Chapter 99: Kiryu Versus Hugo


THANK YOU CLASS ZERO
Twitter Party: November 07 (Saturday 1PM onwards)

KIRYU

MABILIS na nasangga ni Hugo ang mga palaso na pinakawalan ni Ace. Inaasahan ko na ang bagay na iyon lalo na't ilang beses na naming nakakatapat si Hugo. Parang bakal din ang katawan ng isang 'to, eh. He can easily throw a piece of of wall to us.

Nag-summon ako ng dalawang clone at kumapit sa dalawang paa ni Hugo upang mapigilan ito sa paglapit kanila Mild. Napahintonsi Hugo at malakas na sinuntok ang dalawang clone at naglaho naman ito. Pochi naman talaga, oo, na-imagine ko tuloy na gagawin sa akin ni Hugo ang bagay na iyon.

Malakas ang ulan sa paligid dahil na rin sa ginawa ni Ace at tuloy-tuloy ang malalakas na kidlat. "Tumakbo na kayo," wika ko sa dalawa. Maraming clones ko pa ang sumugod sa direksyon ni Hugo upang mapigilan ito sa paglapit sa amin.

"Hindi ka namin iiwan dito, Kiryu," sabi ni Ace sa akin.

"Hindi ninyo naman ako iiwan, magtatago lang kayo. Protektahan mo si Mild habang guguluhin ko si Hugo. Ang kailangan lang naman natin gawin ay mag-ubos ng oras hanggang dumating sina Seven, hindi ba?" They both looked at me and smiled to them. "Kayang-kaya kong gawin ang bagay na iyon. Ilibre ninyo na lang ako ng pochi at gummy worms pagkatapos ng labanang 'to."

Itinulak ko ang likod ni Ace para makatakbo siya papalayo. "Now, go." I said. Ilang segundo pa siyang tumingin sa akin bago niya hinitak ang kay Mild para tumakbo paalis.

Ngumisi ako noong ako na lang ang naiwan dito sa quadrangle. I am well-aware that I am not the strongest Class Zero member pero kung distraction ang usapan... upo muna sila, seminar ko sila.

Naglabas ako ng anim na clone at sabay-sabay tumakbo sa direksyon ni Hugo. Sinipa ng isang clone si Hugo sa mukha ngunt mabilis niya itong nasangga pero hindi niya nasangga ang isang clone na sumipa sa kanyang tiyan. Inihanda ko ang kamao ko na susuntok aa kanyang mukha ngunit mabilis niyang nahawakan ang aking braso at inihagis ng malakas.

Tumilapon ang katawan ko sa building ng College of Engineering at nawarak ang pader nito. Ramdam ko ang sakit sa buong likod ko at nabagsakan pa ako ng ilang malalaking tipak ng bato. Dahan-dahan akong tumayo at pinagmasdan si Hugo na naglalakad tungo sa aking direksyon.

"Kung kinakailangan na patayin kita para makuha ang babaeng may Royal Blood ay gagawin ko... masyado kang sagabal sa mga ginagawa ko." Wika ni Hugo sa akin habang unti-unti siyang lumalapit.

Dumura ako sa sahig na may kasamang dugo. "Asa ka naman na makukuha mo si Mild sa amin." Nag-summon muli ako ng maraming clone sa paligid na pinatakbo sa iba't ibang parte ng Merton Academy.

This is good na nasa akin ang atensyon ni Hugo. Hinintay kong magmanhid ang likod ko sa sakit bago rin ako tumakbo.

Isa-isang hinahabol ni Hugo ang mga clone. Ilang minuto rin ang masasayang kay Hugo sa paghabol ng mga clone which is good dahil baka maya-maya lamang ay nandito na sila Seven. I refused to die here, walang pochi sa langit. Boring.

Nagtago ako sa Science Lab at pinagmasdan sina Jamie at Claire na nakikipaglaban sa mga lawbreakers. Dinig na dinig sa buong paligid ang malalakas na pagsabog at hindi lang naman ang Class Zero ang nakikipaglaban sa mga lawbreakers kung hindi ang lahat ng glitches na parte ng Asosasyon.

"Mabuti sana kung magagamot ako ngayon ni Claire," pagsasalita ko at nabigla ako noong masira ang malaking pader ng Science lab at tumambad sa akin si Hugo na nakangising nakatingin sa akin.

"Hello!" I greeted him and made a duplicate copies of myself bago ako tumalon sa bintana papalabas. Ang purpose lang naman ng mga clones ay mapigilan kahit papaano si Hugo sa pagkilos kahit ilang segundo lamang.

