Chapter 95: His Escape

JASON

NASA makipot at masikip na ventilation ako habang wala pa si Ate Minute. Ang hirap gumalaw sa maliit na espasyong ito ngunit hindi puwedeng wala akong gawin. Isa pang kalaban sa ventilation ay ang init sa lugar na ito pero wala naman akong choice. May maliliit na butas naman kung saan puwedeng manggaling ang hangin kung kaya't doon na lang ako tatapat.

Maingat ang ginawa kong paggapang upang hindi ako makalikha ng kahit anong malakas na ingay. May dalawang bantay pa rin sa kulungang ito na dapat kong iwasan. Ang alam nila ay pinatay na ako ni Ate Minute.

Konektado ang ventilation na ito aa bawat kulungan sa lugar na ito. Konektado rin ito sa iilang kuwarto na nandito at ang kailangan ko lang gawin ay hanapin ang daan para makalabas sa lugar na ito. Kinakalawang na din ang karamihang gamit dito sa kulungang ito kung kaya't alam kong lumang lugar na ito.

Gumapang ako and pagsilip ko sa ibaba ay nakita kong umiiyak si Anne habang pinapatahan siya ni Joss. Na-guilty ako dahil ang alam ng mga kaibigan ko ay patay na ako sa mga oras na ito. Pero hindi pa nila puwedeng malaman na buhay pa ako. I need to find a place kung saan kami puwedeng dumaan para tumakas.

Dire-diretso akong gumapang at natatanaw dito mula sa itaas ang mga takot na takot na mukha ng mga batang glitches na nakakulong dito. Tunay ngang nakakatakot na tao ang Black Organization, gagawin nila ang lahat para sa kapangyarihan kahit pa gumamit sila ng mga batang glitch.

Isang kuwarto ang nakakuha ng atensyon ko mula rito. Konektado ang vent dito ngunit parang hindi konektado sa kulungan. Isa itong bukod na kuwarto, mas maayos ito kung kaya't nakuha nito ang atensyon ko na parang may kakaiba sa kuwartong iyon.

Akmang bubuksan ko ang lagusan sa vent ngunit nakaturnilyo ang daan patungo dito kung kaya't hindi ako makakalabas. Hindi rin ako puwedeng basta-bastang bumaba dahil mahihirapan ako sa pag-akyat.

"Alam mo na kung paano ka makakaalis dito kasama ang mga kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Ate Minute habang kumakain kaming dalawa sa storage room. Hinarangan niya rin ang pinto ng storage room upang walang ibang tao na makapasok dito. "Jason, you can escape here alone. Kaya kitang ilabas dito nang mag-isa ka lang."

"Ililigtas ko sila Anne." Seryoso kong sabi. Inabutan pa ako ni Ate Minute ng tinapay. "Tumawag na ba si Ate Jamie sa 'yo?" Tanong ko.

"Mukhang hindi pa makakatawag si Jamie, she is still depressed because of you." Paliwanag ni Ate Minute.

"Kaya nga kakausapin ko siya para maging okay na ulit si Ate." Alam kong nag-aalala ng sobra sa akin si ate ngayon. Feeling kasi niya ay responsibilidad niya ako at ilang beses na rin niya akong sinabihan na huwag gumawa nang mga desisyon na ikapapahamak ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko puwedeng basta-basta iwanan ang mga kaibigan ko rito.

Pinahahalagahan ni ate ang mga kaibigan niya... ganoon lang din ako.

"Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali iyon?" Ate Minute asked. "Hindi siya makausap ni Claire ngayon dahil galit pa rin si Jamie. Sinasabi ko naman sa 'yo, umalis ka na dito hangga't wala pa sina Hugo at Tristan dito." Paliwanag niya sa akin. "I can save my own parents, hindi mo kailangan mag-alala sa akin."

"Tutulungan ko sina Joss." Seryoso kong sabi kay Ate Minute.

"May plano ka ba?" Tanong ni Ate Minute at iniabot sa akin ang screwdriver na hinihingi ko.

"Kailangan ko lang makuha ang loob ng dalawang bantay na glitch para makaalis tayo rito." Paliwanag ko. "Hangga't wala pa 'yong lalaking naka-Tuxedo—"

"Wow," ibinaba ni Ate Minute ang kinakain niyang tinapay. "Ang tayog din ng pangarap mo. Do you think na makukuha mo ang loob ni Thea at Rhea? Hawak ng Black Organization ang buhay nila. Kung hindi sila susunod sa mga utos nila... mamamatay silang dalawa."

"Alam ko," I answered. Minsan nang naikuwento sa akin ni Ate ang tungkol dito noong nasa biuahe kami papuntang Maynila.  "I am also willing to save them." I said. Noong kinukuwento sa akin ang sitwasyon ng mga batang ito na gaya ko ay una kong naramdaman ay awa at hindi nila deserved ang ganitong klaseng trato mula sa ibang tao.

I mean, we are just teens... we should enjoy the power that we have.

"Napaka-unrealistic ng gusto mong mangyari,"

"Nagawa ni Ate, nabago niya ang isip ni Vincent. Kung kaya ni ate... kaya ko rin,"

"Why are you competing with your sister? Hindi naman lahat nang nagawa ni Jamie ay dapat magawa mo rin. Iba ang sitwasyon niya sa sitwasyon mo ngayon. Mas delikado ang sitwasyon mo, Jason." Paliwanag ni ate Minute.

