Chapter 03 part 2: In my eyes, there's always you

***

"This is the last for today," sabi ni Maxwell nang ilapag ang malaking plato ng maliliit na cuts ng fruit cake, cheesecake, truffle, ganache, crepes, at cups ng coffee jelly at chocolate mousse. Nakahiwalay ang isang pie tin na may lamang parang cookie. May ice cream iyon sa ibabaw.

"Ano 'to?" tanong ko habang tinitingnang mabuti ang pagkain sa pie tin.

"Chocolate panookie," aniya. "That's my specialty. Let's eat it first. Mas masarap 'yan 'pag bagong luto."

I nodded and dug into the panookie. May chocolate filling 'yon sa loob. Abala na 'ko sa pagnguya nang bumalik si Maxwell sa counter at nagdala ng kape sa table namin.

"How is it?" aniyang inilagay sa kanan ko ang mug ng kape.

Panay ang tango ko sa pagnamnam sa panookie. "Ang sarap nito. 'Pag ire-reinvent mo 'to, puwede kayang fruit panookie? Like strawberry or blueberry?"

Itinukod niya ang mga braso niya sa mesa sa panonood sa'kin. "Sige. Susubukan ko 'yong strawberry o blueberry. Tikman mo kapag nagawa ko."

Uh... I didn't suggest the fruit panookie to taste it for him. Ipatikim niya sa baby niya.

"Kapag may time," sabi ko.

"There will be time. Magkasama tayo two to three times a week para sa reviews, sabi ni Reeve."

That's true. Kung walang makukuha agad na kapalit ni Pau, ako lang ang maiiwan sa reviews para sa Bon Appetit! app. It's an impossible job for one person. Hindi ko kakayaning mag-isang pumunta sa mga resto, kumain maghapon, at maging functional hanggang kinabukasan. I have a big appetite but we need someone like Maxwell's.

'Yong mga dishes lang na naubos namin ngayon, kahit pang-isahang serving lang lahat, masasayang 'yon kung hindi siya kumain. He has an enormous appetite, it's unfair. He looks the way he looks and yet he could eat for twenty persons. Samantalang ako, malaki man ang bodega ko sa pagkain, pabida naman ang mga acne ko sa pagtubo kapag nasosobrahan ako sa malangis at matamis.

Pero ayoko pa ring maging tagatikim niya. May girlfriend siya, do'n siya.

"Let's see na lang," sabi ko.

Tahimik kaming kumain pagkatapos. Tinikman ko ang mga slices ng cakes at nag-note. Hindi nga lang ako makapili sa kung alin ang paborito ko dahil lahat ay gusto ko.

Napasulyap ako kay Maxwell. Mabilis ang salubong niya ng ngiti sa'kin.

"Ano 'yon? May problema sa cakes?" aniya.

"Uhm... wala. Ang sasarap lang lahat. Ikaw ang gumawa lahat nito?"

"Oo."

Sumimsim ako ng kape kaysa mag-comment. He's so good in everything. Mula noon hanggang ngayon. Pipili na lang ako ng favorite ko sa mga gawa niya, nahihirapan pa 'ko.

" 'Yong panookie na lang ang ipi-featured dessert ko sa app, since 'yon din ang specialty mo," sabi ko na lang. " 'Wag mong masyadong galingan mag-bake. Baka magtampo sa'yo si Auntie."

Mahina siyang tumawa. "Si Auntie nga ang unang tumitikim ng mga gawa ko. Siya ang quality control. Tagaubos 'yong buong compound."

Napatanga ako sa tunog ng tawa niya. Ngayon ko na lang uli narinig.

Ang suwerte talaga sa compound nila. I bet they could eat all the sweets Maxwell makes without worrying about break-outs. Nagbuntonghininga ako.

"Busog na 'ko," mahina ang boses na sabi ko. It's a lie. I wanted to finish all his desserts but I had to watch my starch and sugar intake. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya 'yong tungkol sa acne. "Ikaw na lang umubos ng desserts."

Magana siyang sumubo ng matatamis habang naiinggit ako sa panonood. Mauubos na niya ang ilan do'n nang sumimsim siya ng kape.

