Chapter 91: Tears with Pain

NATAPOS ang labanan dito sa Fladus Academy, tuluyan na naming naubos ang mga sumugod na Lawbreakers. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong makapaban muli si Edel at sa wakas, nabigyan ko na nang katarungan ang mga kaibigan kong naglaho.

Nag-iwan ng malaking pinsala sa buong lugar ang laban sa pagitan sa lawbreakers, maraming nasawi dahil sa nangyari, but I am glad that we are able to kill Edel... tatlong miyembro na lang ng Black Organization ang kailangan naming puksqin upang maibalik ang katahimikan sa mundong ito.

"Jamie," tawag sa akin ni Claire kung kaya't lumapit ako sa kanya. "Gagamutin ko ang mga sugat mo." Sabi niya at itinapat ang kanyang kamay sa mga sugat ko sa braso.

"Kumusta si Ace?" Tanong ko.

Malaki ang naging papel ni Ace sa labanang ito. Hindi bumitaw si Ace hangga't walang tulong na dumadating, he is willing to sacrifice himself para lang masigurado ang kaligtasan ng nakakarami. I am really glad that he is safe, the whole Class Zero needs him.

"Mukhang matatagalan pa bago siya magising," pag-amin ni Claire. "Nakipaglaban siya mag-isa kay Edel para maiwasan ang malalaking pinsala."

"Claire, naalala mo 'yong sinabi mo na hindi ka na magtatago sa likod namin?" Napatigil si Claire panandalian sa paggamot sa akin. "You really did. Lumaban ka this time, Claire." I hugged Claire.

Ilang segundo lamang ay narinig ko na ang mahihinang hikbi ni Claire. "S-Sa totoo lang ay natakot ako Jamie. Pero nawawala ang takot kong iyon sa tuwing naiisip ko na gusto ko kayong protektahan. Ayoko nang may maglahong glitch sa mundong ito."

This is really hard for Claire.

Lumapit sa amin si Teddy at naglapag ng dalawang bottled water. "Maya-maya lamang ay papatigilin na ang devil hour. Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Teddy.

"Ayos lang. salamat Teddy at tinulungan mo ako," sabi ko sa kanya.

"Gago. Nakita mo naman na hindi ako makakapanakit physically sa ability ko. All I can do is to support you guys. You really did a great job, Jamie." Sabi ni Teddy. "Although, mahigit tatlong daang tao ang naglaho sa labanang ito."

Nalungkot ako sa balita ni Teddy. Mahigit tatlong daang tao ang nadamay sa gulong ito, tatlong daang tao ang naglaho, tatlong daang tao ang hindi na maaalala ng mga mahal nila sa buhay. Nabura na lang sila sa mundong ito na parang hindi sila nag-exist.

"Anong nangyari sa mga batang glitches?" Tanong ko kay Teddy at tumayo ako. Mas maayos ko na ring naigalaw ang braso ko dahil sa panggagamot ni Claire dito.

"Lahat nang nailigtas na glitches ay nasa faculty room ng mga teachers. Pupunta ka?" Tanong ni Teddy.

"Kailangan kong i-check si Jason,"

"Sige. Kakausapin din namin sina Sir Joseph kung ano ang naging sitwasyon dito sa Fladus Academy," paliwanag sa akin ni Teddy. "Pupunta rito sina Seven para masigurado na ligtas tayo. Pero knowing Seven, sisiguraduhin niya lang na ligtas ka. Hayop 'yon, eh."

Napangiti ako sa sinabi ni Teddy. Naglakad na ako kasama si Topher papunta sa faculty room.

Hindi man namin kaklase si Topher, but he really did a great job for this battle. He is the leader of Sahandra Academy, hindi siya natakot kahit si Edel ang katapat niya.

"Nakausap ko ang adviser ng mga glitches dito kanina," Topher said habang diretsong nakatingin sa dinadaanan namin. "May mga batang glitch na nakuha ang Black Organization. They tried to save as many as they can."

"Nasabi na rin sa akin ni Claire ito. Pero ang hindi mawala sa isip ko... sumugod ang Black Organization dito na alam nilang nasa Bulacan ang lahat ng glitches. Alam nilang mahina ang depensa ng Fladus Academy in this period at ginamit nila itong pagkakataon para makuha ang mga batang glitches." Paliwanag ko sa kanya.

"Maybe, someone leaked the information about the competition." Sabi ni Topher. "Baka naman alam lang din ng Black Organization, hindi naman isang sikretong impormasyon ang competition na iyon."

Lumiko kami sa isang pasilyo at siya ang nagbukas ng faculty room. Malaki ang silid na ito at naririnig ko sa paligid ang mahihinang hikbi ng mga glitches. Lahat sila ay takot na takot sa nangyari. They are pretty young to experience this thing kung kaya't hindi ko maiwasang maawa sa kanila.

