Chapter 05: When I want you to look at me
***
Gusto kong magtanong kay Maxwell kung bakit ayaw niya 'kong paalisin. Wala naman na kaming pag-uusapan dahil lumapit lang ako para mag-congratulate. Parang okay na rin naman siya sa pagkapanalo niya. Isa pa, hinahanap na 'ko ni Calyx.
Pero lahat ng rason na alam ko, talunan. Maxwell's eyes held me captive. I couldn't look away. I couldn't refuse him. It doesn't matter even if there are reasons to go. If he asks me to stay, it feels like I should.
Still, I tried to escape from his magnet. Kapag nagtagal kami sa iisang lugar nang magkasama, baka kung anu-ano na naman ang masabi ko. "Ano kasi..."
Nawawala sa hangin ang gusto kong sabihin dahil sa paglamlam ng mata niya sa'kin. Tumututol 'yon sa lahat ng dahilan na puwede kong gamitin para umalis. Napapalunok ako.
Gusto niya ba 'kong kasama? Kahit ang pangit ko? Kahit may ibang choice of companion na mas pleasing sa mata at hindi awkward kausap? Kahit mukha akong bacteria at mukha siyang prince?
Saan ako maghahanap ng hininga kapag may sinabi siyang bigla na masyadong magpapasaya sa'kin?
"Aurora..." I watched worry and thoughtfulness crossed his face as he tried to find something to say, habang ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa pupulsuhan koo. Mahigpit pa rin siyang nakahawak sa'kin, pinagbabawalan akong kumawala. "Kasi—"
"Aurora!"
Napalingon ako kay Calyx na biglang pumasok sa lab. Mabibilis ang hakbang niya palapit habang humahagod ng tingin sa'kin. Natigil ang mata niya sa kamay kong hawak ni Maxwell. Nangunot ang noo niya kasabay ng pag-igting ng panga. Si Maxwell naman, sumimangot din. Hindi naman ako binibitiwan.
"Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Calyx. Inabot niya ang libreng kamay ko at hinila ako palapit. Pero dahil nakahawak pa rin si Maxwell, ang awkward naming tatlo. Magkakakabit kami. "Ano'ng ginagawa mo, Tejeron?"
Nagsukatan sila ng tingin. Dahil sa tangkad nila, lagpas sa ulo ko ang pag-uusap nila. Nakakainis. Parang ang liit ko.
"May sasabihin pa 'ko kay Aurora," sabi ni Maxwell.
"Sa ibang araw mo na sabihin," si Cal.
"Ayoko."
Sumimangot ako. Bakit sila nag-uusap na nakahawak pa rin sila pareho sa'kin? Ang awkward naming tatlo.
Nagbuga ng hangin si Calyx. "May pupuntahan kami."
"Ha? May pupuntahan tayo?" ani ko. Wala akong maalala. Ang usapan lang namin ay mag-food trip sa mga kiosk na nag-o-offer ng libre.
Pumalatak si Calyx sa'kin. Nakagat ko naman ang labi ko sa paghabol ng logic.
Fail! Siyempre sinabi lang niya ang sinabi niya para mailabas na 'ko sa lab.
"May pupuntahan din kami ni Aurora," sabi naman ni Maxwell.
"Ano?!" ani ko.
Lalo akong napabusangot sa mga imaginary na pupuntahan. Itong dalawa na 'to, ang hirap intindihin kung bakit ayaw sa isa't isa. Dapat nga, nagkakaintindihan sila dahil pareho sila sa maraming bagay. They're both popular, good-looking, and sought after. They're both good cooks. Kung naikukumpara man sila nang madalas, it's not all bad. They could be good friends. Pero kung sakaling may isyu nga sila sa comparison, labas na 'ko dapat do'n!
"Ang weird n'yo," sabi ko. "Let go. Nakakangalay kaya."
Lumuwag ang pagkakahawak sa'kin ni Maxwell bago niya i-rub nang marahan ang pupulsuhan ko. May weird na mainit na kuryente sa gaan ng daliri niya, na napakuyom ako bigla.