"Iuwi mo na lang 'yong natitira sa ginawa ko kanina," sabi niya. "It will be good until tomorrow."

Napalunok ako. Lahat ba ng desserts sa platter ang puwede kong iuwi? Ugh, fail. Hindi 'yon ang dapat na concern ko. "Puwede ba 'yon? I mean... hindi ba para sa customer 'yon?"

"Para sa'yo na 'yon," sabi niya. "Ubusin ko lang 'to tapos ihahanda ko 'yong iuuwi mo. Take your time sorting your notes."

Napatango na lang ako pagngiti niya.

***

"Ha? Hindi mo 'ko masusundo?" mahina ang boses ko sa pakikipag-usap kay Cal sa cellphone kahit na nasa ladies' room naman ako. Kahit wala si Maxwell sa malapit, nako-conscious ako. I don't want him getting curious about me and Cal.

"Sorry. May kailangan pa kasi akong tapusin. If convenient, puwede kang maghintay na lang sa office n'yo para do'n kita sunduin. Hindi ko lang alam kung aabot ako sa oras ng appointment mo."

May pag-aalala sa boses ni Cal. Ayaw na ayaw niya kapag hindi siya nakatutupad sa usapan namin o kapag alam niyang inconvenient ako. I'm bad with directions pa naman. Kahit may google map, waze, o tour guide, puwede akong maligaw. Kasama 'yon sa mahabang listahan ng mga bads ko.

"Don't worry about it. Uh... magpapahatid na lang ako pabalik sa office. Tapos mula sa office, mag-book na lang ako ng sasakyan papunta sa clinic," sabi ko kay Cal. I tried to sound cheerful even though my heart was racing with the thought that I have to ride on the motorcycle and cling to Maxwell again. Siguradong hindi rin 'yon magugustuhan ni Cal 'pag nalaman niya. Cal and Maxwell aren't exactly friendly with each other, even way back. "Don't think too much about me. Baka pumangit lasa ng luto mo, sige ka."

"Hindi pumapangit lasa ng luto ko kahit na mag-worry ako," magaang sabi niya. "Update me on your whereabouts para alam ko kung kailangan kong tumawag kay Kuya Rius at ipahanap ka."

"Ang O.A. po."

"Gusto mo si Tito na lang maghanap sa'yo?" tukoy niya kay Dad.

"Mas O.A. po," sabi kong nailing.

"Basta text me your whereabouts. Or i-on mo 'yong GPS mo para ma-track kita."

I tsked. " 'Yong mga pusa nga, 'pag nawawala, nahahanap 'yong daan pauwi."

"Yes, 'yong mga pusa. Pero Aw-aw ka. You're lesser than a cat when it comes to directions, Aurora," natatawang sabi niya. "Do what I tell you. Text me o i-on mo ang GPS mo."

"Magte-text na, of course," sabi ko.

"Of course?"

"I mean, yes, magte-text po ako. Don't be a nagging grandpa."

Mahina lang siyang tumawa. "Ililibre kita bukas ng cake para pambawi."

But I have too many desserts until tomorrow, courtesy of Maxwell. " 'Wag na cake. Kahit coffee na—"

"Aurora?" tawag ni Maxwell kasabay ng pagkatok sa pinto ng ladies' room. "Sorry. Nagche-check lang ako kung okay ka lang diyan."

Oh no. Baka marinig ni—

"Kaninong boses 'yon?" tanong ni Calyx.

"Ha? Uh..." Hindi ako sanay magsinungaling kay Cal pero—

"Parang pamilyar," dagdag niya.

"Chef!" sabi ko kay Maxwell sa pinto. "Okay lang ako. Thanks for checking." Huminga ako nang malalim bago, "Bye na muna, Cal. Mamaya na lang tayo mag-usap. May tatapusin pa 'ko rito bago magpunta sa derma."

"Sige. Mag-text ka sa'kin."

"Opo, Lolo."

Dinig ko ang pagtawa ni Calyx bago ibaba ang connection namin. Narinig ko rin ang yabag ni Maxwell palayo sa pinto.

Kunot ang noo ko nang sumulyap sa salamin sa ladies' room. Why would Maxwell check on me? Siya naman ang nagsabi kanina sa'kin to take my time.