"Hindi ako nakikipag-kumpitensiya kay Ate. Kumukuha ako ng lakas ng loob sa mga bagay na nagawa niya. Magkaiba 'yon, Ate Minute," saglit na napatigil si Ate Minute. "Pero naisip ko, pare-parehas lang naman tayong glitch ng society. Lahat naman tayo ay takot maglaho pero hindi natin deserve na mamatay. Sabi nga ni Kuya Ace, kung may magagawa tayo para iligtas ang isa't isa... we should do it. Hindi natin dapat pabayaan ang mga kasamahan natin."

Napatingin sa akin si Ate Minute. "Oh, maybe Ace said it dahil sa ginawa ko." Ngumiti si Ate Minute ngunit alam ko namang pilit to.

"H-Hindi totoo 'yan, Ate Minute! Hindi ka masamang tao, tinutulungan mo nga ako ngayon, eh. At tsaka, nakikipag-usap ka na ulit kay Ate Claire ng Class Zero. Kakampi ka pa rin namin." Paliwanag ko. Nasabi na sa akin ni Ate na si Ate Minute ang pumatay sa isa nilang kasamahan.

Pero hindi ko rin siya masisisi, buhay ng magulang niya ang nakataya rito. Kailangan niya rin makuha ang tiwala ng Black Organization para mabawi ang kanyang mga mahal sa buhay.

"Pero, Ate, anong ginagawa nila sa mga bata rito? Bakit nila kinukulong sa abandonadong lugar na ito?" Curious kong tanong.

"Kung hindi nila makokontrol ang mga kapangyarihan nila. Magiging lawbreakers sila." Kinilabutan ako sa sinabi ni Ate Minute. Ibig sabihin lang nito ay ang mga nakakalaban nila Ate ay mga taong nawalan lang ng kontrol sa kanilang mga kapangyarihan. "Iba ang epekto sa mental health nila nitong pagkakakulong na ito. If their emotions became unstable, magti-trigger iyon para kusang lumabas ang kapangyarihan mula sa kanilang katawan at hindi nila ito makokontrol... sila ang kokontrolin nito." Paliwanag pa ni Ate Minute.

"Ibig sabihin... puwede rin akong maging lawbreaker?"

"Puwede. Kahit sino naman ay puwede. Tatagan mo lang ang isip mo. As long as you have a full control in your emotion, hindi ka magiging lawbreaker."

Matapos namin kumain ay bumalik na ako sa Vent at lumabas na muli si Ate Minute. Bandang hatinggabi noong naisipan kong puntahan ang kulungan kung saan nandoon sina Anne at Joss. Nakabukod man si Raven sa kanila ay alam kong matutulungan ako ng dalawang ito. Makakatakas kami rito

Gamit ang screwdriver ay binuksan ko ang malii daan pababa sa kanilang silid. Gamit ang turnilyo, binato ko si Joss upang maalimpungatan ito. Luckily, nagising naman ito at nagulat pa noong makita ako sa vent. Nag-handsign ako na huwag siyang maingay at tumango naman si Joss.

Ginising niya si Anne na nagulat din noong makita ako sa taas ng vent. "May bantay?" Mahina kong bulong.

Tumingin-tingin si Anne sa paligid. "Natutulog." Sagot niya sa akin.

Maingat akong bumaba sa kulungan nilang dalawa at mahigpit silang niyakap noong nakababa ako. Iniiwasan namin makagawa ng malakas na ingay upang hindi makuha ang atensyon noong dalawang bantay.

"Akala namin ay namatay ka na, Jason." Sabi ni Joss sa akin.

"Tinutulungan ako ni Ate Minute," bulong ko sa dalawa. "Gagawa ako nang paraan para makatakas tayo rito."

"Pero paano?"

"Mayroon pa tayong ilang araw bago bumalik 'yong lalaking naka-tuxedo. Sa ilang araw na iyon... kukuhanin natin ang tiwala ng dalawang bantay dito sa lugar na 'to." Mahinang paliwanag ko sa kanila.

"Alam kong halos kasing edaran lang natin ang dalawang bantay pero magtiwala ka, hindi talaga sila nakikinig sa mga sinasabi namin ni Anne."

"Banggitin ninyo lang si Vincent sa kanila." Their brows crunched when I said that. "Isa iyon sa mga kasamahan nila. He will be our key para makuha ang tiwala nila."

Sinabi ko sa kanila kung ano ang sasabihin nila patungkol kay Vincent at kung paano ito nakipagtulungan kanila ate. Kagaya ni Vincent, kailangan lang din nilang ma-realize na hindi ang pakikipagtulungan sa Black Organization ang magdadala ng kapayapaan sa mundong ito.

"Paano kung hindi gumana ang plano mo, Jason?" Tanong ni Joss sa akin.

"E'di mamamatay tayong lahat dito," simpleng sagot ko. "Dalawa lang naman ang kahihinatnan natin dito, it's either mabubuhay tayo dahil gumawa tayo nang paraan para makaligtas o mamamatay tayo. Kung determinado kayong mabuhay, magagawa natin ito." Paliwanag ko sa kanila.

