Chapter 02: That unnameable feeling is...


***

First year college, Culinary Arts
June, first week
Saint Tomasino University

"O, Kimmy, nandito ka pa pala? Akala ko, sumabay ka sa Kuya mo?"

Halos makipagpatintero ako kay Manang Thelma palabas ng gate. May kagat akong sandwich at may hawak na baso ng orange juice. Dinagit ko lang sa kusina pagdaan ko ro'n.

"Hindi ka bumangon agad no'ng ginigising kita, ano?" sabi pa niya. "Naku, male-late ka niyan."

Tumango lang ako. Magha-hand signal ako kay Manang kung kaya ko kaso lang occupied ang mga kamay ko. Nagmamadali rin ako. Ngumuya ako sandali bago uminom ng juice at ibigay kay Manang ang baso.

"Male-late na nga po ako. Pabalik na lang po sa kusina. Thank you po!"

Bago pa siya makapagsalita uli, nakalabas na 'ko ng gate at tumakbo palabas sa subdivision.

First day ng school. Ang plano ko kagabi, maaga akong gigising at sasabay kay Kuya paalis. Inihanda ko na nga agad ang gamit at uniform ko. Pero siyempre, plano lang 'yon. Hirap akong matulog kapag gising ako. Hirap naman akong bumangon kapag tulog ako. Kaya late akong nakakatulog kahit anong basa ko ng libro at late din nagigising kahit ilang alarms ang i-set. Ni-remind na 'ko ni Kuya na maging on-time sa umaga dahil mas maaga sa'kin ang office niya. Pero siyempre, hanggang remind lang uli 'yon.

Pagdating ko ng labasan, punuan ang mga jeep na papunta sa university. Kahit tricycle, walang humihinto sa'kin. Pagagalitan din pati ako 'pag nalaman ni Kuya na nag-tricycle ako dahil na-late ako ng bangon.

Kailangan ko ng taxi. Pero lahat ng taxi na dumadaan, may sakay.

Panay ang kagat ko sa sandwich habang pumapara. Walang humihinto.

Dapat pala, sinabihan ko si Cal na daanan ako sa bahay. Kung dadaanan niya 'ko, may gigising sa'kin. May magda-drive para sa'min dahil may service driver sila. At may kasabay akong male-late.

Kababata ko si Calyx. Kaklase ko rin mula kinder hanggang college.

Pagkaway ko sa hindi ko alam kung pang-ilang taxi, huminto 'yon. Mabilis kong nabuksan ang pinto sa backseat para sumakay. Para lang matigilan dahil hindi lang pala ako ang pasahero.

May isa pang tao ro'n. Kilala ko naman pero...

"Sa STU pa rin po, Manong."

Nalunok ko nang buo ang sandwich na nginunguya ko pa dapat. Napakapa rin ako sa tagiliran ng labi ko para i-check kung may breadcrumbs or mayonnaise do'n. Tuna sandwich pa naman ang kinakain ko.

"Hello, Aurora," bati ni Maxwell. Nakangiti gaya ng lagi. "Good morning."

Dahan-dahan ang pagbaba ng sandwich sa lalamunan ko. Pinipigilan akong bumati kaagad.

"H-hello..."

"Komportable ka sa pagkakaupo mo?" aniya pa.

"Huh?"

Ngumiti lang siya lalo. Napalinga naman ako sa kinauupuan ako. Nakasuksok pala 'ko halos sa pinto.

"Ah... uh..." Ano'ng sasabihin ko kung kusa akong napasiksik sa pinto nang makita ko siya sa loob?

Umisod si Maxwell para bigyan pa 'ko ng espasyo. Umupo naman ako nang maayos.

"Thank you..." halos bulong ko.

Hindi na siya sumagot. Sa harapan na rin siya tumingin. Samantalang ako... ni hindi na nakakagat uli sa almusal ko. Hawak-hawak ko na lang 'yon—hindi maitapon (ayaw ni Maxwell nang nagsasayang ng pagkain) pero hindi rin makain (hindi ko kayang lumunok).

Kaklase ko si Maxwell no'ng kinder. Sa isa sa pinakabata kong alaala, kasama siya. Hindi ko nga lang alam kung naaalala niya pa 'yon. Nang mag-elementary, lumipat ako ng school. Pagdating ng high school, naging magkaklase uli kami ng second year at third year. Nakikita ko rin siya nang madalas sa park malapit sa compound kung saan siya nakatira. May food stall kami ro'n ni Mommy na ako ang tumatao tuwing weekends.

