Epilogue

Grabe nagtrending tayo sa twitter kahapon in 13th spot! THANK YOU CLASS ZERO trended in the Philippines! Grabe kayo guys! Thank you very much!
Now for the epilogue and for the last time,
Twitter: CLASS ZERO FINALE (hindi po hashtag, include ninyo lang sa tweet ninyo and mababasa ko po siya. 🥺)

NAKAUPO kami sa isang silid kasama si Sir Warren. Masaya naman kaming lahat na nagawa na naming matalo si Deathevn ngunit sa tuwing naaalala ko ang ginawang pagsasakripisyo nila Roger, Girly, Minute, Mild, at Sir Joseph ay hindi ko maiwasang maging emosyonal. They sacrificed theirselves para magpatuloy kami. This is a bitter sweet ending of war.
"Sir, ilan po ang nadamay sa gulo?" Tanong ni Seven kay Sir Warren.
"Mahigit 24,000 na sibilyan ang namatay sa gulo at mahigit isang libong glitches ang naglaho sa laban. Hindi ko pa alam ang eksaktong bilang ng mga namatay dahil patuloy pa rin naghahanap ang search and rescue ng mga natabunan ng malalaking bato." Paliwanag ni Sir Warren sa amin at naglapag siya ng hot choco para sa amin.
Hinawakan ni Seven ang kamay ko upang mapagaan ang loob ko. Masasabi ko g masuwerte pa ako sa lagay na ito dahil ligtas sina Mama at Papa... hindi kagaya ni Seven na nadamay sa giyera ang kanyang magulang. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Seven at malumanay na ngumiti sa kanya.
"Ano pong gagawin sa kuwintas, Sir?" Tanong naman ni Claire.
Dito ko napagtanto na delikadong kuwintas ang Phoenix Necklace, hindi lang isang basta-bastang glitch ang makakapagsuot nito. It contains a strong magic. Hindi ito ligtas na hawakan ng isang tao o gobyerno lalo na't may mga taong gahaman sa kapangyarihan.
"Baka itago na lamang namin muli ito sa tunnel sa Arroceros Park at lalagyan ng isang malakas na mahika ang lagusan nito upang walang magtangkang pumasok dito. Kung puwede nga lang ay may magsakripisyong glitch na maging harang sa lagusan upang siguraduhing walang makakakuha ng kuwintas, eh." Paliwanag ni Sir Warren sa amin. "P-Pero huwag na ninyong intindihin iyon. Masyadong maraming hirap na ang pinagdaanan ninyo ngayong araw. You guys should take some rest, kapag may media na sumubok na kapanayamin ang kahit sino sa inyo ay tumanggi kayong magbigay ng komento, maliwanag ba?"
"Y-Yes, Sir." Sagot namin.
"Pero paano ninyo pagtatakpan ang tungkol sa ating mga glitch?" Tanong ni Teddy.
"Asosasyon na ang mag-aasikaso sa bagay na iyan. Isa sa mga paraan na naiisip nila ay ang paggamit sa kapangyarihan ni Jamie," napatingin ako kay Sir Warren. "Uutusan ni Jamie ang mga tao via live broadcast na kalimutan nila ang nangyari ngayong araw, pero siyempre, hindi lahat ng tao ay makanonood kung kaya't kinakailangan—"
"Kaya kong paglahuin ang lahat ng namatay," biglang nagtaas ng kamay si Jessica. "Ngayong wala na si Deathevn ay nanumbalik na ang lahat sa normal maging ang devil hour... kaya kong paglahuin lahat ng namatay sa devil hour... at kapag naglaho sila sa Devil hour ay mabubura lamang sila sa mga alaala ng mga normal na tao." Seryosong paliwanag niya.
"But it will consumed you a lot of your magic, Jessica." Claire said.
"Para matapos na." Jessica weakly smiled. "Hindi rin naman natin puwedeng ipagsigawan sa buong mundo na mga glitches tayo... it's the least thing that I can do. A-Ayokong matawag lang na mga halimaw ang mga susunod na henerasyon dahil lang may kakaiba silang kapangyarihan."
