Chapter 96: Give and Take
Few more chapters... honestly hindi ko alam kung ilang chapters pa ang aabutin ng Class Zero. But Epilogue will be posted in November 07 (saturday). 2PM.
So let's have a twitter party that day by just including to your tweets: THANK YOU CLASS ZERO (Twitter Party will start at 1PM that day onwards)
JAMIE
"KIRYU, anong nakikita mo ngayon?" Itinaas ko ang kamay ko at hindi umaalis ang tingin ko sa mata ni Kiryu. Bumaling ang mata niya sa aking kamay.
"Mansanas?" Tanong ni Kiryu at napapalakpak ako sa tuwa dahil sa nangyari. He snapped back at napakurap ng ilang beses. "Alam mo, ginagawa mo kong guinea pig sa mga bagay na gusto mong gawin, Jamie." Kiryu pouted.
Kasama ko ngayon si Kiryu dito sa Zero Base at tinutulungan niya ako na makagawa ng illusion upang hasain ang ability ko. Katulad kanina, wala naman akong hawak na mansanas pero sa paningin ni Kiryu ay may hawak ako. I am glad that I am slowly having a progress pagdating sa ability ko.
Inabutan ko siya ng isang pack ng gummy worms at mabilis na umaliwalas ang mukha ni Kiryu. "Magrereklamo ka pa?" Tanong ko.
"Luh? Sino bang nagrereklamo?" Inagaw niya sa kamay ko ang pagkain. "Kahit pa araw-araw nating gawin 'to. I don't mind. Basta may kapalit hehe."
Dumating si Seven na may bitbit ng kape para sa akin at kay Kiryu. "How is it going?" He asked at umupo sa tabi ko.
"Maglalandian na naman kayo sa tapat ko?" Seryoso kong tiningnan si Kiryu. Bakit ba pasmado ang dila ng karamihan na nandito sa Class Zero. "Nakagagawa na si Jamie ng illusion ng mga maliliit na objects. Kainting practice na lang siguro ay magagawa niya ng makontrol ang bago niyang natutunan sa kanyang ability." Paliwanag ni Kiryu.
Bumaling ang tingin ni Seven sa akin. "Kumusta ang exam mo sa Set theory kahapon?"
Sabi ko na nga ba at magtatanong siya tungkol doon.
"Alam mo ang sarap nitong in-order mong kape—"
"'Wag mong ibahin ang usapan, Jamie, kumusta kako ang Set theory mo kahapon?" Tanong niya ulit.
"Ang hirap kaya ng set theory!" Dahilan ko. Ang hirap ng mga implies, negation chuchu na 'yan! Sobrang nakakalito.
"May madali bang subject para sa 'yo, Jamie?" Biglang epal ni Ace na gumagawa ng plates sa couch.
"May wall po, oh. Hindi ka kasali sa usapan." Umakto akong may harang. "Nakalahati ko naman 'yong exam. Bawi na lang ako next quiz." Ginulo ni Seven ang buhok ko at napangiti na lamang ako.
These past few days, simula noong nakausap ko si Jason ay naging okay na rin ako at muli kong nakokontrol ang kapangyarihan ko ng maayos. "Ano 'yong nabalitaan kong kagaguhan na ginawa ninyo ni Ace sa mall?" Tanong ni Seven at kulang na lang ay magkaroon ng apoy effects ang mata niya dahil sa inis.
"Ah..." tumingin-tingin sa paligid si Ace at nilgpit ang gamit niyang nakakalat sa lamesa. "Sa labas ko na lang tatapusin 'tong plates ko. Ang dilim pala dito sa zero base. Sasabihan ko nga next time si Sir Joseph na palitan 'yong ilaw."
Tumingin sa akin si Seven at ngumiti ako sa kanya. "Nagpatulong lang si Ace sa akin noon dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao."
"Magpanggap bilang girlfriend niya that time?"
"Hoy Seven, kung makabakod ka naman kay Jamie akala mo kay gandang babae niyan," siraulong Ace 'to, ah. Kung makalait ay parang wala ako rito, ha. "Kahit isaksak mo sa kidney mo 'yan. Walang kaso sa akin.
