KUNG MAHAL MO'KO HINDI MO HAHAYAANG MAPUNTA AKO SA SITWASYONG NASASAKTAN NA'KO
KUNG MAHAL MO’KO HINDI MO HAHAYAANG MAPUNTA AKO SA SITWASYONG NASASAKTAN NA’KO
__
“Ako paba? ”
Diritsang tanong ko sa lalaking mahal ko. Sa lalaking hindi ko kayang mawala sa’kin.
“Oo naman, ikaw at ikaw lang. ”
“Talaga lang ah. ”
Ngumiti ito saka ako niyakap at hinalikan sa mukha.
Akala ko, ang mga salitang iyon hindi na magbabago. Nagkamali pala ako. Almost 1 month wala kaming connection sa isa’t isa.
Online s’ya pero di para sa’kin.
Nagsharedpost s’ya pero siguro hindi para sa’kin.
I always stalk his account at lagi kung nakikita sa myday n’ya kasama n’ya girlbestfriend. Lagi n’yang piniflex, lagi n’yang tinatag.
HAHAHHAHA ako iyong girlfriend pero sa iba s’ya masaya.
One day I meet his girlbestfriend.
“Hi.” nakangiting wika nito sa’kin.
Kaya ngumiti din ako. Tinignan ko s’ya mula ulo pababa.
Ang ganda n’ya . Bagay sa kan’ya ang make up. Ang ikli ng shorts at kita ang cleavage n’ya. Bagay na bagay sa kan ’ya.
Mukhang wala akong panapat dito.
“Break na kayo ni Jonathan right? ”
“H-Ha? ”
“Ow sorry, Nililigawan n’ya kasi ako. Kaya naman i ask you kung talagang break nanga kayo ni Jonathan. ”
Grabi, parang napatanga ako sa nalaman ko. Ang sakit sobra.
“H-Ha? A-Ah O-Oo. ”
“Buti naman kung ganon. ”
Saad n’ya ngumiti nalang ako, saka nag paalam na umalis. Mangiyak ngiyak nalang akong pumunta sa bahay.
Almost one month pang kaming no communication pero para sa kan’ya break na pala kami.
Akala ko busy lang e. May iba na pala.
Kinabukasan , wala ako sa mood na naglalakad tas naramdaman ko nalang na may yumakap sa’kin kaya napaharap ako bigla.
“J-Jonathan? ”
“C-Can we talk?
“Oo naman. ” sagot ko. Ready na ako. Ready na akong madinig lahat ng sasabihin n’ya. Ready na akong pakawalan s’ya.
“N-Niloko kita. ” naiiyak na saad nito.
Tinignan ko muna s’ya saka nguniti. Kasi kahit papano nagawa n’yang isabi sa’kin ang totoo.
“Alam ko. ” nagulat pa s’ya sa sagot ko pero yumuko din agad.
“Sorry mas maganda kasi s’yang kasama. Mas nag eenjoy ako pag nakikita ko s’ya. Sobrang gaan n’yang kasama at hindi mahirap mahalin. ”
“Alam ko. ”
“At nililigawan ko na s’ya.”
Salitang nagpaluha sa’kin. “Sabihin mo, nagkulang ba ako?”
“O-Oo, lagi kang nagseselos. Hindi mo kayang sabayan ang trip ko. Puro ka tanggi. ”
“May ako paba d’yan sa puso mo? ”
“Minahal mo ba talaga ako? O minahal mo lang ako kasi ako iyong andito? ”
“M-Minahal naman kita e. ”
“H-Hindi mo’ko minahal jonathan. Kasi alam mo kung bakit? KUNG MAHAL MO’KO KUNG MINAHAL MO’KO HINDI MO HAHAYAANG MAPUNTA AKO SA SITWASYONG NASASAKTAN NA’KO.”
“Nasanay kasi akong s’ya ang kasama e. ”
Halos iyak lang ako ng iyak.
“Nasanay ka kasi nagsawa ka sa’kin. Nasanay ka kasi mas pinili mong s’ya ang kasama kaysa sa’kin. Nasanay ka k-kasi hindi na ako ang priority mo. A-Ang sakit lang alam mo ba? K-Kasi habang umaasa akong ichat o tawagan mo. Nagkakagusto kana pala sa iba. H-Hindi naman ako nag kulang e. Minahal kita. Minahal kita ng sobra p-porket ba di ako sweet? Porket ba—hindi ako sexy? G-Ganon ba? ”
“S-Sorry.”
“Lintik na sorry iyan. Sa tuwing magkakamali ka puro ka sorry tapus uulitin mo na naman ulit. Ako naman itong si tanga ok lang ulit kasi nga mahal kita e. Sa sobrang pagmamahal ko sa ’yo ang sakit ng balik sa’kin.”
Pinahid ko iyong luha ko. Saka lumayo ng kunti sa kan ’ya.
“Kahit masakit basta ikakasaya mo. Papalayain kita. K-Kahit sobrang sakit bibitawan na kita. P-Pero tandaan mo hindi kita pinalaya ikaw ang nagkusang lumaya. Alam ko ang kapal ng mukha ko para sabihin ito, pero hindi na ako bumabalik sa ex ko. ”
“N-No! Ako ang babalik sa ’yo.”
“Jonathan mahiya ka naman. Sa ugali kana nga lang babawi nagloko kapa. At lalong hindi ako nanghihinayang na mawalan kasi sating dalawa ikaw ang nawalan. Loyal akong magmahal pero dahil gusto mo ang babaeng iyon. Go be happy with her but please huwag kanang bumalik pa. ”
“M-Mae? ”
“I love you, pero hindi ako magmamakaawa sa’yong mag stay ka. Kasi kung mahal mo’ko kahit di ko sabihin ako padin ang piliin mo. Una na ako ah ingatan mo nalang sarili mo. ”
Saad ko saka umalis.
—Clia writer's
Don’t copy or repost
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top