BINUO KITA NONG NAWASAK KA, PERO WINASAK MO'KO NONG NABUO KITA
BINUO KITA NONG NAWASAK KA, PERO WINASAK MO’KO NONG NABUO KITA
____
“Mahal? May laro ka pala mamaya? Ba’t di mo sinabi sa’kin? ”
“Nakalimutan ko. ”
“Maglalaro kaba? ”
“Malamang, s’ya nga pala huwag kang pumunta don. Naiirita ako pagnanonood ka. Masyado kang maingay. ”
“S-Susuporta lang naman ako e. ”
“Basta huwag kang pupunta. ” pag uulit n’ya.
Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa asal nito.
5 years na kaming magkasintahan, ginawa ko ang lahat para makalimutan n’ya ex n’ya at sa nakikita ko naman nakamove on na s’ya. May tiwala naman ako sa kan’ya kaya kahit anong sabihin n’ya naniniwala agad ako.
Legal kami both side, pati nga kaibigan n’ya kilala ako. Alam ng lahat na mag jowa kami.
Sweet s’ya sa’kin, oo cold s’ya minsan pero hindi ang dahilan para mag awa kami. Kasi maunawain naman ako e ang di ako naghahanap ng dahilan para magselos.
Nasa pinakadulo ako ng upuan ngayon para sana manood ng laro nila. Actually hindi ako nagpakita kasi sabi n’ya ayaw n’ya akong makita. Napapangiti nga ako sa tuwing nakakashoot s’ya ng bula. Nong manalo sila syempre lalapit sana ako para magcongrats pero I saw her ex na nakangiting papalapit sa kan’ya at may dala itong pan’yo at pinunasan ito. Nagkiss panga sila e na kinakuyom ng kamao ko.
Pero hindi ko padin ito pinansin, nanatili padin akong tahimik at pinasawalang kibo nalang ang lahat kasi ang laki ng tiwala ko sa kan’ya. For almost 5 years kasi kabisado ko na s’ya at alam ko naman sa sarili ko na magkaibigan lang sila ng ex n’ya kasi nga iyon ang sinabi n’ya.
“Oyyy Lia, andito ka pala. ”
“H-Ha? ”
“Assuuusss nanood kaba sa laru? Ba’t di ka namin nadinig na magsupport sa boyfriend mo? ” saad ni patrick isa sa kaibigan ng boyfriend ko. “Halika, sabay kana sa’min magcecelebrate kami. ”
“H-Hindi na, pat. uuwi nalang ako. ”
“Bakit? ”
Napalingon s’ya don sa kung saan ako nakatingin. “Tang*na di n’ya ba alam na nandito ka? ” dinig kung saad nito.
“Hayaan mo na. ” saad ko.
“Bro, gf mo andito. ” sabay na napalingon ang lahat sa gawi namin at lumapit ang mga tropa nito sa’kin tas ginulo buhok ko.
Except kay Jake na nakatingin lang sa akin at ang ex nito na nakataas ang kilay.
“What are you doing here?”
“N-Napadaan lang. ” sagot ko
___
Nasa gitna ang lahat sa pag iinuman iyong iba nga may mga tama na, pero ako bibihira lang uminom. Dahil nakatitig ako lang ako sa boyfriend ko at ex n’ya na nagtatawanan.
“Andito lang pala kayo. ” dinig kung boses ng isang babae kaya sabay sabay kaming napalingon.
“Oy babe. ” saad ni jake na kina kunot noo ko. Ganon din mga tropa nito at ang ex n’ya.
Tumabi naman iyong babae sa bf, hanggang sa naghalikan sila na kina tayo ko.
“U-Uuwi na ako hehe, midyo gabi na kasi. ”
“Hatid kana namin. ” saad ni Louie.
“A-ayos lang ako. ” saad ko saka tuluyang umalis.
Dinig ko pangang midyo nagkagulo sa loob pero hinayaan ko na.
Ang sakit pala. Iyong akala mo ok pa kayo. Iyong akala mo hindi ka n’ya niloloko. Iyong akala mong hinayaan mo ay totoo pala. Napangiti nalang ako ng mapait habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko.
Ilang linggo ang lumipas non, hindi ako sumasagot sa tawag ni jake o kahit txt o chat. Ni isa don hindi ko pinaunlakan. Papunta na ako sa school that time ng makasalubong ko iyong babaeng kahalikan ng bf ko.
“Oy ikaw iyong kapatid ni Jake diba? ”
“K-Kapatid? ”
“Oo, iyong kasama don sa inuman. Sorry nga pala ah di ako nakapagpakilala sa’yu hehe ang clingly kasi ng kapatid mo. Bigla agad akong hinalikan. S’ya nga pala ako si Janice, Jaja nalang for short. ”
Tila natigilan nalang ako sa mga nadinig ko.
“A-Ako nga iyon. ”
“Alam mo bang 4 years kana n’yang kinikwento sa’kin. Tapus ngayon lang kita nakilala. Ang ganda mo pala. ”
“4 y-years? A-ang tagal na pala. ” saad ko.