"Sorry, Aurora," nakangiting paumanhin niya nang bitiwan ako nang tuluyan.
Binitiwan din ako ni Calyx.
"Okay." Huminga ako nang malalim at mataman silang tiningnan. "O ngayon, sa'n tayo dapat pupunta?" tanong ko kay Cal.
Kunot ang noo ni Cal. "Sa... sa Eating Contest."
Napaawang ang labi ko. "Ano? Saan?"
Lumunok si Cal. Sumimangot. We both know that he's saying something absurd. Pero sinabi pa rin niya, "Sasali ako sa Eating Contest. Kaya kita hinahanap. Samahan mo 'ko."
I couldn't believe it. Hindi siya malakas kumain kahit magaling siyang magluto. Mas malaki pa ang appetite ko, lalo na 'pag craving week. Kapag nasa buffet o eat-all-you-can, hindi niya masulit. Desperado talaga siyang iiwas ako kay Maxwell? Eh wala namang ibang ginagawang masama si Maxwell sa'kin bukod sa pahirapan akong huminga at mag-isip.
"Ah..." Lagot si Cal kung pangangatawanan niya talaga 'yong sinasabi niya. Bumaling ako kay Maxwell. "Ano... Pupunta na kami ro'n sa contest."
"Sasama ako," sabi ni Maxwell.
"Ha? Bakit?"
"Sasali rin ako sa Eating Contest. Magpapasama rin dapat ako sa'yo."
Napatanga ako sa lumanay ng ngiti niya. Malakas ba siyang kumain? Kasi parang hindi naman. He's lean like a model.
Ah, these boys! Ang hirap intindihin!
"Bahala na nga kayo..." bulong ko bago maunang maglakad palabas ng lab.
***
"The rules are simple! Ang lahat ng contestant ay sabay-sabay na magsisimula sa cue! Last man standing tayo. Kung sino ang matitirang matibay at pinakamaraming nakain na plate ng spicy noodles, siya ang panalo!" masiglang sabi ng lalaking game master na nakatao sa booth ng Eating Contest.
Alanganin akong napatingin sa umuusok na spicy noodles na nakahanay sa pahabang mesa. Platito lang naman 'yon pero base sa mapulang kulay at maliliit na buto ng sili, guaranteed na maanghang. Magkakasabay na naupo ang anim na lalaking maglalaban. Magkatabi sa number five at six sina Maxwell at Calyx.
Bago magsimula ay nagtawag pa ng tao ang game master. Pagdagsa ng spectators na mostly ay babae, hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. I wanted to support Calyx and to watch Maxwell. Nakakapag-worry kasi sila.
Masikip na sa harap ng booth paghudyat ng simula. Nang abutin ng mga contestants ang platito ng maanghang na pagkain at lumakas ang tugtog sa booth, naglabas ng cellphone ang mga nanonood. Mahigpit naman akong humawak sa cellphone ko habang nakatingin kay Calyx. Ngumiwi siya sa unang subo pa lang ng noodles. Napangiwi rin tuloy ako. Mahilig naman si Cal sa spicy pero hindi 'yong sobra. Si Maxwell, natigilan din sandali. Nilasahan yata 'yong food. Pero nang magkatinginan silang dalawa, sabay silang sumimangot at nagmadali sa pagkain.
"May mabagsik na tinginan sina Number Five at Number Six, mga kaibigan! Ano'ng ibig sabihin nito? Mag-aagawan kaya sila ng plato? Ma-survive kaya nila ang special spicy sauce ng ultra-mega-super spicy noodles natin? Abangan 'yan!" anunsiyo ng game master sa mikropono.
Nag-cheer ang mga girls for both Calyx and Maxwell. May barkada ring nagchi-cheer kay Number One na third year student yata. Sa spicy noodles daw nito dapat ilabas ang galit sa pagkakabasted.
"Mabilis kumain si Number One, ladies and gentlemen," patuloy ng game master. "Mukhang talagang may pinagdadaanan. Usap tayo mamaya, kaibigan! 'Wag mong masyadong isipin ang hindi meant to be sa'yo."