"K-Kung mapaglalaho mo ang mga taong namatay sa devil hour... mame-maintain ang balanse ng mundo at ang poproblemahin na lang ng Asosasyon ay kung paano maipaliliwanag ang mga nasirang gusali sa Maynila." Sabi ni Sir Warren at napatango si Jessica.
Apparently, kaya niyang paglahuin ang mga namatay sa oras ng devil hour ngunt hindi niya maibabalik sa ayos ang mga nasirang imprastraktura lalo na't naganap ang labanan nang hindi umiiral amg Dwvil hour.
"Puwede ninyo naman sabihin na may terorista talagang nagbomba sa Maynila para hindi na kayo mahirapan sa alibi, Sir," Ace suggested. "Wala din naman kami sa posisyon na magsalita para sa lahat ng glitches... mas mabuti nga siguro na manatiling sikreto ang tungkol sa atin."
Sir Warren snapped his finger at tumigil sa pagtakbo ng oras at huminto ang lahat ng nasa paligid. Nakasunod kaming naglakad kasama si Sir Warren papaakyat sa isang mataas na gusali na masuwerteng hindi nagiba dahil sa gulo. Marami itong basag na salamin na may bahid ng dugo. May ilang patay na tao rin kaming nadaanan at hindi ko maiwasang mapapikit.
Wala talagang perfect ending, we managed to saved the world pero kaakibat noon ay ang pagkadamay ng libo-libong buhay. Masaya ako na natapos na ang pinakamalaking paban ng mga glitches pero at the same time, nalungkot ako para sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay.
Pagkaakyat namin sa tuktok ng building ay tanaw na tanaw ang magulo at sira-sirang bahagi ng Maynila. The remaining Class Zero stand beside Jessica.
Pinagmasdan namin ang buong paligid. Ang bitak-bitak na daan, mga building na natumba o nasira, mga dugo sa paligid.
Humakbang papahakbang si Jessica.
"Para sa panibagong simula." Lumingon siya sa amin at ngumiti.
Nagkatinginan kami nila Seven at naghawak-hawak ng kamay. Napaluha ako dahil dito nag-sink in para sa akin na nagbunga ang ilang buwan na pakikipaglaban namin... isang magandang bunga.
Ilang buhay ang nawala para sa pagsulong namin, ilang laban ang pinagdaanan namin, ilang luha ang ibinuhos namin sa bawat hakbang namin pasulong, ilang beses din kaming natumba at tumayo ulit... ngayon nandito na kami.
"Para sa panibagong simula." Pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan si Jessica na gamitin ang kanyang ability.
Ipinagsalikop ni Jessica ang kanyang palad na animo'y nagdasal... nagkaroon ng liwanag ang buong paligid na kay ganda sa paningin.
Napatingin ako sa buong ka-Maynilaan at may mga makikinang na abo na umaangat papaakyat sa kalangitan. It was a breath taking scenario for us. Ipinaglaban namin ang bagay na ito mula sa simula.
Pinagmasdan namin na umangat ang mga labi ng mga naglalahong tao.
Jessica focused on using her ability habang nakangiti kaming nakatingin sa buong paligid. Hindi man maalala ang mga taong naglalaho ngayon pero ang pag-akyat ng mga labi nito sa kalangitan ay hudyat na malalagay ang katawan nila sa mas payapang lugar.
"Hindi man namin kayo maaalalang lahat pero ito na ang bagong simula." Sabi ni Claire at pinahid ang kanyang luha.
"The glitches managed to save the world." Sabi naman ni Kiran na manghang-mangha sa aming nakikita.
"Para kay Sir Joseph," sabi ni Seven.
"Para kay Girly," sabi naman ni Claire.
"Para kay Roger," sabi ni Teddy.
"Para kay Minute," sabi ni Kiran.
"Para kay Mild," sabi naman ni Ace.
"Para kay Vincent," naiiyak kong sabi. Ito ang pangarap ni Vincent na mundo.
"Para sa susunod na henerasyon." Sabi ni Kiryu.
