Chapter 89: Her Reason

Twitter hashtag: #CLASSZERO89

JAMIE

"SIR, kailangan kong pumunta sa Fladus Academy," pakiusap ko kay Sir Joseph habang pinagmamasdan ko ang ibang mga miyembro ng asosasyon na nakikipaglaban sa mga lawbreakers. Hindi ako puwedeng walang gawin.

May gulo sa Fladus Academy at nandoon si Jason! Nandoon ang kapatid ko.

"Batid kong magpupumilit kang pumunta sa Fladus Academy sa oras na malaman mo ito," kumamot ng ulo si Sir Joseph at kinuha ang susi ng mini bus namin. "Hindi kita pipigilan, Jamie, alam ko kung gaano kahalaga ang kapatid mo sa 'yo. Hindi nga lang kita masasamahan sa pagbalik sa Fladus Academy agad dahil kailangan ko pang masigurado na ligtas ang mga kabataang glitches na nandito." Paliwanag ni Sir.

"Maraming salamat, sir!" Nakangiti kong sabi at ginulo ni Sir Joseph ang buhok ko.

Akmang tatakbo na ako papaalis noong tinawag muli ni Sir ang pangalan ko. "Jamie," Napalingon ako kay Sir Joseph. "Ipangako mo sa akin na sa oras na pumunta ako sa Fladus Academy ay madadatnan kitang buhay."

Masyadong marami nang buhay ang nawala kay Sir Joseph at alam kong natatakot siya para sa amin. He is our adviser, priority niya ang kaligtasan namin. I smiled to Sir Joseph. "Pangako, sir!"

Tumakbo ako papasok muli sa arena, ilang lawbreakers pa ang aking nakatapat sa pagtakbo ngunit mabilis ko lamang silang inuutusan na magpatayan. Wala akong dapat sayangin na oras lalo na't buhay ng kapatid ko ang nakataya rito.

Masasabi kongn ang talino ng planong ito ng Black Organization, they attacked Fladus Academy dahil alam nilang karamihan ng mga glitches ay nandito sa Bulacan. Mataas ang depensa sa Fladus Academy pero alam kong hindi nila iyon kakayanin lalo na't Black Organization ang pinag-uusapan dito.

Pagkapasok ko sa loob ng arena ay warak na ang karamihan na parte ng gusali. Marami rin sa mga estudyante rito ang sugatan na.  Agad kong nakita si Seven na nagpapalutang ng mga baraha at itonusok sa tatlong lawbreakers.

"Seven!" Tawag ko sa kanya at nakuha ko ang kanyang atensyon.

"M-May problema ba?" Tumakbo siya sa aking direksyon at hinawakan ang aking pisngi. "Bakit mukhang takot na takot ka? May Black Organization ba na nandito ngayon?"

"S-Si Jason... kailangan kong puntahan si Jason," paliwanag ko sa kanya. Hinatak ako ni Seven sa mas ligtas na bahagi.

"Kiran! Ikaw muna ang bahala sa mga lawbreakers!" Utos niya kay Kiran.

"Yes, sir!" pinalibutan kami ni Kiran ng apoy upang walang mga lawbreakers ang makalapit sa amin.

Seven looked so worried.

"Anong nangyari kay Jason?"

"Nandoon sa Fladus Academy ang Black Organization. Lawbreakers are attacking this arena para hindi tayo makapunta sa Fladus Academy." Paliwanag ko sa kanya. Naluluha na ako dahil nangako ako kanila Mama na poprotektahan ko si Jason. Hindi ko kakayanin kung sakaling maglaho ang kapatid ko.

"Shh... huwag kang umiyak... pupunta tayo sa Fladus Academy. Did Sir Joseph allowed you to travel?" I nodded. "Good. Kailangan lang natin ng taong magda-drive sa atin papunta sa Fladus—"

"May gulo sa Fladus?" Kunot-noong tanong ni Topher na mukhang narinig ang usapan naming dalawa ni Seven. He stomped his right foor at may matutulis na yelo na lumabas sa sahig at tumusok sa dalawang lawbreakers na akmang lalapit sa aming direksyon. "Sasama ako. Nandoon ang kapatid ko."