I was swallowing hard as the plates got empty. Panlimang plate na nila. At bumabagal nang sumubo ang iba maliban kay Number One at kay Calyx. Si Maxwell, kalmado namang kinuha ang cellphone niya at itinayo iyon sa katapat niya.
Ibi-video niya ba ang sarili niya?
"Hindi nagpapatalo si Number Three kahit naiiyak na! Nabasted ka rin ba, Pards? Ipinagpalit? Pinaasa? Sinaktan? Ghinosting? Sige lang, ilabas mo ang tapang mo sa spicy noodles. I got your back!"
Nasa seventh plate na sila nang maubo si Calyx.
"Oops! Bad sign, bad sign! May umuubo na. Lumaban ka, Kaibigan! May prize na supply ng spicy noodles all year!" Ang taginting ng tawa ng game master.
I doubt na gusto ng mga contestants 'yong supply ng spicy noodles buong taon.
Sa eighth plate, nagtaas na ng kamay ang Number Three at Number Four. Panay ang iling nila habang pulang-pula ang labi. Walang umaabot sa baso ng tubig na tuksong nakalagay ro'n dahil alam naming mas nakapagpapalala 'yon ng anghang. Sa ninth plate, tumayo na mula sa mesa si Number Two. Sa tenth plate, mabagal nang ngumuya ang lahat. Si Calyx, hindi na makausad sa pang-siyam na plato.
Sa eleventh plate, sinisipon na sila. Nag-refill na ng tissue sa mesa. Si Maxwell, namumula na ang labi at leeg habang ngumunguya. Nang mapatingin siya sa'kin, alanganin akong ngumiti. I don't know how to cheer them properly.
Sabay na tumayo si Calyx at si Number One nang matapos sa tenth plate nila. Nakasimangot si Cal. Si Maxwell, kumakain pa rin kahit nauubo.
"Suko na sina Number Six at Number One. Pero matibay si Number Five, mga kaibigan. Pang-labindalawang plato na niya. Ang record to break kaninang umaga ay fifteen plates. Lalampasan ba ni Number Five ang record?"
Mas maingay ang cheer ng crowd sa thirteenth plate ni Maxwell. He's taking his time to chew. Namumula na ang ilong niya sa kapupunas ng tissue pero mukhang kaya pa niyang kumain.
Nagtaas siya sandali ng kamay.
"Ano 'yon, Pards? Suko ka na?" tanong ng game master.
"Wala bang ibang kasama 'to? Baka may chicken," sabi niya at maluwag na ngumiti.
"Naghahanap ng manok, mga kaibigan! Bigyan ng manok 'to!" natatawang sabi ng game master.
Nag-abot ng grilled chicken na naka-stick ang nasa katabing booth. Napahawak sa batok si Maxwell nang tanggapin 'yon. Ang pilyo ng ngiti niya. Nakagat ko ang labi ko bago mapatungo sa pagtatago ng ngiti.
Hindi pa ba siya busog o naduduwal? My gosh. Hindi ko alam na malakas siya kumain.
"At nasa fourteenth plate na si Number Five. May freebie pang manok 'yan!"
The crowd shouted "fifteen" when Maxwell finished plate fifteen. I was watching in awe.
"Na-break na po ang record! Palakpakan ang katapangan ni Number Five!" sabi ng game master.
Pumalakpak kami. Pero hindi pa rin tapos kumain si Maxwell. He asked for five more plates. When he continued eating, wala nang nakakaalala sa'min na contest 'yon. Nanonood na lang kami sa maganang pagkain niya ng noodles at manok. Dahil lahat ay kumukuha ng picture sa kanya, pasimple akong kumuha rin ng picture. Mga ilan lang. Saka ko itinago ang cellphone ko.
We shouted "seventeen" when he finished the seventeenth plate. Tapos, eighteen. Tapos, nineteen. Sumulyap siya sandali sa camera sa harap niya at magaang ngumiti. When we shouted twenty on his twentieth plate, tumayo na siya.
