Special Chapter: Preparation


Feeling ko hindi dapat isikreto ang part na 'to. So here's the special chapter!

SEVEN

PAGKABABANG-PAGKABABA namin sa bus ay nagkaroon kami agad na emergency meeting para sa binabalak kong date kay Jamie. Napagdesisyunan ko na ngayong araw ay tatanungin ko na siyang maging girlfriend ko.

I am scared of taking risk but I feel like this is worth the shot. She's worth the shot.

"Nasaan daw si Jamie?" Tanong ko kanila Teddy.

"Wait lang ang bagal mag-reply ni Mild," sagot ni Teddy sa akin. "Ay eto na! Kasama daw nila sa room."

"Sabihin mo huwag munang palabasin ng room. Utos ko kamo as the Class Zero leaders." I said with authority.

"Power abuse pa nga." Sabat ni Ace. "Kapag ikaw hindi ka nag-appear sa vlog ko, hindi talaga ako makiki-cooperate dito."

"Oo nga!" I answered. "Kiran, you find a perfect place for this?" Tanong ko.

I want this to be perfect. Gusto kong mapasaya si Jamie ngayong araw.

"Yes sir," Kiran said at may kinatikot sa phone niya. "May pavilion sa hindi kalayuan. Manghihingi lang ako ng permiso sa guard kung puwede nating gamitin."

"Ang trabaho naman nito!" Kumakamot sa ulo na sabi ni Teddy. "Aamin ka lang naman—"

"This is a special day." I said. I checked the time at may ilang oras lang kami para maayos ito.

"Okay, agit ka agad, eh."

"I'll explain to you guys kung anong gagawin ninyo..." Seryoso kong sabi sa kanila. "Ace, bumili ka ng wine... itago mo na lang sa aparador para hindi makita nila Sir." Ace is so busy with his phone kaya hindi ko alam kung narinig niya ba nang maayos ang sinabi ko pero mukhang nasa meeting naman ang atensyon niya.

Wine makes the atmosphere more romantic so I guess it's important.

"Kiryu and Kiran, bumili kayo ng steak sa malapit na supermarket." Bilin ko at sumagot naman ang kambal.

"Teddy tulungan mo akong mag-decorate sa Pavilion." Sabi ko.

Teddy smirked. "Hoy mga hangal, sabi ko sa inyo ako ang kanang kamay. Do the bullshit tasks at kami ang bahala sa decoration." Hinila ko paangat ang patilya ni Teddy. "Aray ko putangina, para saan 'yon?"

"Manghiram ka rin ng gamit sa ibang school." Utos ko pa. "Okay let's do this. We can pull this off."

Tiwala naman ako sa mga kasama ko rito sa Class Zero. At maging sina Mild naman ay willing makipag-cooperate. Feeling ko naman ay masusurpresa si Jamie sa plano ko since wala siyang idea rito.

***

TEDDY and I decorated the Pavilion, nasa gitna ito ng lake at maganda ang ambiance sa lugar. Maliit lang ang pavilion ngunit kasya naman ang isang foldable na lamesa at dalawang upuan. Nilagyan na lamang namin ito ni Teddy mg pulang tela.

"Ang effort naman, dapat pala hindi na kita pinayuhan," reklamo ni Teddy. "Iba yata ang pagkakaintindi mo sa 'be sweet.'"

"Nagrereklamo ka?" Tanong ko.

"H-Hindi! Anong karapatan kong magreklamo, ang laki ng kasalanan ko sa 'yo hehe." Napatingin si Teddy sa kanyang cellphone. "Nabili na daw ni Ace 'yong pinabibili mo. Puntahan muna natin. Baka mahuli pa 'yon ni Sir Joseph, mainit ang mata sa amin no'n, eh."

Paanong hindi iinit ang mata sa kanila ni Sir Joseph, big four sila pagdating sa kalokohan. Hiyang-hiya na rin si Sir dahil ang dalas niyang mapagalitan sa association dahil sa mga gulong ginagawa nila Teddy.

Bumalik kami sa bahay at pinagmasdan ang dala ni Ace.

"Tadaaa!" He said at nilabas ang alak mula sa isang paper bag.

"Gago, ano 'yan?" tanong ni Teddy.