Our conversation was interrupted when Teddy entered the Zero Base. Pawis na pawis ito na parang nagmadaling pumunta rito.
"Puta... tubig... tubig mga gago!" Dinampot niya ang coffee na nasa lamesa ko. "Aray ko putangina! Ang init!"
"Agaw pa." Sabi ko at natawa kaming lahat na nandito. "Bakit ka ba kasi nagmamadali?" Tanong ko.
"Sabihin ninyo muna mas—"
"Hindi na kami interesado," pambabara ni Seven sa kanya. "Lumabas ka na Teddy, paniguradong walang kuwenta na naman 'yang sasabihin mo."
"Kapag ako, fake news agad?!" Tanong ni Teddy.
"Bakit hindi ba?" Tanong ni Kiryu pabalik at sumubonng gummy bears.
"Hoy diabetes na naglalakad. Minsan lang ako magprank."
"Minsan?" Tanong ko.
"Okay, madalas. Happy?" Napangiti ako sa reklamo ni Teddy. "Ang sabi ni Sir Joseph ay sabihin sa inyo na nakabalik na ang mga batang glitches sa Fladus Academy. They managed to escape—"
Napakapampag ako ng lamesa at niligpit ang mga gamit kong nakakalay dito. "Bakit mo pang sa amin sinabi 'yan, Teddy?" Reklamo ko. Kailangan kong makita si Jason.
"Ay wow, pawis na pawis ako oh. Nagmadali akong magpunta rito, hunghang." Sabi niya.
"Sasamahan kita." Seven said at siya ang nagdala ng bag ko.
***
PAGKARATING namin sa Fladus Academy ay nagmamadali akong tumungo sa office ni Sir Warren. Nandito rin si Sir Joseph upang tanungin kung ano ang nangyari sa mga batang glitch. Hindi ko nga inaasahan na ang buong Class Zero ang sasama dito. They are also concern with all the glitches condition. Especially Ace and Claire dahil pakiramdam nila ay nagkulang sila sa pagprotekta sa mga ito.
"Nasaan ang mga batang glitch?" Tanong ko kay Sir Warren.
Itinuro ni Sir Warren ang isang silid sa kanyang kuwarto. "They are inside that room, unluckily, hindi lahat ng batang glitch ay nakabalik dito sa Fladus Academy. May isa na nag-suicide dahil hindi na kinaya ang nangyari sa kanila sa kamay ng Black Organization." Gumapang ang kaba sa aking katawan noong marinig ang sinabi ni Sir Warren.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko and I am wishing na okay lang si Jason.
Tumingin ako kay Seven at ginulo niya ang aking buhok. "Your brother is alive, don't worry. Maglalaro pa kami ng PS2 no'n, hindi maglalaho 'yan." Napangiti ako kahit papaano sa sinabi ni Seven.
Binuksan ko ang kuwarto at tumambad sa akin ang pitong kabataang glitches na nakaupo sa couch at sofa. Nakatulala lang sila sa kawalan at tila ba sariwang-sariwa pa sa kanilang isipan ang nangyari sa kanila. I felt bad for this young glitches, sobrang nakakatakot na experience para sa kanila na maging bihag ng Black Organization at malaki pa ang tiyansa na maging isa silang lawbreaker kung hindi nila nagawang makatakas sa lugar na iyon.
"Jason?" Tanog ko at tumingin-tingin sa paligid.
"A-Ate?" Tanong niya. Tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon at mahigpit siyang niyakap. Naluha na lang ako sa tuwa dahil ligtas ang kapatid ko. He managed to escape in that place.
"Oh, my God! Buhay ka! Buhay ka!" I cupped his face and observed his facial features at mahigpit muli siyang niyakap. "Sobrang nag-alala ako para sa 'yo."
"A-Ate... may sasabihin ako sa buong Class Zero, kailangan ninyo 'tong malaman." Seryoso niyang sabi at napaluha na lamang siya.
Pumasok kami sa isang classroom na buong Class Zero, si Sir Warren, Sir Joseph, at si Jason. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Jason ngunit kinakabahan ako sa mga susunod niyang salita.
