Chapter Eight

This chapter is dedicated to queenstarangel :)))

___


#CYECChapter8


"YOU have a nice home," komento ni Adam pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ko.

"Since when did you move here? Nasa'n sila Tita?" dagdag pa niya kaya natahimik ako.

Binuksan ko lahat ng kurtina para pumasok 'yong natural na liwanag mula sa labas.

Simula no'ng maghiwalay kami ni Adam no'ng 4th year high school kami, wala na kaming naging balita sa isa't isa. Kaya no'ng namatay ang mga magulang ko two years ago, hindi nalaman ni Adam.

Sa totoo lang, no'ng namatay ang mga magulang ko, ang nag-iisang tao na gusto kong tawagan ay si Adam. I didn't have much friends. Ayaw kasi ng mga magulang ko na makipagkaibigan ako sa mga nakikilala ko. Ang palagi nilang sinasabi sa 'kin, pera lang daw ang habol sa 'kin ng mga tao dahil mayaman kami. No'ng una hindi ko sila pinaniwalaan, pero totoo nga. I had friends when I was in high school, pero nalaman ko na lang before graduation namin na kinaibigan lang pala nila ako dahil mayaman ang pamilya ko. Adam knows the whole story. Boyfriend ko pa kasi siya that time no'ng nalaman ko 'yong totoong kulay ng mga kaibigan ko.

Kaya no'ng nag-college ako, naging mapili talaga ako sa mga nakakasama ko. Hindi ako gaanong nakipagkaibigan. Maayos naman pakikitungo ko sa mga naging kaklase ko no'ng college, pero 'yong matatawag kong barkada talaga, wala. Kasi mas pinili kong mag-isa. Kaya gano'n na lang ako kalungkot no'ng nawala ang mga magulang ko. They died four months after my graduation in college, which happened two years ago. Si Adam ang gusto kong hanapin no'ng mga oras na 'yon, pero hindi ko na lang ginawa.

"They died two years ago." Sinikap kong maging mahinahon nang isagot ko 'yan sa tanong ni Adam.

Napatingin siya sa 'kin na para bang hinihintay niyang sabihin ko na nagbibiro lang ako. Pero no'ng mapagtanto niya na seryoso ako ay agad na nagbago ang reaksyon niya.

"I'm sorry—I didn't know," he apologized, sadness crossed his face. Sitting on the couch, he covered his face with his hands.

He was close to my parents, and I know it pains him right now knowing that they have already died.

"Sorry I haven't told you. Ayaw ko lang na makaabala ako sa 'yo o makadagdag pa kami sa iniisip mo." Napakagat ako sa labi ko.

Inalis niya ang mga kamay niya sa mukha niya at nag-angat ng tingin sa 'kin.

"You should've called me, Ciem." His voice cracked.

Nakaramdam ako ng panghihina nang makita ko kung paano siyang nanlulumo ngayon sa nalaman niya.

Hindi ko alam na gano'n pa rin kahalaga sa kanya ang mga magulang ko kahit na matagal na kaming naghiwalay.

"I-I'm sorry, I just didn't know how. Nagdalawang isip ako that time kasi baka may bago ka na. Baka magkaproblema pa kayo dahil sa 'kin. And nasa law school ka na that time, alam ko namang kapag nag-aaral ka, gusto mo doon lang ang focus mo. Kaya ayaw kitang abalahin," pagsasabi ko ng totoo.

"Kailan ka ba naging abala sa 'kin?" seryoso niyang tanong, hindi pa rin nawawala sa mukha niya 'yong lungkot dahil sa nalaman niya at pagkadismaya dahil ngayon ko lang sinabi sa kanya na wala na ang mga magulang ko.

"And after we broke up, wala nang naging kasunod. Ikaw lang ang naging girlfriend ko. I was too busy pursuing my dream that time I didn't have time to date anyone."

Natigilan ako nang sabihin niya 'yon. I didn't expect him to be single after all these years.

Napangiti ako. "And now you're on your second year in law school. Malapit nang mag-third year. See? Kung tinawagan kita noon, kung pinuntahan mo ako, you would've traded law school over me. And I never want that to happen. You deserve what you have right now, Adam. Kaya nga tayo naghiwalay, 'di ba? Kasi kilala kita. Palagi mo akong uunahin. Palagi mo 'kong pipiliin."

