Chapter Nine

#CYECChapter9


"YOU'RE so rude!" I commented, laughing my ass out.

"Bakit mo naman 'yon ginawa?" dagdag ko pa. Halos maluha luha talaga ako kakatawa dahil sa kuwento niya.

"You really find that funny, huh. Hindi ka man lang ba naawa sa 'kin? I had to show her our picture para lang tigilan niya ako," umiiling na sabi niya sabay kain ng pizza.

"Grabe ka. Ni hindi nga tayo nag-uusap, tapos ipapakilala mo 'ko sa mga nagkakagusto sa 'yo as girlfriend mo? Kaya pala madalas nakakagat ko dila ko!" reklamo ko kaya napahalakhak siya at napailing.

"Pero seryoso, mag-girlfriend ka na! Tagal na nating break kaya."

"Saka na. Wala akong oras sa gan'yan."

"Pero may oras kang kumain kasama ako? Eh kung nilalaan mo sa iba 'yong oras na 'to e'di sana happy ka," pang-aasar ko sa kanya kaya napataas ang kilay niya.

"I'm happier when I'm with you."

And that caught me off guard. I didn't know what to say. I'm just . . . not in the mood to be swayed right now.

"May boyfriend ka na?" bigla niyang tanong habang inaaral 'yong reaksyon ko.

Ngumiti ako at umiling. "Wala. Ikaw lang din naman naging boyfriend ko."

Nagliwanag bigla 'yong mukha niya at tumango-tango.

Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay na hindi na namin alam sa isa't isa. Nakuwento niya rin sa 'kin kung gaano kahirap ngayon sa law school, at kung ano-anong mga pinagkakaablahan niya.

Nakatitig lang talaga ako sa kanya habang nagkukuwento siya. Ang guwapo niya pa rin kasi talaga, tapos 'yong nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya, syempre nando'n pa rin. Kahit kailan naman, hindi naman nawala 'yong nararamdaman ko para sa kanya. He was a perfect boyfriend to me. 'Yon nga lang, nasobrahan sa pagiging perfect and I didn't want that. Ayaw ko kasing sa 'kin lang umikot ang mundo niya. Kaya kahit ayaw ko siyang pakawalan noon, ginawa ko pa rin.

No'ng ako na 'yong nagkukuwento, ang tanging nakuwento ko lang ay tungkol sa kung paano ako natanggal ng paulit-ulit sa trabaho at kung paano ako napadpad sa trabaho ko ngayon. Kinwento ko rin sa kanya 'yong buhay ko bilang bookseller, at nakuwento ko rin sa kanya sina Sandro at Chas.

"Who was with you earlier at the convenience store?" bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng pagkukuwento ko.

"Ah. Boyfriend ni Chas. Ako kasi naglakad sa kanya kay Chas kaya minsan sa 'kin dumidiretso 'yon para mag-rant."

"Oh. Akala ko manliligaw mo, eh."

"Nako, hindi ah. Ikaw lang naman pinayagan kong manligaw sa 'kin." Tumawa ako at napailing.

"Buti naman," seryosong sabi niya kaya napatitig ako sa kanya.

"Are you still in love with me?" diretso kong tanong. Base kasi sa mga sinasabi at pinapakita niya sa 'kin, iyon ang pumapasok sa isip ko.

Uminom siya ng wine at tumitig sa 'kin. "You broke up with me, Ciem. Hindi ako ang nakipaghiwalay. Ikaw."

"Are you still in love with me?" pag-uulit ko.

Ngumiti siya. "I don't want to answer that question, Ciem. I know you, papalayuin mo lang ulit ako sa 'yo."

Tumango-tango ako at ngumiti ng tipid. "How can you be so sure about that?"

"Because that's who you are. Ayaw mong may nagmamahal sa 'yo," seryoso niyang sabi kaya natahimik ako.

I had to push you away because I loved you so much, you idiot. I didn't want to ruin your future.

Gusto ko iyang sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang 'wag umimik.

Napatingin ako sa malaking orasan dito sa Buono at nakita kong 5:30PM na pala.

"Huy, baka abutan ka na ng dilim sa daan," pag-iiba ko ng usapan kaya napatingin siya sa relo niya at napabuntonghininga.

"I should probably go. May gagawin pa kasi ako pag-uwi."

Tumango ako at ngumiti. "I had fun with you, Adam."

"Me too," nakangiting sagot niya.

He paid for what we ate before coming out of Buono. Sabay kaming naglakad pabalik sa bahay ko dahil doon niya iniwan ang sasakyan niya. Naglakad lang kasi kami kanina papunta sa Buono para masulit ko 'yong oras kasama siya.

Tahimik lang kaming pareho hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko.

Bago siya sumakay sa kotse niya ay muli siyang lumapit sa 'kin.

Bago pa man ako makapagsalita ay natigilan ako nang bigla niya akong yakapin.

"Thanks for letting me spend time with you today," sambit niya saka niya ako hinalikan sa noo kaya napapikit ako.

"And yes, I still love you . . ."

Napamulat ako nang sabihin niya iyon. Napatitig lang ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Napangiti ako nang mapagtanto kong wala pa ring nagbago sa pinagsamahan naming dalawa. Kung sino 'yong minahal ko noon, ito pa rin siya sa harapan ko ngayon.