"Twenty plates muna," he said while licking the sauce off the corners of his lips. " 'Pag may naka-break, babalik ako."
"Mabangis! Twenty plates ang naubos ni Number Five at limang beses lang umubo! Congratulations sa one year supply ng spicy noodles!"
Naghiyawan at palakpakan ang mga nanonood kasama ako. Ang laki ng ngiti ko sa kanya. I couldn't believe him. Kaswal lang niyang pinapapak ang grilled chicken sa stick na hawak niya.
Binigyan siya ng kulay pulang plato na may logo ng contest at may number ng kung ilan ang naubos niya. Pagkatapos, in-announce na tapos na ang contest sa araw na iyon.
Ang sarap pa ng panonood at pakikitawa ko nang maramdaman ko sa tabi ko si Calyx. Nakangiwi siya at nakahawak sa tiyan niya.
"Ang sakit ng tiyan ko, Au," sabi niya. "Balik muna tayo sa room natin."
Lumingon ako sandali kay Maxwell na nakatingin sa'min. Ngumiti ako at kumaway. I mouthed "Congratulations" bago bumaling kay Calyx. Sumabay na kami sa pag-alis ng iba pang manonood.
" 'Ayan kasi, sumali ka pa do'n eh hindi ka naman malakas kumain," ani ko sa kanya.
Pumalatak lang siya.
"Eh 'di masakit tiyan mo ngayon..." patuloy ko.
"Oo, ang sama sa tiyan no'ng noodles. Tambay lang tayo sandali sa room. Tapos, punta tayo sa College of Music. First day ng concert nila."
"Okay." Nangingiwi ako sa pagngiwi rin niya. "Masakit talaga? Gusto mo ng gamot sa sakit ng tiyan?"
"Sige. Ang anghang talaga, eh. Ilang plato lang nakain ko, nasusunog na tiyan ko."
Napalingon ako sa booth kung sa'n nakatayo pa rin si Maxwell. Kausap niya ang game master at nakahawak din siya sa tiyan niya. Kung sa ten plates, masama na ang pakiramdam ni Calyx, pa'no pa siya? Naka-twenty siya. Tapos, wala na 'yong mga kasama niya.
Sana may makasama man lang siya.
"Tara sa room," aya ko kay Cal.
***
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko habang nakatayo malapit sa pinto ng C.R. ng mga lalaki. Pangalawang balik na ni Calyx para magsuka.
"Okay lang..." mahinang sagot niya.
Mahigpit ang hawak ko sa plastic ng gatas at matamis na kabibili ko lang. Pangontra ang sweets at dairy sa init at anghang sa sikmura niya.
"Gusto mong pumunta tayong clinic?" tanong ko pa.
"Hindi na."
Pero makakatulong kung makakakuha ako ng acid reducer o kahit anong med na pangontra sa acid.
"Sure?" ani ko pa.
He coughed before answering. "Sure."
Nang lumabas si Cal sa banyo, mabilis kong iniabot ang plastic sa kanya. "Tara uli sa room. I got milk for you."
"Thanks."
Nadaanan namin ang lecture room nina Maxwell pero walang tao ro'n. Sinadya ko pa namang sumilip talaga dahil akala ko ay nando'n siya. Siguradong sasakit din kasi ang tiyan niya. Baka magsuka rin siya o ano.
Naupo si Cal sa puwesto namin sa classroom habang nakatingin lang ako.
"Nakasimangot ka, Au-Au," aniyang natatawa sa'kin.
"Ang sakit mo kasi tingnan. Masakit pa rin tiyan mo?" ani ko.
"Oo. Pero tolerable naman." Binuksan niya ang bote ng gatas at tumungga ro'n. "Kung iidlip siguro ako sandali, mawawala 'yong pangit na pakiramdam."
"Oo nga. Try to nap."
Nakalahati niya ang bote ng gatas bago siya sumubsob sa desk.
"Kukuha akong gamot sa clinic," sabi ko sa kanya.
