Chapter 88: Never Abandon

JAMIE
NAGPATULOY ang competition dito sa arena. And honestly, hindi ko na ito tinatrato bilang competition kung sino ang malakas na school. They all became my friends, wala na nga kaming pakialam sa resulta at naglalaro na lang talaga kami para magsaya.
Mukha namang natuwa ang association sa nangyayari dahil nagawa nila ang goal ng event na ito. Magkatabi kami ni Seven habang nakapabilog kasama ang ibang mga estudyanteng naka-close namin dito.
"Guys atin-atin lang muna 'to," pagkausap sa amin ni Ronan habang nagkakaroon kami ng break. "Aksidente ko lang naman na narinig to..." ganyan din 'yong sinabi niya noong nakaraan. "Magkakaroon daw tayo ng barbecue party sa last day. Pero secret pa lang muna."
"Huwag kayong naniniwala sa secret niyan," sabi bigla ni Taki. "Sure ako alam na nang bawat school 'yong tungkol diyan dahil sa sobrang daldal mo."
Naputol ang pakikinig ko sa kuwentuhan nila noong makita kong nag-send ng picture sa akin si Claire na nagdi-discuss si Ace sa harap ng maraming glitches. Agad ko ring nakita si Jason dahil siya lang kaisa-isang estudyante na nakatayo habang nagsasalita si Ace.
Alam kong hindi pa nami-meet ni Jason si Teddy pero please lang... sanq ay huwag siyang susunod sa yapak nito.
"Bakit ka nakangiti riyan?" Tanong ni Mild. "Magka-chat kayo ni Seven kahit magkatabi na kayo?" Dugtong niya pa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Seven.
His brows crunched. "Sino 'yang kausap mo?" tanong niya.
I opened my phone again and showed him the photo. "Nag-send lang si Claire ng picture na nasa Fladus, natawa lang ako kay Jason. Happy na po?"
"You have a brother studying at Fladus?" Biglang nagsalita si Topher.
"Oo. Bakit?"
"Wala... I also have a sister who's studying there." he answered.
"Share mo lang?" tanong ni Seven at napatigil si Topher sa pagkain. Mukhang hindi pa rin talaga ang issue nitong dalawa na ito sa mga buhay nila.
"Kumusta mga hampaslupa?" Sigaw ni Teddy ang umalingawngaw sa paligid at kasunod niya si Kiryu. May bitbit sila na milktea na nakalagay sa plastik.
Sabi kasi ni Teddy ay malaki-laki ang kinita niya at gusto niyang i-share sa amin iyon kahit papaano. Okay din naman 'yong milk tea pero badtrip pa rin ako sa ginawa niyang pag-live broadcast ng mga pangyayari kagabi.
"Ganyan ba talaga ugali niyan? Parang kulang lagi sa aruga?" mahinang sabi ni Ronan.
"Kulang sa aruga tapos ilang beses din nabagok noong bata siya, pagpasensiyahan mo na." Mild said at natawa kaming lahat.
We enjoyed the milktea that Teddy gave at nagpatuloy ang competition. Maraming games pa ang naganap katulad ng Volleyball at ang Sahandra Academy ang nanalo. Hindi na sumali si Seven sa game na iyon para magbigay ng panalo sa ibang school. Kagaya nga nang sabi ko... we are just here now to have fun, gusto namin ay lahat kami ay may maiuuwing medal sa kanya-kanya naming school.
Natigil kami sa masayang event noong makaramdam kami ng kakaibang enerhiya na papalapit dito sa arena. Sa bawat segundong lumilipas ay papalakas nang papalakas ang enerhiya na aking nararamdaman.
Ang huling beses na naramdaman ko ito ay noong nasa training camp kami... hindi... mas malakas itong enerhiya na ito.
Isang malakas na sirena ang umalingawngaw sa buong arena, all the glitches here was alarm on what is happening.
"Class Zero!" Malakas na sigaw ni Seven at lumapit kaming anim sa kanya, we need to stick together kung sakaling sumulpot bigla rito ang Black Organization.
Umandar ang devil hour sa buong paligid. Huminto ang paggalaw ng lahat ng bagay sa buong lugar maliban sa amin. Batid kong nakaramdam na ang asosasyon sa kung ano ang mangyayari.
Isang malakas na pagsabog ang aming narinig at nagiba ang mataas na pader ng arena. Nawalan ako ng balanse dahil sa pagyanig ng lupa ngunit mabilis akong inalalayan ni Seven.
In just a minute, napuno ng lawbreakers ang buong lugar. "Sinusugod tayo! Class Zero, maghanda sa pakikipaglaban!" Malakas na sigaw ni Seven.
Tumakbo na sina Jessica para pumatay ng mga lawbreakers at naiwan kaming dalawa ni Seven. He looked into my eyes bago niya inihagis ang kanyang mga baraha sa ere. "Mag-iingat ka." Paalala niya sa akin.
I nodded. "Ikaw din."
"Jamie, pakihanap si Sir Joseph at tanungin mo kung paano ang gagawin natin sa sitwasyon na ito. We can fight these lawbreakers pero mukhang matatagalan bago nating maubos itong lahat."
"Okay." Sagot ko at tumakbo na ako patungo sa loob ng hallway ng arena para hanapin si Sir.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pawbreakers pero patuloy lang silang pumapasok sa loob ng arena at dumadami sila nang dumadami.
Tumatakbo lang ako sa hallway at pagliko ko sa isang pasilyo ay biglang may lawbreakers na may matulis na mga kuko ang biglang sumalubong sa akin. Isasaksak dapat nito ang kanyang kuko sa aking ulo ngunit mabilis akong yumuko para iwasan ito.
