Chapter 03: In my eyes, there's always you
***
Naiwan sa office ang lahat ng sensibilities ko at hindi nakatulong na nakadikit ako kay Maxwell sa buong biyahe. Masyadong malapad ang likod niya na hinihiligan ko. Masyadong papansin ang pabango niya na hindi ko dapat naaamoy habang nasa kalye kami at sinasagasa ang hangin, pero naaamoy ko pa rin. Masyadong nakapanghihina ang init ng katawan niya. Dahil bakit nakakamiseta lang siya mag-motor? 'Yong iba, nagja-jacket, ah! The fabric on him felt too thin, his heat got through my brain.
When we arrived at the restaurant, I was out of whack. My mind couldn't make up whether to worry about my face first, or my hair, or my arms around his waist, or my breathing, or my speech, or my traitor heart. Ilang sandaling nakahinto ang motor na nakakapit pa rin ako kay Maxwell.
"Aurora?" tawag niya sa'kin. He gently tapped my hands around him. "Nandito na tayo."
Alam ko naman. Ang laki ng sign ng restaurant nila: Le Bon Apetit! Ang problema, kahit alam ko naman, hindi talaga 'ko makagalaw agad. Hu-hu.
"Ano... sa-sandali lang."
"Take your time."
Take my time? Na nakayakap ako sa kanya? Lalo lang magpi-freeze ang utak ko!
Hindi siya gumalaw sa motor. Nang lumuwag ang paghinga ko, nagawa kong bumaba sa pagkakaangkas. Ipinarke niya ang motorsiklo sa tagiliran ng restaurant bago tuluyang bumaba. I was fidgeting while watching him. Kaswal niyang tinanggal ang helmet niya at sinuklay ng daliri niya ang buhok niya. Namumula ang tainga niya. Napahawak siya ro'n.
"Uh... 'yong bag ko," sabi ko.
Kinuha niya sa compartment ang bag bago lumapit sa'kin. I took my bag. He reached out for my helmet. Napaatras ako.
Hindi puwedeng siya ang magtatanggal ng helmet ko. Baka nakasabog ang buhok ko. O nalusaw ang foundation ko. O mukha akong bruha.
Makikita na naman niya ako na pangit.
"Uh... ako na'ng magtatanggal," una ko.
"Ah, sige." Namulsa siya.
"Uhm... bukas na ba 'yong restaurant?"
"Hindi pa. Nasa 'kin ang susi at—"
"Pabukas na no'ng resto, please," putol ko sa kanya.
He must be finding it weird that I couldn't—wouldn't—take the helmet off. Sana, 'wag na siyang magtanong. Hindi ako katulad niya na kahit suklayin lang ng sarili niyang daliri ang buhok, puwede nang mag-shoot ng commercial.
Nakahinga ako nang maluwag nang tumalima siya at buksan niya ang pinto ng resto para sa'kin.
"Nasa dulo sa kaliwa ng counter 'yong ladies' room," sabi niya at ngumiti. Parang alam niyang do'n talaga ko pupunta.
"Thank you..."
Mabilis akong lumampas sa kanya at nagtuloy sa counter. Nakailang double-check ako kung totoong nasa kaliwa ako. Baka kasi magbago ang kaliwa at kanan sa utak ko. Maxwell has this effect on me that everything in my brain gets mixed up.
When I reached the ladies' room, do'n ko pa lang tinanggal ang helmet. The horror I imagined disappeared when I checked my face. Hindi nahulas ang make-up ko. Wala ring tumubo o mukhang tutubo na taghiyawat. At 'yong buhok ko, kaya namang ayusin ng brush.
Nagtagal ako ro'n kahit na nag-retouch lang naman ako ng make-up at nagsuklay. Bago ako tuluyang lumabas, sinubukan ko pa munang marinig kung ano ang posibleng ginagawa ni Maxwell. Nang wala akong mapala, hinanap ko siya.
He was at the counter.
"Ito 'yong helmet," sabi ko at iniabot sa kanya ang hawak ko. "Thank you."
Pagkakuha niya n'on, hinagod niya 'ko ng tingin. I averted my eyes.
"Okay ka naman?" magaang tanong niya. "May problema sa biyahe natin?"
"Ha?" Napatunganga ako sa mukha niya. 'Kala niya ba, sumama ang pakiramdam ko o ano? "Walang problema sa biyahe. Ano..."
I couldn't say how I imagined that I'd be so ugly if I took the helmet off in front of him.
"Sigurado?" aniya.