I nodded. Alam kong naiintindihan ni Topher ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"We need to kill these lawbreakers inside the arena first." Tumingin si Seven sa buong paligid at nanghihina na ang lahat dahil sa tagal nang nagiging laban.

"Lead us." Topher said at napatingin ako sa kanya. As a leader of Sahandra Academy... paniguradong hindi siya sanay na nabibigyan ng command but here he is... taking out his pride. "If you have a plan then do it, Seven, my sister is waiting at Fladus."

"Jamie, puwede ba tayong manatili rito ng ilang minuto pa?" Seven asked me. "I know kailangan mong makita si Jason pero hindi ko rin pabayaan ang mga kaibigan natin dito."

I am too busy thinking about Jason... nawala sa isip ko na may mga taong nangangailangan din nang tulong namin dito. Pinahid ko ang luha ko. "Let's do it."

I trust Ace and Claire, hindi nila pababayaan ang kapatid ko.

"Everyone! Gather here!" Malakas na sigaw ni Seven na dinig sa buong arena. "Kiran, palakasin mo ang apoy na barrier para hindi makadaan ang mga lawbreakers!"

"Yes, sir!" Naging kulay asul ang apoy na nakapalibot sa amin.

"Teddy!" Malakas na sigaw ni Seven, sumulpot si Teddy mula sa anino niya. "Dalahin mo lahat dito."

"Sabihin mo muna please mast—" hindi na natapos ni Teddy ang kanyang sinasabi noong seryoso siyang tiningnan ni Seven. "Y-Yes, sir!" Nilamon muli si Teddy ng kanyang anino.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko kay Seven.

He seriously looked at me. "Stay there for a while. Kailangan magtayo muna tayo ng depensa bago tayo gumawa nang pag-atake. Later, I will need your help." Bumaling ang tingin niya kay Topher. "Kaya mo bang gawing madulas ang sahig sa labas ng barrier na ginawa ni Kiran?"

"Piece of cake." Naglakad papalabas ng barrier si Topher at ginawa yelo ang daan upang mapabagal kahit papaano ang paglalakad ng mga lawbreakers tungo rito.

Alam naming sa labas ng arena ay maraming lawbreaker na kinakalaban sila Sir Joseph, kailangan lang namin siguraduhing magiging ligtas na lugar itong loob na arena. This will serve as our base.

Nadala ni Teddy lahat ng estudyante rito sa loob ng barrier. Karamihan ng mga estudyante ay naghahabol sa paghinga dahil sa pagod. Ilang oras na rin kaming nakikipaglaban sa mga lawbreakers dito.

"Sino pa ang nasa maayos na kalagayan?" Tanong ni Seven at nagtaas ako ng kamay maging ang ibang estudyante. "Let's have a rotation, ang ilan ang makikipaglaban sa mga lawbreakers sa labas ng barrier na ginawa ni Kiran, ang iba ay magpapahinga at gagamutin ng mga healer, at ang iba naman ang poprotektahan ang barrier na ginawa ni Kiran at sisiguraduhin na walang lawbreakers na makapapasok."

Seryosong nakatingin kay Seven ang lahat. Ilang beses ko nang nakikita si Seven na umaaktong lider sa lahat pero hanggang ngayon ay ang cool pa rin nito sa paningin ko.

"Sa mga leaders ng bawat school... mas alam ninyo ang capabilities ng mga kaklase ninyo kaysa sa akin. Lead them. Magtulungan tayo rito." Utos ni Seven.

"Yes, sir!" Sigaw ng lahat at ilang minuto lang kaming nagplano at tumakbo na ako papalabas ng barrier.

Tiningnan ko ang mga lawbreakers sa loob ng arena. "Jamie," tinawag ako ni Teddy habang minamasahe niya ang kanyang leeg. "Ready ka na bang maglaro?"

"Ikaw na ang bahala sa akin, Teddy." Bilin ko at ngumisi.

"Hoy, bungol," lumingon si Ronan sa kanya. "Kaya mo bang gumawa nang mga surprise attack?" Tanong ni Teddy.

"Kaya ko kas—"

"Okay, let's do it." Humawak si Teddy sa lupa at nilamon ako ng sarili kong anino.

