Chapter 03 part 3: In my eyes, there's always you

TCWDM: Nag-e-enjoy ba kayong magbasa so far? I hope you're enjoying dahil nae-enjoy ko rin silang isulat. Labyu ~

***

Natuod ako sa pagkakatalikod ko. Naduduwag akong lumingon kina Calyx at Maxwell at sa tensyon na unti-unting nagpapasikip sa silid kung nasa'n kami. Lagi na lang silang ganito kahit noon. Naiipit ako sa tahimik na pakiramdaman at pagtatalo nila kahit na ayaw ko.

Napagsalikop ko ang mga kamay ko at nakagat ang lower lip ko sa paghihintay sa ikikilos nila. I should turn around.

"Tejeron," narinig kong tawag ni Calyx sa apelyido ni Maxwell. Mabigat ang boses niya. Malamig.

"Cervantes," banggit ni Maxwell sa apelyido ni Calyx.

Magtititigan na naman siguro sila kahit awkward sa mga taong makakikita. Pumihit ako kahit mas gusto ko sanang itago ang mukha ko. I looked like the moon. They should just focus on my ugly face instead of making everyone conscious about their awkwardness.

Gaya ng iniisip ko, nakatingin sila sa isa't isa. Nagpapakiramdaman. Nagsusukatan. Nasasakal ako sa tensyon nila.

Nag-aalala rin ako. Although it's unlikely, baka biglang magtanong si Maxwell kung boyfriend ko pa rin si Calyx. Hindi ako handang sumagot.

Napansin kong kumuyom nang mahigpit ang kamao ni Maxwell bago na-relax. Nawala ang dilim na nasa mukha niya at napalitan ng kaswal na ngiti.

"Ikaw ang sundo ni Aurora," sabi ni Maxwell kay Calyx.

Sumulyap sa'kin si Cal bago hawakan ang kamay ko. "Oo, ako. Ikaw ang chef na kasama niya?"

"Maghapon? Oo, ako."

Napalunok ako. Nakangiti naman na si Maxwell pero mas naiilang ako. Parang nag-aaway pa rin kasi sila nang tahimik.

"Ikaw rin ang naghatid sa kanya dito sa clinic?" si Cal.

"Oo. Iniangkas ko siya sa motor," sagot ni Maxwell.

"Hindi puwede kay Aurora ang motor mo," madiing sabi ni Cal. I tugged at his hand to stop him from saying more but he ignored me. "Sensitive ang balat niya sa polusyon."

"Sa susunod, kotse ang gagamitin ko."

"Hindi mo na siya kailangang ihatid sa susunod."

Pero ngumiti lang si Maxwell at tumingin sa'kin. Lumambot ang ekspresyon niya. "Uuwi na 'ko, Aurora."

Napatango ako. "Ano... ingat."

Pagsulyap niya uli kay Calyx, ang sabi lang niya, "Ingat kayo."

Kumunot lang ang noo ni Calyx. Nang tumalikod si Maxwell at lumabas ng clinic, do'n lang ako nakahinga.

Pero siyempre, sandali lang 'yon. Dahil hindi nawala ang seryosong expression ni Cal kahit nang bumaling siya sa'kin.

"Puwede na tayong umuwi?" aniya.

Tumango ako.

"Halika na."

Hinayaan kong hawak niya ang kamay ko at hila niya 'ko palabas ng clinic.

***

"Bakit mo kasama si Maxwell?" tanong ni Calyx nang nasa kotse na niya kami.

Mahigpit ang kapit niya sa manibela. Nakasimangot siya pero hindi naman galit ang tono. Hindi naman mukhang pagagalitan ako.

Subukan niya lang. Kabado na 'ko maghapon kay Maxwell. I need a break.

"Siya 'yong chef sa resto na assignment ko sa Bon Apetit! app," sagot kong nagbaling ng tingin sa labas ng kotse.

Ma-traffic na. Magkakabuntot ang mga sasakyan sa EDSA. Malamang ay sa bahay na magdi-dinner si Cal bago pauwiin nina Dad at Kuya.

Okay lang kaya si Maxwell sa ganitong traffic? Hindi ba mas delikado ang motor 'pag mas gabi na? At magja-jacket na ba siya pauwi? Mapolusyon. Baka mangati siya.

Mas malayo ang ibabiyahe niya mula sa clinic pabalik sa compound na tinitirhan niya. Hindi pa rin siya nagdi-dinner. Kahit marami kaming kinain maghapon, siguradong magugutom pa rin siya. He eats like a monster.

"Anong oras kayo magkasama?" si Cal.

"Kanina pang—uh—seven."

Lumampas ang sasakyan sa traffic light. Kilala ko na ang mga streets na dinadaanan namin.

"Ngayon lang kayo magkikita o may susunod pa?" aniya.

Napalunok ako. Puwede ko bang sabihin na agad ngayon na si Maxwell ang kapalit ni Chef Mino as reviewer for the food app? Parang bad trip pa kasi siya, eh.

Bumaling ako kay Calyx. Seryoso ang mukha niya. "Uh... magagalit ka ba sa'kin kung may kasunod pa?" maingat na tanong ko.

Sandali siyang sumulyap. Lumambot nang kaunti ang facial expression niya. I know he worries a lot about me. I worry about myself, too. Dahil sobrang dali lang kay Maxwell na hilahin ako papunta sa kanya at tanggalin ang balanse ng mundo ko. Ngingiti lang siya, matataranta na 'ko. Makita ko lang siya o maramdaman, magkakabaligtad ang mga bagay na alam ko.

Maxwell magnetizes me as if he owns me.