Tumango ako.
At dahil nagtititigan na naman kami, nagbaling ako ng tingin sa counter. I should think of work. Not these stupid heartbeats. Not this stupid ogling.
"Uh... Nasa'n 'yong mga tao pala?" ani ko sa kanya. Pagbalik ng tingin ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sa'kin.
Nakatingin ba siya mula kanina pa? Bakit?
"Walang ibang tao ngayon dito. It's closed for the day," sabi ni Maxwell at sumandal sa counter.
Walang ibang tao. Closed. Ibig sabihin... "You mean..."
"Ako ang personal chef mo ngayong araw, Aurora," sabi niya at ngumiti. "Pili ka na kung saan ka uupo."
Damn that smile. Napalunok ako. Hindi ba siya mauubusan no'n? Bakit hindi 'yon nauubos?
"Ilang dishes ang kailangan kong tikman?"
"Le Bon Apetit operates 24-hours a day. You have to taste our morning, lunch, dinner, and after midnight food."
Napaawang ang labi ko bago ko makagat. 24-hours? "Ibig sabihin... ano..."
"Buong araw tayong magkasama rito, Aurora."
Nang lumapad ang ngiti niya, napatanga ako. Na naman.
***
Le Bon Apetit is a casual dining restaurant. Kahanay iyon ng ilang casual dining, bistro, at cafe sa Food Paradise area ng STU. The chef's counter occupies the leftmost part of the establishment. May two-seater, four-seater, at six-seater tables sila. Modern ang interior pero hindi intimidating sa mga estudyante. Black, pacific blue, at carrot orange ang color schemes. Ayon kay Maxwell, 24-hour ang operation nila. They offer low to mid-range priced food.
Hindi rin intimidating ang menu na tinitingnan ko.
"For starters," sabi ni Maxwell na lumapit sa table kung nasa'n ako at inilapag ang isang platter ng, "sandwiches."
Apat na maliliit na club sandwiches ang nasa plato. May kasamang egg salad at fruit cup.
"Sa breakfast 'to," ani ko.
"Yes."
Umalis siya sandali habang kinukunan ko ng picture ang pagkain. Pagbalik niya, nagbaba siya ng tatlong plato ng breakfast plates. Isang toasted bread with bacon and eggs; isang tapa strips, sinangag at itlog; at isang longganisa, sinangag, at itlog. Huli niyang dinala ang tubig bago maupo sa katapat ko sa mesa.
"Nag-breakfast ka na ba?" tanong niya sa'kin.
Hindi ako nag-breakfast dahil alam kong kakain ako nang marami ngayong araw. Pero sobra sa expectation ko ang apat na plato.
"Hindi. Ikaw? Nag-breakfast ka?" balik ko sa kanya habang dinadampot ang kutsara at tinidor.
"Hindi pa rin."
"Hindi ka sumabay kumain sa inyo? 'Di ba, mahilig sa food ang family mo?" tanong ko.
Ngumiti siya. Napalunok naman ako. I talked as if I knew what I was talking about.
"Kaninang madaling-araw pa 'ko rito sa resto. Nag-prepare ng ingredients para sa mga iluluto ngayon," sabi niya. "Kaya hati tayo sa breakfast."
Napatango ako. Mas okay 'yon para hindi masayang ang food. Ayaw niya rin pati ng nasasayang na pagkain. I'm all to seeing his legendary appetite again.
Una kong tinikman ang club sandwiches. I noted the texture and the taste of each cut on my phone. Pinipilit kong balewalain na pinanonood ako ni Maxwell.
"Is it good?" aniya.
Tumango ako habang ngumunguya. Nag-abot naman siya ng tissue.
"Uh... kung 24-hours 'tong resto, ilan ang chef dito?" tanong ko para may mapag-usapan at hindi ako masyadong mailang. I was going for the egg salad next.
"Tatlo. Pang-apat ako," sabi niya. "Si Mino ang a.m. chef hanggang lunch, si Reeve ang p.m. hanggang dinner, si Yigel ang after midnight. Ako ang in-charge sa snacks at desserts."
Bagay sa kanya kasi magaling siyang mag-bake. 'Yong huling natikman ko na bake niya na cake, kasingsarap na ng sa Auntie niya.
Nang matikman ko na ang breakfast plates at makapag-note ako, sumabay na siyang kumain. Nagugulo ang heartbeat ko dahil lang magkasalo kami sa iisang serving, sa iisang plato. Ingat na ingat akong magkabangga ang kutsara at tinidor namin kahit na halatado namang pinauuna niya 'kong sumubo. Nakatitig din ako sa mga plato dahil ramdam kong nakatingin siya sa'kin.