I just hope that Ace and Mild is hiding in a safe space.

Tumakbo ako sa buong Merton Academy at panay liko sa iba't ibang pasilyo. Sa bawat pagliko ko ay nag-iiwan ako ng clone na tatakbo sa ibang direksyon.

Panay ang tingin ko sa likod ko na isa-isang pinapatay ni Hugo ang mga clone. "Laking tao pero tanga." Nakangisi kong sabi.

Sa totoo lang ay ramdam ko na ang hingal dahil ilang clones na rin ang nagawa ko at naparaming magic na ang nailabas ko pero hindi ako puwedeng sumuko... kailangan ko lang kumapit pa kahit ilang oras lang.

May isang lawbreaker na humarang sa dinadaanan ko at mataas akong tumalon upang sipain ito sa mukha. "Wala akong time makipaglaro sa inyo ngayon. B'bye!" I waved my hand sa lawbreaker at tuloy-tuloy na tumakbo.

Napatingin ako sa isang na unti-unting gumuguho at nabalutan ito ng malakas na apoy.. Ang daming parte ng Manila ang naaapektuhan sa nangyayari.

Nabigla na lamang ako noong lumiko ako sa isang kanto ay nakatayo si Hugo at seryoso akong tiningnan.

Shit! Kanina lamang ay nasa likod ko siya!

Akmang susuntukin niya ako ngunit mabilis akong nakatalon akong nakatalon papaatras. "Mukhang hindi ko na magagawang tumakbo sa iyo." Gumawa ako ng tatlong clone ng aking sarili at hinanda ang aking sarili sa pakikipaglaban. I can summon a lot of clones pero mahihirapan akong kontrolin ang lahat ng ito kung kaya't kaunti lang ang clones na ginawa ko ngayon.

"Anong kaya mong gawin? Parang kagat lamang ng langgam ang atake ng mga ginagawa mong clone." Tumawa si Hugo. "Hindi mo ako mapapatay."

"Aware naman ako doon. Pero hindi naman iyon ang rason kung bakit kita nilalabanan... I just need to protect Mild, kung gusto mo siyang makuha ay patayin mo muna ako." I am buying time, asshole.

Mabilis akong tumakbo tungo sa kanyang direksyon kasabay ng mga clones ko. Nilabas ko ang matalim na kutsilyo na tinatago ko sa aking bulsa at inatake siya sa kanyang braso ngunit mabilis niyang napatigas na parang bakal ang parteng iyon kung kaya't parang balewala lamang ang ginawa kong atake.

Hinampas niya sa pader ang isang clone at akmang susuntukin niya ako ngunit mabilis lamang akong nakayuko. 'Yong isang clone naman ay nagawa siyang mahawakan sa paa upang mapigilan ito sa pagtakbo at ginamit ko iyong pagkakataon para masuntok ito sa mukha.

Isang bagay na napansin ko ay kung mayroon si Hugo na hindi kayang mabalutan ng bakal ay iyon ang kanyang mukha kug kaya't iyon lang ang magagawa kong saktan.

Nagawa ko siyang masuntok ngunit mabilis niya nahawakan ang braso ko at hinampas sa sahig.

Ramdam ko ang pagkawarak noong sahig at ang sakit sa ulo ko dahil ito ang unang tumama at nagsimulang umagos ang pulang likido mula rito at ramdam ko rin ang pagkabali ng kanang braso ko dahil sa higpit nang pagkakahawak sa akin Hugo.

I summoned clones para mapigilan siya sa akmang pagsuntok niya sa akin at ginamit ko iyong pagkakataon para dahan-dahang makatayo at saglit na makapagpahinga. Ramdam ko ang pagkahilo dahil sa sakit at pinahid ko ang dugo na lumalabas mula sa aking ulo at hindi ko na maigalaw ang kanang braso ko.

Naglabas ako ng maraming clones para saglit akong makahinga at maihanda muli ang sarili ko sa pakikipaglaban.

Nabigla na lamang ako noong unti-unting gumaan ang pakiramdam ko at unti-unting naghilom ang sugat sa aking ulo. Unti-unti ko rin naramdaman ang aking kanang braso hanggang sa maigalaw ko muli ito. Nakita ko si Claire na nakatayo sa isang classroom at nakatapat ang kanyang kamay sa aking direksyon.

Amen.

Ngumiti si Claire at tumakbo muli papaalis para makipaglaban sa mga lawbreakers.

