Chapter 90: The Final Play
ACE
THIS blind girl doesn't see me as her enemy. Pakiramdam ko ay para sa kanya ay hindi ako na isang kalaban na dapat niyang pag-aksayahan ng panahon. Ipapakita ko sa kan— oh damn, she's blind. Ipaparamdam ko sa kanya na isa rin akong miyembro ng Class Zero.
Nag-summon siya ng malalaking leon na gawa sa bato. "Wala ka bang bagong ipapakita sa akin?" Tanong ko, pinagdikit ko ang palad ko at kumislip ang kuryente mula rito. "Nakita ko na 'yan."
Sinuntok ko ang sahig at pinagapang ko ang kuryente sa sahig tungo sa kanyang direksyon. She jumped away to avoid it.
Ngumiti sa akin si Edel. "Mas masaya 'to kung si Jamie ang nandito ngayon pero sige... pagbibigyan ko ang hamon mo." Pinasugod niya ang dalawang malaking leon sa aking direksyon.
Masyadong mabilis ang kilos ng dalawang ito at nahirapan akong sundan ito nang tingin. Sinubukan akong atakihin noong isang leon at mabilis akong nakayuko ipang maiwasan ang matatalim nitong kuko. Nabigla ako noong sumulpot naman ang isang leon sa aking harap. Shit... It will be hard for me to do this alone.
Naglabas ako ng dagger upang masangga ang atake nito ngunit nagawa pa rin nitong masugatan ang braso ko. I grabbed it face at pinasabog ang ulo nito gamit ang kidlat. Kumalat ang debris ng bato sa buong paligid at gumulong ako papalayo at tumayo.
Pinagmasdan ko ang dugong lumalabas mula sa sugat ko. "Mababawasan na naman ang fans ko nito, kapag may nag-unsubscribe sa channel ko... yari ka talaga sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Kuya Ace!"
Akmang tatakbo muli ako patungo sa direksyon ni Edel ngunit isang boses ang nakakuha ng atensyon ko. Napalingon ako sa kanya— si Jason.
"Anong ginagawa mo rito?!" I ran toward his direction and avoided Edel's attack.
"A-Ayos ka lan—" hindi na natapos ang sinasabi ni Jason noong itinulak ko siya papalabas mg malaking classroom na ito.
"Jason, umalis ka na dito. I don't need your sympathy." I seriously said. Nasa dugo ba nila Jamie ang maging ganito kakulit?
Hindi ko gustong maging rude kay Jason lalo na't kapatid siya ni Jamie pero delikado siya sa ganitong sitwasyon. Okay, glitch din siya ng society pero hindi niya pa alam ang kapangyarihan niya.
Sumugod ang isang leon tungo sa aming direksyon. Tumakbo ako para salubungin ito at mataas na tumalon at sinipa ito sa mukha nito. Pinagapang ko ang kuryente sa katawan ko pababa sa aking paa. Lumipad ang leon pa-kanan at tumama sa pader. Nawasak ang pader at kitang-kita na mula rito ang gulo na nangyayari sa labas.
Sana lang ay ayos lang si Claire sa labas.
"Jason, tumakbo ka na," lumingon ako sa kanya pero bumaling din agad ang tingin ko kay Edel na nakaupo sa teacher's desk habang nakangiti. "Listen to me, para rin sa 'yo 'tong sinasabi ko sa 'yo."
"Pero paano ang mga kaibigan kong kinuha ng Black Organization?" Sigaw niya na saglit na nakapagpatigil sa akin. "Kuya Ace, sa 'yo na rin nanggaling kanina... sila ang kakampi ko sa labang ito! Hindi ko sila aabandonahin."
"Can you accept the fact that you can't save everyone asses?" I seriously said and inilabas ang pana ko at bumunot ako ng palaso. Itinutok ko ito kay Edel na nakaupo sa desk.
"Ha! Hanggang salita ka lang pala!" Sigaw niya sa akin. "Hindi kita iiwan dito! Hindi ko iiwan ang mga kaibigan ko!"
Edel clapped and smiled. "Oh! Kapatid ka pala ni Jamie! Kaibigan ako ng ate mo."