Sa tulong ni Joss ay umakyat muli ako patungo sa vent. Kailangan magawa namin ang bagay na ito.

***

NGAYONG araw ay nakausap ko si Ate, kagaya nang inaasahan ko, nag-aalala ito sa kundisyon ko. Hindi ko naman din siya masisisi, kapatid ko siya at trabaho namin na protektahan ang isa't isa.

"Ilang araw na lang ay babalik na sina Tristan dito, ano nang plano mo?" Tanog sa akin ni Ate Minute.

"Nakukuha na nina Joss ang tiwala nina Thea at Rhea..." paliwanag ko kay Ate Minute. "Puwede mo rin silang kausapin Ate Minute, puwede mong sabihin na hindi ang pakikipagtulungan nila sa Black Organization ang magiging sagot sa kalayaan nila."

"Paano kung hindi gumana 'yang plano mo? E'di napahamak pa ako."

"Sa sitwasyon natin, kailangan natin sumugal. Hindi tayo puwedeng mag-playing safe lang dito habang nauubos ang oras natin." Sabi ko kay Ate Minute.

"Are you sure that you are Jamie's brother?" Naiiling na sabi ni Ate Minute. "Mas mature ka pang mag-isip sa kanya, eh."

"Pipilitin mo rin ang dalawang bantay na nandito para tulungan tayong makaalis dito?" Tanong ko.

"Susubukan ko. But I need to leave tomorrow at sa sabado  ay kasama kong babalik dito sina Tristan at Tasha. Mayroon kang ilang araw para makatakas dito, Jason." Huling sinabi sa akin ni Ate Minute bago siya lumabas.

Noong sumunod na gabi ay umakyat muli ako sa ventilation upang humingi ng tulong kay Joss. Hindi ko kasi mapasok ang nakabukod na silid dahil nga mahihirapan ako sa pag-akyat muli. Kailangan ko nang taong tutulong sa akin para muling makapanik.

Habang gumagapang ako ay napukaw ang atensyon ko ni Harry— isa sa mga batang na-kidnap din mula sa ibang section. May ginagawa siya sa isang putol na pipe na para bang pinapatulis ito. Saglit akong napatigil sa aking ginagawa.

"Tapos na." Ngumiti si Harry at pinagmasdan ang matalim na tubo. May plano ba ang lalaking ito.

Lumingon-lingon si Harry sa buong paligid at pinagmasdan ang mga kasama niyang mahimbing na natutulog. Nabigla ako noong umangat ang tingin nito sa vent at nakita ako. Ngumiti si Harry sa akin at kumaway.

"Anong ginagawa mo?" Mahina kong bulong.

"Shhh." Sabi niya at pinagmasdan muli ang talim ng pipe.

Napatakip ako ng bibig ko noong bigla niyang itinusok ang matulis na pipe sa kanyang ulo at umagos ang pulang likido mula rito. Tagusan ang pipe sa kanyang ulo hanggang sa mangisay siya sa sahig.

He committed suicide.

Kitang-kita ko ang lahat. Gusto kong sumigaw at maiyak sa aking nasaksihan pero sa oras na gumawa ako ng ingay ay malalaman nila Rhea at Thea na nandito ako. Hangga't hindi ito napapapayag ni Koss at Anne sa plano namin ay hindi namin sila kakampi.

Nagising ang mga kasama niya sa kulungan at malakas na nagsisigaw para makuha ang atensyon nina Rhea at Thea. Mabilis akong gumapang patungo sa silid nila Joss.

"A-Anong nangyayari sa kabilang kulungan?" Tanong ni Anne.

As of now, nandoon ang atensyon nina Thea at Rhea kung kaya't may ilang minuto kami ni Joss upang matulungan niya akong mapuntahan ang nakabukod na silid.

Ibinaba ko ang dalawa kong kamay para mahila si Joss papataas. "A-Anong binabalak ninyong gawin?" Tanong ni Anne.

Tumalon si Joss upang maabot ang aking kamay at hinatak ko siya papaakyat sa vent. "Babalik din kami agad. May titingnan lang kami. Batuhin mo itong vent kapag kailangan na naming bumalik." Sabi ko kay Anne at gumapang na kaming dalawa ni Joss patungo sa nakabukod na silid.

"Hintayin mo ako dito, Joss, iangat mo ako kapag sinenyasan kita." Tumango ang kaibigan ko at inalis ko ang harang at tumalon pababa.

Pinagmasdan ko ang paligid at mas malinis ito kumpara sa kulungan, para nga itong isang office dahil may malalaking bookshelves sa isang gilid at isang working table. May nakakalat na papel sa lamesa at nabasa ko ang ilang information dito, hinahanap nila ang taong may royal blood (which is wala akong idea) at kung paano nila mabubuhay si Deathevn. Nakalista rin doon ang mga lugar na aatakihin nila kung saan makakukuha sola ng mga glitch na kabataan.

Pinagmasdan ko ang paligid at nakuha ng atensyon ko ang kuwarto na karugtong pa ng silid na ito.

Hindi na ako nag-atubiling buksan ito at doon ko nakita ang isang matandang lalaki at babae na parehas nakagapos ang mga leeg gamit ang isang bakal na animo'y isang aso na nakakabdado.