"Please take care of yourself, okay? Kumain at matulog ka ng maayos," bilin niya sa 'kin bago siya kumalas sa yakap at tuluyan nang sumakay sa kotse niya para paandarin ito.

Bumusina siya bago siya tuluyang umalis at kumaway naman ako sa kanya habang pinagmamasdan kung paanong unti-unting nawala sa paningin ko ang sasakyan niya.

Napayuko ako.

I should've told him about my condition. But knowing him, he'd want to stay beside me to make sure that I'm okay.

Lumipas ang buong gabi nang hindi na naman ako natulog. Nanatiling mulat ang mga mata ko hanggang sa makita ko na muli ang liwanag na pumapasok sa bintana ko.

Bumangon ako at binuksan ang mga kurtina. Matamlay akong pumunta ng banyo nang mapagtanto kong parang panaginip lang ang nangyari kahapon. Kasi alam ko naman na malabo nang magkabalikan kami ni Adam. Matagal ko nang tinapos ang relasyon naming dalawa, at sigurado akong 'yong pagmamahal na nararamdaman niya para sa 'kin hanggang ngayon ay bilang kaibigan na lang.

Sa convenience store ako nag-almusal pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili. Kalmado lang akong naglakad papunta sa Paria Book Store dahil maaga pa naman.

Buti na lang ay nauna ako kila Chas at Sandro kaya maaga akong nakapag-ayos ng bookstore bago nagbukas. Marami agad ang customer na pumasok, karamihan nga ay mga estudyante na naka-school uniform pa. Vacant time siguro nila at dito sila agad dumiretso para bumili ng mga libro na kinababaliwan ng karamihan ngayon.

Maya-maya lang ay dumating na si Sandro pagkatapos ay si Chas. Parepareho kaming naging abala sa trabaho at nagsimula na ring magpatugtog ng love songs si Chas. In love na yata siya kay Hope, kitang kita naman sa mga mata niya kung gaano siya kasaya habang pinapakinggan 'yong mga kanta.

Pagsapit ng lunch time, nauna na si Sandro na kumain para kapag kami na ni Chas ang kakain ay si Sandro na muna ang tatao sa counter. Sa totoo lang, masipag si Sandro. Manager siya pero talagang siya pa halos ang gumagawa ng iba naming trabaho ni Chas.

No'ng kami na ang kakain ni Chas ay napatingin ako sa bagong dating na si Hope. He's wearing a black shirt paired with a white shorts. May dala siyang mga pagkain na batid ko ay tinake out niya para sa kanila ni Chas.

Nang magtama ang tingin naming dalawa ay ngumiti lang siya saka bumaling kay Chas.

"Hi," bati niya kay Chas saka niya ito hinalikan sa pisngi. Napataas ang kilay ko. Grabe masyado namang PDA 'tong dalawang 'to, nasa trabaho kami.

Babarahin ko pa lang sana si Hope dahil nauumay ako sa kanila ni Chas pero natigilan ako nang makita ko kung sino 'yong kakapasok lang mula sa entrance door.

Agad na nag-iba ang timpla ng mood ko at malapad akong napangiti.

"Hey, you're here!" hindi makapaniwalang sabi ko saka ako lumabas sa counter para salubungin si Adam.

He's wearing a gray turtleneck longsleeve top paired with a white trouser pants. Grabe, casual lang naman 'yong suot niya but he looks so hot and professional.

Nabanggit ko sa kanya na dito ako nagtatrabaho pero hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako dito. Akala ko ay huling kita na namin kahapon.

"Who's the boss here?" tanong niya sa 'kin at agad naman akong nagtaka. Pero tinuro ko rin naman agad si Sandro na nakatingin din ngayon sa kanya.

Adam nodded and approached Sandro. "Hi, Sir. Good afternoon. Puwede kong hiramin si Ciem? Ibabalik ko rin siya agad rito before 1PM."

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin 'yon ni Adam kay Sandro. Seryoso ba siya? Pinagpapaalam niya talaga kay Sandro?

Pareho kaming natawa ni Sandro. "It's fine. Hindi mo kailangan magpaalam sa 'kin. Hawak naman ni Ciem ang oras niya," nakangiting sagot ni Sandro sa kanya kaya tumango tango si Adam.

"Great. Thanks," nakangiting sabi ni Adam saka bumaling kila Chas. "Hi," bati ni Adam sa kanila at agad naman siyang kinawayan ni Chas. Bumaling sa 'kin si Chas at pinasadahan ako ng mapang-asar na tingin pero inirapan ko lang siya.

"Let's go?" aya ko kay Adam at agad naman siyang ngumiti kasabay nang pagtango.

Bago kami makalabas ng bookstore ay napalingon ako kay Hope. Napataas ang kilay ko nang makita ko siyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin.

"Problema mo?" I mouthed, but he just avoided my eyes and looked away.


__

Sobrang na-a-appreciate ko 'yong iilan na palagi kong nakikita sa comment section. Thank you, fam! Solid kayoooo. :") Kayo ang dahilan bakit sinisipag ako mag-update palagi. Thank you! :)))


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top