"Hindi ko sasayangin ang tulong na ibinigay mo sa akin, Claire," noong maubos ni Hugo ang mga clones ko ay ngumisi ako sa kanya.

"Papatunayan ko sa 'yo na miyembro ako ng Class Zero."

***

ACE

"H-HINDI ba natin tutulungan si Kiryu, Ace?" Tanong sa akin ni Mild dahil nakatago kaming dalawa sa canteen na malapit lang sa lokasyon ni Kiryu.

Kahit pa sabihin ni Kiryu na tumakbo kami papalayo ay hindi ko pa rin siya magagawang iwan. Sa oras na malagay siya sa delikadong sitwasyon ay doon ako kikilos para mailigtas siya. Muntik na nga akong tumakbo kanina ngunit buti na lang at dumating si Claire upang magamot ang mga sugat niya.

"Ace... nasa delikadong sitwasyon si Kiryu! Tulungan natin siya—"

"Mild, ginagawa ni Kiryu ang lahat nang magagawa niya para libangin si Hugo. Ibinilin ka niya sa akin kung kaya't hindi ko bibiguin si Kiryu. Poprotektahan kita." Seryoso kong sabi kay Mild habang pinagmamasdan si Kiryu na nakikipaglaban kay Hugo. "Hindi dito mamamatay si Kiryu. Sa oras na malagay siya sa alanganing sitwasyon ay doon ako kikilos para tulungan siya."

Akmang may lawbreaker na tatakbo tungo sa aming direksyon ngunit mabilis akong nagpakawala ng kidlat upang patamaan ito at nangisay ito bago naglaho.

Pinagmasdan ko si Kiryu na iniiwasan ang mga atake ni Hugo. Kung nandito lang si Teddy ngayon ay hindi mahihirapan si Kiryu sa pakikipaglaban.

Gago man si Teddy pero alam niya kung paano niya gagamitin ang kapangyarihan niya para suportahan ang bawat member ng Class Zero.

"Nagagalit na si Hugo." Wika ko dahil kahit ilang beses nang nasusuntok ni Hugo si Kiryu ay clone lang naman ito at naglalaho din.

Kiryu distracting Hugo perfectly.

Noong nasuntok siya ni Hugo ay tumilapon ang katawan ni Kiryu at tumama sa malaking poste. Akmang tatayo na si Mild ngunit mabilis ko siyang pinigilan. "Ace, mamamatay si Kiryu kung hindi natin siya tutulungan!" Reklamo niya sa akin.

"As a leader in-charge, pinagbabawalan kitang tulungan si Kiryu." Seryoso kong sabi kay Mild. "Sa oras na malagay sa delikadong sitwasyon si Kiryu ay mabilis akong magpapakawala ng kidlat mula sa kalangitan. Alam ko kung kailan ko tutulungan si Kiryu pero ngayon... gagawin ko ang lahat para hindi ka makuha ng Black Organization. Mild, alam kong adventure o thrill 'to para sa 'yo ngayon, but please, don't make dumb decisions this time. Magtiwala ka sa amin." Seryoso kong paliwanag sa kanya.

"Hugo," nakinig kami sa sinabi ni Kiryu habang unti-unting tumatayo. "Bakit hindi natin itodo ang laban natin ngayon?" He said.

Napakunot ang noo ko sa pinaplano ni Kiryu.

"Tutal ay napapagod na ako... kapag nahanap mo ako ay malaya kang patayin ako." Unti-unting dumami ang Kiryu na nandito. Sampung Kiryu... Dalawampung Kiryu... hanggang sa maging mahigit singkwentang Kiryu ang tumatakbo sa paligid ni Hugo.

Nabigla ako sa ginawa ni Kiryu... ginamit na niya ang lahat ng mahika na natitira sa kanyang katawan. Don't tell me, he's planning to sacrifice himself?!

Hindi puwede... hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

"Sa oras na mahanap mo ako," sabay-sabay na sabi ng mga clones. "Feel free to kill me pero sinisigurado kong hindi mo makukuha sa kamay ng mga kaklase ko si Mild."

Isa-isang sinusuntok ni Hugo ang mga clones hanggang sa maglaho ito. Maging ako ay hindi ko na alam kung alin ang totoong Kiryu sa mga clones na tumatakbo.

"Ace... mamamatay si Kiryu..." wika ni Mild habang hindi inaalis ang tingin niya sa labanan. "Ace gumawa ka nang—"

"Hindi mamamatay si Kiryu." Seryoso kong sabi sa kanya. "Wala nang maglalaho sa atin."