Binanat ko ang palaso at hindi nawawala ang focus ng mata ko kay Edel.
"Kapatid ka nga ni Jamie." Binitawan ko ang palaso at punagmasdan ko itong mabilis na bumubulusok sa direksyon ni Edel.
Pero bago pa man tumama ang pana kay Edel ay may malaking pader ma gawa sa bato ang humarang sa kanya kung kaya't hindi siya tinamaan. Lumikha ito nang pagsabog at nagkaroon ng makapal na usok sa paligid.
That's the plan.
Alam ko namang sasanggahin ito ni Edel. Hindi siya magpapapatay ng gano'n-gano'n lang. Gumawa lang talaga ako nang pagsabog para magkaroon ng usok sa paligid; Para mapatakbo ko si Jason papaalis.
Edel is a dangerous woman, she killed a lot of people already at alam kong hindi ito magbibigay ng awa kay Jason. Lalo na ngayon, alam niyang kapatid ni Jamie si Jason, she will be more interested to him.
"Umalis ka na dito, Jason. Kailangan mong masigurado ang kaligtasan mo para sa ate mo. Ako ang bahala rito... ililigtas ko rin ang mga kaibigan mo." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako tatakbo." Napalingon ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa paligid.
Naglakad ako papalapit sa kanya. "Jason tumakbo ka na. Hindi ito ang tamang oras para umalto ng ganyan. Alam mo ba ang mararamdaman ni Jamie sa oras na maglaho ka? Kagaya mo, may mga kaibigan din akong gustong iligtas... si Roger at si Girly... but I still failed. We can't save everyone."
That's the reality. At the end of the day, ililigtas namin ang kanya-kanya naming buhay. Ang mga naglaho ay naglaho na... hindi na mababago ang kapalarang iyon.
Unti-unting nawala ang usok at tinulak ko muli siya papalabas. "Run." I ordered him. I gave him an assuring smile. "Akong bahala sa mga kaibigan mo."
Mas madali para sa akin na makipaglaban kung wala akong taong dapat protektahan. I can move freely without thinking the safety of others.
Nabigla ako noong may tatlong tigre na gawa sa bato ang sumusugod tungo sa aking direksyon. "Takbo!" Sigaw ko.
Jason immediately stepped back. "Mag-iingat ka, Kuya Ace." He said.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako mamamatay dito. Kawawa ang nga fans ko." Hinarap ko ang mga tigre at tumakbo na papalayo si Jason.
Tumakbo ako sa isang tigre. Matatalim ang mga pangil nito at nanlilisik ang mga mata nito. Akmang kakagatin ako nito sa kaliwang braso ngunit mabilis akong nakayuko, I gave it a roundhouse kick and mabilis itong naglaho.
Kumuha ako ng palaso sa aking likod at pinana ang isang tigre.
Tangina, hindi naman itong mga gawa-gawa niyang halimaw ang kalaban ko. I need to kill Edel.
"You are not bas as my playmate." Tumayo si Edel at naglakad tungo sa aking direksyon. "Pero si Jamie talaga ang gustong kong makita na umiiyak at nahihirapan."
She snapped her finger.
"Kuya Ace!" Nabigla na lamang ako noong marinig ang sigaw ni Jason na nililipad ng isang malaking ibon kagaya ng nangyari sa ibang batang glitches
"Akala mo ba ay ikaw lang ang may kayang mag-divert ng attention ng kalaban mo? Habang nakikipaglaban ka sa mga tigre ay nag-summon ako ng ibon para mahabol ang kapatid ni Jamie." She said.
Tumakbo ako papalabas ng classroom at binalewala ang isang tigre na kumalmot sa aking balikat. Blood is scoming out from my body pero hindi ko iyon alintana.
Kailangan kong mailigtas si Jason. That's the least thing that I can do for Jamie... ilang beses na siyang umiyak dahil sa mga naglaho niyang kaibigan. I don't want it to happen again.
Itinaas ko ang aking kamay at unti-unting nagdilim ang buong paligid. This will consume a lot of magic pero wala na akong pakialam.
May mga kidlat na lumabas sa kalangitan para pataan ang mga ibon na nasa kalangitan.
