Chapter Eighteen
#CYECChapter18
"ITO na ba 'yon?" tanong ko kay Sandro pagkababa namin ng taxi. 'Di kasi nagdadala ng sasakyan si Sandro kapag papasok dahil medyo malapit lang din 'yong Paria Book Store mula sa bahay nila.
Hindi ko maaninag masyado ang paligid dahil iisa lang 'yong street light na gumagana at medyo malayo 'yon mula rito sa bahay nila Chas.
Mabuti na nga lang ay bukas ang ilaw sa porch nila Chas.
"Yeah. Ito na yata 'yon," nag-aalangan niyang sagot habang nakatitig sa bahay na nasa harapan namin.
One-storey lang 'yong bahay at hindi gano'n kalakihan. Siguro sakto lang sa apat na tao ang laki no'n.
Nag-doorbell si Sandro nang paulit-ulit pero walang lumalabas ng bahay.
"Chas, I know you're here!" sigaw ni Sandro habang nandito kami sa labas ng gate.
"Maybe we should—barge in?" patanong kong sabi dahil kahit ako ay hindi sigurado rito sa ginagawa namin.
Tumango si Sandro saka siya umakyat ng gate. Nang makatawid na siya sa loob ay pinagbuksan niya ako ng gate at saka kami sabay na naglakad papalapit sa pintuan ng bahay.
"Chas?" pagtawag ko pero wala pa rin kaming naririnig na kahit na ano.
"Wala yatang tao?" tanong ko habang nakasilip ako sa looban ng bintana.
"Hey, the door is open."
Agad akong napalingon kay Sandro nang sabihin niya iyon at napaawang ang labi ko nang makita kong bukas nga 'yong pintuan.
Napalunok ako at nagpalitan kami ng tingin ni Sandro. Kahit siya ay alam kong may masamang nararamdaman, pero inisantabi niya ang takot at dahan-dahang binuksan pa lalo 'yong pinto.
Nauna siyang pumasok sa loob kaya sumunod ako sa likuran niya. Binuksan niya 'yong ilaw sa sala at napansin kong walang katao-tao ngayon dito.
"Chas?" pagtawag ko.
"You should go check the bathroom and the kitchen. I'll go check the bedrooms," sambit ko at sinunod naman niya ako.
I scanned the whole area and I saw three doors from here. Una kong kinatok 'yong pinto sa may kanan ko, malapit sa main door. "Chas?" pagtawag ko pa ulit pero walang sumasagot kaya pinihit ko 'yong doorknob at dahan-dahang sumilip sa loob nang mabuksan ko na 'yong pinto.
She's not here.
Napabuntonghininga ako.
Sunod kong tiningnan ay 'yong pangalawang kuwarto na malapit sa dining area. "Chas?" pagtawag ko pa ulit sa pangalan niya pero wala pa ring sumasagot kaya unti-unti kong pinihit ang doorknob. Nang mabuksan ko na 'yong pinto ay dahan-dahan akong pumasok sa loob pero natigilan ako nang biglang may tumulak sa 'kin kaya nawalan ako ng balance at tumama ang ulo ko sa side table bago ako tuluyang natumba sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Chas na may hawak na kutsilyo at natutok iyon sa 'kin.
Naramdaman ko agad ang pagsikp ng dibdib ko.
Mukhang ilang araw na siyang hindi natutulog dahil gan'yan din ang itsura ko kapag hindi ako nakatutulog ng ilang araw.
"C-Chas . . ." kinakabahang sabi ko saka tumitig sa mga mata niya.
"B-Bakit mo hawak 'yan? Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko, pilit na tinatago ang takot at kaba na nararamdaman ko.
Bakas ang galit sa mga mata niya kaya mas lalo akong natakot.
Kakaiba ang paraan nang pagtingin niya sa 'kin. Para bang . . . masama akong tao.
"C-Chas, please. Bitawan mo y—"
"Stay away from me! You deserve to die you bitch!" sigaw niya at biglang sumugod sa 'kin kaya napagulong ako sa sahig nang wala sa oras para makaiwas sa kanya.
Napalingon ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak niya pa rin 'yong kutsilyo, but this time, nakasaksak iyon sa carpet kung saan ako natumba kanina.
F*ck. That was f*cking close.
Naghabol ako ng hininga at mas lalo akong natakot nang bigla siyang lumingon sa 'kin.