Hu-hu. Bakit?
"Sino sa inyong apat ang may-ari nitong resto?" ani ko. Muntik kong matusok ng tinidor 'yong tapa strip na tinutusok niya.
" 'Yong tatlo ang may-ari nito. Pero pinakamalaki ang shares ni Reeve. Kinuha lang nila 'ko rito dahil natalo ko sa baking competition si Yigel."
I haven't heard of any baking competition in the country won by him. "Dito 'yong competition?"
"Hindi. Sa New York 'yon. Do'n ako nag-masters."
I wiped my mouth with tissue. Nag-New York pala siya after ng Culinary sa STU.
"Ikaw? Nagtrabaho ka agad?" tanong niya sa'kin.
Muntik kong salubungin ang mata niyang nararamdaman ko sa'kin pero napigilan ko. 'Yong acne at pagpapa-derma ang inatupag ko after Culinary school. No one in the food business would take me because of those things on my face. They told me I looked horrible and unsanitary. Hindi naman bago 'yon sa'kin dahil ilang ulit na rin akong nasabihan ng mga professors tungkol do'n no'ng college pa lang.
"Nagpahinga sandali," mahina ang boses na sagot ko. "Tapos work na."
"Ilang taon ka na sa company n'yo?"
"Two years na rin," sagot ko at tumikhim. Ayoko na ako ang topic. " 'Yong sa competition, natalo mo si Chef Yigel kaya ka niya kinuha?"
Umiling siya sa gitna ng ganadong pagnguya. "Si Reeve ang kumuha sa'kin. Nasa New York din siya no'n, napanood 'yong competition. Originally, si Auntie talaga ang gusto nila. Pero busy si Auntie sa business namin. Second choice lang talaga 'ko."
Napatango-tango ako. Malapit na naming maubos ang dalawang breakfast plate. Nakakalimutan kong mag-note ng commentary. Pero lahat naman kasi, masarap.
"Masaya akong nakita kita uli, Aurora," malumanay na sabi niya.
Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell. Gaya ng hinala ko, nakatingin nga siya sa'kin. There's something unreadable in his eyes, concealed by its gentleness. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I was sure we weren't on good terms when we parted. 'Yong huling semester sa third year bago ako lumipat ng school, iniwasan ko siya. Hindi ko kinibo. Then, I did something I was sure he wouldn't like.
Why would he be happy to see me again?
Banayad ang naging ngiti niya sa pagkakahinang ng mga mata namin. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin sa kanya.
"Kukuha lang muna ako ng ibang inumin," sabi niya at tumayo.
Malalim ang paghugot ko ng hangin nang umalis siya sa table namin.
***
"Oo, nasa resto pa 'ko," sabi ko kay Calyx na kausap ko sa phone. "Yes, sa work."
Asiwa kong iniilag ang mga mata ko nang mailapag ni Maxwell ang mga dishes na kakainin namin para sa lunch. Specialty nila ang mga iyon: lechon kawali, grilled ribs, crispy pata, sinigang, at pocherong baka.
Alumpihit na 'ko sa upuan nang maupo siya uli sa puwesto niya katapat ko.
"Nasa resto pa rin ako," sabi ni Calyx. "Ano'ng oras daw kayo matatapos diyan?"
Hindi ko nasabi na wala akong kasamang staff o na kasama ko si Maxwell. Hindi ko alam kung pa'no sasabihin.
"Hindi ko pa alam eh. Marami pa 'kong ire-review," sagot ko.
"Seven 'yong appointment mo sa derma, 'di ba?"
"Oo. Matatapos naman siguro ako rito before 'yon."
"Sige. Tawag ka na lang sa'kin kapag tapos na kayo diyan," sagot ni Cal. "I-text mo na rin 'yong address. Para kung sakaling malayo, makapaglagay ako ng allowance sa traffic."
"Okay, Cal." I bit my lip. Oh no. Hindi ko dapat binanggit ang pangalan niya. Ang alam ni Maxwell, boyfriend ko si Calyx.
Pagsulyap ko kay Maxwell, sa iba naman nakatingin.
"See you, Aw-aw," sabi ni Cal at mahinang tumawa.
Umangil ako. " 'Ayan na naman 'yang Aw-aw na 'yan ah! I'm not a dog!"
"Yeah, yeah. Later."