Tumingin ako kay Jason. He is not begging for help, he is not crying, and he is not shouting for his despair. Nakatingin sa mata ko si Jason habang nakangisi.
This kid have a plan.
"Jason!" Malakas kong sigaw.
"Kuya! Pakiingatan si ate para sa akin! Babalik ako!" Sigaw niya at tuluyan na siyang papalipad papalayo hanggang sa hindi ko na matanaw ang ibon.
Bumaling ang tingin ko kay Edel. Masama ko siyang tiningnan habang tumatawa siya.
"Nakakatawa talaga kayong Class Zero!" She said while supressing her laugher.
"Tangina mo." Itinigil ko ang pagkontrol sa panahon at tumakbo tungo sa kanyang direksyon.
Sa totoo lang ay nanghihina na ako dahil sa daming dugo na lumalabas sa aking katawan, hindi rin ako mahi-heal ni Claire dahil nakikipaglaban siya sa mga lawbreakers na pumapasok sa paaralan. I am all by myself.
Kung mamatay man ako ngayon, sisiguraduhin kong isasama kong maglaho 'tong putangina na 'to.
"May lakas ka pa rin para makipaglaban," she said.
I slashed the tiger that she summoned at dire-diretsong tumakbo sa kanyang direksyon. Wala nang maramdaman ang dalawa kong kamay dahil sa mga sugat.
If it's numb already... then it's good, hindi ko na iintindihin ang sakit ng magiging mg sugat ko.
"Ibalik mo si Jason!" Malakas kong sigaw sa kanya. Naglabas si Edel ng isang spear.
The fact that nakakapagpabas siya ng mga armas... may servant of element na nakipag-compact sa kanya.
Malakas ang tumalon at akmang dadambahin siya ngunit mabilis niyang naharang spear niya. Binitawan ko ang dagger na hawak ko at kumapit sa spear niya. She don't expected my move and inipon ko muli ang puwera ko sa aking paa and gave her an axe kick.
I don't usually use my taekwondo skills in fighting and always rely on my magic pero ngayon... eto na lang ang mayroon ako dahil paubos na ang magic sa aking katawan.
Tumama sa ulo ni Edel ang sipa ko na mukhang hindi niya inasahan.
"I don't need my fucking weapon." I said to her and gave her another side kick.
May dugong lumabas sa bibig ni Edel pero imbes na matakot siya sa akin ay mas lalo pang lumakas ang tawa niya.
"Napaka-interesting ninyong Class Zero. Mukhang inipabas talaga ni Sir Joseph ang potential ng bawat isa sa inyo. Seseryosohon ko na rin ang labang ito."
Nabigla ako noong wala na sa aking harap si Edel, nasa likod ko na siya in just a split of second. Hinawakan niya ang sugat ko sa balikat at ibinaon ang kuko niya rito.
Malakas akong napasigaw sa sakit. Mas lalong lumakas ang pagdudugo nito.
Akmang lilikod ako sa kanya ngunit sinipa niya ako dahilan para mapatumba ako sa sahig.
Walang tigil ang paglabas ng dugo mula sa aking katawan. My vision became blurry.
"Ano kayang magiging reaksyon ni Jamie sa mga nangyayari ngayon? Her brother was abducted... tapos mawawalan pa siya ng isang kaibigan sa Class Zero."
Nilabas niya ang isang kutsilyo, pero noong makalapit si Edel sa akin ay mahigpit ko siyang niyakap at hindi ako bumitaw sa kanya.
"Subukan mo akong patayin... magpapakawala ako ng kuryente sa buong katawan ko." Seryoso kong bulong sa kanyang tenga at ngumisi. "I don't mind dying... isasama kitang maglaho."
I do mind dying... ayoko pang maglaho.
Ilang beses na sinubukan ni Edel ang pagkakapit ko sa kanya pero bigo siya. Hindi niya rin ako magawang saksakin. Hindi rin gusto ng babaeng ito na maglaho.
Nagdidilim na ang paningin ko dahil sa pagod at panghihina pero ayokong bumitiw. I trained hard for this, sinabi ko sa sarili ko na matatalo ko ang Black Organization... but if I can't, ibabaon ko kasama ng bangkay ko ang isa sa kanila.