"C-Chas please—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil dali-dali niyang tinanggal 'yong kutsilyo sa pagkakasaksak sa carpet na tumagos sa wooden floor at saka siya mabilis na sumugod sa 'kin.
Nang makaramdam ako nang panghihina ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko, handa nang saluhin 'yong saksak na ibibigay niya sa 'kin pero ikinagulat ko ang malakas na tunog kaya napamulat ako ng mga mata ko at nakita ko si Chas na nakahandusay sa sahig . . . walang malay.
Mas ikinagitla ko ang unti-unting pagkalat ng dugo sa sahig na nangagaling sa parte ng ulo niya.
Napalingon ako kay Sandro na nakatayo sa harapan niya. Namumutla si Sandro at nanginginig ang mga kamay.
"Sh*t. I didn't mean to—"
"H-Hey. I know," I cut him off. He looked so scared, and I couldn't blame him for what he did.
He was just trying to save me.
And I don't know if I should be glad for being saved—because another person's dead.
"I . . . f*ck. She's not breathing anymore. F*ck. Ciem, I don't know what to d—"
"Hey, calm down," I said, watching him cry in front of me. I tried my best to contain myself. I should not breakdown. Not this time. Not when Sandro's in trouble.
I never thought that this day would come.
That I would be here . . . in front of a dead body.
"I'll call Adam. He has connections. He's a law student," pilit kong pagpapakalma sa kanya at sa sarili ko pero bago ko pa man makuha ang phone ko sa bulsa ko ay natigilan ako nang mapatitig ako doon sa dugo sa sahig.
Para bang biniyak ang ulo ko sa biglaang pagsakit nito.
Those nightmares I've been experiencing—keep flashing on my mind right now. Gising na gising ako ngayon at sigurado akong hindi ako nananaginip, pero bakit may mga imahe akong nakikita ngayon sa harapan ko? Bakit . . . parang nangyari na 'to?
Napahawak ako sa dibdib ko at ininda ko ang pagsikip nito.
Nahihirapan akong huminga at talagang nahihilo ako sa sobrang sakit din ng ulo ko.
Bago pa man ako makatawag kay Adam ay kusa nang nagdilim ang paningin ko . . .
***
UNTI-UNTI kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang kurtinang puti sa magkabilang gilid.
May mga ingay din akong naririnig. May umiiyak, may nagsisigawan, may nagtatalo, may natataranta.
Nang mapansin kong may nakasaksak sa 'kin na suwero ay nakita ko si Adam, nakapikit ang mga mata habang nakapahinga ang ulo sa tabi ng kamay ko.
Hawak-hawak niya lang ang kamay ko habang mahimbing siyang natutulog.
Nagtataka ako kung bakit siya nandito. Ang naaalala kong kasama ko ay si Sand—agad akong natigilan nang maalala ko lahat ng nangyari.
I remember trying to call Adam but . . . I couldn't remember what happened next. Siguro dahil nawalan ako nang malay.
Dahan-dahan kong inabot ang kurtina sa kaliwa ko at unti-unti ko 'yong hinawi para tingnan ang nasal abas, pero natigilan ako nang makita kong may isa pang pasyente sa kabila. May mga sugat siya sa buong katawan niya at nagtatalo naman 'yong dalawang matandang babae at lalaki na nasa harapan niya. Pinapakalma sila ng doctor at no'ng nurse pero ayaw nilang paawat.
Muli kong isinara 'yong kurtina.
Bakit ako nasa ospital? Hindi naman ako 'yong—
"Hey, thank God . . ."
Agad akong napatingin kay Adam nang bigla niya akong yakapin.
Gising na pala siya.
"I was so worried, Ciem. I thought—"
"Nasa'n si Sandro? Si Chas? Ano nang nangyari sa kanila? Nasa'n sila? Adam . . . please, you need to help Sandro. He was just trying to save m—"
"I know. I know. Calm down, baby. Everything's going to be fine, alright? Magpalakas ka muna."
"Pero si Sandro . . ."
"Nasa presinto pa siya hanggang ngayon. But he's handling it just fine. He's with Attorney Dela Fuente, one of the best lawyers in Vera. Kasabay kong pumunta rito sa Briena town si Attorney Dela Fuente pagkatawag na pagkatawag sa 'kin ni Sandro kagabi gamit ang phone mo."
