Special Chapter: Black and White

This chapter just contain a special scenes from different part of the story about Claire and Teddy.

***

Scene One: Meeting

USAP-USAPAN sa buong department na tatlong IT students ang nakapasok bilang parte ng Class Zero. Habang naglalakad ako pababa nang ground floor ay maraming estudyante ang napapatingin sa akin. Tangina, maling ideya pala na sinuot ko 'yong badge as  part of Class Zero.

Sarap tusukin ng mga mata, eh.

"Sure kang siya 'yong Teddy na nakapasok sa Class Zero? Bakit hindi naman mukhang matalino? Bumaba ba ang standard to be part of the special program?"

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya ng masama. Tangina neto, ah.

Lumapit ako sa kanyang direksyon at tiningnan siya ng mata sa mata. I tapped his shoulder. "Kapag inggit, pikit." Sabi ko at napayuko siya. "Basher amputa, naglalakad pa lang ako papasok sa Class Zero nito, ha?"

Bago ako umalis ay tiningnan ko muli ang kanyang takot na mukha. "Gago ka, kilala na kita. Sa oras na makita kita ulit na kung ano-ano ang binubulong... I-e-enroll kita sa ibang school. Ikaw ang mag-a-adjust sa ating dalawa, animal ka."

Bumaba na ako sa ground floor ng IT Department at naglakad papunta sa classroom ng Class Zero. Hindi ko talaga maintindihan ang paaralan na 'to kung bakit nakabukod pa iyon kaysa idugtong sa kung saang building dito sa Merton. Puwede namang sa IT Department na lang ilagay.

Habang naglalakad ako ay may isang tao akong nakasabay na naglalakad papunta sa Class Zero. Ginagamit niya 'yong camera ng cellphone niya at panay picture siya na pinapakita ang badge ng Class Zero. Flex amputa. Poging-pogi sa sarili.

Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya at napatigil siya sa kanyang ginagawa. "Bakit ka nakatingin? Sino ka?" Maangas niyang tanong.

"Sino ka rin." Ganti ko at dire-diretso nang naglakad.

Humabol siya sa paglalakad ko at inayos ang kanyang buhok. "Hindi mo ako kilala? I have tons of followers in social media."

"Oh gagawin natin? Report natin lahat ng account mo?" Tanong ko.

"Aba! Ang yabang mo ah."

"Oo mayabang talaga ako. Ako si Teddy Agoncillo, ipagyabang mo sa buong Merton Academy na mayabang ako." Sagot ko sa kanya at nauna na akong pumasok sa classroom ng Class Zero. 

Akala ko noong una ay magiging kakaiba itong room na ito dahil para ito sa mga estudyanteng nakapasok sa special program pero... puta, normal na classroom lang. May shelf sa likod na puno ng mga libro at labing dalawang seats. May ilang tao na ring nandito at napatingin sila sa akin noong nakapasok ako. Nice one, may bago na akong lugar na tutulugan dito sa School.

Umupo ako sa bandang gitna malapit sa electricfan. "Hoy ako diyan." Sabi noong lalaking nakasagutan ko kanina.

Kumuha ako ng marker at sinulatan ko ng pangalan ko 'yong desk. "Alis na. Sa likod ka magpapogi." Inis niya akong tiningnan at wala naman siyang nagawa. Akala niya yata ay matatalo niya ako, Baka Teddy 'to. Ako ang batas dito.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko na nakatingin sa akin matapos ko makipagsagutan sa mukhang paa na lalaki. I leaned at her desk. "Anong pangalan mo?"

Inilayo niya ang mukha niya sa akin habang iniiling ang kamay niya.

"Ano kakong pangalan mo?" Tanong ko ulit pero hindi siya nagsalita. "Ah pipe ka ba?" 

Tangina paano ko 'to kakausapin? Pakyu lang alam kong sign language. Nakakahiya pa namang murahin, mukha pa namang mabait.

"Ah wala, isipin mo na lang na hindi kita kinausap." Ipinatong ko ang bag ko sa desk at idinukdok ang mukha ko rito. Napansin ko ang babaeng nasa harap ko na naglilinis ng kuko.

Kinalabit ko ito at napalingon siya sa akin. "Teddy nga pala." I introduced myself. Gago man ako pero kailangan ko kaibiganin 'yong mga tao rito, puro matatalino 'to. Kailangan kong maging parasite para madali akong makapasa.