"Ibalik mo Jas—"
Napatigil kaming parehas noong makarinig kami ng isang malakas na pagbagsak.
"Ace!" I heard Jamie's voice.
They came.
***
JAMIE
BUMAGSAK si Mild na nakaanyong Qilin sa lupa at agad kong nakita si Ace na duguan habang nakakapit kay Edel.
Nahirapan si Mild sa pagkontrol ng kanyang kapangyarihan pero isa ang sigurado... she's listening to me, mine alone. Para bang naiintindihan ako ni Mild kahit nahihirapan siyang makontrol ang kanyang kapangyarihan.
Everyone is doing their best.
"Ace!" Malakas kong sigaw at tumakbo tungo sa direkyon ni Edel. Binitawan niya si Ace at ngumiti ito sa akin.
Edel clapped her hand. "Jamie! Dumating ka! Ang boring kalaro ng kaibigan m—"
Hindi ko na pinatapos ang kanyang sinasabi noong inatake ko siya gamit ang aking dagger, nagawa man niya itong maiwasan ngunit nagkaroon ng malalim na sugat sa pinsgi ni Edel.
Hinawakan niya ang dugo sa kanyang pisngi. "Is that how you greet your friend?" She asked.
Hinawakan ko si Ace na ngayo'y naghahabol ng kanyang paghinga dahil sa pagod.
"A-Ace, huwag kang maglalaho!" Lumayo kaming dalawa kay Edel at hinayaan ko si Topher na magtayo ng mataas na yelong pader sa pagitan namin ni Edel.
She can destroy it easily but kailangan ko lang ng oras.
Lumabas ang Qilin at nakita kong nakikipaglaban ito sa mga lawbreakers.
"J-Jamie-girl... dumating ka." Ace said while crying. "Hindi na kita makita. Ang dilim na nang paningin ko."
"Ace!" Sigaw ko.
Nabigla ako noong lumabas si Teddy sa aking anino. "Huwag ka nang magtaka kung paano ako nakasunod sa 'yo. Nagtago ako sa anino mo sa buong biyahe mo papunta rito. Nag-aalala rin ako kay Claire." Seryosong sabi ni Teddy.
"Protect Ace, Jamie, hahanapin ko si Claire." Naglaho si Teddy at kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at inilagay ito sa balikat ni Ace.
Naliligo si Ace sa sarili niyang dugo. He fight hard para maprotektahan ang paaralang ito.
Kumapit siya hanggang sa dumating ang tulong.
"Topher, ikaw muna ang bahala!" Malakas kong sigaw habang nakikipaglaban si Topher sa mga hayop na sinummon ni Edel.
"Sige lang. 20 minutes. That Ice wall can stay for 20 minutes." He said at nagpatuloy sa pakikipaglaban.
"J-Jamie... hindi mo ba ako kakalimutan?" Ace asked. Hinawakan ko ang kanyang kamay at napaiyak ako habang nakikita siyang nahihirapan.
"Ace! Huwag kang magsalita ng ganyan! H-Hindi ka maglalaho... okay? Dadating si Claire. Huwag ka nang magsalita. Please." I said at napaiyak. Tumulo ang luha ko sa damit ni Ace.
"Huwag ninyo akong kakalimutan... ang dilim na Jamie... wala na akong makita." Ace cried too. "Ayokong maglaho... ayoko..." he admitted at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"H-Hindi ka maglalaho. Huminga kang malalim, Ace, you will be fine." Sabi ko sa kanya.
We are ready for this war... but we are not ready to die.
Maririnig sa paligid ang malalakas na ingay at pagsabog dahil sa pakikipaglaban ni Topher. Unti-unti nang nawawalan ng kulay si Ace, mas bumibilis ang paghinga niya na parang naghahabol siya sa kanyang paghinga.
"Jamie!" Claire suddenly appeared from my shadow. She gasped when she saw Ace condition. "Oh my God! Ace!"
"Claire... gamutin mo si Ace.. please." Pakiusap ko. I don't wat to lose any of my friends anymore.