Natigilan ako. "K-Kagabi? Ibig sabihin ay nakatulog ako? Jesus, Adam! Bakit hinayaan mo akong makatulog?" natatarantang sabi ko nang mapagtanto kong nakatulog ako.
"Ciem, nawalan ka ng malay. Kahit gustuhin mong manatiling gising, kung nawalan ka ng malay, hindi mo rin makokontrol ang sarili mo. You have to calm down, okay?"
"N-No . . . you don't understand. Everything that has happened last night . . . it's almost the same of what's happening in my nightmares," umiiyak na sabi ko kaya muli niya akong niyakap at marahan na hinagod ang likod ko.
"I already called . . ." he trailed off. "Calizo."
I noticed the sudden pause before he said his name. Napilitan lang ba siyang tawagan si Calizo? Bakit parang ayaw niyang papuntahin dito si Calizo?
"Everything alright?" tanong ko sa kanya, pinunasan ko ang luha ko at kumalas sa yakap niya.
"Yeah. It's just that . . . I don't know. I'm just tired," sagot niya saka siya umiwas ng tingin sa 'kin.
"Adam . . ." pagtawag ko sa kanya. "Is everything alright?" pag-uulit ko kaya napabuntonghininga siya.
"He's actually the one who brought you here."
"W-What?" gulat na sabi ko.
"He's been tracking you . . ." He trailed off. "He's been watching you. Pinagpaalam niya 'yon sa 'kin no'ng mga nakaraang araw pa. He just wanted to know more about your condition. Kasi alam namin pareho na may hindi ka sinasabi sa 'min, and we wanted to know. Kaya no'ng nagpunta kayo sa bahay ni Chas, nakasunod sa inyo no'n si—Calizo."
"W-Where is he?" tanong ko.
"Pinauwi ko na," sagot niya.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Wala ako sa hulog makipag-usap kay Adam, at gusto ko lang talagang tumahimik na muna.
Nanatili akong tahimik hanggang sa lumipas ang ilang oras. Hinayaan lang ako ni Adam at hindi niya na rin ako kinausap pa. Alam niya naman kasi agad kapag gusto ko ng katahimikan o kapag ayaw ko muna siyang kausapin.
He just sat there in silence and waited for me to talk.
But before I could even open my mouth to utter something, I halted when I saw Hope.
Halo-halo ang naramdaman ko nang makita ko siya. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Kung bakit ang tagal niyang nawala at hindi nagpakita sa 'min.
Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Bakit ngayon pa siya naglakas loob magpakita sa 'kin kung kailan ganito ang sitwasyon?
"What did you tell her?" madiin kong tanong sa kanya.
Hindi siya umimik at nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin.
"What did you f*cking tell her, Hope?! She—was so mad at me! She wanted to kill me! What did you tell her, Hope?!" galit na sigaw ko.
Agad na tumayo si Adam at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Ciem, please," pigil niya sa 'kin pero hindi ko siya pinakinggan.
"When you told me that she's the one who broke up with you, was it a lie?" tanong ko pa ulit, nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit.
"Was it a lie, Hope? Answer me!" sigaw ko.
"She's the one who broke up with me," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.
"And when you told me that I wasn't the reason why you guys broke up, was it a lie?" madiin kong tanong.
Natahimik siya at napaiwas ng tingin sa 'kin.
"You're not the reason, Ciem."
"You're lying."
"Man, just leave," awat ni Adam sa kanya dahil alam ni Adam na hindi ako titigil hangga't nasa harapan ko si Hope.
Muling ibinalik ni Hope ang tingin niya sa 'kin at natigilan ako nang makita ko ang pagbagsak ng luha niya.
"Yeah. Sure. Sorry," sagot niya kay Adam bago siya tuluyang umalis sa harapan namin.
Ilang minuto na siyang wala sa paningin ko pero nananatili pa rin akong tulala at hindi maiwasang mag-isip.
Ang daming tanong na nabuo sa isip ko.
Para saan 'yong luha niya?
Para sa 'kin ba?
O para kay Chas?
___
Kumusta utak niyo? Okay pa ba kakaisip? >:) Don't forget to vote and comment! May theory ba kayo about sa mga nagyayari? Drop your comments! Basahin ko lahat ng comments niyo. Dedicate ko next chapter sa may pinaka-creative na comment na mababasa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top