Naawa ako sa kanilang sitwasyon dahil parehas silang nanghihina. May mga pagkain naman dito kagaya ng tinapay at tubig ngunit... hindi makatao ang trato sa kanilang dalawa.

"A-Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko.

Napaupo silang dalawa at nagyakap. "I-Isa ka ba sa kanila? Huwag po ninyo kaming saktan!" Pakiusap nila sa akin.

"K-Kayo po ba ang magulang ni Ate Minute?" Tanong ko.

"Si Minute? Nandito si Minute?" Tanong noong babae. Sila nga ang magulang ni Ate Minute.

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo na silang pinahihirapan dito ngunit marami ng bakas ng mga sugat sa kanilang katawan at may mga pasa sa tuhod at binti. Mahina na rin ang kanilang mga boses na animo'y hinang-hina na.

Gumagawa talaga ng hindi makataong bagay ang Black Organization para makuha lang ang kanilang kapangyarihan na inaasam.

"Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po si Ate Minute." Paliwanag ko. "S-Sandali lang po, pakakawalan ko kayo riyan." Bumalik ako sa silid upang maghanap ng susi para sa kandado sa kanilang leeg.

"Jason... kailangan ko nang bumalik, naririnig ko na ang mga bato ni Anne," bulong ni Joss habang nasa itaas siya.

"S-Sandali na lang," wika ko at binuksan ang lahat ng kahon noong working table. Sa loob ng pinakababang kabinet ay may isang lalagyan na naglalaman ng maraming susi.

"Jason. Kailangan ko nang bumalik!"

Gusto kong tulungan agad ang mga magulang ni Ate Minute ngunit kailangan ko ring isipin ang kaligtasan nila Joss. Pinagmasdan ko ang silid at isinara ang pinto. "Babalik din po ako." Wika ko.

Inilagay ko sa bulsa ko ang mga susi at ibinaba ni Joss ang kanyang kamay. Mataas akong tumalon at hinatak ako ni Joss papaakyat. "Ang tagal mo." Reklamo ni Joss at gumapang na kami pabalik sa kanilang kulungan.

Unang bumaba si Joss at sumunod ako. Pagkababa naming dalawa ay nabigla kami noong nakatayo sina Rhea at Thea habang hawak sa leeg si Anne. Parehas kaming hindi makagalaw ni Joss. "H-Huwag ninyo siyang sasaktan." Pakiusap ni Joss.

"Akala ko ba ay patay na 'yang batang iyan?" Tanong ni Rhea. Kung maka-bata naman 'to sa akin, parang isang taon lang yata ang tanda niyo sa akin, eh.

"P-Parehas lang tayong glitch. Huwag ninyong saktan si Anne." Wika ko. "Alam kong labag sa loob ninyo ang mga ginagawa ninyo."

"Wala kaming choice." Sagot ni Thea.

"Mayroon kayong choice. T-Tulungan ninyo kami. Bigyan ninyo ng hustisya ang kaibigan ninyong naglaho; si Vincent." Pangungumbinsi ko.

"Hustisya? Ang Class Zero ang pumatay kay Vince—"

"Naniwala ka naman sa mga sinabi ng Black Organization? Sa dami nang pinatay nila ay naniniwala ka na hindi nila magagawang patayin si Vincent? Nagtraydor si Vincent sa grupo kung kaya't pinatay siya. Ipinaglaban ni Vincent ang tama." Paliwanag ko. Sa totoo lamang ay kinakabahan akong kausapin ang dalawang ito lalo na't parehas silang may kapangyarihan at kayang-kaya nila kaming patayin na tatlo. "Gugustuhin ninyo bang magtagumpay ang Black Organization sa kanilang binabalak? Hindi ba kayo naaawa sa mga kapwa glitch nating nandito? Pare-parehas nating ayaw maging isang lawbreaker at maging isang halimaw!"

"Hawak nila ang buhay namin, wala kaming choice kun'di ang sundin sila." Sagot naman ni Rhea.

"May choice kayo! You guys have the power to save the humanity and all the glitches here" humakbang ako ng ilang hakbang. "Bitiwan ninyo na si Anne. T-Tutulungan ko kayo. Basta ba ay tulungan ninyo rin kami. Bibigyan natin ng katarungan si Vincent, if we managed to get out of this place... bibigyan kayo ng protection sa Fladus Academy. Hindi kayo makukuha ng Black Organization doon."

"We can escape here together." Sabi din ni Joss.

Rhea and Thea sighed. "Isa lang ang gusto naming magkapatid..." tinulak nila papalapit sa amin si Anne. "Sa oras na makaalis tayo rito, gusto na naming lumayo sa gulo na magkapatid. Siguraduhin ninyo na madadala ninyo kami sa malayong lugar... sawa na kami sa Maynila. Magulo ang buhay ng mga glitch sa lugar na ito."

Ramdam ko ang sakit sa boses ni Thea. Sinong hindi masasaktan? Pinag-eksperimentuhan sila ng gobyerno dito sa Maynila, kinuha ng Black Organization, ginamit ng Black Organization dahil hawak nito ang buhay nila. Para sa kanila ay impyerno ang lugar na ito.

"Tutulungan na ninyo kami sa pagtakas?" Tanong ko.