"And?" She raised her right brows.

"Anong pangalan mo?"

Ngumiti siya pero mabilis din nawala at napalitan ng mataray na mukha. "None of your business." Bumalik siya sa paglalagay ng abubot sa kanyang kuko.

"Arte amputa. Mukha kang ingrown." Reklamo ko.

"Anong sinabi mo?!"

"Wala. Sige lang, ituloy mo lang 'yan. Uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa ginagawa mo. Galingan mo." Sabi ko sa kanya at muli niya akong inirapan. Akala niya yata natatakot ako sa kanya, sabunutan pa kaming dalawa... sama niya pa Tita niya.

Wala bang matinong makakausap dito sa Class Zero? Ang boring naman dito sa special class. Unti-unti na kaming nakumpleto at huling pumasok ang isang babae na panay tingin sa paligid at kasunod niya ang isang lalaki na nakapamulsa sa kanyang bulsa.

May anger issue ba ang mga tao rito? Bakit parang lahat ay galit sa mundo. Umupo 'yong babae na malapit sa kambal na mukhang pagod na unggoy habang umupo 'yong lalaki sa likod ko.

Humarap ako sa kanya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko at iniabot ang aking kamay sa kanya. "A-Ako si Teddy."

He looked at my hand for a couple of seconds bago niya iyon tinanggap. "Seven."

"Seven? As in 'yong number?" Tanong ko.

"Bakit? May alam ka bang iba pang word na Seven bukod sa number?" Tanong niya.

"Galit agad? Sinu-sure ko lang." Sagot ko sa kanya at bumalik ang tingin ko sa white board since pumasok na ang teacher namin. Ang malas ko naman sa katabi, sa harap ko ay ang mataray na babae na mukhang ingrown, sa gilid ko ay isang pipeng babae, Sa likod ko ay isang number na masungit.

Tangina, sabi ko sa sarili ko na parang aasta ako na boss dito sa Class Zero pero bakit parang ako ang nabu-bully?

Nagpaliwanag lang si Sir Joseph (pangalan ng Professor namin) tungkol sa classroom policies at hindi namin dapat ipagkalat sa kung sino-sino ang mga activities na ginagawa namin sa Class Zero. May sinabi pa siyang tungkol sa mga glitch ng society. Tangina anong malay ko doon? Akala ko ay para sa matatalinong tao ang Class Zero pero para pala iyon sa mga fan ng mga Fairy Tales. Paano ba mag-quit dito, boring.

Noong sinabi na puwede na kaming lumabas ay ako ang unang umalis sa Classroom. Ayoko ring mag-stay sa lugar na iyon.

Napatigil ako sa paglalakad noong may humawak sa sleeves ng polo ko. Napatingin ako sa kanya at nahihiya siyang tumingins a akin. "May kailangan ka ba?" Tanong ko. "Ay puta, pipe ka nga pala... hala ka! Paano ko 'to isa-sign language."

"C-Claire..." Naputol ang sinasabi ko noong magsalita siya. 

"Ano?" Tanong ko.

"T-Tinanong mo ako kanina kung ano... ano ang pangalan ko. Claire." She answered clearly this time pero nakayuko pa rin siya.

"Ayon! Nakakapagsalita ka naman pala!" Sagot ko sa kanya. "Ako si Teddy. Ako ang lider ninyo sa Class Zero." I proclaimed tutal doon din naman punta noon.

"T-Teddy..." She softly said.

Yumuko ako para maging magka-level ang aming mga mukha. "Bakit ganyan boses mo? Para kang ipis na nagsasalita."

"G-Ganito talaga ako magsalita. Pasensiya na." Nakakatakot naman biruin 'tong babae na 'to.  Napakaseryoso sa bahay. "Hindi kasi ako sanay na kumausap ng ibang tao... I don't know how I will approach other people."

"Ah so parang introvert ka." Napatango-tango ako at naglakad na muli. Sumabay naman si Claire sa akin sa paglalakad. "Okay lang 'yan. Kung natatakot kang kausapin 'yong mga tao roon sa Class Zero. Kausapin mo ako, ako ang bahala sa 'yo. Attitude mga tao doon eh."

