Chapter 97: A day before War
THANK YOU CLASS ZERO
Twitter Party: November 07 (Saturday 1PM onwards)
PAGKABALIK na pagkabalik namin sa Merton Academy ay wala kaming sinayang na oras at nagkaroon kaagad kami ng meeting nila Sir Joseph. We are all serious about this situation since this will be our concluding battle against Black Organization.
"Siguro naman ay aware kayo sa kung gaano kalaking gulo ang maaaring mangyari laban sa Black Organization sa pagkakataong ito, hindi ba?" Tumango kaming lahat bilang sagot kay Sir.
Ngayong alam na ng Black Organization na si Mild ang taong may Royal Blood ay paniguradong Nakagagawin nila ang lahat para makuha ang aming kaibigan. We must protect Mild at all cost. Buhay ng buong Pilipinas ang nakataya sa labang ito. Kung magawa ng Black Organization na mabuhay si Deathevn ay maraming tao sa Pilipinas ang maaaring maglaho.
"Plano kong kausapin ang buong Asosasyon upang magkaroon ng karagdagang depensa rito sa Merton Academy." That's really a good idea dahil kahit sabihin na nandito kaming siyam na Class Zero ay alam naming kukulangin kami sa lakas dahil sa daming Lawbreakers na maaaring sumugod dito.
Tandang-tanda ko pa ang dami ng mga lawbreakers na sumugod sa Arena at sa Fladus Academy para lamang makuha ng Black Organization ang mga batang glitches... I know they will do more than that this time.
"Nalaman man nila na si Mild ang taong may Royal Blood ay nalaman din naman natin kung saan nila itinatago si Deathevn. Spill the tea naman diyan, Sir, ikaw pa lang sa atin ang nakababasa sa mga papel na naiuwi ni Jason, eh," sabi ni Ace sa kanya.
Kinuha ni Sir Joseph ang papel sa kanyang bulsa. "Nakalagay dito na sa Arroceros Forest Park nila itinago si Deathevn."
"D-Dito lang 'yon sa Manila, ah," I said at napatango si Sir Joseph. "Imposible 'yan, sir, crowded na lugar ang Manila... they can't hide Deathevn here."
"Nakatago si Deathevn sa ilalim ng lupa..." patuloy ni Sir. "Tanging ang mga glitches lamang ng society ang makakapagbukas ng lagusan papunta sa lugar na ito. The door is sealed with a strong dark magic."
"If it's Dark Magic, kailangan natin ng taong makakapag-purify ng lagusang ito upang ligtas nating mapasok ang lugar na ito." Sabi naman ni Seven. "Kung nandoon si Deathevn ay paniguradong doon din nila itinatago ang Phoenix Necklace.
"If white magic ang labanan..." nagsalita si Mild at napatingin kami sa iisang tao lahat. "May St. Claire tayo! Amen naman talaga!"
"A-Aralin ko kung paano mag-purify ng dark magic..." sabi ni Claire at napayuko.
"In just a short period of time?" tanong ni Seven.
Umangat ang tingin ni Claire. "K-Kakayanin ko. Nakikita ko kung paano kayo nagsasanay para mapalakas ang mga abilities ninyo, hindi ako puwedeng maiwan. Kung makatutulong ako para mabuksan natin ang lagusan papasok dito... gagawin ko rin ang lahat. I want to be useful in this battle."
"Sir!" Jessica raised her hand. "Kung susugod tayo sa pinagtataguan ng Black Organization... parang ipinahamak lang natin si Mild, at isa pa, hindi tayo puwedeng basta-basta sumugod doon. Maraming tao sa Manila at isang malaking laban iyon."
Napatango-tango si Sir Joseph habang pinakikinggan ang opinyon ng bawat isa sa amin.
"Sir," Claire raised her hand. "S-Siguro po ay mas magandang palikasin natin ang lahat ng tao sa Metro Manila... kahit isang linggo lang. Ayokong maraming tao ang biglang maglaho dahil sa labanan."
Definitely... she's the angel in our group.
