Chapter 93: Monsters
MATA sa mata kong tinitingnan si Nick, nanginginig din ang aking labi sa galit. Maraming estudyante ang napatingin sa direksyon naming dalawa. "Tanggalin mo 'yong mga poster." I said.
He smirked. "Bakit? Will you show the monster inside? You are not a normal student, Jamie. Mga halimaw kayo sa Class Zero." He said at mas lalo akong nainis kay Nick. Alam kong inggitnsiya dahil nasa Class Zero kami pero hindi ko alam na magagawa niya ang ganitong bagay.
Tiningnan ko siya ng mata sa mata. Kung hindi ko siya madadaanan sa matinong pakiusap, I will use my ability to this stupid asshole. "What if the whole Philippines knew about you? That you are no ordinary students... nakakatakot kayo."
Inilapit ko ang mukha ni Nick sa akin. His smirked doesnt fade.
Halimaw.
One word pero bilang isang glitch ng society ay napakasakit itong marinig mula sa mga normal na tao. Hindi namin hiniling na maging ganito kami.
"Bawiin mo ang sinabi mo Nick hanggang may pagkakataon ka pa,"
"Why would I? Halima—"
"Tumalon ko sa thir—" hindi ko na naituloy ang aking sinasabi noong dumatin si Jessica at tinakpan ang mata ni Nick.
"Okay guys, tapos na ang palabas. Wala ba kayong mga klase? Inuuna ninyo pa tsismis tapos magtataka kayo kapag may bagsak kayo," sigaw niya sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. "Go, pasok na kayo sa mga room ninyo!"
"G-Girl mauna na kami sa klase, hintayin ka namin." Sabi ni Aris at naglakad na silang dalawa ni Diana.
Napabitaw ako kay Nick at napahinga ng malalim. Did I just wish Nick to die?
Seryoso akong tiningnan ni Jessica at inalis niya ang pagkakatakip sa mata ni Nick. "Oh, another monster is here." He said.
"Oh, may feeling matalino na nagmamagaling na naman." Ganti ni Jessica at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay para mapakalma ako. "You know what, Nick, you are just good in solving math. Pero tanga ka sa lahat ng aspeto. Akala mo makakapasok ka sa Class Zero sa panlalaglag mo sa amin? Asa ka."
Nawala ang ngisi sa labi ni Nick at napalitan ng inis na ekspresyon. "You will regret na binangga mo ang Class Zero, Nick. Baka makita mo ang kapangyarihan ng sinasabi mong mga halimaw..." lumapit ang mukha ni Jessica sa tainga ni Nick. "Maihi ka sa takot. Have fun sharing fake news, it describe your whole personality— fake."
Hinatak na ako ni Jessica papaakyat sa rooftop. Kaming dalawa lang ang tao ngayon dito.
"Jamie, you almost kill someone," bungad ni Jessica sa akin.
"Nadala lang ako ng galit ko. Inuulit-ulit niya na halimaw tayo—"
"Jamie, hanggang kailan ka madadala ng emosyon mo? Lagi na lang bang ganito?" Nabato ako sa sinabi ni Jessica. She seriously looked into my eyes. "Okay, I get it na nag-aalala ka sa kapatid mo pero huwag mong ibuntong sa lahat ng tao ang frustrations mo. Kakampi mo kami, if you want to save your brother, ganoon din kami."
Natahimik ako sa sinabi ni Jessica. Mahigpit niya akong niyakap. "Huwag mo na ulit gagawin iyon, okay? You almost kill someone na hindi naman lawbreaker."
I slowly nodded.
"P-Pero paano niya nalaman ang tungkol sa atin?" Tanong ko.
Bumitaw sa pagkakayakap si Jessica. "Hindi ko rin alam. Paniguradong inaalam na iyon nila Sir Joseph ngayon. Pero Jamie... nakakatakot ka kanina,"
"Sorry."
"No. I mean... naramdaman ko ang mahika mo kahit malayo ako. Nagmadali akong pumunta rito sa College of Science... it feels like... natatapon ang mahika sa katawan mo, nawawalan ka ng kontrol."
Naalala ko ang mga nangyari kanina. "P-Parang ganoon nga ang nangyari kanina. Nababasa ko agad ang tumatakbo sa isip ng isang tao kapag nagkatitigan kami sa mata kahit ayoko. Noong nabasa ko yung poster... galit na galit ako... tapos, narinig ko ang iniisip ng lahat ng tao kahit ilang segundo ko lang silang nakatitigan." Paliwanag ko kay Jessica.
"Nawawalan ka na ng kontrol sa kapangyarihan mo dahil sa emosyon mo, Jamie. Things will be harder for you kung magpapatuloy ka sa ganyang sitwasyon." Tiningnan ni Jessica ang kanyang cellphone noong may mag-text sa kanya. "Pinapatawag tayo ni Sir Joseph sa classroom. Halika na."