"Fundador." Ace proudly said. "Sabi ni Seven, bumili daw ako ng Fundador, eh." (A strong type of Brandy with 36% alcoholic content)

Napailing na lang ako. "Ang sabi ko... bumili ka ng wine. Itago mo sa aparador."

"Ha?" Ace looked so dumb-founded (coz he's really dumb.) "Sinungaling ka! Klarong-klaro ang pagkakarinig ko kanina, bumili ako ng Fundador, iyon ang sabi mo."

Hinilot ko ang aking sentido. "Ang sabi ko... itago mo sa aparador. Aparador, hindi Fundador." Ang maling desisyon na si Ace ang inutusan ko rito.

"Tangina, ang bobo mo Ace," gatong ni Teddy. "Date 'yong gagawin nila ni Jamie... hindi sila magla-lasingan. Siraulo."

"Sorry na nga! Anong gagawin natin dito? Hirap pa naman ipuslit nito."

"Pukpok mo sa ulo mo." Sabat ni Teddy.

Wala nang magagawa, hindi na rin puwedeng lumabas si Ace dahil paniguradong makakahalata na sina Sir. "Anong mayroon tayo sa ref na inumin?"

Teddy is the one who check the fridge. "Mayroon tayong... Nestea Apple, Tang na grapes, Tang na Pineapple, Tang na Ace."

"Gago ka, ah. Sorry na nga, eh!"

Nagbangayan na naman silang dalawa. Dapat pala ay sa girls ako na magpatulong. Ang epic fail nila kasama sa ganitong plano. Sumasakit lang ang ulo ko sa konsumisyon.

"Iyong Tang na Pineapple na lang for the drinks mamaya."

"Sa bagay, Pineapple is good for the heart. Nice one Seven," ace raised his hand in the air na parang makikipag-apir sa akin.

"Ulol." Sagot ko sa kanya at hindi siya inapiran. "Tumulong ka na lang sa pagde-decorate sa Pavilion."

***

ILANG minuto lang ay bumalik na rin ang kambal mula sa pagbili ng steak.

"This is it!" Kiryu raised one plastic...

"Puro pochi 'yan, eh." Sagot ko.

He looked at the plastic. "Wrong plastic. Heto pala." May tinaas siya na isang plastic.

"Steak 'yan?" Tanong ni Ace. "That's only a raw meat."

"Bakit saan ba gawa ang steak? Sa meat!" Sagot ni Kiryu. "Wala nang sukli, pinambili ko ng pochi. Service fee."

"Kiryu! 350 pesos lang 'tong meat base sa resibo! 1000 pesos pinadala namin sa 'yo!" Sigaw naman ni Teddy. "Ang mahal naman ng service fee mo!"

"Kiran, hindi mo naman pinigilan?!" Bumaling ang tingin namin kay Kiran.

May tinatago din siya sa likod niya ng isang plastik na puno ng snack. "W-We thought mas gusto ninyo ang raw meat. Cook it with love—"

"Ulol mo. Mukha ka lang matino, utak patis ka rin." Binato ng unan ni Teddy si Kiran.

Oh, St. Claire... bakit ganito?

Isang perfect date lang naman ang gusto ko. I want to confess it in most romantic way. Pero Lord... bakit ang bo-bobo nila?

"May sanay bang gumawa ng steak sa inyo?" Tanong ko.

"I can!" Ace raised his hand.

"Weh?" Tanong nila Teddy.

"Wetdog. Oo nga! Sanay ako, I tried to make one dati..."

"Successful naman ba?" Tanong ko.

"Basta!" Inagaw niya ang plastic kay Kiryu. "Hindi na importante 'yon, basta sanay ako."

"Tumulong na lang kayo sa akin sa pag-aayos." Wala na akong choice kung hindi bumawi na lang kami sa decoration ng lugar. Epic fail na pagdating sa food and drinks, sana ay mabawi man lang sa ambiance.

***

THE five of us make some decorations in the Pavilion. Sana pala ay kanila Jessica na lang ako nagpatulong, pakiramdam ko ay mas maaasahan sila dito at mas matutulungan nila ako. At paniguradong may mga input sila ng ideas na makatutulong sa akin.

"Hanep, ah," puri ni Ronan at inabot sa akin ang lights at speaker. "Monthsary ninyo? Happy motmot."