"I will suggest that to the association. Also, Tom contacted me earlier... nahanap na niya ang compatible servant of elements para kanila Seven at Teddy. And he is now willing to have a compact with Kiran lalo na't nalalapit na ang malaking gulo. We should maximize our time lalo na't hindi natin alam kung kailan susugod dito ang Black Organization." Paliwanag ni Sir Joseph sa amin.
"Yes, sir!" Sabay-sabay naming sabi.
"Tutungo agad kami sa Northford University, Sir." sabi ni Seven.
Sa puntong ito ay nararamdaman ko na hindi lang isang basta-bastang misyon ang gagawin namin. Everyone is serious about this at kahit ang mga maloko sa grupo namin ay maayos na nakikinig.
"Habang wala sina Seven, Teddy, at Kiran. I will assign some of you para protektahan si Mild," isa-isa kaming tiningnan ni Sir Joseph. "And that will be Ace and Kiryu. Claire, mag-focus ka lang sa pag-aaral mo sa bagong ability na gusto mong matuklasan. Jessica, gusto kong mag-patrol ka sa labas ng school para maramdaman mo kung may paparating na panganib... Jamie, sasama ka sa akin sa meeting."
"A-Ako po?" Tanong ko.
"Malamang ikaw lang naman ang Jamie rito," Epal ni Teddy at inirapan ko na lang siya.
Saglit akong nagtaka pero naisip ko rin namanagad kung ano ang binabalak ni Sir Joseph. Kung hindi papayag si Sir Joseph sa hiling niya... we can use my ability para mapilit sila na gawin ito. "Yes sir!"
"Meeting Adjourned!" sigaw ni Sir Joseph. "At isa pang bagay... I know that this will be the biggest battle that you guys will face, gusto ko lang malaman ninyo na masaya ako na naging adviser ako ng klase na ito."
Lumambot ang ekspresyon naming lahat. Sir Joseph rarely say that kind of things to us.
"Sir, masaya rin po kami na ikaw ang nagturo sa amin." Sabi ni Claire at ngumiti kaming lahat.
Sir Joseph opened his arms at mahigpit namin siyang niyakap. Hindi ko inaasahan na makakahanap ako ng tahanan sa bisig ng buong Class Zero.
Maybe other people will call us monsters but if this kind of friendship is the definition of monster... then I am glad to be one.
***
MATAPOS ang meeting ay tumambay kaming dalawa ni Mild sa may harap na malawak na field at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. We are drinking a coke in a can. It was a comfortable silence at tanging mga ingay ng kuliglig ang maririnig sa paligid.
"Mild, hindi ka ba natatakot sa sitwasyon natin ngayon?" Pambasag ko sa katahimikan.
She looked at me and smiled. "Ha? Bakit naman ako matatakot? Nakaka-excite nga, eh!"
"Mild can you drop the act? Alam kong natatakot ka sa mga oras na ito..."
Nawala ang ngiti sa labi ni Mild at bumaba ang tingin niya sa kanyang iniinom. "Natatakot ako... sa totoo lang. Iniisip ko... bakit ako pa?" May namuong luha sa mata ni Mild.
"Mild..."
"A-Alam mo ba, makokonsensiya ako ng sobra-sobra kapag may naglaho dahil lang pinoprotektahan nila ako." Pinahid ni Mild ang luha niya. "Puwede bang normal na glitch na lang din ako?"
Tumawa si Mild ngunit patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mata. "Gusto... Gusto kong mabuhay, Jamie." Napahagulgol na siya ng iyak.
Mahigpit kong niyakap si Mild. "Ayokong mamatay. Ayokong maglaho. A-Alam ko pinapakita ko sa inyo na para bang wala lang sa akin ang mga nangyayari pero sa totoo lang... natatakot ako. Takot na takot."
"H-Hindi ka maglalaho, Mild," wika ko sa kanya.
Pinahid niya ang kanyang luha. "Gagawin ko ang lahat para hindi ako mapunta sa kamay ng Black Organization, hindi nila mabubuhay si Deathevn."
"Babawiin natin ang Phoenix Necklace sa kanila," wika ko sa kanya. "Uuwi tayo ng Merton Academy, gagawin natin lahat ng gusto nating gawin."
"Kahit ipag-drive ko kayo?" She asked.
Pinahid ko ang luha ko. "Kahit ipag-drive mo kami."