Nang maputol ang connection, umayos ako ng upo sa table. "Sorry. I had to take that call."
"Of course," sabi ni Maxwell at nagbaba ng tingin sa mga pagkain. "I hope you still have space for all the food."
"Of course," sagot ko bago paglapating mabuti ang mga labi ko. Hu-hu. Napi-pick up ko agad ang language niya. Bakit ganito? "Picture-an ko muna para sa app."
"Take your time."
Nang kunin ko ang phone ko, inilabas din niya ang phone niya. Hindi ko narinig na nag-ring pero may tinanggap siyang tawag.
"Hello, baby Maxine," masuyong bati niya sa nasa linya. "Bakit ka po tumawag?"
Natigil ako sa pag-capture sana ng picture. Napatanga ako sa lambing ng tono ni Maxwell.
Sino'ng kausap niya? Girlfriend niya? Maxine ang pangalan?
I mean, hindi ko naman ini-expect na single siya kasi guwapo siya. Kahit no'ng college, ngumiti lang siya sa babae, sasagutin na siya. Hindi niya kailangang manligaw. Pero kung makikipaglandian siya sa girlfriend niya, puwede namang hindi sa harap ko o sa harap ng pagkain.
"Kumain ka na?" patuloy niya.
Nangunot ang noo ko, lalo na nang mapatingin siya sa'kin at walang anumang ngumiti.
Is he a jerk? Bakit siya ngumingiti sa'kin habang may kausap na ibang babae? Iniinis niya ba 'ko? Kasi nakakainis!
"Kakain pa lang din. Opo. Nasa work ako, baby. Na-miss mo 'ko? Agad?" Fondness and amusement danced in his eyes, it's irritating me.
Eh 'di siya na ang na-miss ng baby niya. Ang off kaya nila. Maxwell ang pangalan niya tapos Maxine 'yong girlfriend niya? Almost similar names are not a thing for couples.
Wala sa loob akong napabelat bago ko maitikom nang mabuti ang bibig ko at mag-concentrate sa pagkuha ng pictures.
Just take pictures, Aurora. Hayaan mo siya sa baby niya. Eww.
"Uuwi ako sa isang araw. Opo. Bukas mo lang ako hindi makikita, tapos uuwi ako pagkatapos bukas. Okay na?" masuyo pa ring patuloy niya.
Ayokong iangat ang mata ko kay Maxwell dahil baka mapa-Eww ako nang malakas. But I could see in my peripheral that he was looking at me again. Parang pinanonood ako. Parang malaki ang ngiti. Parang nananadya.
"Sige. Kain ka na rin, baby," sabi pa. "Eat your veggies, ha?"
Mahina akong umangil. "Sorry," sabi kong sumulyap kay Maxwell. " 'Yong camera ko kasi, manloloko—nagloloko, I mean."
Pero gaya ng lagi, ngumiti lang siya. Kumagat-kagat siya sa labi niya habang nakatingin sa'kin. Kumurap ako para hindi mapatitig na naman.
"Sige. Tatandaan ko 'yan," he said through the phone. "Ano'ng gusto mong pasalubong?"
Sunod-sunod ang pindot ko sa camera para sa pictures. Nag-ingay ang tunog ng capture.
"Kiss?" aniya.
In my peripheral, it looked like he was about to burst laughing. Kinikilig ba siya? Nang nakikita ko?!
"Sige. Kiss na lang."
"Eww." Sumulyap uli ako kay Maxwell. "Sorry, it's not for you. Eww 'yong pictures na nakuha ko."
Tumango lang siya sa'kin. "Sige, baby. Bye na muna. I have to work."
Nilunok ko sa lalamunan ko ang panibagong 'Eww' na lalabas sana.
Nang ibaba niya ang cellphone niya, sigurado akong nagpipigil talaga siya ng tawa. O kilig. O landi. Bahala siya sa buhay niya!
"Sorry, Aurora. I had to take that call," sabi niya.
Labas sa ilong ko ang sagot ko. "Of course."
"Nakunan mo na 'yong dishes? Kain na tayo?" aniya.
"Punta lang ako sa ladies' room," sabi ko at tumayo.
"Sige. Hintayin kita."
Tinalikuran ko siya bago magmartsa palayo. Kahit hindi niya 'ko hintayin, okay lang. Kung gusto niya, umuwi na siya agad sa baby niya. Baka masyado siyang na-miss, eh. Akala mo naman, four years silang hindi nagkita.
Eww.
++1201h / 01132019
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top