I have a crush on him (pero secret), gaya ng kalahati ng buong populasyon ng mga kaklase naming babae. There's a lot to like about Maxwell. He's smart. He's good in sports. He's always smiling. He's friendly and approachable. And he looks like a fairy tale prince.

But unlike most girls, I know more than that. Like, I know that he cooks well since high school. Na may aunt siyang magaling mag-bake by the name of Auntie Mona. Na may dalawa siyang kapatid na lalaki na sina Kuya Jacob at Kuya Warren. Na may aso silang si Koko. Na marunong siyang mag-bike at skateboard. Na magaling siyang mag-basketball. At na mahilig siya sa music.

Alam ko rin na ilang beses na siyang naalok na mag-model no'ng high school pa lang pero ayaw niya.

When I applied for Culinary Arts in STU, I saw his name in one of the passers. Hindi ko siya ka-block pero may mga subjects na makakasama ko siya.

Ang hindi ko lang alam ay kung pa'no ma-ambush sa iisang taxi kasama siya sa first day ng school. Hindi ko rin alam pakisamahan ang sarili kong pakiramdam kapag nasa malapit siya.

The thirty-minute taxi ride felt longer than it should. Siguro dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Siguro dahil alerto ako sa lahat ng bagay—sa aircon ng taxi (masyadong malamig), sa air-freshener (masyadong mabango), sa traffic (masyadong maaga), sa sandwich ko (masyadong amoy-tuna), sa buhok ko (masyadong tumitikwas), sa taghiyawat ko (masyadong pansinin), sa palda ko (masyadong maiksi), at sa oras (masyadong mabagal). Sigurado, dahil nando'n si Maxwell. He has this insane ability to intensify everything around me.

At bakit ko siya nakasabay ngayong umaga sa taxi, habang kumakain ako ng tuna sandwich, kung kailan hindi ko naplantsa nang maayos ang buhok ko? May bagong tubo pati akong taghiyawat sa tadtad na nga ng taghiyawat na mukha ko.

He looked camera-ready beside me samantalang ako... never mind.

Nang huminto ang taxi sa gate ng STU, si Maxwell ang nagbayad ng fare. Tututol pa lang ako pero nakababa na siya at naipagbukas ako ng pinto.

Nakatungo ako nang lumabas ng sasakyan.

"Tara?" aniya.

Nakatungo pa rin ako nang tumango. He was walking easily beside me. Ako naman, hawak pa rin ang tuna sandwich. Hu-hu.

"Okay ka lang, Aurora?" untag niya sa'kin.

"Uhm... okay naman."

Humugong lang siya. Nang mag-angat ako ng mata sa kanya, nakatingin siya sa'kin kaya bumaling ako sa mga puno sa STU. Malayo pa kami sa College of Culinary Arts. At...

"Ay. 'Yong pamasahe pala sa taxi..."

Nakangiti siya nang bumaling sa'kin. "Ano 'yong pamasahe?"

"Ano... magkano ang share ko ro'n?" Fail. Ni hindi ko nakita 'yong metro ng taxi sa sobrang kaba ko.

"Okay na 'yon."

"Eh, dapat share tayo ro'n. Nakisakay rin ako, eh."

"Ah."

Iniiwas ko ang mata ko sa kanya habang nag-iisip siya. Kaya lang, masarap tumitig sa mukha niya. Bihira lang pati akong makalapit nang ganito kalapit.

"Dalhan mo na lang ako ng tuna sandwich sa susunod," magaang sabi niya. "Mukhang masarap 'yong sandwich mo."

Napatingin ako sa sandwich na hawak ko pa rin. Ni hindi ko pala siya inalok. Pero hindi naman kasi kaalok-alok 'yong sandwich na may kagat ko na.

"Hindi ka pa nag-breakfast?" tanong ko. Ang alam ko, mahilig ang family nila sa pagkain kaya imposibleng hindi pa siya kumakain.

"Nag-breakfast naman. Pero nakakagutom 'yong amoy ng tuna sa taxi."

Oh my fail. Amoy na amoy nga 'yong tuna.

"Sorry. Hindi kita naalok..."

Hindi nawawala ang bakas ng ngiti sa labi niya kahit nakasimangot ako. I wanted to smile that often and that brightly, too. Pero gift yata 'yon na ipinagkakaloob lang sa mga katulad niya. Maxwell has a smile that makes things beautiful.

"Okay lang 'yon," sabi niya.

"Eh 'di 'yong pamasahe..."

"Sa susunod na makakasabay kita, pahingi na lang sandwich," sabi niya.