Matapos magawa ni Jessica na mapaglaho ang lahat ng namatay ay napaupo ito dahil sa pagkapagod at lumapit kaming lahat sa kanya. Nakangiting nakatingin sa amin si Sir Warren at pinahid ang kanyang luha. He must be so proud of us.
"N-Nagawa natin..." umiiyak na sabi ni Jessica at hindi namin maiwasan na maluhang lahat at maiyak na rin.
Mahigpit naming niyakap ang isa't isa at binuhos ang mga luhang ilang buwan naming pinipigilan. Sa pagkakataong ito ay pinayagan naming maging mahina ang aming mga sarili. Malaks kaming umiyak, walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa aming mga mata... naging nakakatakot na pangyayari para sa amin ang mga nakaraang buwan na kung saan nangangamba kami araw-araw kung mabuhuhay pa kami.
Tapos na...
"Nagawa natin." Sagot naming lahat at malakas kaming umiyak.
Saglit akong napapikit at nakita ko sina Roger, Girly, Mild, Minute na nakayakap din sa amin at umiiyak habang nakatayo si Sir Joseph na nakatayo... at sa muli kong pagpikit at pagdilat ay wala na sila.
Alay namin ang tagumpay na ito sa inyo.
***
GABI na noong nakabalik kami sa Merton Academy at wala na kaming matutuluyan dahil nasira ang mga dormitory para sa Class Zero members. Ang sakit lang sa puso na makita na ang paarapan na humubog sa amin ng ilang buwan ay ganito ang sinapit.
"Paano tayo nito matutulog? Sira-sira na ang dorm." Sabi ni Teddy habang pinagmamasdan namin ang boys dormitory.
"Let's sleep outside," nakangiting sabi ni Claire habang nakatingala siya sa mga bituin.
"Mukhang magandang ideya iyon." Sabi ni Seven . "Manghihiram ako sa mga teacher ng tela para maging sapin natin. Sa may field na lang tayo matulog at mas kitang-kita doon ang view ng kalangitan. Kiran, gumawa ka ng apoy upang hindi tayo lamukin."
"Yes sir." Sagot ni Kiran.
Pumunta kami sa field lahat at nakahiram si Seven ng makakapal na bedsheet mula sa teachers na nakuha daw nila sa mga dormitory. Humiga kaming walo at pinagmasdan ang mga bituin.
Habang nakahiga ay nagkatinginan kaming dalawa ni Seven at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na para bang ayaw niyang mawala ako sa kanya. "Tapos na... Jamie." He said.
Ang lahat ng bigat na naramdaman ni Seven ay animo'y natanggal. Sa aming lahat siguro ay siya ang pinakanahirapan lalo na't kailangan niyang umakto na ayos lang sa tuwing kasama niya kami kahit nahihirapan siya. He needs to be the source of our energy.
"Sorrybsa sinapit ng pamilya mo." I said while rubbing his hair.
Pumikit si Seven at inilagay ang aking kamay sa kanyang pisngi. "I know it will take some time bago mawala ang sakit. Pero nandiyan ka naman para sa akin, hindi ba? Hindi ka naman mawawala sa akin 'di ba?" He said habang seryosong nakatingin sa mata ko.
"Never." I answered and pinched his cheeks. "Hinding-hindi ako maglalaho." Sagot ko sa kanya.
Aware naman kami na hindi mauubos ang lawbreakers sa mundong ito lalo na't may mga glitches na hindi talaga makontrol o nawawalan ng kontrol sa mga abilities nila. Pero hindi na katulad ng naranasan namin... sanay ay wala nang masamang grupo na sumubok na sirain ang balanse ng mundo.
"Guys," umupo si Teddy at tumingin sa amin. "May sasabihin ako sa inyo... kami na ni Claire, matagal ng kami ni Claire. Monthsary namin kapag 16." Walang pumansin sa amin sa sinabi ni Teddy. "Hoy putangina ninyo revelation 'tong sinabi ko!"
"Bobo matagal na naming alam." Sagot ni Ace.
"Mas revelation pa na malaman namin na buhay ka pang animal ka." Sabi naman ni Kiryu.
"Siraulo kayo, ah!"