Isa ito sa mga gusto kong gawin noon pa lang. Buhat nang naikuwento sa akin ni Ate ang patungkol sa mga glitches na kinuha para gamitin ng Black Organization ay gusto ko silang tulungan. Isa rin sila sa mga taong gusto kong makatakas sa kamay ng Black Organization. Hindi nila deserved na matrato ng ganito; na parang isang hayop.

"As long as you will help us to get ot of this hell." Sagot ni Thea at nakipaglamay sa akin.

"A-Anong nangyari kay Harry?" Tanong ko.

"Naglaho na siya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nangyari ang bagay na iyon. Marami sa mga nakukulong dito ay mas pinipiling kitilin ang sarili nilang buhay kaysa maging isang lawbreaker. Ilang beses na namin itong nasaksihan ni Thea. Nasasanay na lang din kami." Paliwanag niya sa akin.

"Sanay na kayong makakita ng ganoon?" Tanong ko.

At early age, ang makita na mamatay ang isang tao sa harap mo ay ang sakit sa dibdib. Thea and Rhea didn't want to do this but they have no choice (sa tingin nila). But once we escaped here, makukuha na nila ang normal na buhay na matagal nilang inaasam.

"Iyong iba, nagpapatiwakal gamit ang kumot. 'Yong iba ay ilang beses na inuumpog ang ulo nila sa pader hanggang sa mawalan sila ng dugo. Hangga't nasa apat na sulok ka ng kulungang ito... you have no future," paliwanag muli ni Rhea.

"P-Pero alam ninyo ba ang patungkol sa sikretong silid sa lugar na ito?" Tanong ko.

"Alam namin, araw-araw kaming magbabantay sa lugar na ito kung kaya't alam namin kung saang silid pumapasok si Tristan at araw-araw namin silang dinadalahan ng pagkain. Si Minute lang naman ang hindi nakakaalam dahil doon nakakulong ang kanyang magulang." Paliwanag sa akin ni Thea.

"Samahan ninyo ako. Iligtas natin ang magulang ni Ate Minute." Pakiusap ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sina Rhea at Thea bago tumango sa akin.

Umaayon lahat sa plano ko. Ang kailangan na lang namin gawin ngayon ay ang umalis sa lugar na ito bago pa man makabalik dito sina Tristan.

Lumabas kami ng kulungan nina Anne at naglakad patungo sa harap ng bricks na pader. Tinitingnan ako ng mga kakilala kong glitch habang naglalakad kami dahil hindi rin siguro nila inaasahan na buhay pa ako. Para bang nakakita sila ng pag-asa noong nakita nila ako. Huwag kayong mag-alala, ilalabas ko kayo rito ng buhay at ligtas.

Kinapa ni Thea ang pader hanggang sa lumubog ang isang brick. May ugong na umalingawngaw sa buong lugar at unti-unting naghihiwalay ang dalawang bricks at isang pinto ang bumungad sa amin. "Sa pintong iyan ay papasok sa office ni Tristan. Diyan din nakakulong ang magulang ni Minute."

Pumasok kaming tatlo sa loob at nagmamadaling pumasok sa isa pang silid upang tanggalin ang kandado sa leeg ng magulang ni Ate Minute. Inisa-isa ko ang mga susi upang subukan kung alin ang makakatanggal sa kandadong ito. Nakatayo lang sina Rhea habang pinagmamasdan ako.

Natanggal ko ang susi sa nanay ni Ate Minute at ilang minuto lang ang lumipas ay nabuksan ko na rin ang kandado sa kanyang ama.

Parehas silang naghahabol nang paghinga noong makawala sila sa pagkakatali. Mukhang masikip para sa kanila ang lock na iyon.

"A-Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko.

"Salamat... salamat." Ulit-ulit na sabi ng nanay ni Ate Minute habang umiiyak.

Napangiti ako at inabutan sila ng tubig. "Walang anuman po. Tatakas po tayo rito, makakaalis na po kayo dito. Magkakasama na po kayo nila Ate Minute." Paliwanag ko.

Sinubukan nilang tumayo na dalawa ngunit mabilis din silang natumba.

"Mahina pa ang katawan nila," sabi ni Thea. "Mahihirapan lang tayo tumakas kung ngayon natin ito gagawin. Puwede naman tayong maghintay ng ilang oras upang manumbalik ang lakas nila."

Napagplanuhan namin na bukas kami ng madaling araw na aalis sa lugar para na rin kanila Nanay Esther at Tatay Julio (magulang ni Ate Minute).

Nakaupo kami nina Rhea at Thea sa office ni Tristan upang magpalipas ng oras.

"Anong gagawin ninyo sa oras na makaalis at makalayo na kayo rito?" Tanong ko.

Nagkatinginan ang magkapatid at napayakap sa kanilang tuhod. "Mamumuhay kami ng normal. Hindi ko masasabing isang regalo 'tong pagiging glitch namin ni Rhea," paliwanag ni Thea at pinagmasdan ang kanyang palad. "Isa itong sumpa para sa amin. Noong oras na nalaman namin ang kapangyarihan namin ay kinuha kami ng gobyerno para pag-eksperimentuhan, pinahirapan... tinrato na parang isang hayop sa kung ano-anong ginawa at tinurok nila sa katawan namin."