Agad kong hinanap si Jason sa loob ng silid.

"Kuya!" Isang boses ng batang babae ang narinig ko at yumakap ito kay Topher.

"Tricia!" Ito ang unang beses na nakita ko na nagbago ang ekspresyon ni Topher. He really cared about his sister.

Hindi ako tumigil sa paghahanap kay Jason, inikot-ikot ko ang tingin ko sa paligid ngunit kahit anino ni Jason ay hindi ko nakita. Lumapit na ako kay Sir Warren para magtanong...

"Sir, nasaan si Jason?" I asked.

Hindi sumagot si Sir Warren at nanatili itong tahimik. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi, may kaba na gumapang sa buong katawan ko dahil sa pananahimik ni Sir. "S-Sir, nasaan po si Jason? Ligtas naman siya 'di ba? Hindi naman siya nadamay sa gulong ito 'di ba?"

Nabigla ako noong biglang lumuhod si Sir Warren sa harap ko. Lahat ng mga tao sa faculty ay napatingin sa aming dalawa. "P-Pasensiya na Jamie... sorry..."

May luhang namuo sa aking mata at nanginginig na ang ibabang labi ko dahil sa kaba. "A-Ayos lang naman po ang kapatid ko, hindi ba? Nagawa ko pong mapatay si Edel, alam kong ligtas lang si Jason."

"Bigo akong mailigtas ang kapatid mo... Jamie," nakayukong sabi ni Sir Warren habang nakaluhod sa aking harap.

Sa isang iglap, huminto ang takbo ng mundo ko. "Sir... hindi 'to magandang biro..."

"He is one of the glitches that was abducted by Black Organization," sa sinabing iyon ni Sir Warren ay napaupo na lang ako sa sahig at napahagulgol nang iyak.

Hawak na ng Black Organization ang kapatid ko... isang bagay na kinatatakutan kong mangyari.

This is the reason why I don't want him to be involve in this war... hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

"Sir! Teacher ka niya!" Kinuwelyuhan ko si Sir Warren at walang tigil ang mga luha na pumapatak mula sa aking mata. "It's your duty to protect all the glitches here in your school! Bakit hinayaan ninyo mangyari ang bagay na iyon kay Jason!" Malakas kong sigaw sa kanya.

Hinatak ako ni Topher at inilayo kay Sir Warren. "Jamie, calm down..."

"Calm down?!" Tinulak ko si Topher at pinahid ang luha sa aking mata. "Nasasabi mo 'yan kasi ligtas ang kapatid mo! P-Pero paano ako Topher? Hindi ko alam ang mangyayari kay Jason sa kamay ng Black Organization! Paano kapag nalaman nilang kapatid ko si Jason..." nanlambot ang tuhod ko at nawalan na ako ng lakas na makatayo. "I-Iligtas na natin ang kapatid ko... kailangan ako ni Jason!" Sigaw ko.

"Jamie... Iniligtas ko si Jason, siya ang unang glitch na niligtas ko." Paliwanag ni Sir Warren.

"Pero bakit nasa kamay siya ng Black Organization kung totoong iniligtas mo siya?!"

"Your brother insisted na ililigtas niya ang mga kaibigan niyang kinuha ng Black Organization. Hindi siya basta-basta nakuha ng Black Organization... nagpakuha talaga siya rito para matulungan ang mga kai—"

"E'di sana pinigilan mo sir!" Napasabunot ako sa aking buhok. Napu-frustrate na ako, para akong mababaliwnsa kakaisip sa kalagayan ng kapatid ko. "Sana... pinigilan mo, Sir! Walang pang kapangyarihan si Jason, how can he save his friends? At isa pa... nandito naman kami... we can risk our lives. Pero bakit si Jason? Bata pa ang kapatid ko, Sir!" Paliwanag ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

"P-Pasensiya na. Pero masakit din ang nangyari na iyon para sa akin, Jamie, walong estudyante ko ang nakuha ng—"

"Magsusumbatan ba tayong dalawa ngayon dito?!" Sigaw ko.

Naging tahimik ang mga sumunod na minuto at napaupo na lamang ako sa sahig habang yakap ang aking binti.

Paano ko ipaliliwanag kanila mama ang bagay na ito? I promised to them that I will protect Jason... pero ano 'to?

Nagawa ko nga ang trabaho ko bilang Class Zero pero bigo naman akong maging kapatid kay Jason.

"A-Anong nangya—" Mild opened the door kasunod si Claire at napako ang tingin nila sa akin. "Oh shit! Anong nangyari kay Jamie?"

Mahigpit akong niyakap ni Mild at inalalayang makatayo. "Mild... si Jason... si Jason..."

"S-Sir, ako na pong bahala kay Jamie," huling sabi ni Mild at inalalayan niya akong makalabas.

