Chapter 9: Against Lawbreakers

HINDI naaalis ang tingin ko kay Ace habang siya'y nakikipaglaban. I don't know kung dapat ko rin ba siyang katakutan o i-congrats dahil sa wakas ay nagising na ang kanyang tunay na kapangyarihan.

May kuryenteng dumadaloy sa braso ni Ace, ang kulay itim niyang buhok ay naging kulay dilaw. Akmang kakalmutin siya nung lalaking may pakpak ngunit mabilis na nakaiwas si Ace, tama nga siya, he's really good at a short-distance battle.

Malakas niyang sinipa sa mukha ang lawbreaker at nakita ko ang sparks na nagawa nito dahil sa impact. Hindi napansin ni Ace na nakakapit pala sa kanya ang kamay nung lawbreaker. "Ace mag-iingat ka!" Malakas kong sigaw.

But it's too late, malakas na inihagis nung lawbreaker si Ace at tumama ang katawan nito sa isang building, nasira ang bahagi ng building at bumagsak kay Ace ang malalaking bahagi ng pader. Akmang tatakbo ako tungo sa kanyang direksyon ngunit nagulat ako nung may humawak sa aking kamay-- si Kiryu.

"Just don't. It's too risky kung lalapit ka doon and besides, hindi pa gising ang kapangyarihan mo." Paalala niya sa akin.

"But, Ace needs our help."

"No. Knowing that dude, puro kayabangan 'yan kung kaya't hindi magpapatalo 'yan," pagkasabi ni Kiryu no'n ay isang malakas na pagsabog ang aming narinig at mas malakas na ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ni Ace, nagdudugo ang kanyang noo at gumagapang ang dugo pababa sa kanyang mukha. "Told you, he's fine... May sugat nga lang."

Why are they so relaxed? Nasa isang life and death situation kami, tapos yung isang kasamahan namin ay parang sinaniban ng Meralco dahil sa kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan.

Bumangon si Ace at sinugod ang isang lawbreaker, akmang lilipad paitaas ang lawbreaker ngunit bago niya pa magawa ay napakapit na sa kanya si Ace kung kaya't kasama siyang lumipad.

"Are you sure, we're only gonna watch them?" Tanong ko kay Kiryu pero nakatingin lang siya sa itaas para pagmasdan ang lawbreaker at si Ace.

"May magagawa ba tayo?" Tanong niya sa akin.

"Call the police?" Kiryu looked at me at napatawa ng malakas.

"Hindi normal ang lawbreaker na iyan, anong magagawa ng pulis? At isa pa, we're in the devil hour, lahat ng bagay ay nakahinto at tayo lamang ang nakakagalaw. We can't do anything about it, Jamie. Habang hindi pa lumalabas ang kakayahan natin," binuksan ni Kiryu ang backpack niya at naglalaman ito ng isang pack ng pochi. "Why don't we seat back and be entertain?"

Umupo kami sa may lapag at kumain ng pochi. Somehow, Kiryu is still childish pero napawala niya ang tense na naradamdaman ko. Napatingin ako sa himpapawid at nakakapit si ace sa likod nung lawbreaker.

Nasa itaas man si Ace ay nakita ko ang ngisi sa kanyang labi, unti-unting lumakas ang daloy ng kuryente sa kanyang kamay at pinagapang niya ito sa katawan nung lawbreaker.

"Aaaah!" malakas na sigaw nung lawbreaker at isang malakas na pagsabog ang narinig namin mula sa itaas. Naglaho ang lawbreaker na para bang isang bula at bumagsak sa lupa si Ace, mabuti na lamang at sa isang tambak siya ng basura bumagsak kung kaya't hindi ito masyadong masakit.

"That's awesome." Sabi ni Kiryu at tumayo. Pinagpagan niya ang kanyang puwitan at tinulungan niya akong tumayo. "Tara kay Ace." Aya niya pa.

Naglakad kami patungo sa direksyon ni Ace at nakita namin siyang pyro galos sa braso at dumadaloy ang dugo mula sa kanyang noo. "Are you okay?" Tanong ko.

"Sa tingin mo?" He asked me, okay, hindi siya okay dahil ang lala nung mga sugat niya. Inakbayan siya ni Kiryu upang alalayan itong makatayo at maglakad. "Puro sugat ako sa pisngi, paano na yung mga fangirls ko nito?" napairap ako sa ere dahil hanggang ngayon ay iyon pa rin ang kanyang iniisip.

Naglalakad kami patungo sa kalsada, naalala ko na mayroon pa palang isanglawbreaker sa paligid. Isang malakas na pagsabog ang aming narinig na nasa kabilang kanto lamang. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kiryu. "Pupuntahan ba natin iyon?" I asked him.

"I better find a safer place para kay Ace. Hindi maganda ang kundisyon nitong lalaking ito at baka kung ano lang ang mangyari sa kanya kapag dinala ulit natin siya sa delikadong lugar," Sabi niya sa akin. "Pero ikaw, pumunta ka. Baka mamaya ay may mga kaklase tayong nandoon na kailangan din ng tulong."

Tatanggi sana ako pero bigla kong naalala si Mild, nagkahiwalay kami kanina, paano kung nandoon siya sa lugar kung saan ako may naririnig na pagsabog? Kahit papaano ay naging magkaibigan na kami ni Mild at hindi ko siya pwedeng pabayaan.