Tumango na lang ako. Para namang sigurado siyang magkakasabay pa uli kami sa susunod.

"Thank you pala sa pagsabay sa'kin sa taxi mo," sabi ko.

"You're welcome, Aurora."

Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko. Maxwell used to call me Aurora kahit na ang lahat ng tao sa paligid namin ay Kimmy naman ang tawag sa'kin. And whenever he would call my name, I felt a little special.

Nakarating kami sa building namin nang wala nang iba pang pinag-uusapan. Pumasok siya sa lecture room nila pagkatapos ngumiti uli sa'kin. Pumasok naman ako sa katabing silid kung saan sinalubong ako ni Cal.

Cal saved a seat beside him for me. Noon ko lang naubos ang sandwich ko.

***

First year, Culinary Arts
June, first week
STU

"Uh..."

"Hello, Aurora. Nagkasabay tayo uli."

Umupo ako nang maayos sa backseat at napahawak sa tirintas ng buhok ko. I was not really expecting Maxwell again. Kahit na late uli akong nagising at nahirapan uling sumakay ng taxi. Kahit na pareho ang oras ngayon sa oras na nagkasabay kami days ago. It would be too much to expect, right? Lalo na dahil hindi ko naman alam ang gagawin kung magkakasabay kami uli. Pero...

"Hello..."

Ngumiti lang uli siya bago magtuon ng tingin sa harapan ng sasakyan.

"Uh... ano... wala akong sandwich ngayon," sabi ko bago makagat ang labi ko. Hu-hu. Sa dami ng conversation starter sa Earth, bakit tungkol sa sandwich ang nasabi ko?

"I see that," aniyang magaang bumaling sa'kin.

Hindi lang 'yon. Hindi ko rin naplantsa at all ang buhok kong nagrerebelde. I could not settle the rebellion so I braided my hair, kaysa tumikwas at manalakay ng tao. Braiding my hair means my face and pimples were all exposed for everyone to see. Fail.

Tumungo ako.

"Bakit? May problema?" untag niya.

"Huh? Ah, wala. Wala."

Habang naghahanap ako ng wala sa sarili kong palda, bumuhos ang ulan.

"Naku, 'ayan na ang ulan," sabi ng may katandaan nang taxi driver. "Magta-traffic na naman niyan mamayang hapon."

"Opo nga. Tumataas din ang tubig sa U-belt," sabi ni Maxwell.

Oo nga. At wala akong dalang payong.

"I hate rain..." bulong ko at napahawak sa buhok ko. Kalaban ng buhok ko ang ulan. Kapag nababasa sila, lalong nagrerebelde.

Napabuntonghininga ako habang panay ang pag-uusap nina Maxwell at ng driver. Pagdating namin ng STU, senate hearing na sa TV ang usapan nila. Hindi ako makababa ng taxi. Buti na lang, ipinagbukas ako uli ni Maxwell ng pinto. May payong din siya.

"Ano... puwedeng makisukob? Wala kasi akong dalang payong," sabi ko.

Isinukob niya sa'kin ang payong bilang sagot.

"Thank you."

Malalaki ang hakbang ko papunta sa college namin para umiwas na lalong mabasa ng ulan. Ayokong nababasa ang sapatos ko. Malamig sa mga lecture rooms. Parang naka-freezer ang paa ko kapag basa at nasa air-con. Mabilis pa man din akong ginawin.

At pagagalitan ako ni Cal.

Pagdating namin sa building namin, itinupi ni Maxwell ang payong at inilagay sa kamay ko.

"Sa'yo na muna 'to. Ibalik mo na lang sa susunod."

"Hala, 'wag." Pero ngumiti lang siya at mabilis na pumasok sa lecture room nila bago ako makapagdugtong. "Pa'no ka?"

***

First year, Culinary Arts
June, second week
STU

Nasa labasan na 'ko pero hindi ako pumapara ng sasakyan. May ilang tricycle at taxi na ring huminto sa'kin pero tinanggihan ko. Nakaabang lang ako.

Paghinto sa'kin ng isang taxi, nakita ko agad si Maxwell sa backseat.Noon lang ako sumakay.

Maaga akong nagising at kung tutuosin, hinintay ako ni Kuya. Nag-offer din si Cal na daanan ako sa bahay dahil alam niyang dalawang linggo na 'kong nagta-taxi. Hindi rin umuulan. Pero...

"Hello, Aurora," bati ni Maxwell.

"Hello..."

Umayos ako ng upo sa tabi niya bago ilang ulit na magnakaw ng sulyap. Naplantsa ko nang maayos ang buhok ko at natatakpan niyon ang pisngi ko. Hindi masyadong makikita ang taghiyawat sa mukha ko. Isa pa...