Pumunta kami sa clinic at pinaupo nila ako sa isang bakanteng kama. Bumalik na rin ang takbo ng oras at natapos na ang devil hour. Naayos na ang mga pasilidad na nasira at wala nang bakas ng labanan. Everything is back to normal... pero hindi bumalik dito ang kapatid ko.

Hindi nagsasalita si Mild, mahigpit lang siyang nakayakap sa akin. Ipinaparamdam niya sa akin na nandito lang siya para sa akin. A comfortable silence.

"Anong mangyayari sa kapatid ko sa kamay ng Black Organization?" Nakatingin lang ako sa kawalan habang walang tigil ang luha na dumadaloy mula sa aking mata. "Maglalagay din ba sila ng mahika sa katawan ng kapatid ko? Will they kill my brother if he disobey their orders?"

"Mababawi din natin si Jason," mas humigpit ang yakap ni Mild sa akin.

"Alam ninyo... isinugal ko ang buhay ko sa labanang ito. Sa nakaraang anim na buwan, lumaban ako para sa kaligtasan ng ibang tao," pinahid ko ang luha ko. "Pero sarili kong kapatid ay hindi ko nailigtas. Anong klaseng ate ako?"

"Jamie... sorry..." Claire suddenly talked at pinahid ang luha niya. "S-Sinubukan ko ring pigilan si Jason but he really insisted that he will save his friends. Sana pala ay kinulit ko siya na manatili na lan—"

"Sana nga, Claire! Sana ginawa mo!" Malakas kong sigaw. "Alam kong matigas ang ulo ng kapatid ko pero hindi niya pa alam ang ability niya! Anong magagawa niya sa pagsama niya sa Black Organization?! Sa tingin mo ba ay maililigtas niya ang mga kaibigan niya sa ganitong sitwasyon?!" Sigaw ko kay Claire. "Sagot, Claire!" Napaiyak muli ako. "Sana... pinigilan mo siya, 'di ba?"

"P-Pasensiya na." Claire said.

Napaiyak muli ako at napaupo sa kama.

"Gusto kong mapag-isa. Iwan ninyo muna ako." Sabi ko sa kanila. Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Jamie... ililigtas ko ang kapatid mo, kasalanan ko lah—"

"Claire... hayaan muna natin si Jamie. This is too much for her, let her cry." Sabi ni Mild at narinig ko ang pagsara mg clinic.

***

ILANG minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin tumitigil ang luha sa aking mata.

Dapat talaga ay hinayaan ko na lang manatili si Jason kanila Mama. Mas ligtas pa siya roon.

Nakikipaglaban ako para sa ibang tao pero sarili kong kapatid ay bigo akong mailigtas. World is so mean to me.

Bakit ba nila kinukuha lahat ng tao na malapit sa akin? Si Casey, si Roger, Si Vincent, Si Sir Hector, Si Girly... ngayon ay ang kapatid ko.

Lumalaban naman ako... ginagawa ko naman ang lahat para iligtas ang ibang tao. Pero bakit nangyayari sa akin 'to? Hindi ba mapapanatag ang loob ko na maliligtas ang buhay ng mga mahal ko sa buhay?

This fight is worthless if I can't save those people who have special place in my heart.

I hear the door opened again. "M-Mild, iwanan ninyo muna ako." pinahid ko ang luha sa aking mata.

Naramdaman kong may umupo sa kama pero hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatalukbong ng kumot. "Gusto kong mapag-isa mun—"

Niyakap ako ng taong ito kahit may kumot na nakatalukbong sa akin. "You did a great job, Jamie..." that voice... naiyak na naman ako noog marinig ang boses ni Seven. He came here.

Umiyak lang ako sa ilalim ng kumot. "Nasabi na sa akin ni Mild lahat. Mababawi natin si Jason, hindi natin hahayaan na maglaho ang kapatid mo."

"Madali para sa 'yo na sabihin ang bagay na iyan..."

"Madali para sa akin sabihin ang bagay na ito kasi gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para maibalik si Jason dito. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang ulit. I want you to feel better again." He said. Hindi ko man nakikita ang ekspresyon ngunit damang-dama ko ang bawat salitang binitawan niya.

"You can cry, Jamie..." nanginig muli ang labi ko at napahagulgol muli ako nang iyak. "This battle gave you too much pain. You can cry, but please, stand up stronger."

Umiyak lang ako sa likod ng kumot. Malakas na iyak. Mga luhang matagal ko nang itinatago, mga luha na may kasamang sakit.

Hindi ba puwedeng maging normal na tao na lang ako? Ayoko nang maiwan ng mahahalagang tao para sa akin.

"Jamie... nakausap ko ang mga kaibigan ni Jason... ang mga kaibigan niyang hindi glitch. They still remember Jason. The mere fact that they still remember your brother, he is still alive. We still have a chance to save him."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top