"Tingnan mo, kahit sa impyerno, ayaw ka na tanggapin. Ganoon ka na kalala, Teddy." Malakas kaming natawa sa sinabi ni Ace.
Humiga muli si Teddy at pinagmasdan ang kalangitan at ang kumikinang na mga bituin. Ang ganda ng kalangitan ngayong gabi.
Itinaas namin ang mga kamay namin at naghawak-hawak.
"We are Class Zero..." Seven started.
"We are family!" We all shouted and laughed.
***
MADALING araw noong bigla akong magising dahil sa lamig. Pinagmasdan ko ang mga mukha ng kasamahan ko at napangiti. Hindi panaginip ang lahat, nagawa nga namin talagang matalo si Deathevn.
T-Teka parang kulang kami.
Jessica... Seven... Ace... Teddy... Kiran... Kiryu
Nasaan si Claire?
May pinuntahan ba si Claire?
Naalala ko bigla ang sinabi ni Sir Warren sa amin kanina.
"Baka itago na lamang namin muli ito sa tunnel sa Arroceros Park at lalagyan ng isang malakas na mahika ang lagusan nito upang walang magtangkang pumasok dito. Kung puwede nga lang ay may magsakripisyong glitch na maging harang sa lagusan upang siguraduhing walang makakakuha ng kuwintas, eh."
Bigla akong nakaramdam sa aking dibdib... huwag mong sabihin na isasakripisyon ni Claire ang sarili niya para protektahan ang Phoenix Necklace. Knowing Claire, gagawin niya talaga ang bagay na iyon kung para sa kaligtasan ng nakararami.
"G-Guys!" Malakas kong sigaw at isa-isang naalimpungatan ang buong Class Zero.
"Jamie, wala pang araw—"
"Si Claire!" Sigaw ko. "I-Isasakripisyo ni Claire ang sarili niya para maprotektahan ang Phoenix necklace.
Mabilis na napabangon sina Teddy at dali-daling ginamit ni Teddy ang ability niya para mabilis kaming makapunta sa Forest Park.
Nagmamadali kaming pumasok papasok sa loob nito. "Claire!" Malakas naming sigaw.
Claire... hindi mo kailangan gawin ang bagay na ito. It's enough that we saved the world. Hindi mo kailangan umabot sa ganitog punto.
Mabilis kaming tumatakbong pito patungo sa tagong lagusan papasok sa tunnel.
"Claire!" As soon as we saw her ay mabilis naming tinawag ang kanyang pangalan. Humihingal kaming tumingin kay Claire. Claire smiled back to us.
"H-Hindi ko na dapat sasabihin sa inyo, eh," sabi niya sa amin.
"Claire... huwag..." Teddy cried. "Tangina, hindi mo kailangan umabot sa ganyang punto."
"Pero Teddy... para ito sa mga susunod na glitches at wala nang matuksonsa malakas na kapangyarihan ng Phoenix Necklace." May luha na rin na namuo sa mata ni Claire.
"Ayoko!" Teddy shouted at napatakip ako ng bibig. Desidido talaga si Claire sa kanyang desisyon. "Ayoko! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko?! Okay lang maging selfish paminsan-minsan! Hindi sa lahar nang pagkakataon ay magpapakabayani tayo, Claire!"
"Pero para sa lahat 'to, Teddy." Claire answered and sweetly smiled. "Ano ba 'yan..." pinahid ni Claire ang kanyang luha. "Kaya nga hindi na ako nagpaalam dahil ayoko nang masaktan kayo."
"Claire." We called her name.
"Buo na ang desisyon ko, guys, napili kong protektahan ang Phoenix Necklace habambuhay upang wala nang magtangka sa malakas na kapangyarihan nito. Ako ang magsisilbing harang sa lagusan papasok sa lokasyon ng Phoenix Necklace," tiningnan kami isa-isa ni Claire pero noong napatingin na siya kay Teddy ay napahagulgol na nang iyak si Claire. "Para ito sa mga susunod na glitch. Gagawin natin na mas tahimik at payapa ang mundong ginagalawan natin."
"Claire..." Teddy stepped forward. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to, eh." He said at mahigpit na niyakap si Claire.