Mula sa kanyang bulsa ay may kinuha siyang nakatiklop na papel at ipinakita ito sa amin. "Nandito po sa papel na ito... nakalagay sa papel na 'to ang lokasyon kung saan nakatagobsi Deathevn," sabi niya at umaliwalas ang mukha namin pero patuloy pa rin sa pag-iyak ang kapatid ko.
"Nice one, Jason!" Puri ni Ace. "Dahil diyan ay madali natig mababawi ang Phoenix Necklace sa kanila lalo na't nakikipagtulungan sa atin si minu—"
"Wala na po si Ate Minute," sabi ni Jason at pinahid niya ang kanyang luha. Napatakip ako ng bibig at may luhang namuo sa aking mata.
Minute betrayed us but she redeemed herself by protecting my brother. At nalaman namin na may dahilan pala kung bakit siya nakipagtulungan sa Black Organization noong panahong iyon pero ngayon... maging si Minute ay naglaho na.
We are Class of 12 people pero siyam na lang kaming natitirang nakatayo.
"K-Kasalanan ko kung bakit naglaho... si Ate Minute. Ang tanga nang naging desisyon ko." Malakas na kinalampag ni Jason ang lamesa.
"Jason..." mahina kong tawag sa aking kapatid.
Tumingin sa akin si Jason. "Ate sorry..." bumaling ang tingin niya kay Sir Joseph. "Sir, sorry po."
"Bakit ka humihingi ng tawad?" Tanong ni Seven sa kanya. "You managed to get a big information and you returned here alive. Hindi masasayang ang pagkawala ni Minute. Bibigyan namin ng katarungan ang paglalaho."
"S-Sinabi ko sa Black Organization ang isang importanteng impormasyon..." mas lalong lumakas ang hagulgol ni Jason. "S-Sinabi ko na si Ate Mild ang taong may royal blood... alam na nila... alam na nila."
Napatigil kaming lahat sa sinabi ni Jason. "A-Ano?" Tanong ni Sir Warren. "Jason! Alam mo ba kung gaanong kalaking impormasyon ang binitawan mo?! Hindi lang ang buong glitches ang ipinahamak mo! Ipinahamak mo ang buong mundo!"
"Sir... papatayin ako ng Black Organization kapag hindi ko sinabi ang totoo." Bumaba ang tingin niya sa lamesa at hindi niya kami matingnan sa mata lahat. Patuloy na bumabagsak ang luha niya sa lamesa.
"At tsaka...ang dami kong iniligtas na buhay ng mga glitch. W-Wala po ba akong karapatan na iligtas ang sarili kong buhay? N-Natakot lang din ako sa nangyari..." dahilan niya.
As a thirteen year old kid, alam kong mabigat na desisyon iyon para sa kapatid ko. This is the reason why I don't want him to be involve in our problem. It's too early para maranasan niya ang mga sakit na nararanasan namin bilang glitch ng society.
Ilang segundo ang naging katahimikan sa buong lugar. Ngayong alam na ng Black Organization na si Mild ang may Royal Blood... they will do everything para makuha si Mild at mabuhay si Deathevn.
"Walang mali sa ginawa mo, Jason," naglakad si Sir Joseph patungo sa harap at pinagmasdan ang nanlulumo naming mukha. He smiled to us. "I know nabigla kayo sa nangyari pero... alam naman natig lahat na dadating din sa point na malalaman ng Black Organization na nasa atin ang taong hinahanap nila para mabuhay si Deathevn,"
"Sir malaking gulo 'to!" Sabi ni Kiran.
"This will be our last battle against Black Organization at ito rin ang magiging pinakamalaking laban natin sa kanila. M-Maging kampante na lang tayo na ligtas na nakabalik ang mga batang glitch dito sa Fladus Academy. Poprotektahan na rin natin si Mild magmula sa araw na ito. We need to contact the servant of elements dahil kakailanganin na natin ang tulong nila." Seryosong paliwanag ni Sir Joseph sa amin.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ko at nanginginig ito. This will be the last battle.