Inilagay ko sa likod ng ulo ko ang dalawang kamay ko habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalaro ng football sa field at papalubog ang araw.

"Nagmumura ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"H-Ha? Hindi ako nagmumura." She answered.

"Hindi pala tayo magkakasundo." Hindi nito kaya makipagbardagulan sa akin.

"P-Pero gusto kita maging kaibigan."

Napatingin ako sa kanya. "Hala ka, bakit ka naiiyak? Joke lang 'yon. Oo na, magkaibigan na tayo. Joke lang 'yong kanina. Tahan na."

"We are now friends?" Umaliwalas ang mukha niya at pinahid ang luha sa kanyang mata.

"Oo friends na tayo. Gusto mo maghapunan?" Tanong ko sa kanya. "Kumakain ka ba ng fishball tsaka Kikiam?"

"Street foods?" She asked. "Madumi 'yon, 'di ba?"

"Luh? Tanga masarap 'yon!" Hinatak ko ang kanyang kamay at nagmamadali kaming naglakad papunta sa Second gate kasi nandoon ang hile-hilerang street foods malapit sa sakayan ng jeep.

And that's how I met Claire. Siya ang unang tao na naka-close ko sa Class Zero. Although, parang pipe minsan... tolerable naman. Mapagtitiyagaan kasama.

***

Scene 2: Birthday

TODAY, The whole Class Zero celebrated my Birthday, akala ko nga ay makakalimutan na nila dahil sa dami ng nangyari sa amin. Roger died and Vincent died. Dalawang kaibigan namin ang naglaho sa ilang araw lamang.

I really don't know kung worth it bang i-celebrate ang birthday ko sa dami ng gulong nangyari pero heto sila... Naghanda sila para dito.

"Teddy bear, huwag kang magbabago!" Jamie hugged me at kiniskis ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Ay puta, Jamie, umayos ka nga! Magagalit si Pinunong Pito kapag nakita niyang minomolestiya mo ako." Sagot ko sa kanya habang kumakain ako ng spaghetti.

"Bakit naman magagalit si Seven?" She asked innocently.

"Alam ninyong dalawa... Tangina ninyo." Sagot ko at hinampas ako ni Jamie sa aking balikat.

"Teddy! Huwag ka ngang magmura!" Inis na suway sa akin ni Claire at nagpatong ng coke sa lamesa.

"Ito kasing si Jamie, parang gago."

"Teddy!" She shouted.

"Oo na, hindi na." Reklamo ko at napatawa si Jamie.

Malalim na ang gabi noong matapos ang kasiyahan. Noong oras na nang ligpitan ay mabilis na nawala sina Mild, Kiryu, Ace, at Girly. Mga magagaling lang mag-enjoy pero tamad maglinis. Gagaling.

Finold ko 'yong kahoy na table at inilagay sa isang gilid. "Teddy, Claire, sure kayong kaya na ninyo 'yang ligpitin?" Tanong ni Jessica. "Gusto ko sanang tumulong hanggang matapos kaso may exam ako bukas.

"Reason mo." Sagot ko sa kanya at hinampas ni Claire ang braso ko. "Oo na, b'bye na! Kami na ang bahala rito."

"Sige, Happy Birthday ulit Teddy Bear!" They greeted me before silang umalis nila Jamie.

Naiwan kaming dalawa ni Claire at tinutulungan niya akong ilagay sa plastic 'yong mga disposable plate na kinainan namin.

"Claire, nasabi sa akin ni Jamie na ikaw ang nagplano nang lahat ng 'to," sabi ko sa kanya.

"Sa dami ng nangyari sa atin. Nawalan man tayo ng kaibigan... Gusto kong bigyan ng dahilan ang lahat para ngumiti pa. Para lumaban pa. Sa 'yo din, Teddy, nawala man si Roger... Gusto kong magpatuloy tayo. Tatapusin natin 'to ng magkakasama." Nakangiti niyang sabi at inilagay na sa trashbin ang mga kalat.

"Tara na," aya ni Claire. "'Yong ilaw, Teddy, make sure mong nakapatay and 'yong mga saksak. Baka mapagalitan tayo ni Sir Joseph kapag pinabayaan natin 'tong room na 'to." Bilin niya sa akin at sinilip ko muli ang Classroom for the last time.

"Wala nang nakasaksak, Boss."