“Oo e. Di n’ya ba sinabi sa iyo? Na may gf s’ya at 4 years na kami? Ang tagal na nga e. Alam mo ba ang swerte ko sa kan’ya. Ang bait bait nga e. Lahat ng gusto ko binibigay n’ya.”
“Ganon ba? A-Ang sweet. Ingatan mo s’ya baka masaktan na naman iyan e.”
“Ako bahala. ”
“S-Sige una na nako. ” saad ko saka mabilis na umalis.
Grabi 4 years HAHAHA at 4 years n’ya na pala akong niloko. 4 years din akong naging tanga.
Napatingin nalang ako sa cp ko nang tumunog ito. And I saw jake number na nagtxt at sabi mag meet daw kami kung saan kami nagkita. May ibibigay daw s’ya.
Kahit labag sa loob ko, pumunta padin ako. Hindi dahil sa gusto ko s’ya makita. Kundi dahil sa sabihin n’ya sa’king niloloko n’ya ako.
“Mahal.” saad nito saka ako niyakap, binigyan n’ya din ako ng flowers saka kami naupo sa ibabaw ng puno. “Kumusta kana? ”
“Ok lang. ”
“Alam mo bang namiss kita? Sorry nga pala kung di kita sinabi sa inuman ng tropa ah. Bawal ka kasi sa alak diba. ”
Hindi n’ya pala matandaan na andon ako nong inuman. At nong makipag halikan s’ya sa iba.
“Ayos lang. May sasabihin ka pa? Aalis na ako. ”
“Teka dito ka muna. Namiss kita e. ” yumakap s’ya sa’kin habang nakaupo kami.
Grabi ang sakit, wala talaga s’yang balak na umamin. Iyong totoo habang yakap n’ya ako ang bigat sa pakiramdam. Halos sunod sunod na ang pagpatak ng luha ko. Pero mabilis din agad akong napatingin sa itaas ng lumingon ito sa’kin.
“Umiiyak kaba? ”
“H-Hindi naman. ” umayos kanga ito ng upo saka humarap sa’kin.“Ang ganda n’ya.” dagdag ko na kinakunot noo nito.
“N-Nino?
“Ni Jaja.” saad ko. Midyo nagulat pas’ya.“Makinis ang mukha, matangkad, sexy at sa tingin ko sobrang bait naman. Kilala n'ya nga ako bilang kapatid mo e. Grabi 4 years na pala kayo jake? Ang tagal na pala noh. Stay strong sa inyo ah. ”
“M-Mahal.”
“Grabi.” napatawa ako saka pinunasan ang luha ko. “Binuo kita nong nawasak ka, tapus nong nabuo kita winasak mo’ko. Ang sakit lang jake. Ang sakit pinaabot mo pa sa ganito. You cheated on me habang ako minamahal kalang. Ganon ba ako kadaling p-palitan?”
“S-Sorry.”
Hinawakan ako nito, saka ramdam kung umiiyak nadin ito. Hinawakan ko ang kamay n’ya saka pinunasan ang luha nito.
“Ayos lang naman sa’kin. P-Pero sana iniwan muna ako. Nong panahong iba na ang gusto mo. K-Kasi ang sakit lang isipin na parang madaming may kulang sa’kin. Parang madaming may mali. Kasi nagawa mo pa akong ipag palit sa iba. Grabi noh? Ang galing mo kasi ikaw palang iyong taong nanakit ng puso ko. Ikaw iyong lalaking nakadurog nito. ”
“S-Sorry. H-Hindi ko kasi alam pano sasabihin. Ayukong masaktan ka pero ayuko ding masaktan s’ya.”
“Ayos lang naman sa’kin na di ako ang piliin mo. Basta masaya kalang sa iba bibitiw ako. Mahal naman e. Sabi ko naman sa’yo diba? Pag hindi mo na ako mahal pwede mo namang sabihin e. Pwede mo’kong iwan hindi iyong nananatili ka sa tabi ko habang iba na ang mahal mo. ”
Niyakap n’ya ako ulit. Pero lumayo na ako sa kan’ya saka tumayo.
“Naalala mo ba? D-dito kita sinagot non. Pero di ko maiisip na dito din pala kita papakawalan. ” saad ko.
“M-Mahal s-sorry please. Makikipagbreak ako sa kan’ya. Kaya please stay with me. ” halos humagulhol ito sa iyak pero umiwas ako.
“Piliin mo s’ya jake. K-kasi hindi mo naman magagawang maghanap ng iba kung mas better ako sa kan’ya diba? Paki usap binitiwan muna ako. Hindi naman ako laruan para mag patuloy sa ganito. Paki usap binitwan muna ko malabo na tayo. Nasasaktan na ako huwag kanang humabol malaya kana. P-Pero sana s’ya na talaga. Huwag mo sanang gawin sa kan’ya ang ginawa mo sa’kin.”
“L-Lia?”
“I love you Jake, s’ya nga pala. H-Happy birthday sa’kin.” saad ko.
“M-Mahal.”
“Kahit regalo mo nalang sa’kin, ang palayain ako. ” dagdag ko.
Saka tuluyang umalis.
—Clia writer's
Don’t copy or repost
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top