Ilang minuto na ang itinagal ng labanan at isa-isang naglalaho ang mga clones hanggang sa maging lima na lamang ito. Inihanda ko na ang pana at palaso ko kung sakaling mahuli man ni Hugo si Kiryu.

Sa gagawin kong pag-atake ay mabubuking ang pinagtataguan namin ni Mild pero hindi ko rin hahayaan na maglaho si Kiryu.

Akmang sisipain na siya ng isang clone ngunit mabilis na nahawakan ni Hugo ang paa nito... hindi ito isang clone... totoong si Koryu ang nahawakan niya at naglaho ang mga clones sa paligid ni Hugo.

"Katapusan mo na, bata." Sabi ni Hugo.

Mabilis akong naglagay ng palaso sa aking pana ngunit nabigla ako noong may kumapit sa braso ko upang pigilan ako.

"Huwag kang mangialam," napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako... si Kiryu ang pumigil sa akin habang kumakain siya ng Pochi.

"Paanong..."

He smiled innocently. "Just watch." He said.

Napabaling muli ang tingin ko sa labanan.

Hawak-hawak ni Hugo ang paa ni Kiryu at pabaliktad siyang inaangat sa lupa. Hanggang sa maging pantay na ang mukha nito sa mukha ni Hugo.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ni Kiryu na nandoon sa labanan.

Huwag mo sabihing habang pinapatay ni Hugo ang mga clone kanina ay tumakas na siya sa labanan para makapagtago?

That was freaking smart.

"Anong magagawa mo, mag-summon muli ng clones para guluhin ako?" Malakas na tumawa si Hugo.

Nanlaki ang mata ko noong ipinasok ni Kiryu na nandoon ang kamao niya sa bibig ni Hugo noong tumawa ito.

Ngumisi ito. "Paano mo nasisigurado na cloning ang ability ko?" Biglang sumabog ang ulo ni Hugo at nabalutan ng apoy ang buong katawan nito.

Sa pagsabog ng ulo ni Hugo ay tumalsik ang dugo nito sa buong paligid bago unti-unting maglaho. Nagawa niyang mapatay si Hugo... si Hugo na miyembro ng Black Organization.

"S-Si Kiran ang nakikipaglaban kay Hugo kanina pa kasama ang maraming clone?" Nanindig ang balahibo ko sa ginawa ng kambal na ito dahil hindi ko ito napansin kanina.

Naubos ni Kiryu ang pochi at tumayo.

"Gamit ang ability ni Teddy ay nakipagpalit ako ng puwesto kay Kiran kanina." Naglakad siya patungo sa direksyon ng kanyang kakambal at sumunod naman kaming dalawa ni Mild.

Ang akala ko ay tumakas lang si Kiryu para makakuha ng marami pang oras kung kaya't gumawa siya ng maraming clones pero hindi ko inasahan na may plano si Kiryu.

"Paano mo nalaman na nandito na sila Seven, Kiryu?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, simple lang," he smiled innocently. "Noong napatingin ako sa gumuguhong building kanina at bigla itong nabalutan ng apoy... naisip ko na signal iyon ni Kiran para sabihing nandito na sila ng hindi nalalaman ng Black Organization."

Unti-unting naglakad si Jamie at Teddy patungo sa aming direksyon.

"Jamie sent a message thru my mind na maglabas ng maraming clones para magulo si Hugo at doon ako makikipagpalit ng puwesto kay Kiran. Alam kong kampante si Hugo na hindi ko siya masasaktan pero hindi niya alam na si Kiran na ang kalaban niya noog nag-summon ako ng maraming clones." Paliwanag ni Kiryu.

"Sabihin ninyo salamat master kasi ang useful ko na naman." Pagmamayabang ni Teddy.

"Ulol. I did the last hit kung kaya't ako ang pinaka may pakinabang sa laban na ito." Pagmamayabang naman ni Kiran.

"Puntahan na natin sina Seven na nakikipaglaban sa mga lawbreakers," sabi ni Teddy sa amin. "Pupunta na tayo sa lugar kung saan itinatago ng Black Organization ang Phoenix Necklace... tatapusin na natin ang gulong ito."

We walked together para tumungo kanila Seven. Alam kong hindi namin masasabi na panalo na kami sa labang ito dahil nagawa naming mapatay si Hugo.

May mas malalaki pa kaming kalaban pero hangga't magkakasama kaming Class Zero, alam kong magagawa namin lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top