Chapter 94: Mole in the Dark

Twitter: #CLASSZERO94

JASON

Nakatali ang kamay namin habang nasa loob ng isang abandonadong storage dito sa Manila. Hindi ko alam kung saan ang eksaktong lokasyon namin lalo na't bagong salta lang din naman ako sa Maynila.

Isang lalaki na nakasuot ng tuxedo ang nakaupo sa isang crate habang pinagmamasdan kami isa-isa. Ang init-init sa Pinas ganoon pa ang suot niya?

"Ito na ba ang lahat ng glitch sa Fladus Academy?" Tanong noong lalaki sa babaeng nakatayo sa kanyang tabi. She's wearing an uniform na kamukha kanila ate.

Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng ito. Did I see her somewhere? Bakit parang pamilyar ang hitsura nito sa akin.

"Siyam na glitches lang ang nakuha namin mula sa Fladus Academy dahil biglang dumating ang Class Zero," paliwanag noong babae habang diretsong nakatingin sa amin. "Nagawa nilang mapaslang si Edel."

"Oh, napatay nila ang isa sa mga paborito kong kasama," tumawa ang lalaki na dinig na dinig sa buong storage. "Hindi talaga nabibigo ang Class Zero na pasayahin ako. They managed to impressed me sometimes."

"Anong gagawin ko sa mga batang glitches?" Tanong noong babae.

Karamihan sa mga kasama ko rito ay natatakot dahil sa sitwasyon pero ibahin nila ako... hindi ako pangungunahan ng takot ko. Kusa akong sumama rito. Nandito ako para iligtas ang mga kaibigan ko.

"Ikulong mo na sila sa baba. Maglalagay ako ng mahika sa katawan nila sa mga susunod na araw, kailangan ko lang puntahan sina Tasha at Hugo upang ipaalam na wala na si Edel." Paliwanag noong lalaking naka-tuxedo.

Walang ekspresyon ang mukha noong babae at tumingin siya sa akin. "Can I kill him, Tristan?" Tanong niya sabay turo sa akin.

"H-Ha?" Tanong ko. Nalaman niya ba ang binabalak ko?

"Bakit naman?" Tanong noong lalaking naka-tuxedo.

"I hate his guts. He reminds me of Girly." The Girl simply explained.

"T-Teka! Wala kang mapapala kung papatayin mo ako, wala pa akong kapangyarihan!" Paliwanag ko.

Ito na ba ang magiging katapusan ko rito? Hindi man lang ako nakapagpaalam kanila Mama't Papa. The girl staring at me blankly, hindi ko mabasa ang kung anong iniisip niya pero tumatakbo pa rin sa isip ko kung sino siya.

"Ikaw ang bahala," sabi noong lalaking naka-tuxedo. "Mas brutal ka na sa amin, Minute, mas bagay ka talaga sa Black Organization. Huwag kang mag-alala, pakakawalan ko rin ang magulang mo kapag nakuha mo ang tiwala ko ng buong-buo." Tumayo ito at pinagmasdan isa-isa ang aming mukha. "Dalahin mo na sila sa baba."

"Tumayo na kayo riyan. Itigil ninyo na 'yang pag-iyak ninyo. Walang tao na makakapagligtas sa inyo rito." Sabi sa amin noong babae na tinawag niyang Minute.

Patuloy sa pag-iyak si Anne habang nanginginig sa takot sina Joss at Raven. Sila ang mga una kong kaibigan sa Fladus Academy, hindi ko hahayaan na maglaho sila. Oo mga bata pa kami pero alam kong may magagawa kami para iligtas ang isa't isa.

"Huwag ninyong patayin si Jason." Sigaw ni Joss. "Parusahan at pahirapan ninyo na lang kami pero huwag ninyong patayin ang isa sa amin."

Nabigla ako noong madiin na hinawakan ni Minute si Joss sa pisngi. "Who are you to dictate the things that I will do, powerless glitch? Huwag kang mag-alala, pagkamatay nitong kaibigan ninyo ay isusunod ko kayo."

Pilit niya kaming pinatayo at pinasunod sa kanya.

"H-Huwag kayong mag-alala," mahinang bulong ko kanila Joss. "Kung maglaho man ako, pakisabi na lang sa Ate ko."

Pumasok kami sa isang kuwarto na kung saan may hagdan paibaba. Madilim ang lugar at tanging ilaw lang ng mga gasera ang nagbibigay liwanag sa paligid. Para itong isang underground patungo sa isang lugar. Magkakahawak-kamay kami nila Anne na naglalakad.