Umiwas siya ng tingin. "'Di ba gano'n naman talaga dapat? Inuuna 'yong taong mahal mo? Pinipili ng paulit-ulit 'yong taong mahal mo?" mahinahong sabi niya pero umiling ako at umupo sa tabi niya para mapunta ulit sa 'kin ang paningin niya.

"I saw a bright future in you, Adam. At hindi mo makukuha 'yon hangga't kasama mo 'ko. 'Di ba? Napag-usapan na natin 'yon, 'di ba?" pag-uulit ko kaya napabuntonghininga siya.

"Yeah. I'm sorry. It's just that . . . finding out about your parents—"

"I know. And I'm sorry too," mahinahong sabi ko sa kanya habang marahan kong tinatapik ang balikat niya para pakalmahin siya.

"Can we not talk about them? Can we talk about you instead?" nakangiti kong sabi para naman mawala 'yong malungkot na ihip ng hangin. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita, mag-iiyakan pa kami. Ayaw ko namang makadagdag sa stress niya.

"Sila Tito kumusta na?" dagdag ko pa.

"They're fine. Miss ka na nga nila," natatawa niyang sabi saka siya umayos ng upo. "Tuwing may okasyon sa bahay, lagi ka nilang hinahanap sa 'kin."

Napangiti ako. "Ano'ng sinasabi mo kapag hinahanap nila ako?"

"'Di ka makakapunta," sagot niya. "Alam naman nila na hiwalay na tayo. Gusto lang nila na kasama ka pa rin sa mga ganap sa bahay. Pero syempre, 'di naman puwede," natatawang sabi niya.

"E'di sana tinawagan mo 'ko."

"'Di mo naman sasagutin tawag ko."

"Bakit naman hindi?"

"Gusto mo nga sa aral lang focus ko, 'di ba." May halong tabang 'yong tono ng pananalita niya kaya natawa ako ng mahina.

"Puwede naman kapag holidays, ah? Syempre bakasyon naman tayong lahat kapag gano'n," pangangatuwiran ko kaya napangiti siya.

"Hayaan mo na. Ilang taon naman na kaming nasanay na wala ka sa bahay. Pero lagi ka pa rin nilang kinukumusta sa 'kin," pagkukuwento pa niya.

"Ano palang ginagawa mo dito sa lugar namin? Nagawi ka yata? Ngayon lang kita nakita dito."

"Taga dito rin kasi 'yong bagong prof ko, si Attorney Mariano. May hinatid lang akong mga dokumento kanina. Sa tabi ng convenience store 'yong firm nila, eh," pagtukoy niya do'n sa convenience store na tinatambayan ko kanina.

"By the way, you don't look fine. Natutulog at kumakain ka ba ng maayos?" seryosong tanong niya sa 'kin kaya agad akong tumayo at pumunta sa kusina para makaiwas sa tanong niya. Ayaw kong mag-alala siya sa 'kin.

Sinundan niya ako sa kusina, hinihintay ang sagot ko.

"Okay naman ako. Pagod lang sa trabaho," pagsisinungaling ko.

"Where are you currently working?"

"Paria Book Store. Malapit lang din dito. Walking distance lang."

"Oh. Nice. Writer ng Paria 'yong kapatid ko, eh."

"Oo, nakikita ko nga mga libro niya. Congrats pala kay Adlei," nakangiting sabi ko saka naghanap ng pagkain sa ref pero wala na nga pala akong mga pagkain dito.

"Why don't you congratulate her yourself? Miss ka na rin no'n, eh."

"Nahihiya akong mag-chat, eh. Alam niyang ako 'yong nakipag-break."

Humalakhak siya at napailing na lang. "Kain tayo sa labas?" aya niya sa 'kin nang mapansin niyang walang laman ang ref ko kundi mga tubig.

"Wala ka bang gagawin? Baka mamaya busy ka."

"Please? Ngayon na lang naman ulit tayo nagkita," pakiusap niya sa 'kin kaya napangiti ako.

"Okay," pagpayag ko kaya agad rin siyang napangiti.

It's really nice to see him again. The guy I once loved the most . . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top