"Anong Boss ka diyan!" Reklamo ni Claire at napatawa ako. Pinatay ko na ang ilaw at ni-lock ang room.

Naglalakad kami ni Claire para ihatid siya sa dorm nila. Pinagmamasdan ko lang ang bituin sa langit. "Uhm, Claire, inaantok ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa naman, bakit?"

"Gusto mo munang tumambay sa field?" Tanong ko. "May natira pang Coke in a can." Itinaas ko ang plastic na nasa kaliwang kamay ko. "Ubusin na natin."

"Busog na busog na nga ako sa coke, eh." She said.

"Awit naman nito. Samahan mo na lang ako." Naglakad kami papunta sa field at umupo sa isa sa mga bench nito. Tanging ang streetlight sa school ang nagbibigay liwanag sa paligid maging ang bituin at ang buwan.

"Teddy, anong wish mo sa birthday mo?" Claire asked.

"Anong wish? Big boy na ako, hindi na uso 'yon." Nagbukas ako ng isang coke.

"Anong hindi na uso 'yon? Birthday wish is really important since iyon 'yong bagay na gusto mong ma-achieve this year." Sabi niya at humarap sa akin. "Wala ka pang birthday wish?"

"Wala pa." I answered.

"Then make one. Anong birthday wish mo?"

"Tangina, on the spot? Bigyan mo naman ako ng time mag-isip." Natawa si Claire at hinampas ulit ang braso ko. "Alam mo, hindi ka nga nagmumura, nananakit ka naman. May chance kang bumagsak sa impyerno kakaganyan mo. Tingnan mo."

"Bilis na, ano ngang wish mo?"

"Ang wish ko... Magmura si Claire."

"Teddy!"

"Bilis na, isa lang. Sabihin mo lang Tangina mo Kiryu. Dapat with feelings." Ako naman ang natawa sa pagkakataong ito dahil sa inis na mukha ni Claire.

"Ayoko. Never kong sasabihin 'yan. Tsaka ang cute kaya ni Kiryu para sabihan lang ng ganoon." Tangina mo Kiryu nasabihan ka pang cute. "So ano ngang birthday wish mo? 'Yong seryoso na, ha!"

"Hindi ka maglaho. Iyon ang wish ko." Seryoso kong sabi kay Claire at saglit siyang napatigil. Uminom ako ng coke bago ako nagsalita ulit. "Remember when Sir Joseph asked kung aino ang natatakot at gustong umalis sa Class Zero matapos natin maka-encounter ng Lawbreakers? Isa ako sa mga umalis that time." Kuwento ko sa kanya.

Pinangtukod ko ang dalawa oong kamay sa bench at tumingala sa kalangitan. "Noong una, natatakot ako na maglaho. Pero ngayon... Natatakot na akonna maglaho ka. Ikaw ang rason kung bakit tumagal ako dito sa grupong ito." I explained to her.

"Ikaw din ang rason kung bakit hindi rin ako natatakot." Claire said.

"Alam mo, matapos maglaho ni Roger. Na-realize ko na ayoko nang maglaho ang iba nating kasamahan, if I will just use my ability effectively, kaya ko kayong tulungan lahat." Nakatingin ako sa anino ko. "I will become the shield of Class Zero, sisiguraduhin kong wala nang maglalaho. Poprotektahan ko kayong lahat."

"Sana ay maging kasing tapang mo ako, 'yong hindi natatakot na makaharap ang isang lawbreaker. My ability is just to heal someone. Hindi ako puwedeng lumaban ng harap-harapan sa lawbreakers." Claire explained. "Kung kasama lang ako sa misyon ninyo sa Pangasinan... Baka buhay pa si Roger ngayon."

"It's all in the past. We should move on but never forget." Paliwanag ko sa kanya at uminom ng coke. "Huwag nating kalimutan 'yong pakiramdam ng mawalan. Kasama pa rin natin si Roger sa labang ito." Dugtong ko pa.

"Walang maglalaho?" Claire asked and raised her pinky finger.

"Parang tanga 'to. Bakit may ganyang promise pa?"

"To make sure na tatapusin natin ang laban na ito." Nakangiting sabi ni Claire. Hinawakan niya ang kamay ko at idinikit ang hinliliit ko sa hinliliit niya. "Tatalunin natin ang Black Organization ng magkasama at hindi natin sila hahayaan na mabuhay si Deathevn."