"May kasunod pa nga," tiyak na sabi ni Cal.

I bit my lip. I couldn't lie to him.

Nagbuntonghininga naman siya. "Okay ka lang ba? Ngayong araw... okay ka lang?"

Matagal akong tumingin kay Cal. "I think..."

"Nag-aalala ako."

"Alam ko."

"Baka umiyak ka kasi uli," sabi niya. "Kapag nandiyan si Maxwell, madali kang umiyak. Ayokong umiiyak ka."

Nagbaling ako ng tingin sa labas ng sasakyan.

"Don't worry, Cal. Hindi naman na 'ko... gaya ng dati."

Mabigat lang siyang nagbuga ng hangin. Naiintindihan ko kung hindi siya maniniwala sa'kin. Hindi rin naman ako naniniwala sa sarili ko. Ngayong araw pa nga lang, talo na 'ko sa presensiya ni Maxwell.

***

Nakahiga na 'ko sa kuwarto ko para magpahinga, pero ang isip ko, nasa restaurant pa ng Le Bon Apetit. The day felt longer than usual. Kahit puro ako pagkataranta at traydor ang mga salitang basta na lang lumalabas sa bibig ko, hindi niyon napaikli ang oras.

At kahit na ngayong pagod na 'ko sa maghapon, hindi pa rin ako makatulog.

Nakauwi kaya nang maayos si Maxwell? Kailan ko siya uli makikita? Dapat ba 'kong mag-leave sa Lunes para mas mahaba ang mental preparation ko sa susunod na pagkikita namin?

Pero kung walang nagawa ang apat na taon para maging mentally prepared ako, may magagawa ba ang Lunes?

Nagbuntonghininga ako.

Nang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko 'yon agad sa side table dahil akala ko ay si Calyx. Hindi naman pala.

Unregistered number:
Nakauwi ka nang maayos?

Napahawak ako sa dibdib ko na O.A. na naman mag-react. It's just a text. Ni hindi pa registered ang pangalan ni Maxwell pero ganito na ang epekto niya.

I saved his number.

Nakauwi naman. Ikaw?
Hindi ba delik—

I deleted my last sentence before I could complete it.

Aurora Arranza:
Nakauwi naman. Ikaw?

Binabaan ko ang brightness ng cellphone ko para hindi ako masilaw. Panay ang slide ko sa screen para makita agad ang message niya.

Maxwell Tejeron:
Nakauwi rin nang maayos.

Aurora Arranza:
Good to know.

Tumitig ako sa screen pagkatapos. Wala na siguro siyang ite-text o ire-reply. Good end na 'yon ng conversation. Hindi na siya dapat na ma-curious sa iba pang bagay.

But he texted again.

Maxwell Tejeron:
I'm sorry kanina. I didn't
intend to scare you or
catch you off-guard by
waiting for you. Nag-alala
lang ako na wala kang
kasama pauwi.

Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko. Baka akala niya ay nagalit talaga 'ko sa paghihintay niya. Hindi naman 'yon ang dahilan ng pagtaas ng boses ko. I was just agitated that he got to see me without any make-up on. Alam kong pangit ako.

Ayokong nakikita niya 'ko kapag pangit ako.

Aurora Arranza:
Sorry rin. Hindi naman
talaga ako galit kanina.
Nagulat lang talaga ko.
Thank you for today.

Maxwell Tejeron:
Thank you for today, too.
I enjoyed every meal with
you. :)

Nangiti ako. Lagi naman siyang nag-e-enjoy sa pagkain eh. He loves food.

Aurora Arranza:
I enjoyed it, too. Ang
galing mo pa ring magluto.
^_^

Hindi lang 'yon. Ang ganda pa rin ng ngiti niya. Ang guwapo niya pa rin. Ang bait niya pa rin. At ang lakas niya pa ring kumain.

Maxwell Tejeron:
Ang sarap mo pa ring
ipagluto.

Napatanga ako. Uh... Bakit ganito'ng text niya?

Maxwell Tejeron:
Magana ka kasing kumain. :)

Nakahinga ako bigla. Of course, 'yon ang ibig niyang sabihin.

Aurora Arranza:
Mas malakas kang kumain. :3

Maxwell Tejeron:
Aminado naman ako. Haha.

Ang laki na ng ngiti ko. Nawawala na rin ang antok at pagod ko. Pero hindi ako handang makipag-usap nang matagal sa kanya. 'Yong saya na dala niya, laging may kasamang kaba at ligalig. Lagi ring may kasamang kawalan ng tulog. I have to sleep or else, my pimples will act up.

Aurora Arranza:
Sorry if I'm really awkward
today. Medyo scatterbrain din.
But... I'm happy to see you again,
too. I'm sorry if I gave you the
wrong impression.

Maxwell Tejeron:
Forgiven, Aurora. Don't worry
about it. I'm happy to see you,
too. :)

Malalim akong huminga. I feel good na.

Aurora Arranza:
Anyway, I should be sleeping.
Tulog ka na rin. Goodnight,
Maxwell ~

Maxwell Tejeron:
Goodnight, Aurora. Dream of good
things. :)

I think I will.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa side table bago huminga uli nang malalim. I think Calyx has nothing to worry about.

Yes, it's true. I cry for the littlest of things because of Maxwell. But he can make me happy with the littlest of things, too.

He makes me feel. Kaya madalas, nakakatakot siya. Dahil pa'no 'ko pakikisamahan ang lahat ng pakiramdam na dala niya? Duwag ako.

If I can maintain a safe distance with him, I'll be okay. I just have to keep a certain distance.

That night, I did dream of good things. ++925g / 01162019

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top