"Matapos noon ay napunta kami sa kamay ng Black Organization... akala namin ay ligtas na kaming dalawa," dugtong ni Rhea sa kuwento ni Thea. "Ngunit noong nagtagal ay na-realize namin na hawak na pala kami ng Black Organization sa leeg at wala na kaming magagawa kung hindi sundin ang mga inuutos nila dahil kung hindi... maglalaho kaming dalawa."

At the age of 14... ang hirap nang pinagdaanan nilang dalawa. Ginamit sila ng kung sino-sinong mga tao dahil sa kasakiman sa kapangyarihan.

"Ikaw... anong gagawin mo sa oras na makaalis ka na rito?" Tanong ni Thea.

"Hmmm.... ano nga ba?" Saglit akong nag-isip. "Siguro ay tutulungan ko sila Ate na matalo ang Black Organization para wala ng batang glitches na makadanas ng ganitong bagay."

"Imposible 'yang gusto mo." Naiiling na sabi ni Rhea.

"H-Ha? Ano namang imposible doon? Magagawa nating matalo ang Black Organization kung magtutulungan lang tayong lahat. Makagagawa tayo ng tahimik at normal na buhay para sa ating mga glitches!"

Nagkatinginan sila at ngumiti.

"Magpahinga na tayo. Sa oras na makalabas tayo rito sa abandonadong lugar na ito ay ilang minuto pa tayong tatakbo para lang makarating sa mataong lugar. At kapag nakarating na tayo roon ay hihiwalay na kami sa inyo ni Rhea. Aalis na kaming dalawa dito." Napatango ako sa paliwanag ni Thea.

***

NAGISING na lamang ako sa mahihinang alog ni Rhea sa aking balikat. Madaling-araw na at isasagawa na namin ang pagtakas.

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Rhea kung kaya't dali-dali akong tumayo.

"Sa oras na mapakawalan ko ang mga batang nandito ay tumakbo na kayo papaalis. Manguna na kayo." Utos ko sa dalawa at tumango naman ang dalawa.

Isa-isa kong binuksan ang lock ng bawat kulungan at pare-parehas nabigla ang mga nakakulong dito. "Tumakbo na kayo papaalis dito!" Sigaw ko.

Dali-dali silang bumangon at tumakbo papalabas

Noong una ay parang ang imposible para sa amin na makatakas sa ganitong klaseng lugar... pero ngayon ay nangyayari na. Makakalaya na kaming lahat matapos namin makulong ng ilang linggo rito.

"Tumakbo na kayo!" Muli kong sigaw at naghihintay sinabRgea at Thea sa kanila papaakyat.

Binuksan ko ang kulungan nina Joss, Anne, at Raven. Ngumiti kami sa isa't isang magkakaibigan at mahigpit na nagyakap. Nailigtas ko ang mga kaibigan ko sa sitwasyong ito.

"Tumakbo na kayo papaalis dito. Sa oras na makarating kayobs amataong lugar, tumawag agad kayo sa Fladus Academy upang masundo nila tayo." Paliwanag ko sa kanila.

"Paano ka?" Tanong ni Anne.

"Kailangan kong tulungan ang magulang ni Ate Minute na makatakbo." Sabi ko sa kanila. Kahit naman nakapagpahinga sila ng ilang oras ay hirap pa rin sa paglalakad ang magulang ni Ate Minute dahil ilang buwan din silang nakaupo at nakahiga lang sa sahig. Nawalan na ng lakas ang kanilang mga binti.

"Tutulungan ko si Jason," sabi ni Joss. "Kayong dalawa. Umakyat na kayo at tumakbo papaalis."

"Paano kung abutan kayo ng Black Organization?" Tanong ni Raven.

"Wala sila rito. Sa sabado pa ang balik nila dito ayon kay Ate Minute." Paliwanag ko sa kanila. "Sige na, tumakbo na kayo. Huwag ninyong kalimutan na tumawag sa Fladus Academy." Paliwanag ko.

"Tutulong din ako." Sabi ni Raven.

"Mag-iingat kayo." Sabi ni Anne at tumakbo na siya papaakyat.

Naiwan kaming tatlo nila Joss dito at tumungo kami sa sikretong silid. Inalalayan ni Joss si Tatay Julio at ako naman ang umalalay kay Nanay Esther.

"B-Bakit ninyo kami tinutulungan? Pinababagal lang namin ang pagtakas ninyo." Nanghihinang sabi ni Nanay Esther.

"Nangako po ako kay Ate Minute na ilalabas ko kayo rito. Na magkakasama po ulit kayong pamilya." Paliwanag ko.

"N-Nasa maayos bang kalagayan ang anak namin?" Tanong naman ni Tatay Julio. Nasa hagdan na kami papaakyat sa storage ngunit naging mabagal ang pag-akyat namin dahil nga nanghihina pa ang dalawa naming kasama.

Sila ang nasa hindi maayos na kalagayan ngunit mas nag-aalala sila sa sitwasyon ni Ate Minute. Siguro ay wala talagang tatalo sa pagmamahal ng magulang sa kanilang anak.

"Nasa maayos pong kalagayan si Ate Minute." Paninigurado ko sa kanila.

