko kinakagat ang sarili kong braso para mawala ang antok ko.
I'm too desperate to not sleep.
Inis kong binato ang unan ko sa pader. Nakakairita lang isipin na wala akong mainom na kahit na ano para lang 'di ako antukin. Nakatulong para sa 'kin 'yong pills na iniinom ko pero kinuha iyon lahat nila Adam at Calizo dahil nakasisira daw 'yon sa kalusugan ko. Bakit ba mas marunong pa sila sa 'kin? Eh katawan ko naman 'to. Sana hinahayaan na lang nila ako sa kung ano'ng gusto kong gawin.
I groaned in frustration, not knowing what to do.
Pagsikat ng araw ay nag-ayos na ako at maaga akong pumasok sa trabaho. Hindi pa man ako nakakapasok sa Paria Book Store ay napataas ang pareho kong kilay nang makita kong may tao na sa loob at nag-aayos nang mga libro sa shelf.
Nagtataka man ako, wala akong nagawa kundi ang pumasok at batiin siya ng magandang umaga kahit wala naming maganda sa umaga ko.
Napalingon siya sa 'kin at agad siyang umayos ng tayo.
"Ah . . ." tanging nasabi ko saka ako tumango-tango. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang mas bata siya sa 'kin. Maikli ang buhok niya at may bangs din siya.
"Ikaw na lang po talaga ang nandito?" she asked, breaking me out of trance.
Agad akong umiling. "May inaasikaso lang si Sandro, 'yong manager. Pero papasok din 'yon kapag maayos na ang lahat."
"Ah, 'yong nakapatay po sa isa niyo pang katrabaho?"
Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Paano nakarating sa kanya ang balitang iyon? Napakalayo ng lugar na 'to sa pinanggalingan niya.
"Ah. Nabasa ko lang po sa diyaryo no'ng nakaraan saka napanood ko rin sa tv," bigla niyang sabi na para bang nababasa niya ang naiisip ko kaya tumango lang ako. Naibalita na pala sa publiko ang nangyari. Napabuntonghininga tuloy ako.
"I'm Ciem by the way," pagpapakilala ko sa kanya saka ko inilahad ang kamay ko. Agad niyang tinanggap iyon at ngumiti nang matamis sa 'kin.
"Alam mo naman na siguro ang mga gagawin?" paninigurado ko at agad siyang tumango. "I've been working at the main branch for eight months na po. So, yes po. Alam ko na po ang mga gagawin," nakangiting sabi niya kaya tumango rin ako.
"Great," tanging naisagot ko saka ako pumunta sa kahera. Mabuti na lang ay hindi ko na siya kailangang turuan pa dahil alam niya naman na raw ang mga gagawin.
Habang nagtatrabaho ako ay maya't maya ko siyang pinagmamasdan. Tinitingnan ko kung tama ba ang mga ginagawa niya at kung maayos ang serbisyong ibinibigay niya sa mga customer.
"Hi, Ms. Saan ko makikita 'yong novel ni Gayle Forman na Leave Me?" tanong sa 'kin no'ng babaeng medyo may edad na. Katamtaman ang kulay ng balat niya at hindi rin naman gano'n kahaba ang buhok niya. Napansin ko rin na kanina pa siya paikot-ikot dito sa book store pero hindi ko siya malapitan dahil ako ang tumatao ngayon dito sa kahera. Si Rysie naman ay abala rin sa pag-aasikaso no'ng mga bagong dating na libro.
"Hi, Ma'am. This way po," kalmadong sabi ko sa kanya saka ako bumaling doon sa mga taong nakapila sa harap ko. "Wait lang po, Ma'am, Sir. Pasensya na po dalawa lang po kasi kami no'ng kasama ko," pagpapaumanhin ko sa kanila. Mabuti na nga lang ay mabait sila at mukhang mahaba naman ang pasensya kaya tumango sila at ngumiti lang.
Pagkatapos kong alalayan 'yong customer na lumapit sa 'kin kanina ay bumalik na agad ako sa kahera at pinagpatuloy na ang ginagawa ko kanina.
Lumipas ang buong araw nang naging abala ako sa trabaho. Pero no'ng matapos ako sa trabaho ko ay bumalik na naman sa isip ko ang mga nangyari.
Hindi ako mapakali habang nagliligpit ako nang mga gamit. Ni hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Rysie at kanina pa nagsasalita.
"Sorry, ano ulit?" tanong ko sa kanya.
"Kung kakain ka kako, Ate. Sasabay sana ako sa 'yo," ulit niya kaya napatango ako. "Sure. Kaya lang, kasama natin 'yong boyfriend ko," sagot ko saka ako sumilip sa relo ko. "Parating na 'yon dito."