Noong makarating na kami sa lugar ay isa itong abandonadong kulungan at may ilang mga bata ring nakakulong sa bawat kulungan. Tinatrato nila na parang hayop ang mga batang nandito, karamihan sa kanila ay namamayat na at ang dumi na rin ng kanilang mga damit.

"Nandito ka na pala," sabi noong isang bata na sa tingin ko'y ka-edad lang namin. Mukhang siya ang bantay sa lugar na ito kasama ang isang babae na nasa baba.

"Ikulong mo na ang mga batang ito," turo ni Minute sa amin. Akmang lalakad na ako ngunit hinawakan ako ni Minute. "Pero etong batang ito ay maiiwan sa akin."

"Okay." Sagot nito.

"T-Teka! Huwag mo akong saktan! Raven! Joss! Anne!" Tawag ko sa aking mga kaibigan ngunit hinatak na ako nitong si Minute at dinala ako sa basement ng lugar.

Pagkarating ni Minute ay tinulak niya ako papasok at nadapa ako sa mga lumang gamit dito. "Ano bang kailangan mo sa akin? Kahit patayin mo ako ay wala kang makukuhang impormasyon sa akin!" Sigaw ko.

Kailangan kong maging matapang sa pagkakataong ito.

Isinara niya ang pinto. "Mukha bang papatayin talaga kita?" Sumandal siya sa pinto at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi niya ako sasaktan?

"Ibinilin ka sa akin ni Claire na kapatid ka raw ni Jamie... this is the least thing that I can do for Jamie, ang iligtas ka rito." Sabi niya at alam ko na kung bakit nakasuot siya ng uniform ng Class Zero at kung bakit natatandaan ko siya! Nakita ko na siya sa litrato sa kuwarto ni ate. Kaklase siya ni ate.

Pero bakit siya nandito sa kuta ng Black Organization?

"Hindi ako aalis na mag-isa rito," wika ko sa kanya at seryoso siyang tiningnan.

"Bata, hindi mo ba talaga naiintindihan ang sitwasyon mo? You can't save all your friends here. Kaya kitang tulungan na iligtas ang sarili mo pero hindi ko magagawang pakawalan ang ibang glitches dito. Kinakailangan kong makuha ang tiwala ni Tristan," paliwanag niya sa akin. "Don't act like you are a hero. Isa ka lang glitch kagaya namin. A powerless glitch to be exact."

"Hahanapin ko kung nasaan ang magulang mo," wika ko sa kanya na ikinabigla niya. Narinig ko ang usapan nilang dalawa noong Tristan at nabanggit nito na bihag niya ang magulang ni Minute. "Ilalabas ko ang magulang mo rito. Pati ikaw. Uuwi ako sa Fladus Academy nang ligtas kasama ang mga kaibigan ko at ikaw ay uuwi sa Merton Academy para makasama sila Ate."

Umupo siya sa isang crate. "Hay bata ka nga, akala mo ba ay ganoon kadali iyon? Sa susunod na mga araw ay nandito na sa storage na ito si Hugo at Tristan. Mahihirapan ka nang tumakas kapag ganoon."

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita ko ang ventilation sa taas. "Kaya kong dumaan doon, alam kong konektado iyon sa mga kuwarto at kulungan sa lugar na ito." Wika ko sa kanya.

"Maliit lang ang vent na 'yan para magkasya ka."

"Kasya ako." Ngumiti ako sa kanya. "Magtiwala ka sa akin Ate Minute. Doon din ako magtatago para hindi malaman ng ibang tao rito na buhay pa ako."

Pinagpatong-patong ko ang mga crates para makaakyat ako."Kapatid ka nga ni Jamie," tinulungan ako ni Ate Minute upang matanggal ang nakaharang sa Vent at makapasok ako.

"Parehas kaming maabilidad?"

"Parehas kayong bungol." Sagot niya. Binuhat ako ni Ate Minute para magkasya ako sa vent. Nahirapan ako sa pagpasok lalo na't isang makipot at maliit na espasyo lang ito.

"H-Ha? Anong ibig sabihin mo diyan?!" Inaasar niya ba kami ni Ate?

"Siguraduhin mong walang makahuhuli sa 'yo. Kung sakaling may makakita sa 'yo ay hindi na kita maililigtas. Tandaan mo ang priority ko rito ay ang mailigtas ang pamilya ko, if I need to kill you to save them... hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon." Paalala niya sa akin.

"Ililigtas ko ang magulang mo, Ate Minute."

"Oo na. Sasabihin ko kay Claire na nagawa na kitang iligtas. Mukhang may problema lang sila doon kung kaya't hindi makakatawag agad si Claire pero sa oras na mangyari iyon ay kausapin mo ang ate mo at sabihing ligtas ka. Nag-aalala sa 'yo 'yon."