"Jamie, gusto kong magpasalamat sa 'yo. W-Walang kasiguraduhan kung parehas tayong mabubuhay sa labang ito pero gusto kong sabihin sa 'yo kung gaano ako nagpapasalamat na naging kaibigan kita. Ikaw ang partner-in-crime ko, ikaw ang palagi kong kasama sa lahat ng bagay, ilang beses mo na rin akong tinulungan. Proud na proud kong sasabihin sa buong mundo na ikaw ang bestfriend ko."
Tumayo si Mild at tumingin sa malawak na Field. Himinga siyang malalim. "Hoy! Buong Merton Academy! Itong babaeng katabi ko! Proud ako dito!" Sigaw niya.
"Mild, nakaka-istorbo ka nang mga natutulog na." Suway ko at hinitak siya papaupo. She laughed. "Masaya din ako na kaibigan kita Mild. Isa ka sa mga taong nakakaintindi sa akin, alam mo kung kailan ko kailangan nang yakap, alam mo kung kailan ko kailangan ng kausap, alam mo rin kung paano pagagaanin ang loob ko sa tuwing nasa mababang point ako ng buhay ko. Thank you Mild." I said and hugged her tightly.
"Huwag tayong magpapatalo sa Black Organization, ha?" Mild said.
"Hindi tayo magpapatalo." Sagot ko sa kanya.
***
DALAWANG araw na ang nakalilipas noong umalis sina Seven para makipag-compact sa mga Servant of elements. Sa kabutihang palad, wala namang nangyaring gulo ng mga panahong iyon ngunit ang bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala ang kaba na aking nararamdaman. I know that Black Organization is plotting something, they will came here with a plan.
"Ang daming mga teachers from different school ngayon, mga 'teh," umupo si Aris at binuksan ang kanyang laptop. "Anong mayroon?"
"Bakla ka, mukha bang alam namin?" Sabi naman ni Diana. "Gaga ka, pinagko-code kita kagabi tapos tinulugan mo lang ako. Ako tuloy umayos noong arrangement ng logo. Ay Jamie, tapos mo na 'yong pinapa-design ko?" She asked.
As a Computer Science student... isa rin 'to sa mga pinakasakit ng ulo na ginagawa namin, ang mag-code. Especially web designing, mano-mano lahat ng mga codes ng bawat button. "Matatapos ko na, kulang pa nga lang ako ng logo for the customer service button."
"Sige 'te, gmail mo sa akin 'yong mga nagawa mo na para ma-code ko na."
"Mga 'te nakita ko rin si Commander Larry Roquez kanina. Ano kayang mayroon?"
Naipaliwanag sa amin ni Sir Joseph na si Larry Roquez ay miyembro ng Asosasyon kahit wala siyang kapangyarihan. We need to coordinate with soldiers para sa mangyayaring gulo.
Our conversation was interrupted when Sir Joseph suddenly appeared. "Did I disturb you guys?"
"Hindi naman po, Sir!"
"Puwede bang mahiram si Jamie, kailangan lang sa meeting." Isinara ko ang laptop ko ar inilagay sa bag.
Nagpaalam ako kanila Diana at sumama kay Sir Joseph.
"Sir, kailangan ko bang basahin ang nasa isip nila?" Tanong ko.
"Basahin mo at ipasa mo sa akin thru mind. We need to make sure na mapipilit natin na mapalikas ang lahat ng mga tao sa Maynila para na rin sa kaligtasan ng nakararami." Paliwanag ni Sir.
"Kung gusto mo ay utusan ko na lang si Commander Larry Roquez, Sir?" Mas madali iyon.
"That is our last resort. Gusto ko kung tutulong sila sa atin ay bukal iyon sa kanilang loob."
Pumasok kami sa isang silid na kung saan may long table sa gitna. Ang daming matataas na tao ang nandito, ang iba sa kanila ay nakita ko na noong nagkaroon ng competition sa Arena at marami naman ay bagong mukha ngunit sa hitsura at tindig ng mga ito ay halatang karespe-respeto sila.
Umupo si Sir Joseph at tumayo ako sa kanyang tabi. The meeting start as soon as we arrived.
"Joseph, alam ninyo na ba ang lokasyon ni Deathevn?" Tanong ni Commander Larry.