"Hindi, aamin pa lang, effort 'no?" Sabi ni Teddy. "Feeling jowa agad siy—" pinitik ko ang tenga ni Teddy. "Aray ko potangina naman talaga!"

Ako na ang kumausap kanila Ronan at Taki. "Thank you guys for lending this."

"Wala 'yon," Taki said. "Oh, we also have costumes in our bus, baka gusto ninyong hiramin? Nakalimutan namin gamitin kagabi dahil nag-enjoy kami sa party."

"Ipapahiram ninyo?" Tanong ko. Buti pa taga-ibang school, may naitutulong sa akin.

May naitutulong din naman sila Ace... tumulong na pasakitin ang ulo ko.

We decorated the place at ilang beses ding nasugatan ang kamay ko sa pagsasabit ng lights sa buong lugar. We also placed the speaker beside the wall. We tried to play jazz musics and they approve since nakakadagdag iyon sa sweet ambiance.

"Alam mo feeling ko maganda kung may mga oregami na flowers sa buong lugar," Ace said habang tumitingin sa lugar.

"Oo nga! Mas romantic tingnan." Kiryu agreed.

"Then let's add it," sabi ko sa kanila. "Sinong sanay gumawa ng paper flowers sa inyo?" Fanong ko.

Nagkatinginan silang apat at walang sumagot. I assumed na mukhang walang sanay gumawa sa kanila.

Napasigaw na ako dahil sa sakit ng ulo ko. "Throw the idea!"

Dinala ni Taki ang mga costumes at chef costumes ito at isang costume na parang isang high class na waiter.

I assigned Teddy for the waiter at kabilin-bilinan ko sa kanya na umayos siya ng trabaho niya kung hindi ay mag-20 laps siya sa buong village. I assigned the twins as the cook (pero si Ace talaga ang magluluto).

Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang lugar. I think it's okay na. Si Jamie na lang ang kulang.

I hope maganda ang maging resultanng date na ito.

***

TEDDY

MAGKASAMA kaming naglalakad ni Ace pabalik ng kuwarto namin para magbihis na for the date mamaya. Gago nga ni Seven, ang OA ng preparation. Akala mo talaga propose ang gagawin.

"Gusto mo tirahin natin 'yong fundador mamayang gabi?" Tanong ni Ace sa akin. Gago kasi. Tanga-tanga.

"G ako." Nag-fist bump kaming dalawa. Atleast kaming dalawa ang makikinabang nang kapalpakan niya.

Napahinto kami sa paglalakad noong makarinig kami ng sipol. We saw Mild sa pagitan ng dalawang bahay. Nag-hand sign siya na pinapupunta kami sa kanyang direksyon.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Dapat kasama ka ni Jamie, baka makahalata 'yon. Maiinis pa sa 'yo si Pinunong Pito."

"Nasa room si Jamie, sabi ko lalabas lang ako saglit para kausapin si Faith."

"So what's the catch?" Tanong ni Ace. "Bilisan mo, magbibihis pa kam—"

"Open minded ba kayo?" Diretsong tanong ni Mild sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ace. "Let's do a pay-per-view sa village sa pag-amin ni Seven. Kikita tayo rito," tumaas-baba ang kilay niya.

"Gago ka, game ako." Nakipag-apir ako kay Mild.

Napatingin kaming dalawa kay Ace. Isusumbong ba kami nito? He smirked. "Magse-setup ako ng projector sa village mamaya para mapanood ng lahat. Teddy i-live mo." Nakipag-apir din ako kay Ace.

"Magkano singil natin per head?" Tanong ni Mild.

"50?" Tanong ni Ace.

"Gago, ang baba. Kulang pang pang-samgyup 'yon. 100." Suhestiyon ko na sinang-ayunan ng dalawa. "Hindi ba natin isasali si Kiryu dito? Kulang ang big 4 kapag wala 'yon."

Iniling ni Mild ang kamay niya. "Madaldal 'yon. Isang pochi lang, aamin na kaagad kay Seven iyon. Let's do this. Sige na babalik na ako sa room, chat kayo kapag paliliguin na namin si Jamie, ha?"

Magandang idea rin naman pala 'tong date na 'to, magkakapera pa ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top