Itinapat ni Claire ang kamay niya sa sugat ni Ace.
"Magiging okay lang na si Ace? Claire, magiging okay lang ba siya?" Sunod-sunod kong tanong.
Claire cried, nanginginig ang kanyang kamay habang ginagamot si Ace. "S-Sa totoo lang ay hindi ko alam. Gagawin ko ang lahat para mailigtas si Ace."
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ace. "Kumapit ka, Ace. Alam kong malakas ka, you will not die in this shit." Tumayo ako at pinagmasdan ang pader na ginawa ni Topher na unti-unting natutunaw
Pinagmasdan ko si Edel na masayang-masaya na makipaglaban kay Topher.
Ilang beses na kaming nagkaharap ni Edel... this time, magbabayad na siya sa mga ginawa niya sa mga kaibigan ko.
***
TEDDY
"KUMUSTA si Ace?" Tanong ko kay Claire pagkalabas ko mula sa kanyang anino.
Ace and I always have a kids fight... pero ayoko rin siyang maglaho. Isang malapit na kaibigan sa akin ang gagong 'to.
"Nagsasara na ang mga sugat niya. The bleeding also stopped." Paliwanag ni Claire at pinagpapawisan na siya dahil ilang minuto na niyang ginagamit ang kapangyarihan niya kay Ace. Ayaw niya rin na may maglaho muli sa amin. "Hindi na mauulit ang nangyari kay Jamie... I will save, Ace life." She said.
Pinagmasdan ko si Jamie na nakikipaglaban kay Edel habang katulong si Topher, she got bruised already in his arms pero desidido siyang matalo si Edel dito.
"Teddy, gusto kong tulungan si Jamie." Sabi ni Claire sa akin, lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tapat. "But I will need your help to execute this plan."
"Anything, basta ikaw, ipangako mo lang sa akin na maililigtas mo si Ace." Wika ko sa kanya at ngumiti kay Claire.
"Pumunta ka sa radio broadcasting room ng Fladus Academy. They have speaker all over the place. Nakadepende lang si Edel sa panramdam at pandinig niya. Mahihirapan siyang makapag-focus kung wala siyang maririnig na galaw ni Jamie dahil sa ingay." Paliwanag ni Claire sa akin.
"Can I play any song that I want?" Tanong ko.
"As long as itotodo mo ang volume. Matutulungan no'n si Jamie."
"I am gonna play Fly High ng Haikyuu. Fan ako." Sabi ko kay Claire at nagpalamon sa aking anino.
Lumabas ako sa hallway ng Fladus Academy at hinanap ang room na sinasabi ni Claire. Pero tangina lang, ang laki ng school na ito para sa Highschool.
Nag-ikot-ikot ako sa paligid at noong may lawbreaker na sumulpot sa aking harap ay kinonekta ko ang anino ko sa kanya upang hindi ito makagalaw.
"Next time na ako makikipaglaro sa inyo. May kailangan lang akong gawin."
Nabigla ako noong may isang Qilin na sumulpot at kinalmot ang lawbreaker. I smirked. "Nice one, Mild! Protektahan mo ako, master mo ako!"
Tininitingnan ko ang mga pangalan ng rooms dito para mahanap ang radio broadcasting.
I finally saw it na nasa dulong bahagi ng third floor.
I connected my phone with the speaker at binuksan lahat ng speaker sa buong school. Malakas ang ugong na ginawa nito noong una. I chose a song from my phone.
"The game will just start, Edel." I played a Haikyuu song at bumalik ako sa malaking classroom.
Malakas na tugtog ang umalingawngaw sa buong paligid at mukhang naguluhan si Edel sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin niya lalo na't nahihirapan siyang makarinig. She's blind kung kaya't malaki ang papel nang pandinig niya sa pakikipaglaban.
"Jamie! You have three minutes to finished this fight. Nakalimutan kong i-on loop 'yong kanta!" Sigaw ko at humawak sa lupa para pakiramdaman ang gagawin ni Jamie.
"Three minutes? That's pretty long to kill this bitch!" Malakas na sigaw ni Jamie at sinugod si Edel at sinaksak ito sa kanyang tagiliran.