"Uhm..." Kinalabit ko si Maxwell at inabutan ng nakabalot na ham sandwich. "Ano... ham 'yan. Hindi tuna."

Napangiti siya ro'n. Napatungo naman ako. Ang galing ko talaga. Sa dami ng conversation starter sa Earth, palaman ng sandwich ang bungad ko.

"Ito ba 'yong para sa pamasahe?" aniya.

Tumango ako. "Oo." Ang totoo, naisip ko nang dalhan siya ng sandwich at ibigay sa kanya sa school. Pero masyadong maraming matang nakatingin sa kanya na ayokong tumingin din sa'kin. When people would look at Maxwell, I'm pretty sure they'd be fascinated by him. But when people would look at me... it would be ugly because I'm ugly.

I don't want to be seen ugly by the same eyes that looks at him in awe.

Kaya sinadya kong tsambahan na magkasabay uli kami sa taxi. I was almost sure I wouldn't chance on him today. Sinuwerte ako.

"Pa'no 'yong para sa dalawa pang pamasahe?" aniya.

"Ha? Dalawa pa?" Natigilan ako. "Ah. Kasi dalawang beses na tayong nagkakasabay."

Lalo siyang ngumiti.

"Ano... utang muna?" ani ko.

"Sige. Bayaran mo na lang sa susunod."

'Ayun na naman 'yong parang sigurado siya na may susunod.

"Ay, saka..." Kinuha ko sa shoulder bag ko ang payong niya. "Ito na pala 'yong payong mo. Ibabalik ko sana agad 'yan pero lagi ka kasing may kasama kapag nakikita kita kaya, uhm, hindi ako makalapit."

"Sa'yo na 'yan," magaang sabi niya. "May payong na 'ko uli. Ibinili ako ni Auntie."

Napatanga ako. Ibig sabihin... hindi na niya kailangan 'yong payong niya?

"Pero may payong din ako, eh," sabi ko.

"Ako rin. Keep it, Aurora."

Ibinalik ko sa bag ko ang payong.

"Kapag nawalan ako ng payong, saka ko na kukunin sa'yo," aniya.

Napatango ako. Puwede rin. Pero bakit hindi niya pa kunin ngayon?

"Ah, saka..." Naghalungkat uli ako sa bag ko. "Ito."

Napatingin siya sa maliit na kaha ng band-aid na iniaabot ko.

"Nakita ko sa lab no'ng nakaraan na napaso ka habang nagluluto. Dala ko na 'yan no'n at gusto kong ibigay sa'yo, kaya lang..."

"May mga kasama ako," dugtong niya sa sasabihin ko.

"Oo." Napakurap ako. Hindi naman niya iisipin na masyado akong nakatingin sa kanya no'n, 'di ba? "Ano... Natiyempuhan ko lang na nakita 'yon. Observant lang ako."

"Thank you," sabi niya at binuksan ang kaha. Kumuha siya ng ilan do'n bago ibalik sa'kin. "Para sa burns mo rin."

May band-aid naman akong extra para sa'kin pero mahirap tanggihan 'yong ibinabalik niya dahil sa rason kung bakit niya ibinabalik.

"T-thank you."

Natahimik kami sa taxi pagkatapos. Nakatingin na uli siya sa daan. Nagnanakaw naman ako ng sulyap sa kanya habang kunwari, nakatingin sa bintana.

Pagbaba namin ng STU, kaswal lang kaming lumakad papunta sa building namin.

Sa mga susunod na araw, ang plano ko ay sumabay na kay Cal sa pagpasok para tipid sa pamasahe at less hassle. Para rin hindi mag-alala sina Mommy at Daddy.

Nasa corridor na kami ng lecture rooms nang lumingon sa'kin si Maxwell.

"Dito na 'ko," sabi niya at ngumiti. "Salamat sa sandwich, Aurora."

Napalunok ako. May iba kasi sa ngiti niya. Mabait pa rin 'yon at maliwanag. Magiliw pa rin. Maxwell has a smile that makes things beautiful. And sometimes, when he smiles like this to me, I feel beautiful, too.

"Okay. Study well."

Nang pumasok siya sa lecture room nila, mabilis akong pumasok sa kasunod na silid.

Kinabukasan, 'yong plano ko, hanggang plano na lang din. Magkasabay uli kami ni Maxwell sa taxi. May dala uli akong sandwich para sa kanya. At fail dahil palaman uli ang una kong bukambibig. #917g / 07182018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top