In just a second ay nasa anino na ako ng isang lawbreaker. Mataas akong tumalon at hiniwa ang ulo nito gamit ang aking dagger. Naglaho ito at muli akong nilamon ng aking anino at sumulpot sa anino muli ng isang lawbreaker.

Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa ability ni Teddy. Mas napapadali niya ang pakikipaglaban.

Teddy always act like the dumbest person in the world pero kapag sineryoso niya ang pakikipaglaban. Alam niya kung ano ang kanyang dapat gawin. Alam niya ang capabilities namin as a warrior and he use that as his advantage.

***

HUMIHINGAL ako sa loob ng barrier pero ang magandang bagay, kaunti na lang ang mga lawbreakers sa loob ng arena. "Ayos ka lang?" Tanong ni Mild sa akin.

"Ayos lang..." hanggang ngayon kasi ay pinagbabawalan pa siya ni Sir Joseph na gamitin niya ang kapangyarihan niya lalo na't hindi pa niya ito ganoong kakontrolado. "Kailangan natig makaalis agad dito para makapunta sa Fladus Academy. Sinusugod ang school nila ng mga lawbreakers."

"'Di ba nandoon ang kapatid mo?" She asked.

"Sa totoo lang ay kinakabahan ako para sa kalagayan niya pero hindi ko kayo puwedeng pabayaan dito." I honestly said. "Sa oras na maubos natin anglawbreakers dito ay pupunta agad ako sa Fladus Academy,"

"Jamie, you can go," Jessica said. "Kaunti na lang ang mga lawbreakers dito. Kaya na namin 'to. Kailangan ka ng kapatid mo."

"Jamie, puwede mo akong gamitin." Sabi ni Mild. "If I transform, makakalipad ka... mas mapabibilis ang pagpunta mo sa Merton."

"H-Hindi mo pa kayang—"

"Hindi ko man kaya pang kontrolin ng maayos ang kapangyarihan ko," hinawakan ni Mild ang aking kamay. "Pero alam kong hindi mo ako pababayaan."

"Mild..."

"I'll do it." She seriously said.

"Sasama ako." Topher said. "Nag-aalala din ako para sa kapatid ko."

"Ako rin." Seven said.

Napatigil si Mild. "Sa tingin ko ay dalawa lang ang kaya kong isakay." Kumakamot niya sa babang sabi.

Nagkatinginan sina Topher at Seven.

Seven sighed. "Ikaw na ang sumama." Sabi niya kay Topher. "Pakiingatan si Jamie para sa akin. Your sister also needs you."

Mukhang nagulat si Topher sa sinabi ni Seven. This time, Seven is the one who lowered his pride. Napangiti ako dahil hindi sila nagpapagalingan, gumagawa sila ng desisyon na sa tingin nilang tama at mas makabubuti.

Tumingin sa akin si Seven. "Mag-iingat ka roon. Kailangan din ako dito," sabi niya habang kamot-kamot ang kanyang ulo.

"Ayos lang, huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko."

"Sa oras na maubos ang lawbreakers dito ay susunod kami agad sa Fladus Academy." Nakangiting sabi ni Seven at ginulo ang buhok ko. "Huwag ka nang mag-alala, magiging ayos lang si Jason. Mauna na ako, may mga lawbreakers pa sa labas ng barrier. Kailangan ko ring tumulong."

"Topher. Mild." Tawag ko sa kanilang dalawa. "Tara na sa Fladus Academy, hinihintay na tayo nila Claire.

***

CLAIRE

DIRETSO akong nakatingin sa mata ni Minute habang nakatutok sa kanyang leeg ang talim ng double-edge sword. Sa totoo lang ay masakit para sa akin na kalabanin si Minute lalo na't ilang buwan din ang pinagsamahan namin.

Nawala ang gulat sa mukha ni Minute at ngumiti sa akin. "Tingin ka sa kanan mo, Claire."

Isang malaking piraso ng bato ang sumusugod sa aking direksyon. Mabilis akong gumawa ng barrier para protektahan ang aking sarili at nilipad ako kasama ng bato. Tumama ang likod ko sa isang poste at ramdam ko ang sakit nito, napasuka ako ng dugo at nahirapan ako sa pagtayo. Pinagaling ko ang sarili ko upang mabawasan ang sakit kahit papaano.