"Salamat sa Diyos." Naiyak si Nanay Esther at napangiti ako.

Inabot ng ilang minuto bago namin naakyat ang storage. Akmang sasabay na ako sa kanila papaalis ngunit naalala ko ang mga impormasyon na nakalatag sa lamesa ni Tristan.

"Raven, tulungan mo ako kay Nanay Esther," si Raven ang umalalay kay Nanay Esther. "Umalis na kayo, mauna na kayong humingi ng tulong." Bilin ko sa kanilang dalawa.

"Ha? Nasisiraan ka na ba ng bait, Jason? Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw ni Joss sa akin.

"S-Sa lamesa ni Tristan, nandoon ang ilang impormasyon kung saan ang lokasyon ng Deathevn. Makatutulong ito sa Class Zero para matapos ang gulong ito." Paliwanag ko sa kanila. "Hindi na ako makababalik dito sa oras na umalis ako kung kaya't kailangan kong kuhanin ang mga impormasyon na iyon."

Kailangan kong matulungan din sila Ate.

Tumakbo muli ako papasok sa kulungan at narinig ko pa ang ilang pagtawag ng aking mga kaibigan ngunit hindi ko na ito pinakinggan. Nandito sa lugar na ito ang sagot sa maraming tanong kung kaya't hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataong ito.

Hingal at pagod na ang nararamdaman ko ngunit hindi dapat ako magpaapekto rito. Kailangan magawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin.

Pumasok muli ako sa office ni Tristan at hinanap ang papel na kung saan naglalaban ng ilang impormasyon patungkol kay Deathevn. Itiniklop ko ito upang magkasya sa bulsa ko at tiningnan ko kung may libro akong madadala mula sa bookshelf ngunit hindi ko naman alam kung paano ko ito madadala sa dami ng hawak ko ngayon.

Kung may cellphone lang ako ngayon ay pinicture-an ko na ang mga importanteng bagay dito, eh.

Matapos kong makuha ang ilang mga papel ay tumakbo na muli ako papaakyat sa lumang imbakan. Makakatakas na ako rito, makakasama ko na rin muli si Ate Jamie.

Bawat hakbang ko sa baitang ng hagdan ay nagkakaroon ako ng pag-asa na makakaalis kami sa lugar na ito.

Ngunit nawala ang ngiti sa aking labi noong pagkaakyat ko sa imbakan ay nakatayo ang Black Organization habang may talim na nakatutok sa leeg ni Ate Minute. Puro sugat ang braso ni Ate minute at umaagos ang dugo rito.

Ngumiti sa akin ang isang babae. "Akala mo siguro ay makatatakas ka na, 'no, Jason?" Tanong niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? "Kapatid ka ni Jamie— isa sa mga Class Zero na nakalaro ko noon. Ako nga pala si Tasha, ang pinuno ng Black Organization." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

Nanindig ang balahibo ko dahil hindi pala isang basta-bastang tao ang kaharap ko ngayon. Bawat hakbang niya ay napapaatras ako. Pakiramdam ko ay magagawa niya akong mapaslang, anytime.

"Ang bata mo pa pero nagawa mong mapatakas ang lahat nang nakakulong dito at ikaw lang ang natira." Sabi ni Tasha at pinagmasdan ang papel na hawak ko. "Oooh, nag-uwi ka pa ng mga impormasyon para sa Class Zero. Ang unfair naman kung may makukuha kang impormasyon sa amin at wala kaming makukuha sa 'yo... hindi ba?"

Umupo sa crate si Tasha. "Simplehan na lang natin, Jason... isang impormasyon lang ang hihingin ko sa 'yo at makalalabas din kayong dalawa rito ni Minute. As expected, hindi naman talaga namin magiging kakampi ang babaeng iyan. What a traitor." Sinampal niya si Ate Minute at napakagat ako sa aking labi dahil sa inis.

"Jason huwag kang magsasalita!" Sigaw ni Ate Minute at hiniwa ni Tristan ang kanyang binti at umagos ang pulang likido mula rito. Napapaimpit sa sakit si Ate Minute at ang sakit sa puso na ganito ang kanyang sitwasyon ngayon.

"Isang tanong, Jason, kapalit ng buhay mo at buhay ni Minute..." ngumisi sa akin si Tasha. "Sino ang taong may Royal Blood?" Tanong niya.

"Jason huwa— ahhh!" Hiniwa muli ni Tristan sa braso si Ate Minute.

"H-Hindi ko alam..." sagot ko.

"Ano kayang mararamdaman ng ate mo sa oras na maglaho ka? Baka tuluyan na siyang maging isang lawbreaker. Kakayanin ba iyon ng konsensiya mo?" Sumagi sa isip ko si Ate noong sinabi iyon ni Tasha.

Ayoko nang makitang umiiyak ang kapatid ko.

"Hindi ko nga alam! Malapit man ang Fladus Academy sa Merton ay hindi naman nila kami binibigyan ng impormasyon patungkol sa kanilang ginagawa." Paliwanag ko.

"Sigurado kang hindi ka magsasalita?" Binunot ni Tasha ang isang maliit na kutsilyo sa kanyang bulsa. "Wala pa man din ako ngayon sa mood na pumatay ngayon pero sige... pagbibigyan ko ang iyong nais."