Malakas na napasigaw si Edel dahil sa nangyari. She summoned a lot of creatures na gawa sa bato pero hindi ko hahayaan na masaktan ng mga ito si Jamie.
I am the support of Class Zero afterall.
Nilamon si Jamie ng kanyang anino at sumulpot sa likod ni Edel at malakas itong sinipa. Muling nilamon si Jamie ng kanyang anino at sumulpot sa harap ni Edel at sinaksak ang binti nito.
Shit. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Jamie sa bawat atake na ginagawa niya. Ang tagal na niyang gustong gawin ito kay Edel.
"T-Teddy, kaya mo ba?" Tanong ni Claire sa akin.
She noticed na nahihirapan ako sa pag-focus.
Suppose to be, ako ang susundin ni Jamie kapag sinu-support ko siya since hawak ko kung saan siya ite-teleport pero iba ang nangyayari ngayon. Ako ang sumusunod sa galaw ni Jamie at nahihirapan akong mahabol ito, one wrong move ay mapapatay siya ni Edel.
I smirked to Claire. "Matagal nang gustong maghiganti ni Jamie kay Edel. Huwag kang mag-alala, I can do this."
Nilamon muli si Jamie ng kanyang anino at inatake ni Exel ang speaker na nasa room at lumikha ito ng malakas na pagsabog.
But it's not enough. Lahat ng speaker sa buong school ay naka-on kung kaya't wala lang rin itong epekto.
"Jam to a Haikyuu song, dumbass." I said and pinrotektahan ko si Jamie sa atake ng isang malaking lion.
I hold the shadow of that lion para hindi ito makagalaw. "Jamie, sa likod mo!" Sigaw ko at mabilis niyng hiniwa ang malaking hayop.
"As long as I'm alive, walang makakasakit sa Class Zero. I am the shield of Class Zero." Malakas kong sigaw at nilamon muli si Jamie ng kanyang anino.
Saan ko ilalabas si Jamie?
Jamie appeared from Edel's shadow at hiniwa niya ang likod nito. Nagtalsikan ang dugo ni Edel sa paligid.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Edel ang gagawin niya dahil sa lakas ng tugtog. Hanggang hindi ito matatapos ay mahihirapan siya sa pakikipaglaban.
The blood keeps coming out from her body. Kagaya ng ginawa niya kay Ace.
Jamie is in rage.
Napansin kong nag-summon si Edel ng isang ibon. "Jamie! Tatakas ang gago!" Malakas kong sigaw.
Lumabas si Jamie mula sa anino ng isang leon at sinaksak ito. I hold Edel's shadow kung kaya't nahirapan ito sa paggalaw. Seryosong nakatingin si Jamie sa kanyang mata.
Bobo ni Jamie, akala niya yata nakikita siya ni Edel.
Dahan-dahang naglalakad si Jamie patungo sa direksyon ni Edel habang may luha sa kanyang mata.
"P-Para kay Casey!" Malakas niyang sigaw at hiniwa ang kaliwang binti ni Edel.
Literal na hiwa. Humiwalay ang binti nito sa katawan ni Edel. Edel shouted in pain.
"Para kay Vincent!" Pinutol ni Jamie ang kanang kamay ni Edel. "Para kay Sir Hector at Girly!" Si shouted at pinutol ang natitirang binti at kamay ni Edel.
Bumagsak ang katawan ni Edel sa sahig at tumigil na rin ako sa paggamit ng spell dahil hindi na makakatakas si Edel. Umaagos ng dugo sa buong lugar dahil sa nangyayari.
I understand Jamie, ang tagal niyang kinimkim ang galit na ito kay Edel. Binigyan niya ng hustisya ang mga naglaho naming kaibigan.
"At eto," itinapat ni Jamie ang talim ng kanyang dagger sa puso ni Edel.
"Sayang... lang... ito na ang huling beses na maglalaro tayo, Jamie." Edel said while smiling.
"Para kay Ace." Itinusok niya ang dagger sa katawan ni Edel.
Kasabay ng mga creatures na nandito... kasabay noon na naglaho ang katawan ni Edel.
Edel lose in this fight.
This time, we won.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top