"Salamat, Ate Minute."

"Lalagyan ko ng harang ang vent na 'yan gamit ang bato upang walang makahalata sa 'yo. Dadalawin kita paminsan-minsan para dalahan ng pagkain."

***

JAMIE

"ATE!"

Matapos kong marinig ang boses ni Jason sa kabilang linya ay nakaramdam ako nang ginhawa. Hindi ko maiwasang maluha dahil muli kong narinig ang boses ng kapatid ko.

"A-Ayos ka lang ba? Nasaan ka? Jusko! Bumalik ka na sa Fladus Academy! Nasaan ka? Pupuntahan kita!" Sunod-sunod kong sabi. Ligtas ang kapatid ko.

"Pinoprotektahan ako ni Ate Minute. Maayos ang kalagayan ko. Nakakakain ako ng maayos at maayos naman ang nagiging tulog ko. Hindi mo na kailangan mag—"

"Jason ate mo 'ko! Nag-aalala ako sa 'yo kahit hindi mo sabihin 'yan."

"Uuwi din ako ate, kaunti na lang ay magagawa ko nang mailigtas ang ibang glitches dito. Hindi ko rin masasabi sa 'yo kung nasaan kami mismo dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Pero huwag mo na rin i-trace kung nasaan kami. Mapapahamak si Ate Minute kapag sumugod kayo rito, aalis kaming dalawa ni Ate Minute dito." Tinutulungan siya ni Minute? Buong akala ko ay nagtaksil na sa amin ang babaeng iyon ngunit heto siya... inaalagaan niya ang kapatid ko.

"Umuwi ka nang ligtas, Jason, please lang." pinahid ko ang luha ko. Hearing his energetic voice gave me life and hope.

"Huwag ka nang umiyak, ate. Uuwi ako diyan. Huwag kang mag-alala. Sige na, ate, hindi ako puwedeng tumawag ng matagal. Mapapahamak si ate Minute. B'bye na! Ingat ka palagi ate."

"Jaso—" naputol na ang tawag at napaiyak ako. Inabot ko kay Claire ang cellphone niya.

"Claire maayos ang kalagayan ni Jason, maayos ang kalagayan ng kapatid ko!" Mahigpit kong niyakap si Claire.

"Simula nang nakalaban ko si Minute sa Fladus Academy ay nagkaroon kami ng contact sa isa't isa. Ibinilin ko sa kanya na alagaan niya ang kapatid mo."

"Claire... salamat."

"Iyon lang ang magagawa ko para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman mo, Jamie." Ngumiti sa akin si Claire. "Dapat ay matagal ko nang ipakakausap sa 'yo si Jason ngunit alam kong galit ka pa noong mga panahong iyon kung kaya't natakot akong lapitan ka. Magtiwala ka kay Minute."

"Teddy, kaya mo bang i-trac—"

"Jamie, kung ite-trace ko 'yon mapapahamak si Minute maging ang kapatid mo," sabi ni Teddy. "Kalma lang gago. Hawak ng Black Organization ang pamilya ni Minute kung kaya't nagawa niyang magtaksil sa atin at sa oras na mabawi niya ang pamilya niya ay babalik dito si Minute kasama si Jason. Magtiwala ka kay Minute... she's still part of Class Zero."

Hindi ko alam ang bagay na iyon. Mabigat pala ang problema ni Minute lalo na't pamilya niya ang nakataya sa labang ito.

"Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko lalo na't nalaman kong ayos ang kapatid ko." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Jason is fixing hiw own problems, dapat ay ganoon din ang gawin mo. Kailangan mo pang mag-sorry kay Ace, 'di ba?" Tanong ni Teddy sa akin. "Mag-sorry ka sa mga nasaktan mo, Jamie. Tandaan mo, hindi kami ang kalaban mo sa labang ito. Kakampi mo kami."

"Tsaka ang hirap kaya nang may kaaway!" Claire said. "Ang bigat sa pakiramdam. Sana ay magkaayos na kayo ni Ace. Nami-miss ko na ang Class Zero na palaging nakatawa." Dugtong pa ni Claire.

Wow. She's really an angel.

***

NOONG sumunod na araw ay tinangka kong kausapin si Ace. Sabi sa akin ni Mild ay nasa mall daw ngayon si Ace malapit sa school dahil kailangan nitong bumili ng gamit para sa gagamitin niya sa next content sa vlog niya.

Ilang minuto din akong nag-ikot bago ko makita si Ace na nakatambaybsa isang coffee shop. He looked so uncomfortable dahil may mga babaeng kumukuha ng litrato sa kanya at panay ang tingin sa kanya kung kaya't hindi siya makakain ng maayos.