Nawalan ng lakas ang aking tuhod at napaupo sa sahig dahil sa takot.

Naalala ko bigla ang sinabi ko kanila Tatay Julio na magkakasama muli sila nila Ate Minute. Napatingin ako kay Ate Minute na umiiyak at umiiling. She's willing to die to protect this information.

Pero gusto niya ring makasama ang magulang niya.

Ang dami nang ginawa ni Ate Minute para rito. Hindi ko rin puwedeng isantabi ang mararamdaman ng ate ko kapag nawala ako. Mabilis maapektuhan ang damdamin ng ate ko at baka nga tama si Tasha... maging isang lawbreaker ang kapatid ko sa oras na mawalan siya ng kontrol sa kanyang emosyon.

"S-Sasabihin ko na kung sino ang taong may Royal blood."

Akmang isasaksak na ni Tasha ang kutsilyo sa aking noo ngunit napatigil ito noong ilang sentimetro na lang ang layo nito sa akin.

"Mabilis ka naman pala kausap, Jason," Tasha tapped my face at tinapik ko ang kanyang kamay.

"Jason... huwag... please. Ipapahamak mo ang buong—" hindi na natapos ni Ate Minute ang kanyang paliwanag noong sinugata siya muli ni Tristan sa kabilang braso.

Her body is covered with her own blood. She's in pain pero mas gusto niyang mamatay kaysa masabi ko ang impormasyon na ito.

Alam kong selfish na desisyon ito pero kailangan ko rin isipin ang kalagayan ng kapatid ko, at ang pamilya ni Ate Minute. Nangako ako sa kanya na magkakasama muli silang magkakapamilya at makakatakas sila sa kulungang iyon.

"So, Jason, sino ang taong may Royal Blood?" Tanong ni Tasha sa akin.

Naalala ko bigla ang naging pag-uusap namin ni Kuya Ace koong minsan silang bumisita sa Fladus Academy.

"Pero ang pinagtataka ko, Kuya Ace, ay kung bakit ginagawa ito ng mga Lawbreakers at Black Organization?" tanong ko kay Kuya Ace.

"Gusto nilang mabuhay si Deathevn, isang malakas na halimaw sa sinaunang panahon na maaaring sumira sa ating mundo. Gusto rin nilang i-expose ang mga kagaya nating glitches sa mga normal na tao para ipakitang mas makapangyarihan tayo sa kanila." paliwanag niya. "Pero huwag kang mag-alala, hangga't nasa amin si Mild ay wala kang dapat ipag—"

"S-Si Ate Mild." Sagot ko sa kanya. "Siya ang taong may royal blood."

Napayuko si Ate Minute at napaiyak.

"Oh, iyon ang babaeng kayang magpalit ng anyo bilang isang hayop." Napatango-tango si Tasha. "Tristan, alam mo na ang gagawin mo sa traydor na iyan."

Biglang sinaksak ni Tristan sa ulo si Ate Minute at panandaliang tumigil ang mundo ko. Kitang-kita ko kung paano mawalan ng buhay si Ate Minute hanggang unti-unti siyang naglaho na parang abo.

"Ate Minute!" Sigaw ko habang umiiyak. "Sinungaling kayo! Hindi kayo sumunod sa usapan natin!"

"Hindi ko tino-tolerate ang traydor sa grupo ko. She deserved it," ngumisi si Tasha sa akin "pero ikaw... sige, dahil sinabi mo sa akin ang isang importanteng impormasyon. Pagbibigyan kita. I will spare your life this time." Pinisil ni Tasha ang pisngi ko at tumawa siya.

Walang tigil ang luha ko sa pagbagsak dahil sa sinapit ni Ate Minute. Hindi niya deserved na maglaho. Isa lang ang gusto niya... ang makasama ang kanyang pamilya ngunit ipinagkait pa sa kanya iyon ng Black Organization.

"Hindi kayo tumupad sa usapan!" Sigaw ko.

"Pasalamat ka nga at binigyan kita ng deal. Wala na rin namang silbi si Minute kung kaya't okay lang na mawala na siya. Tinraydor niya ang Class Zero at tinraydor niya kami. Wala na siyang lugar sa mundong ito." Madali lang talaga para sa kanila na itapon o patayin ang mga taong sa tingin nila'y wala ng silbi.

"Bata, mayroon kang isang oras para tumakbo papaalis sa lugar na ito. Kapag hindi ka pa umalis dito sa loob ng isang oras... pipisakin oo ang ulo mo." Sabi noong lalaking malaki ang katawan at nanindig ang balahibo ko sa takot.

Magagawa talaga nila ang bagay na iyon.

Nanginginig man ang tuhod at binti ko ay tumayo pa rin ako. "B'bye, Jason! Iparating mo sa Ate mo na sa susunod na magkita kami ay kukuhanin namin ang kaibigan niya sa kanya. Mabubuhay si Deathevn sa ayaw at sa gusto ninyo!" Tumawa ng malakas si Tasha.

Dire-diretso akong tumakbo papaalis habang pinapahid ang luha sa aking mata. Bigo akong matupad ang pangako ko kay Ate Minute na makakasama niya ang pamilya niya.

Sorry, Ate Minute, Sorry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top