Nailing ako at pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Non-bruha hair: good. Lipstick: frosted pink. Foundation: mas matibay pa sa self-esteem ko.

I think I still look... okay. Ang kailangan ko na lang ay kaunting lakas ng loob para sabihin kay Maxwell na kailangan niya 'kong ibalik sa office.

I went out the ladies' room and looked for Maxwell. Nasa counter uli siya. Nakasandal. Nagpalit siya ng kamiseta niya. Dark blue na 'yon at mas fit nang kaunti kaysa sa puting suot niya kanina. Hinulma lalo ng fabric ang lapad ng balikat at dibdib niya. Mas halata na rin ang hugis ng braso niya ro'n. He looked... uh... Napalunok ako.

"May susundo sa'yo?" tanong niya nang mapatungo ako.

"Ha? Susundo..." My brain couldn't grasp his whole question. Naiwan ang thought processes ko sa kamiseta niya. Hu-hu.

"Oo. May susundo ba sa'yo? May pupuntahan ka pa after dito, 'di ba? Sabi mo?" dagdag niya.

Kumurap ako palayo sa pabida na kamiseta. Puberty blessed Maxwell since college. Hanggang kailan ba siya ibe-bless n'on? Bakit parang favorite siya?

"A-ano... wala eh. Walang susundo sa'kin," mahina ang boses na sagot ko. "Babalik sana ako sa office."

"Ihatid kita sa office n'yo?" nakangiting tanong niya.

Napagsalikop ko ang mga kamay ko. Yayakapin ko na naman siya sa motor niya? Oh my God. "Sana?"

"Sa'n ka pa ba pupunta after dito?"

"Ano... sa derma sana. May appointment ako ng seven."

"Do'n na lang kaya kita ihatid? Para siguradong hindi ka ma-late."

Nakatitig lang ako sa gaan ng mukha niya at sa palaging ngiti niya. Hindi talaga siya nauubusan. Walang expiration.

"Hindi ko alam kung saan 'yong clinic ko, eh." Cal used to drive me there. Kung hindi si Cal, si Kuya Rius. Kung hindi si Kuya Rius, 'yong mga kaibigan ni Kuya. Worst case scenario, si Dad.

"Alam mo 'yong address? Madali lang hanapin 'yon," sabi niya.

I remembered. Magaling din si Maxwell sa directions. Kasama sa listahan ng goods niya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at nag-type ng address ng clinic sa google map. Lumapit naman sa tabi ko si Maxwell at nakisilip.

"Uh..." He was too close, I had to look up to see his face. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit hanggang balikat niya pa rin ako kahit naka-two-inch shoes ako? Dati, hanggang balikat niya 'ko kahit naka-flats!

Buti na lang, nasa cellphone ko ang atensyon niya. Tumingin siya sa'kin sandali bago mapalunok. Tapos, naglagay siya ng kaunting distansiya sa pagitan namin. Do'n lang ako nakahinga.

"Alam ko na 'yan. Hatid na kita diyan," sabi niyang bumalik sa kaswal na pagngiti.

My heart was far from its casual beats. Hindi ko na itinago ang pagsinghap ko ng hangin. Bahala na siyang mag-interpret.

"Sige. Balik lang uli ako sa banyo," sabi ko.

Mabuti na lang, hindi siya nagtanong kung bakit. Dahil normal heartbeat ko ang babalikan ko sa banyo. Baka naiwan do'n.

***

Tulad ng simula ng araw, umangkas uli ako kay Maxwell sa motor. Ayokong yumakap pero siya ang naglagay uli ng braso ko katawan niya; ng kamay ko sa sikmura niya. Mas maraming sasakyan sa kalye kaya nakasandal uli ako sa likod niya para magtago sa usok at polusyon. At parang coffee jelly ang tuhod ko nang makarating kami sa building kung nasaan ang clinic.

Totoong magaling siya sa directions. Totoo ring blessed siya ng puberty. Naramdaman ko sa pagyakap ko.

"I'll head inside," nagawa kong sabihin kay Maxwell matapos tumalikod sa pagtatanggal ng helmet. Iniabot ko sa kanya 'yon. Ibinigay naman niya sa'kin ang box ng sweets. "Thank you sa paghatid."