I thought he love attention?

Naglakad ako papalapit kay Ace. He saw me and he raised his hand. "Babe nandiyan ka na pala!" Tawag niya sa akin.

Babe?

At tsaka, akala ko ba galit na galit 'to sa akin sabi ni Teddy?

"Anong babe?" Umupo ako sa kanyang tapat.

Hindi nawawala ang ngiti ni Ace habang kausap ako. "Maki-ride ka na lang Jamie, para tantanan na ako nang mga tao rito." Bulong niya.

Okay, he is not mad. Kung may lesson man akong natutunan ngayong araw... iyon ay ang huwag magtiwala kay Teddy.

Imposible na talagang magkasama silang dalawa ni Claire sa langit. Laking sinungaling, eh.

"Sorry babe kung natagalan ako. Kakatapos lang ng klase ko." I said to him. Mukhang effective naman dahil natigilan na rin 'yong mga babae sa paglalit sa kanya at pagkuha nh litrato.

"Anong gusto mo, babe? order-in ko para sa 'yo. My treat."

Tiningnan ko ang menu ng starbucks na tanaw mula rito sa inuupuan namin. "Gusto ko ng cheesecake with strawberry syrup tapos dark mocha, venti then pa-add ng mint. Tapos chocolate cake." Sabi ko. Libre daw, eh.

Lumapit si Ace at ngumiti ulit sa akin. Nagsalita si Ace habang nakangiti. "Ang mahal naman ng gusto mo, um-order ka ng mas mura, wala akong pera." Mahinang bulong niya.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Sabi mo sagot mo, eh. Order-in mo na, mapapahiya ka sa nga fans mo, sige ka."

"Hayop ka. Magkaibigan talaga kayo ni Mild, parehas buraot." Tumayo si Ace para um-order.

After Ace ordered ay nag-usap na kaming dalawa ng mas seryoso. Ang una kong ginawa ay humingi ako ng sorry sa kanya tungkol sa naging sagutan naming dalawa.

"Kalimutan mo na 'yon. Atleast alam mo na ngayong may mali ka that day. Sorry din kung nasigawan kita." Sabi ni Ace sa akin.

"Hindi ko na hahayaan na mauna ang emosyon ko sa pagkakataong ito..."

"Nawawalan ka ng kontrol sa kapangyarihan mo?" Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong pinagsasabihan tungkol dito. "Nasabi na sa amin ni Jessica. Mukha man kaming walang pakialam pero binabantayan ka naming lahat, Jamie. Delikado ang nangyaring iyon sa 'yo dahil sa oras na mawalan ka ng kontrol sa kakayahan mo ay magiging isa kang lawbreaker."

"Yeah, it was terrifying experience." Pag-amin ko. Muntik ko nang mapatay si Nick noon. At naririnig ko rin lahat ng iniisip ng mga tao sa paligid ko kahit hindi ko gustong basahin ang iniisip nila.

"It's good to know that you are back on track. Si Seven ang pinaka nag-alala sa amin para sa 'yo. Isa-isa pa siyang nag-sorry sa amin nila Claire para lang sabihin na intindihin ka. He is really worried about your situation." Paliwanag ni Ace sa akin. "Humarap ka sa classroom ngayon ng may ngiti sa labi mo. Na-miss ng buong klase 'yan tsaka para mawala na 'yong pag-aalala nila sa 'yo."

Matapos namin kumain ay nagkaroon kami ng meeting sa classroom namin. Nandito ang lahat ng kaklase ko maging si Sir Joseph.

Nakatayo ako sa harap nila at isa-isa silang tiningnan. "Gusto ko lang humingi nang tawag sa naging ugali ko nitong mga nakaraang araw. Marami sa inyo ay nasaktan ko thru my words and sorry for that."

Ngumiti sina Teddy sa akin. Napabaling ang tingin ko kay Seven na nakangiti sa akin. "Pasensiya na kung pinag-alala ko kayo. I am back."

Tumayo si Mild at mahigpit akong niyakap. "Jamie na-miss kita" umiiyak na sabi ni Mild. "Huwag mo na akong pag-aalahanin ng ganoon."

Lumapit din sa akin si Kiryu at yumakap. "Na-miss ko 'yong mga binibigay mong pochi, Jamie."

Isa-isa nang lumapit ang buong Class Zero ar mahigpit akong niyakap.

Napatingin ako kay Seven. "Welcome back." He mouthed and I smiled to him ar ginulo niya ang buhok ko.

"We are Class Zero..." Sir Joseph said at napatingin kami sa kanya.

Inilatag niya ang kamay niya at isa-isa naming pinatong ang aming mga kamay.

"We are family." We shouted in unison.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top