***
"TANGINA noong linta na 'yon, kababalik ko lang sa Merton Academy ay binibigyan agad ako ng sakit sa ulo." Wika ni Ace habang nasa classroom kaming lahat.
"Halimaw daw tayo?!" Reklamo naman ni Teddy. "Siya nga pangit pero hindi ko naman pinagkalat sa buong campus."
For the first time, ngayon lang ako nakaramdam ng awkwardness dito sa classroom na ito. I am not in good terms with Teddy, Claire, and Ace. Hindi ko nga sila magawang tingnan sa mata. Pakiramdam ko ay outcast ako ngayon dito sa Class Zero.
Pumasok si Sir Joseph sa classroom at napabalik kami sa kanya-kanya naming upuan. "Siguro naman ay nakarating na sa inyo ang balita na kumakalat ngayon sa Merton..." panimula ni Sir.
"Yes, Sir," sagot namin.
Umaakto man kaming matatag ngayon pero sa totoo lang ay nasaktan kami sa kung anong nakasulat sa Poster. We save them secretly, pinoprotektahan namin sila pero tinawag lang nila kaming mga halimaw. They rubbed into our face that we are just a glitch in the society.
"Inutusan ko si Kiryu na alamin kung paano kumalat ang ganoong balita, and we found this," kinuha ni Sir ang isang recorder mula sa kanyang bulsa. "Nasa ilalim ng table ni Ace, naka-tape."
Napatingin kaming lahat kay Sir. "Nagba-vlog ako pero hindi ako patagong maglalagay ng recorder. At isa pa, bakit ko tutulungan ang lintang 'yon?"
"Defensive mo gago, wala pa naman kaming sinasabi." Sabat ni Teddy
"Tapos kapag hindi ako nagsalita, guilty? Nagpapaliwanag lang."
"Naisip namin ni Kiryu, ang dalas nating wala rito sa Merton Academy noong mga nakaraang araw kung kaya't baka pumuslit si Nick para ilagay ito sa classroom natin. Desidido siyang malaman kung ano ang ginagawa natin sa Class Zero." Paliwanag ni Sir.
"May mga na-record bang mahahalagang impormasyon?" Tanong ni Seven.
"Lahat ay patungkol sa misyon at sa kapangyarihan ninyo." Sabi ni Sir Joseph.
"Why don'we just eliminate him?" Mild asked. "I mean, he is being so nosy about our business."
"Bakit hindi natin sakyan ang trip niya para inisin ang gago?" Tanong ni Teddy. "Ang nakalagay lang naman sa poster ay mga halimaw tayo... then let's dress up as a monster." He suggested.
"Yeah, para isipin ng mga estudyante sa Merton Academy na event lang ito." Sabi naman ni Kiryu. "Killing him won't solve anything. At baka may impormasyon tayong mapiga sa kanya."
"Baka may nagsabi sa kanya patungkol sa pinag-uusapan natin dito sa Class Zero. Naging curious siya, eh." Sabi naman ni Kiran.
"Kaya ninyo bang i-handle ang sitwasyon?" Tanong ni Sir Joseph. "Jamie, Claire, at Teddy. Do an interrogation with Nick, baka sakaling may makuha kayong impormasyon."
"I can do it alone, Sir," Sabi ni Teddy.
"This is an order." That is the last thing that Sir Joseph said at naglakad na siya papalabas ng classroom.
Nagkatinginan kami nila Teddy ngunit mabilis din kaming nag-iwas nang tingin.
***
WE followed Teddy's advice na magsuot ng scary costume at mag-ikot-ikot sa campus. Namimigay kami ng mga candies and snacks sa mga estudyanteng nadadaanan namin.
"Te, anong trip 'to, ang layo pa ng Halloween." Sabi ni Aris. "Pero infairness, ang ganda nitong naisip ninyong pakulo kasi super stress ang mga estudyante sa mga exams." Puri sa akin ni Aris.
Lahat ng estudyante ngayon sa Merton ay iniisip na isa lang itong trip nang Class Zero at connected ito sa Poster na kumalat kaninang umaga. Mas okay na rin na ganoon ang isipin nila. Hindi pa rin puwedeng kumalat ang tungkol sa aming mga glitches.
Napatigil kami ni Mild sa pag-aabot ng mga candies noong lumapit si Nick sa amin. "Anong ginagawa ninyo?!" Sigaw niya.
"Trick or treat," inabutan ko siya ng ilang candies. "Ang hilig mong sumigaw sa hallway, tatakbo ka pa naman Student Council President.