"Wag ka nang maglaho... please. Kung gusto mo hindi na ako magmumura. H-Hindi na rin kita pipilitin na magsabi ng masasamang salita. Hindi na rin ako magiging pasawa—"
"Teddy." Claire said
Lumambot ang ekspresyon ni Teddy. "Huwag ka lang maglaho sa akin... please."
Mahigpit na niyakap ni Claire si Teddy at malakas na humagulgol ng iyak si Teddy. Kahit kami ay ayaw naming maglaho si Claire pero buo na ang desisyon niya sa gusto niyang gawin. This is for all the next generation glitches.
"Mahal ko kayong lahat." Nakangiting sabi ni Claire sa amin at bumitaw sa pagkakayakap kay Teddy. Inilatag ni Claire ang kamay niya. "We are Class Zero..."
Kahit malayo kami kay Claire ay nilatag namin ang aming kamay. "We are family." We answered while crying.
Inalalayan ni Ace si Teddy pabalik sa amin na humahagulgol ng iyak.
Tumayo si Claire sa tapat ng lagusan. Pinagsalikop niya ang kanyang palad at nagkaroon ng puting liwanag na bumalot kay Claire. She smiled to us one last time.
"Paalam."
Isang matingkad na liwanag ang ilang segundong lumabas mula sa katawan ni Claire. Nakatingin lamang kaming lahat sa kanya. Walang pinagsisisihan si Claire sa desisyon niya dahil alam niyang marami kaming buhay ang nailigtas at mas marami kaming buhay na maililigtas para sa mga susunod na henerasyon... iyon ang gustong gawin ni Claire as a healer.
She wants to save lives as many as she can, she saved the future. And I guess... this is one of the happiest thing that Claire did in her life.
Naglaho si Claire at nagkaroon ng harang ang lagusan na nababalutan ng malakas na kapangyarihan. Ilang minuto ito kumislap bago nawala sa paningin namin ang lagusan at naging isang damo na lang ang spot na iyon. Claire will forever protect the Phoenix Necklace.
Nagkatinginan kami nila Seven at mahigpit na niyakap si Teddy.
The war ended and we must secure the eternal peace for everyone.
***
SIX years later...
"SEVEN, Ikaw na muna ang bahal kay Forth!" Malakas kong sigaw kay Seven na nasa loob ng bahay at binuhat niya ang anak namin. Forth is our first child and luckily, hindi siya glitch. My son will have a normal life without worrying about sabing the world.
"Good luck, ma'am Jamie," Seven said at pinalutang niya ang bag ko papunta sa aking direksyon. "Baka makalimutan mo pa."
"Seven! 'Di ba! Sabi ko sa 'yo, no using of ohr abilities! Nakikita ni Forth!" Reklamo ko sa kanya.
"Jamie, for pete's sake! Eight months pa lang si Forth! Hindi niya pa matatandaan 'yan." Ganti sa akin ni Seven at humalik sa aking noo. "Forth, kiss ka na kay mommy." Inilapit niya sa akin si Forth at humalik ako sa pisngi ng aming anak.
Seven waved little Forth hand. "B'bye Mommy Jamie, ingat ka sa work!" He said in a baby tone at napangiti ako.
Naglakad na ako paalis ng aming bahay at sumakay sa sasakyan. I am heading to Merton Academy upang magturo, I know computer science ang tinapos ko pero gusto ko talagang bumalik sa Merton Academy para ibalik sa paaralan ang mga bagay na itinuro nito sa akin.
Pagkarating ko sa loob ng paaralan ay dire-diretso akong nalakad sa nakabukod na Classroom sa Merton Academy. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mga mukha ng mga magiging estudyante ko. Oh, there are 14 of them here.
Napatigil sila sa pagkukuwentuhan at napabaling ang tingin nilang lahat sa akin. Inilapag ko ang mga libro sa lamesa para makuha ang atensyon nilang lahat.
They looked confuse as they saw me. "Welcome Class Zero,"
I snapped my finger at huminto ang takbo ng oras sa buong paligid.
Ngumiti ako sa kanilang lahat.
"A special section for people who have an ability."
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top