Ganito pala ang pakiramdam na harapang makipaglaban sa mga kalaban at hindi lang nagtatago sa likod ng mga kasamahan

Mabuti na lang at nakagawa ako ng barrier kung hindi ay lubhang mapupuruhan ako. Dahan-dahan akong tumayo at tumingin kay Minute na nagpapalutang ng mga bato. "Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Girly? Papatayin mo rin ba ako?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Nilaro niya sa kanyang daliri ang isang bato. "You know I hate it when you smile," she said while walking towards my direction. "Sinabi ko naman sa 'yo, Claire, hindi ka masasaktan kung hindi ka magiging sagabal sa plano ng Black Organization."

"Since ayaw mo sa ngiti ko," unti-unting naging seryoso ang aking mukha. "Hindi na ako magpapanggap sa harap mo." Huminga akong malalim at nag-cast ng spell sa aking paa.

I can only do white magics, hindi ko man siya masasaktan gamit ang ability ko... I can make myself more powerful using my own magic. "Miyembro ako ng Class Zero, matagal na akong sagabal sa plano ng Black Organization."

Pinahid ko ang dugo sa aking labi. Mabilis akong tumakbo tungo sa direksyon ni Minute. Gamit ang mga pinalutang na bato ay pinasugod niya iyon sa aking direksyon.

Mabilis akong gumulong noong may malaking piraso ng bato ang akmang tatama sa akin. I also made a barrier para maprotektahan ang sarili ko. "Hindi mo na masasaktan ang mga kaibigan ko!" Malakas kong sigaw.

May malaking bato ang biglang sumulpot sa harap ko.

Tatama ito sa akin...

"Iyan na ba ang kaya mo, Minute?!" Mataas akong tumalon upang malagpasan ang malaking batong iniharang niya. Kitang-kita ko ang gulat sa ekspresyon ni Minute.

Humigpit ang hawak ko sa double-edge sword ko at hiniwa si Minute. She managed to dodged my attack pero nagkaroon pa rin siya ng malalim na sugat sa braso... umagos ang dugo mula rito.

Dati ay ako ang tumutulong sa kanya para maghilom ang bawat sugat niya pero ngayon... ako na ang rason kung bakit siya nagkasugat.

"Siguro ay iniisip mo na healer lang naman ako," ngumiti ako kay Minute. "Pero ako pa lang ang katapat mo pero nahihirapan ka na, Minute."

"Ang laki na rin nang pinagbago mo, Claire," sabi niya at umatras ng ilang halbang habang hawak ang nagdudugo niyang braso.

"Ang paglalaho ni Girly ang rason kung bakit ako nagbago," humakbang ako papalapit sa kanya. "I want to give her the justice that she deserve."

"Anong katarungan? Ang patayin ak—"

Mabilis akong kumilos para itutok ang talim ng espada sa kanyang lalamunan. "Bakit hindi?" Tanong ko. Napaupo si Minute at kita ko ang takot sa kanyang mata. "Hindi ka nga natakot na patayin si Girly noong tinulungan ka niya,"

"Wala kang alam!" Minute shouted. Gumalaw ang lupa na inaapakan ko.

Mabilis akong tumalon at mabuti na lang at naiwasan ko ito, isang matulis na bato ang umangat mula rito.

Maririnig ang pagsabog sa buong paligid ng Fladus Academy ngunit ang atensyon ko ay na kay Minute lamang. "Nakasuot ka ng uniform nating Class Zero," ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Sa tingin mo ba ay parte ka pa rin ng klase namin?"

Hindi nagustuhan ni Minute ang aking sinabi at binunot ang dagger noya mula sa lalagyan nito. "Claire!" Malakas niyang tawag sa pangalan ng puno ng galit.

Humigpit ang hawak ko sa aking dual-edge sword.

Ayokong saktan si Minute ngunit kung tunay na umaanib siya sa Black Organization ay ibig sabihin nito ay kalaban namin siya.

I want to treat her wounds pero kailangan kong maging malakas. Kung lagi ako maaawa... ako ang maglalaho.