Itinapon ni Nick sa sahig ang candy. "Hey guys!" He shouted at napukaw niya na naman ang atensyon ng mga estudyante na naglalakad. "This people are all monster! Mga engkanto 'yan! May mga kapangyarihan 'yan! They are all monsters!"
"We are monsters." Mild said. "Thank you for appreciating our costumes. Tsaka para kang tanga, anong engkanto? Third year college ka na naniniwala ka pa rin sa ganoon. Gising, bata." Tumawa ang mga estudyante rito.
Napahiya si Nick at masama kaming tiningnan. "Maghintay lang kayo! Papatunayan ko na mga halimaw kayo!" He shouted at naglakad paalis.
"Luwag ng turnilyo no'n sa utak." Naiilig na sabi ni Mild.
"P-Pero Mild, hindi ka ba nasaktan sa mga sinasabi niya?"
"Ha?" Inabutan niya ng candy ang isang estudyante. "Nasaktan, siyempre. Pero hindi naman ako halimaw, glitch ako. Ang laki nang pagkakaiba noong dalawa." She stated. "Kakausapin ninyo naman siya nila Teddy, 'di ba? Takutin mo 'yong gago."
Napayuko ako. "H-Hindi ko alam kung paano ko haharapin sina Teddy. Nagkasagutan kami sa facility noong nakaraan."
"Just say sorry to them kung ikaw ang nagkamali," ngumiti si Mild sa akin. "Si Teddy 'yong tipo ng tao na panandaliang naiinis pero nawawala din naman ang galit agad no'n. Si Claire naman... jusko! Si Claire pa ba? VIP na sa langit 'yon."
Napangiti ako kay Mild. "Ayan ngumiti ka na ulit," Mild said and pinched my cheeks. "We can save, Jason, okay? Ang problema mo ay problema din namin. We are Class Zero..."
Naiyak ako sa sinabi ni Mild. "We are family."
"OMG! Bakla ka ng taon, huwag ka dito umiyak. Baka isipin nila binu-bully kita. Magbigay na nga lang tayo ng candies sa mga estudyante." She said.
***
KINAGABIHAN ay nakabantay kami nila Teddy sa may hallway ng College of Science. May 5-8PM class pa si Nick kung kaya't ngayon pang namin magagawa ang bagay na ito.
"Claire puwede ko bang suntukin ng walo 'yong gago na 'yon?" Tanong ni Teddy.
"Teddy bear!"
"Oo na hindi na. Tangina talaga no'n, eh." Bumaling ang tingin sa akin ni Teddy. "Jamie, gamitin mo ang ability mo para mapaamin si Nick sa kung saan niya nakuha ang impormasyon tungkol sa atin."
"Teddy sorry tungkol sa kahapon..." nahihiya kong sabi.
"Ah, iyon ba? Wala na 'yon. Tapos na 'yon. Mamaya na natin pag-usapan 'yan, focus muna tayo kay Linta boy." Paliwanag ni Teddy.
May mga estudyante ng lumalabas mula sa hallway ng College of Science. "Nakita ko na siya." Sabi ni Claire.
"Claire pabilisin mo ang kilos ko," sabi ni Teddy. "Kapag nadaan sila sa madilim na bahagi. Iyak 'tong gagong 'to."
Claire casted a spell on Teddy's feet.
We waited na madaan sila sa mapunong bahagi ng CS. "Ngayon na, Teddy." Bulong ko at naglaho si Teddy sa tabi ko.
Sa isang iglap lang ay nasa tabi na namin si Nick habang takip-takip niya ang bibig ni Nick upang hindi makagawa ng ingay.
"Dadalahin ko 'tong si linta boy sa storage room ng CS. Sumunod na lang kayo." Naglaho muli si Teddy kasama si Nick.
Naglakad kaming dalawa ni Claire patungo sa storage room.
"Claire... sorry." Sabi ko sa kanya. "Tama si Ace, na-invalidate ko nga 'yong ginawa ninyo sa Fladus Academy dahil sa pag-aalala ko sa kapatid ko."
"Sorry din." Claire said. "Ibinilin mo sa akin ang kapatid mo pero bigo akong protektahan siya."
"Claire... hindi ganoon 'yon. Ako ang mali. Nasigawan kita."
Naiyak si Claire at yumakap sa akin. "Jamie, huwag ka nang magagalit sa akin ng ganoon. Ayokong nagkakaroon ako ng kaaway na malapit kong kaibigan."
She's really an angel and a very fragile person.
"Hindi na mauulit iyon." Nakangiti kong sabi.
"May sasabihin ako sa 'yo pero unahin muna natin itong si Nick." Sabi ni Claire sa akin.
Pumasok kami sa storage room at nakatali na si Nick sa upuan.
"Alam ninyo, ang tagal ninyo." Reklamo ni Teddy.