Agad na lumiwanag ang mukha niya. "Wow, may boyfriend ka na pala, Ate," namamangha na sabi niya kaya napangiti ako. "He's here," saad ko habang nakatingin sa labas. Kadarating lang nang sasakyan ni Adam kaya inaya ko na si Rysie na lumabas saka kami nagpaalam doon sa guard dahil siya ang magsasarado no'ng book store.
Pagkasakay ko sa passenger seat ay agad akong humalik sa labi ni Adam. "I'm glad you're here," malambing na sabi ko.
Iba talaga 'yong saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya o kapag kasama ko siya. Kumbaga siya 'yong nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay. I'm really happy that we got back together. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko kung wala siya ngayon sa buhay ko.
"Hello po!" bati ni Rysie kay Adam kaya napalingon si Adam sa likuran at agad na napangiti. "Hi there, new face," bati sa kanya ni Adam.
"I'm Rysie!"
"Adam," pagpapakilala rin ni Adam kaya napangiti ako. Ang guwapo talaga lalo na kapag nakangiti.
"Sa'n tayo?" baling ni Adam sa 'kin.
Agad naman akong lumingon kay Rysie sa likuran ko. "May gagawin ka ba?"
"Wala naman, Ate. Mag-isa lang naman ako sa apartment na inuupahan ko at malamang ay mamamahay ako dahil sa bagong environment kaya ayoko pa rin umuwi. Bakit? Malayo ba kakainan natin?"
Tumango ako. "Okay lang ba sa 'yo? Sa Kerro ko sana gusto para maraming tao."
Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga dito sa buong lugar na 'to dahil sa dami ng mga nangyari.
"Kerro mall? Labas na 'yon ng Briena, 'di ba?" tanong sa 'kin ni Adam at tumango naman ako. "Okay lang ba sa 'yo? O maaga pasok mo bukas? 'Wag na lang pala kung may pasok ka bukas baka mapuyat ka."
"8PM pa pasok ko bukas. Isang subject lang naman," sagot niya saka niya hinawakan ang kamay ko.
"Let's get you out of here, my princess," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako.
In this scary world, he's the only one who makes me feel safe . . .
***
"WOW. Ang dami pa ring tao nang ganitong oras," komento ni Rysie habang naglalakad kami sa loob ng Kerro mall, isang malit na mall dito sa Briena town na mayroon ding maliit na sinehan.
Napatingin ako sa relo ko. "8PM pa lang, puwede pa tayong bumili ng ticket for the next screening time no'ng Chasing You," I informed them.
Agad na tumango si Adam at saka siya umakyat sa 2nd floor para bumili ng ticket. Kami naman ni Rysie ay pumunta sa McDo para mag-dine in. 9pm pa kasi ang next screening time kaya may oras pa kami para kumain. McDo na lang din kasi 'yong natitirang bukas na fastfood chain dito dahil sarado na rin 'yong iba dahil anong oras na rin.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ko kay Rysie habang nakapila kami. Buti na lang ay dalawang tao lang ang nasa harapan ko.
"Large fries, double cheese burger, coke Mcfloat," sagot niya at akmang kukuha ng pera sa shoulder bag niya pero agad ko siyang pinigilan. "Sagot ko na," nakangiting sabi ko kaya nagliwanag ang mukha niya.
"Thanks, Ate!" masayang sabi niya. Mahina akong natawa. Ang cute niya.
"Hanap ka na ng table natin," bilin ko sa kanya at agad naman siyang tumango saka naglakad paalis sa pila para sundin ang sinabi ko.
Nang matapos na 'yong babae na nasa harapan no'ng nasa harapan ko ay umabante na ako.
Habang nagtitingin ako ng puwede kong order-in ay biglang may yumakap sa 'kin mula sa likuran ko kaya napangiti ako.
"Hi," Adam said in a low voice and kissed me on my cheek.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Umupo ka na do'n. Ako na pipila," sambit niya kaya tumango ako.
"Two-piece chicken sa 'kin, tapos large fries, Big Mac, tapos vanilla iced coffee. 'Yong kay Rysie naman large fries, double cheese burger, tapos coke Mcfloat."
"Takaw mo ah," natatawang sabi niya kaya tumaas ang kilay ko. "Sa pagkain na nga lang ako kumukuha ng lakas eh," reklamo ko kaya mas lalo siyang natawa at tumango-tango.
Bago ako umalis sa pila ay napangiti ako.
Siya lang ang pahinga ko . . .
___
Chill lang 'tong chapter na 'to kasi . . . sobrang bigat na ng mga susunod na chapters. Ihanda niyo na mga sarili ninyo. >:)
Don't forget to vote and comment, thank you!
Add/Follow me on Facebook: Tiana Vianne Isidoro
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top