Umangat ang kamay niya na parang aabot sa'kin pero kusa ring natigil. " 'Yong buhok mo, nakatikwas. Baka ayaw mo n'yan."

Mabilis akong napasapo sa kanang bahagi ng ulo ko na tinitingnan niya. I brushed it quickly with my fingers. Wala namang sumabit.

"Okay na," sabi niya at ngumiti sa'kin. "Hindi na magulo."

"Sure?"

Nagtagal ang mata niya sa'kin. Lumamlam. "Oo. Okay na."

Napalunok ako bago paglapating mabuti ang mga labi ko. "Bale... 'ayun. I'll head inside."

Nang tumango siya, pumasok ako sa loob ng clinic.

***

Dalawang oras nagtagal ang treatment sa mukha ko kahit na halos wala na 'kong acne. I was completely stripped off make-up. Papalabas na 'ko sa opisina ni Dr. Len nang mag-text ako kay Cal.

Aurora:
Patapos na 'ko rito. Sunduin mo ko?
San ka na?

Nakatungo pa 'ko sa cellphone ko nang maramdaman ko ang pamilyar na tensyon na sa iisang tao lang manggagaling. 'Yon ang pakiramdam ng mga mata ni Maxwell sa'kin.

But it shouldn't be possible. I told him to go home. Or... nasabi ko nga ba?

Paglinga ko sa lounge ng clinic, nakaupo ro'n si Maxwell. Nakatingin nga siya sa'kin. Nakangiti. Casual. Parang walang nakikitang pangit.

"Sorry, hinintay na kita. Baka kasi wala uling susundo sa'yo," apologetic na sabi niya.

Napalunok ako. I wanted to cover my bare face with my hands but I shouldn't. Maraming germs ang kamay. Kahit ilang ulit akong nag-sanitize, baka ma-infect ang mukha ko.

Tumalikod ako kay Maxwell.

"Ba't nandito ka pa?" sita ko. No. I wasn't angry even though I sounded like I was. Agitated lang ako.

Bakit kailangan na naman niya 'kong makita na pangit? Namumula pa ang balat ko sa treatment. At papansin ang mga tuldok at peklat at marka. I looked like a moon with all of its craters.

"Sorry..." mababa ang boses na sabi niya.

Huminga ako nang malalim. I was wrong. Hindi naman ako galit sa kanya. "Uhm... Sandali..."

Humakbang ako patalikod kahit mukha akong tanga. Lagi na lang akong mukhang tanga. Pero hindi ko magawang lumingon para makita niya o makita siya. Nauuna ang kamay ko sa likod ko para maramdaman ko kung may mababangga ako. He held it when I got closer.

"Sorry, Maxwell..." mahina ang boses na sabi ko. "It sounded wrong. I mean... hindi ako galit sa'yo. Ano..."

"Forgiven," malumanay na sabi niya. "Sorry rin kung nagulat ka."

"Yeah, nagulat lang ako." Binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Ano... Hindi mo naman ako kailangang hintayin. You can go."

"Pa'no ka uuwi?" aniya.

"I can—I can..."

Tumunog sa isang message ang cellphone ko. Mabilis akong napa-check do'n.

Calyx:
Paakyat na ko.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko bago ko abutin uli sa likod ko ang braso ni Maxwell.

"Uh... I'm okay," sabi kong tumapik sa kanya. "You can go. Ako na ang bahalang umuwi."

"Sigurado ka? Puwede naman kitang itawag ng taxi kung bawal sa treatment mo na madumihan ang mukha mo," aniya.

But now's not the time for negotiation. Maxwell should go.

"Sasabay ako kay Doktora," sabi ko. "Uwi ka na. Ingat ka."

"Uh, okay..."

"Thank you uli," sabi ko at sandaling lumingon. "Ingat."

"Ingat ka rin," alangang sabi niya.

Nakikinig ako sa yabag ni Maxwell palayo. Nang akala ko ay bumukas ang pinto sa paglabas niya, may tumawag sa'kin.

"Aurora!"

Napapikit ako sa boses ni Calyx. ++1019 g / 01132019

_____
TCWDM: Pasingit lang. This is the panookie inside the pie tin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top