"Sabi ko na nga ba! Mga halimaw kayo!" Nick shouted. "Kailangan malaman 'to ng buong Merton... mga salot kayo sa lipunang ito!"
"Coming from you talaga, ha!" Binatukan siya ni Teddy. "If we are really a monsters... we can kill you here kung hindi ka makikipagtulungan sa amin."
"Jamie," sabi ni Claire at naglakad ako sa harap ni Nick.
"Halimaw ka... sinasabi ko na nga ba! You are not even smart para makapasok sa Class Zero! You are just a monster!" He shouted angrily.
"I am not smart but I am more human than you." I smiled at tiningnan siya ng mata sa mata. "Paano mo nalaman ang tungkol sa totoong ginagawa ng Class Zero?" Tanong ko.
"May nagsabi sa akin na isang tao na makakapasok ako sa Class Zero kapag isiniwalat ko ang katotohanan." He looked shock sa kung ano ang lumabas sa bibig niya. "What the fuck! Why did I say that! P-Pinilit mo akong sabihin iyon, 'no? Mga halimaw talaga kayo!"
"Sino ang taong 'yon."
"Isang bulag na babae." Si Edel. "Ang sabi niya ay tutulungan niya akong makapasok sa Class Zero kapalit ng ilang impormasyon."
"At anong impormasyon ang ibinigay mo sa kanya?"
"Patungkol sa competition na ginanap sa arena. Ang sabi niya ay tutulungan niya akong magkaroon ng kapangyarihan para makapasok sa Class Zero."
"I-Ikaw ang nagsabi ng impormasyon na iyon?!" Kinuwelyuhan ko muli si Nick. "Alam mo bang ang daming buhay ang nawala dahil sa ginawa mo?! Dahil pang sa pagiging makasarili mo ay ilang daang tao ang naglaho!"
"You are calling as a monster but you want to be one. Utak patis ka rin, eh, 'no?" Naiiling na sabi ni Teddy.
"Nasasabi ninyo 'yan kasi parte kayo ng Class Zero! Hindi ninyo alam ang nararam—"
"Ulol. Hindi ka magiging parte ng Class Zero. Hanggang pangarap na lang 'yan. Tarantadong 'to!" Sigaw ni Teddy.
"Teddy!" Suway sa kanya ni Claire.
"Opo, hindi na nga po magmumura." He said. "Alam niya ba kung nasaan ang Black Organization?" Tanong ni Teddy.
Tiningnan ko ulit sa mata si Nick kahit sukang-sula na ako sa pagmumukha niya. "Hindi. Uutusan ko na lang siya na kalimutan ang lahat ng nangyari sa buong sem na ito." Sabi ko.
"Oo para na rin sa safety ng buong society." Sabi ni Teddy at yon ang aking ginawa.
Inutusan ko si Nick na kalimutan anh mga nangyari sa buong sem at iniwan namin siya sa tapat ng hallway ng CS. He looked so dumbfounded dahil hindi niya alam kung bakit siya nandoon.
Nakaupo kami nina Claire at Teddy sa bench sa tapat ng field at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
"Hindi na kayo galit sa akin?" Tanong ko sa dalawa.
Teddy smirked. "Bobo ka ba? Bakit naman ako magagalit sa 'yo? E'di hindi na natin nagawa 'yong cool moves natin kapag nasa labanan tayo." Nakipag-fistbump sa akin si Teddy.
"Tsaka tama si Seven, emosyonal ka pa noong panahong iyon. Ang inconsiderate ko rin sa part na 'yon. Alam ko feeling mo bigo ka bilang kapatid kay Jason, hindi namin maiintindihan ang sakit na 'yon dahil hindi namin ito nae-experience first-hand. Sorry din." Paliwanag ni Teddy at naiyak muli ako. "Putangina naman, mag-iiyakan na naman ba tayo dito? Awat na huy."
"What did I do to deserved this kind of friends?" Niyakap ko silang dalawa.
"Actually pinaplastik ka lang namin since last sem—" hinampas ko sa braso si Teddy. "Aray ko, ha! You treat as your family Jamie, ganoon lang din kami sa 'yo. You deserve us because we deserve you. Ha? Ang gulo ng logic ko, basta puta kaibigan ka namin."
Naputol ang pinag-uusapan namin noong may tumawag kay Claire. Tumingin si Claire sa cellphone niya at ngumiti sa akin. "Jamie, may isa pang tao ang gustong kumausap sa 'yo."
Inabot sa akin ni Claire ang cellphone niya.
Minute calling...
"Bakit may number ka pa rin nito?" Tanong ko kay Claire.
"Sagutin mo na lang. ikakapanatag ng loob mo 'yan." Claire said and I accepted the call.
"Ate!"
Isang salita lang pero alam ko kung kanino nanggaling iyon. Jason is still alive.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top