"Sige na nga." Inubos ko ang laman ng coke. "Promise ko sa 'yo na hindi ako maglalaho."

"Promise ko sa 'yo... Hanggang matapos ang labang ito, nasa tabi mo ako." Claire said.

Ginulo ko ang kanyang buhok. "Halika na, hatid na kita sa dorm ninyo." Wika ko at tinulungan siyang makatayo.

As long as Claire is beside me... Lahat kakayanin ko. I will become the shield of Class Zero, hindi ko hahayaang may maglaho pa muli sa amin.

***

Scene 3: Thank You

"KUMUSTA ang pagbabantay na ginagawa mo Claire?" Tanong ko at umupo sa damuhan dito sa Arroceros Forest Park. Nakaupo ako sa tapat ng sealed na ginawa ni Claire upang protektahan ang Phoenix necklace. "Hindi ka ba napapagod diyan? Gago, walang libro diyan... Boring diyan balik ka na." Natatawa kong sabi.

Ang seal na ito ay tanging mga glitch ng society ang nakakakita. Umupo ako sa silong ng puno habang nakatingin sa seal. "Miss ka na namin ni Claire. Ilang taon na ang lumipas. Si Seven at Jamie, ayon... Malapit ng magka-baby, speed lang ang pinuno natin. Si Kiryu, pangit pa rin. Si Kiran? Ayon pangit pa rin kasi kamukha niya si Kiryu. Si Jessica ay nagtuturo na ng young glitches. Si Ace? Ang successful na ni gago."

Nagbukas ako ng coke at uminom malapit sa kanya. "Iinom ako ng coke, ha. Kapag gusto mong uminom, balik ka lang." Biro ko kahit wala namang nakakarinig sa akin. "Ako? May pamilya na rin ako."

"Alam mo, Claire, naisip ko... Naging isa ka ngang Angel para sa aming lahat. Mula umpisa ay lumaban ka kasama kami, you became one of our strong support system especially sa akin. Naalala mo 'yong pangako mo sa akin noong birthday ko? 'Yong lalaban ka hanggang sa matapos ang gulong ito... You did." Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa hindi kalayuan. "Proud ako sa 'yo. Ikaw ba, proud ka ba sa akin? Siyempre! Teddy lang sakalam."

"Kung tatanungin mo ako Claire kung nagsisisi ako sa mga nangyari... If you will ask my old self, baka ang isagot ko, oo, nagsisisi ako. Ang dami kong pangarap na binuo kasama ka, lahat ng future na pinlano ko sa sarili ko that time ay nasa tabi kita." Tumingin ako sa seal at itinaas baba ang aking kilay. "Ang cheesy 'di ba? Tangina corny ko, iiwas muna nga ako kay Seven."

"Pero ngayon? Parang wala na akong pinagsisihan," tumingin ako sa batang tumatak sa damuhan. "Feeling ko ginawa mo ang desisyon na nakabubuti nga para sa lahat. I have my family, crush pa rin naman kita 'wag kang mag-alala pero mahal ko ang pamilya ko." Uminom ako ng coke.

"Napadalaw lang ako sa 'yo Claire para sabihing salamat. Siguro pinagkrus tayo ng landas para turuan ako ng maraming bagay. And trust me, ina-apply ko lahat 'yon, pero nagmumura pa rin ako, hindi naman ako kasing banal mo siyempre." Natawa ako sa sarili kong biro. "Thank you Claire for making this a better and a safer place. Oo, may mga lawbreakers pa rin pero hindi na kami nangangamba na may malaking giyera ng nga glitches muli na mangyayari."

"Papa!" A young girl run towards my direction.

"Faith, madapa ka. Ingat." She hugged me tightly.

"I am hungry na po." She sweetly said.

"Oo na, we will eat na. Bakit ba kita pinalaking conyo?" Reklamo ko. "Say b'bye to Tita Claire na."

"B'bye Tita Claire!" She cheerfully saud at niyakap ko siya habang papatayo ako.

"Anong sasabihin mo?"

"In St. claire we trust! Amen!" She happily said.

"Amen." I answered and kissed her on her cheeks.

Tiningnan ko muli ang seal bago ako naglakad papaalis.

"Thank you, Claire."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top