Mabilis kong sinangga ang atake na ginawa ni Minute at sinipa ko ang kanyang tiyan para mapaatras siya.

Sasaksakin ko na siya gamit ang aking espada noong may isang bato na tumama sa aking ulo. Umagos ang pulang likido mula rito at saglit akong nawalan ng balanse.

Gumulong ako sa sahig noong akmang isasaksak sa akin ni Minute ang kanyang dagger. Saglit akong nahilo dahil sa sakit ng ulo ko pero mabilis kong ginamot ang aking sarili.

This is my advantage in this fight. I can heal myself over and over again.

Biglang gumalaw ang lupa na inaapakan ko at nawalan muli ako ng balanse. Minute immediately grabbed that opportunity para saksakin ako.

Diretso ko siyang tiningnan sa mata habang papalapit ang tulis ng dagger. Ilang sentimetro na lang ang layo noon sa ulo ko pero hindi ito itinuloy ni Minute. "Kill me." Sabi ko.

"Talagang handa kang isakripisyo ang—"

"Oo." I answered firmly. "Patayin mo ako."

Inalis ni Minute ang pagkakatutok ng kanyang dagger. "Hindi ko kayang patayin ang mahinang nilalang na gaya mo, Claire. You're just like an average lawbreaker."

"You can't kill twice, right?" Tanong ko at napahinto si Minute. Unti-unti akong tumayo. Hindi ko ininda ang mga dugo na lumalabas sa aking katawan. "The fact that you are wearing our school uniform and you hesitated to kill me... you still care about us."

"Naawa lang ako sa 'yo—"

"Noong sinabi mo sa akin na may bato na tatama sa kanan ko kanina... you just prove na hindi mo ako gustong saktan. Binigyan mo ako ng ilang segundo para makagawa ng barrier para protektahan ang sarili ko." Paliwanag ko sa kanya. "May rason ka kung bakit ginagawa mo ang lahat ng ito, 'di ba, Minute?" Tanong ko.

Binitawan ko ang double-edge sword ko. "You can kill me now. Wala akong armas ngayon."

May luhang unti-unting namuo sa mata ni Minute.

Mukhang matagal niyang hinawakan ang emosyon niyang iyon at bigla na lamang siyang naiyak. Gaya nang inaasahan ko... hindi niya gusto ang mga ikinikilos niya ngayon. "Hawak ng Black Organization ang pamilya ko. They are threatening me that they will kill my family kapag hindi ko pinatay si Seven... wala si Seven that time, I don't have any choice but to kill Girly. Buhay ng pamilya ko ang nakataya rito, Claire."

"Kaya mo ba nagagawa ang lahat ng ito?"

"I don't have any choice. I need to gain their trust para mabawi ang pamilya ko sa kanila—"

Mahigpit kong niyakap si Minute. "This must be hard for you," humigpit ang yakap ko kay Minute at napahagulgol siya ng iyak. "You are dealing all these things alone."

"G-Gusto kong bumalik sa inyo... pero hindi pa puwede. At isa pa, alam kong galit kayo dahil sa ginawa ko kay Girly..."

"Aaminin ko, galit ako." Wika ko sa kanya. "Pero ngayon alam ko na ang rason mo... hindi kita pababayaan, Minute. Hindi ka na mag-isang kahaharapin ang bagay na ito. You can still join the Black Organization pero tandaan mong may lugar ka sa Class Zero kung sakaling masigurado mo nang ligtas ang pamilya mo."

"You are still the angel of Class Zero," ngumiti si Minute sa akin. "H-Hindi pa ako makakabalik sa Class Zero." Lumayo si Minute sa akin.

"Naiintindihan ko. Sana ay mabawi mo ang magulang mo, hihintayin nila Jamie ang paliwanag mo." Nakangiti kong sabi kay Minute bago ito tumakbo papaalis.

Naupo ako sandali at ginamot ang mga sugat ko. Ang dami pa ring lawbreakers na nandito. Hindi pa rin ligtas sa Fladus Academy.

Sana ay nakarating kay Sir Joseph ang mensahe ko, kailangan namin ng tulong dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top