"Yes, pero hindi namin ito puwede basta-basta sugurin." Paliwanag ni Sir.
"Ha? Bakit hindi? Kung ang pagsugod dito ay ang magpapatapos sa lahat ng gulong ito ay bakt hindi ninyo gawin? Gobyerno ang nagbabayad sa mga kagamitan at pasilidad na ginagamit ninyong mga glitch ng society, it's your job to kill that monster!" Nakaramdam ako ng inis kay Commander Larry Roquez. Sana nga ay ganoon lang kadali ang gusto niyang gawin.
"We can't do that, Sir," diretsong sabi ni Sir Warren. "Nasa kamay ng Merton Academy ang taong may Royal blood, hindi puwedeng basta-basta sumugod doon ang buong Class Zero."
"At isa pa, maraming tao sa Manila ang madadamay kung sakaling maganap ang isang malaking gulo." Dugtong pa ni Sir Joseph.
"Sinasabi ninyo bang dapat hayaan na lamang natin ang Black Organization?!" Sigaw ni Commander Larry.
"We have a suggestion before we make a move," sabi ni Sir Joseph. "Palikasin mo ang lahat ng tao sa Manila sa loob ng isang linggo at hayaan kaming mga glitch dito sa Manila."
"Not because you guys are glitches, magagamt ninyo na ang kapangyarihan ninyo sa akin!" Sigaw ni Commander Larry. "Hindi natin puwedeng palikasin ang mga tao sa Manila lalo na't ito ang sentro ng ekonomiya natin!"
"Hindi kami gagawa ng hakbang na maramig tao ang madadamay." Seryosong sabi ni Sir Argus na siyang Comittee head ng buong glitches.
"Maglalaho din naman sila at makakalimutan! Bakit pa sila kai—"
"Naririnig mo ba ang sarili ko, Commander?!" Sigaw ni Sir Joseph. "Palibhasa ay normal na tao ka lang kung kaya't hindi mo nakikita ang paghihirap namin sa Devil hour, hindi mo alam kung gaano kasakit para sa amin na makita ang ibang tao na naglalaho lang!"
"H-Huwag mo akong sigawan, isa ka lang hamak na guro rito sa Merton Academy."
"Sir, kung papipiliin ka..." nagsalita ako at humingang malalim. "Kalagayan ng ekonomiya o kaligtasan nang nakararaming tao? We are just asking for a week at matapos noon ay babalik na sa normal ang lahat. Hayaan ninyo kaming mga glitch ng society ang tumapos sa labang ito." Paliwanag ko.
Hindi ko alam na may mga ganitong Government officials pala na makasarili tanging pera lang ang iniisip.
"Gusto kong maligtas ang mga estudyante ng Fladus Academy bago ako makipaglaban," sabi ni Sir Warren.
"Ganoon din kami sa Merton Academy and we refuse to protect the government officials kung sakaling umandar ang devil hour. We will not protect those people na hindi pinagbibigyan angbaming hiling para sa kaligtasan nang nakararami." Sabi ni Sir Joseph.
Natahimik si Commander Larry. "M-Mga glitch ng society..." inis niyang sabi.
I raised my hand at ngumiti kay Commander Larry. "Sir, kahit hindi ka pumayag ngayon ay maipagagawa pa rin namin sa iyo ang aming gusto... My ability is to send order to someone kahit ayaw nito. Hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang abikity ko sa inyo."
Seryosong tumingin sa kanya ang mga glitch na nandito at ngumisi...
"I-Isang linggo. You glitches have one week to kill the Black Organization and Deathevn. Bukas na bukas rin ay magkakaroon kami ng live broadcast sa pagpapalikas. Kami na rin ang bahala na magpaliwanag sa mga tao." Tumayo si Commander Larry Roquez at naglakad papaalis.
Nakahinga kaming malalim dahil naging paborbsa amin ang nangyari sa meeting.
"Jamie, maghanda ka na at palikasin si Jason... pabalikin mo na siya sa Bulacan." Utos ni Sir Joseph.
"Starting tomorrow... simula na nang giyera sa pagitan ng mga glitches ng society." Dugtong pa ni Sir at seryoso akong tumango sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top