74.
Dear Diary,
I can't believe it! Nakakahiya ang sarili ko! Hindi ko kinaya!
Masama na ang pakiramdam ko nung pagkagising ko palang, but I still push through. Pinilit ko paring bumangon dahil kung hindi ako babangon, sino?
And because of that. . .
Bigla akong nahimatay kanina at ang mas nakakaloka pa ay sa harap pa ni Kiefron. Tapos nalaman ko pa na nagpanic yung tao. Well, hindi ko rin itatanggi na oo, kinilig ako. Kasi inalagaan niya ako nung nahimatay ako.
You know, pwede niya naman akong pabayaan but he took care of me instead.
Kinuwento rin ni Ma'am Kie ang mga pinaggagawa niya nung wala pa ako sa katinuan. Ini-imagine ko palang ay natatawa na ako. I mean, si Kiefron? Ang snob na pasaway nung highschool, nataranta nung nahimatay ako. Matataranta sa kakahanap ng susi? Aakmang idadala ako sa hospital?
I can't imagine.
Pero nakakaguilty, kahit grabe ang pasasalamat ko sa tao. Kasi mag-rereview dapat siya, who knows kung may upcoming exams siya pero inaksayahan niya talaga ako ng oras.
Promise,babawi talaga ako sa kaniya..
Pero Diary.
Mas lumalakas na ang loob ko na si Natoy at Kiefron ay iisa.
You see, bago ako nahimatay. I saw his handwriting, it's the same as Natoy.
He also has a purple post-it pad and the thing is, sa lahat ng mga colors bulletin board. Natoy is the only one who uses a purple colored post-it note.
May kutob na,
Kryiella
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top