"Sige..."
Hinaplos ko ang bandang balikat niya bago tuluyang tumayo at lumakad sa pasilyo.
I was tiptoeing when I reached the clinic at the ground floor. Parang wala kasing tao. Kumatok ako nang ilang beses pero walang sumagot. Pumasok pa rin ako.
Ang clinic ay isang malaking kuwarto na may tatlong higaan. Nasa bungad ang mesa ng doctor at nurse. Kumpara sa inaasahan ko, napakurap ako nang makitang nakaunat sa nauunang higaan si Maxwell. Nakahalukipkip siya habang kunot ang noo. Parang may iniisip.
"Uh... Hi," sabi ko.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin, natigilan sandali, bago malumanay na ngumiti. "Nandito ka, Aurora."
"Uh, oo. Ano... nasa'n 'yong nurse?" tanong ko.
"Umalis sandali," sagot niya habang matamang nakatingin. "Kukuha ka ng antacid?"
Tumango ako.
"May naiwan pa siguro sa ibabaw ng desk," sabi niya.
Nakita ko ang tinutukoy niya. Kumuha ako ng dalawang naroon pa. "Ano... puwede bang pasabi na lang na kumuha ako? Kailangan kasi ni Calyx."
"Sige."
Papihit na 'ko sa pinto pero 'di ko magawang tuluyang lumabas. "Uh... nakapag-take ka na ng antacid?"
"Oo."
"Masakit pa ang tiyan mo? Si Cal, nagsuka eh."
"Masakit. Pero kaya ko naman."
"Ah." Pumihit uli ako sa pinto bago lumingon uli. "Ano... Dito ka lang muna?"
"Oo."
"Uhm... alis muna ako. Pero... uhm, dito ka lang, ha?" ani ko.
Magaan siyang ngumiti. "Sige, Aurora."
Sumibad ako dala ang antacid. Dahil natutulog pa rin si Calyx pagbalik ko sa room, bumaba ako uli at bumili ng gatas, yogurt, at matamis. Malalim ang paghinga ko sa pagbalik sa clinic.
Sumilip muna ako sa loob para masigurong nando'n pa si Maxwell. Hindi na siya nakahalukipkip pero kagat-kagat niya ang labi niya. Parang may iniisip pa rin.
"Uhm... Hello uli. Nakabalik na 'ko."
Nag-angat lang uli siya ng tingin sa'kin. Hindi ko siya mabasa.
"Wala pa 'yong nurse," ani ko. Na obvious naman. Hu-hu. Hindi ko lang alam kung pa'no ibibigay smoothly sa kanya 'yong gusto kong ibigay.
"Wala pa nga."
"Ano kasi..." I offered him the things I bought. "Gatas, yogurt, at matamis. Para sa'yo."
Sinakop ng kamay niya ang kamay kong may hawak ng plastic. Nabitin ang hininga ko sa lalamunan ko.
"Thank yo," sabi niya.
Nakahinga ako nang tuluyan niyang kunin ang ibinibigay ko.
"Saka ano... uhm... may sasabihin ka ba dapat kanina?" ani ko. "No'ng nasa lab tayo?"
He looked at me thoughtfully and thoroughly, I almost regretted asking. Pero marahan lang siyang ngumiti sa'kin kasabay ng marahan ding pagbubuga ng hangin. "Sa ibang araw ko na sasabihin."
Ang seryoso niya sa pagsagot. I wonder what he wanted to tell me.
"Sige. Balikan ko na muna si Calyx."
Tumango siya. "Salamat sa food."
"Pagaling ka," sabi ko. "At congrats sa supply ng spicy noodles."
Mahina siyang tumawa. For a second, I hoped I could keep a record of his laughter so I could see and hear it again. Ah. Kailangan kong matutong tandaan ang bawat maliliit na bagay sa kanya para may babalikan ako sa memory ko kapag gusto kong ngumiti.
" 'Ayun. Alis na 'ko talaga."
"Okay, Aurora. See you tomorrow."
"See you!"
++0604g / 01312019
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top