Iniwan ko sina Kiryu at tumakbo. Isang malakas na pagsabog muli ang aking narinig at saglit akong napakapit sa poste dahil sa pagyanig ng lupa. Tumakbo muli ako at lumiko sa isang kanto at doon ko nakita ang isang lawbreaker at may kalaban siya na isang tao-- si Seven.

Habang tinitignan ko ngayon si Seven ay may kakaiba sa kanyang awra, alam ko naman parati siyang masungit ngunit mas seryoso ang kanyang hitsura sa pagkakataong ito. Nakokontrol niya na rin kaya ang kanyang kakayahan katulad ni Ace? Malako ang tiyansa, parehas silang nag-e-excel sa klase namin sa Class zero.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Mild na nakaupo sa likod ng isang food stand. Hawak-hawak niya ang kanyang braso at may dumadaloy na dugo mula rito.

"Mild!" Malakas kong sigaw at tumakbo sa kanyang direksyon. "Anong nangyari sa'yo?"

"It's not important, tingnan mo si Seven. Napapagana niya na ang kanyang kapangyarihan." Napatigin ako kay Seven na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang lawbreaker. He swiped his finger in the air kasabay nito ang paggalaw ng isang monoblocks at tumama ito sa tagiliran ng lawbreaker.

Seven smirked. "Anong kapangyarihan mo, apoy? I can move things, hindi mo mape-predict ang sunod kong gagawin." Sabi ni Seven. Bakas ang otoridad sa kanyang boses na parang dinideklara niya na agad na hindi siya matatalo ng Lawbreaker na kanyang kaharap. Sa bagay, sa tuwing paaalisin ako ni Seven sa harap ng pinto ay mabilis niya akong napapasunod.

Susugurin siya nung Lawbreaker ngunit iniangat niya ang kanyang kamay kasabay nito ang pag-angat ng isang bakal na tubo. He moved his hand once again at nakita ko na lamang na nakatusok ang tubo doon sa lawbreaker. It's an easy win for Seven.

"Did you see that? His ability is awesome," puri pa ni Mild at sinubukan niyang tumayo at inalalayan ko siya. Hindi ko alam kung mamamangha ako sa mga nakikita ko o dapat ba akong matakot dahil nalagay sa peligro ang mga buhay namin.

Naglaho ang lawbreaker at kasabay nito ang pag-upo ni Seven sa sahig. Naghahabol siya ng kanyang hininga at pinunasan niya ang dugo na nasa kanyang labi.

Akmang tatakbo ako tungo sa kanyang direksyon at tutulungan siya pero nagsalita si Seven nung malapit na ako. "I don't need your help. I can manage," sabi niya at dahan-dahang tumayo. "Isipin mo yung kaibigan mo, she's not in a good shape." Dugtong niya pa kung kaya't napabalik ako kay Mild.

Naglakad kaming tatlo hanggang makarating kami sa may plaza kung saan nandoon ang iba naming kasamahan. Maging sina Ace at Kiryu ay nandoon na rin. "Oh my god! Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Girly. "Eeew, don't ever make lapit to me. Puro kayo dugo, baka malagyan ang damit ko." Reklamo niya at napairap naman ako sa ere.

Napatigil ang kumustahan namin sa aming kalagayan nung may marinig kami ng ilang palakpak, napalingon kami kung saan ito nanggagaling-- kay sir Joseph. Naglalakad siya tungo sa aming direksyon. "Congratulations, class zero. You guys passed on the first test."

Napakunot ang noo naming lahat dahil sa pagtataka. "This is part of the test, sinubukan ko kung sino sa inyo ang mapapagana na ang kanilang mga abilities at hindi naman ako nabigo dahil may ilan sa inyong nakagawa kagaya ni Kiran, Ace, at Seven."

He's about to snap his finger para matapos ang devil hour ngunit nagsalita si Teddy. "Sir ganito ba ang exam para sa inyo? Nalagay sa panganib ang buhay naming lahat! Muntik na kaming mamatay tapos sasabihin ninyo ay test lang ang lahat ito?"

He has a point, iyon din ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. "Kalakip ng pagiging class zero ninyo ang salitang panganib." Sir Joseph said.

"Kung ang ibig sabihin ng pagiging class zero ay mamamatay ako. I quit. I don't want to risk my life in this kind of... Kung ano mang kagaguhan 'to!" Sigaw ni Teddy.

"You have a free-will to leave. Hindi ko kayo pinipilit na mag-stay sa class zero." Sabi ni sir Joseph at ini-snap na niya ang kanyang daliri, muling tumakbo ang oras, naririnig na namin ang ingay ng daan, maging ang mga batang naglalaro rito sa Plaza.

"This is bullshit." Reklamo ni Teddy at naglakad paalis.

"Teddy, saglit lang!" Tawag sa kanya ni Claire.

"Let him. Hindi ko kailangan ng duwag sa class zero." sabi ni sir Joseph na at blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha. "May gusto pa bang umalis sa inyo rito?"

Iniisip ko ang mga nangyari kanina, ang mga sugat na tinamo ng mga kaibigan ko. Ang pamilya ko na nag-aalala sa akin.

Minute slowly raised her hand. At maging ako, itinaas ko na ang kamay ko. Hindi ko kayang itaya ang buhay ko para sa ganitong klaseng labanan o sitwasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top