Pinagmasdan ko ang mga mukha ng kasama ko rito sa silid na ito. Walang kasiguraduhan na lahat kami ay mabubuhay matapos ang labang ito. Magmula sa araw na ito ay anytime ay puwede kaming maglaho at makalimutan ng mga tao.
"Paplanuhin natin ang lahat pagbalik natin sa Merton Academy. But let Jason rest first, this is emotionally tortured for him." Sabi ni Sir Joseph.
"Nangyari na rin naman," ngumiti si Ace sa amin. "Isipin na lang natin na huling laban na natin ito at maibabalik na natin ang kapayapaan sa mundong ito. We can have a normal life after this one."
"I can eat pochi without worrying kung mabubuhay pa ako sa mga susunod na araw." Sabi naman ni Kiryu.
"Puwede na rin tayong mag-roadtrip tapos ako ang magda-drive." Dugtong pa ni Mild.
"Never." Sabay-sabay naming sabi.
"Wow, salamat sa suporta!"
Sir Joseph smiled when he saw that we are smiling again.
After the meeting ay lumapit ako kay Jason.
"Ate, galit ka ba sa ginawa ko?" Iyan ang unang itinanong niya sa akin.
"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" Ginulo ko ang buhok ni Jason. "Mas malala pa ang mga desisyon na nagawa ko sa nagawa mo. You managed to get some information from Black Organization, hindi tayo totally natalo dahil nagawa ninyo rin makatakas."
"Hoy bata," tawag ni Teddy kay Jason. "Walang mali na pinili mo ang sarili mo. We are not heroes who are willing to give everything for the world... we can be selfish. Tandaan mo 'yan." Lumabas na si Teddy.
Yumuko si Claire kay Jason at ngumiti. "I am glad na nakabalik ka ng ligtas dito, Jason. Huwag mo nang isipin ang nagawa mo. Nagawa mo na ang parte mo... let's do our job as Class Zero this time." Sabi ni Mild.
Naiwan kaming dalawa ni Jason at mahigpit ko siyang niyakap.
"Ate sorry talaga... natakot lang ako dahil nasaksihan ko kung paano pinatay ni Harry ang kanyang sarili. Natakot lang din ako para sa 'yo kapag naglaho ako."
"Kanina ka pa nagso-sorry," ginulo ko ang buhok ni Jason. "We are preparing for this war, in-expect na namin na puwedeng mangyari ito. Atleast ito na ang huling laban namin pagitan sa Black Organization... makakauwi na tayo kanila Mama." Nakangiti kong sabi sa kapatid ko.
"Pangako ate, hindi ka maglalaho?" He raised his pinky finger.
Ayokong mangako. Nakataya ang buhay ko rito at may tiyansa na hindi ako makabalik ng buhay.
"Pangako." Nakangiti kong sabi at nakipag-pinky finger sa kanya. "Maiwan muna kita. Kakausapin ka pa raw ni Sir Warren."
Lumabas ako ng silid at nakita kong nakatayo ang buong Class Zero sa labas. We tried to act so brave in front of Jason pero sa totoo lang ay natatakot kami.
Lumapit ako sa kanila at umikot kami at inakbayan ang isa't isa.
"This will be our final battle." Seven said to us.
"If we survive this... gusto kong mag-beach ulit tayo sa LU," sabi ni Jessica.
"Gusto ko rin magkaroon tayo ng training camp na magkakasama." Sabi naman ni Teddy.
Tiningnan namin ang mata ng isa't isa. With them, I found comfort.
"Gusto kong masubukan mag-hiking at tingnan natin ang mga bituin sa gabi." Sabi naman ni Claire.
"Ikaw Seven... anong gusto mong gawin pagkatapos ng laban na ito?" Tanong ni Ace. "I know this is idealistic but... we want to hear your dreams for us."
"Ang gusto ko..." Seven looked in our eyes one-by-one. "Tumawa kasama kayo... habambuhay."
"We are Class Zero..." panimula ko at inilatag ang kamay ko.
Isa-isa nilang ipinatong ang kanilang kamay.
"We are family."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top