Bumaon ang kuko nito sa pader at may mangilan-ngilan na debris ang bumagsak sa akin. Naglabas ako ng dagger at inipon ko ang puwersa ko sa aking braso at mabilis kong hiniwa ito papataas hanggang sa mahati ito sa dalawa.
Tumalsik ang dugo nito sa buong katawan ko bago ito tuluyang maglaho.
Another lawbreaker is running towards my direction. Sinipa ko ito sa kanyang tiyan. Dati, kapag ganito ang sitwasyon ay mabilis kong ginagamit ang ability ko para mapatay ang lawbreaker pero iba na ngayon... mas malakas na ako, kaya ko na silang labanan ng wala nang pangamba sa aking puso.
I stabbed the lawbreaker in his heart before it fades in the air.
Mabilis akong tumatakbo sa paligi at lumilinga-linga sa paligid upang hanapin si Sir Joseph. Habang tumatakbo ako ay may nabunggo akong tao, ang akala ko noong una ay lawbreaker ito pero si Ronan lang pala ito. "Sorry."
"Iwas!" Malakas akong tinulak ni Ronan at bumangga ang aking likod sa pader. May malaking lawbreaker ang bumagsak kay Ronan.
"Ronan!" Tawag ko sa pangalan nito. Mahigpit kong hinawakan ang aking dagger ngunit mayamaya lamang ay naglaho na ang lawbreaker.
"Ang kadiri nito," reklamo ni Ronan habang naliligo siya sa dugo. Nakita ko ang ability ni Ronan noong naglaro kami ng dodgeball, kaya niyang pagaanin ang kanyang sarili at kaya niyang gawin matulis ang mga kuko niyo at hiwain ng walang kahirap-hirap ang kanyang mga kalaban.
"A-Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw, ayos ka lang?" Tanong ni Ronan sa akin pabalik. "Sorry, napalakas ang pagtulak ko sa 'yo."
"Okay lang." Ronan just smiled at pinagmasdan ang mga estudyanteng nakikipaglaban sa mga lawbreakers
Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit kami sinusugod nang napakaraming lawbreakers dito sa arena kung alam nilang nandito lahat ng mga kabataang glitches mula sa iba't ibang school. Mayroon ding mga representatives ang association kung kaya't alam kong batid ng Black Organization ang hirap sa pag-atake rito.
Pero bakit?
My back still hurt dahil sa pagtulak ni Ronan pero alam kong masasanay din ang katawan ko sa sakit. Wala si Claire ngayon, walang maghi-heal sa akin kung sakaling ma-injured man ako nang malala.
"Ronan," tawag ko sa kanya at napalingon siya sa akin. "Nakita mo ba si Sir Joseph?"
"Some of the trachers are outside the arena. Mas maraming lawbreakers doon." Sabi niya. Nagmamadali akong hanapin si Sir Joseph. "Mag-iingat ka!"
Ilang lawbreakers pa ang nakalaban ko ngunit mabilis ko naman silang napupuksa. They are not that strong... pero ang dami nila. Kung magtatagal ang labanang ito ay paniguradong mauubos ang mahika ng bawat isang estudyanteng nandito, and that will be a difficult situation.
Pagkalabas ko ay mas nabigla ako sa aking nakita. Mas maraming lawbreakers sa paligid at sira-sira na ang ibang matataas na building sa paligid.
Agad kong hinanap si Sir Joseph. There is one lawbreaker suddenly appeared in my front. He attacked me using it tail but I immediately rolled on the floor to avoid it.
"Attack the other lawbreakers." Utos ko. My eyes flashed at gumana ang mahika ko sa kanya.
Nakita ko si Sir Joseph na tinusok sa mata ang isang lawbreaker gamit ang kanyang sibat. Napapaligiran siya ng lawbreakers pero wala ni-isa ang nagawang masugatan si Sir.
Parati kong nakikita si Sir Joseph bilang mabait na professor sa amin... I forgot that he is also once a warrior.
"Sir!" Tawag ko sa kanya matapos niyang magawa mapatay ang isang lawbreakers.
"Jamie, bakit ka nasa labas? Delikado ang sitwasyon dito," hinatak niya ako sa gilid at sa mas ligtas na parte.
"Sir... sumugod ba ang Black Organization?" Tanong ko.
"Walang ni-isang miyembro ng Black Organization ang nandito ngayon. Puro lawbreakers lang..." paliwanag ni Sir. "They are just using these lawbreakers to divert our attention"
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Divert?" I asked.
"They are buying time. Tumawag si Claire sa akin kanina,"may isang lawbreaker ang mabilis na tumatakbo sa aming direksyon. Mabilis na hinagis ni Sir ang sibat na kanyang hawak. Tagusan sa ulo ng lawbreaker ang sibat at tumalsik ang napakaraming dugo sa paligid bago ito tuluyang naglaho. "Wala ang Black Organization dito... nasa Fladus Academy."
Biglang may kaba ang gumapang sa buo kong katawan; thefirst person comes to my mind... ang kapatid ko— si Jason.
***
ACE
SA totoo lang, hindi ko nakikita si Claire na lalabanan ng harapan ang mga lawbreakers, she's a good support in the team kung kaya't lagi siyang nasa likod. But she's stepping up her game this time.
Puro white magics lang ang nagagawa ni Claire pero nagagamit niya ito sa mabisang paraan. Nag-cast si Claire ng spell para mapabilis ang kilos naming dalawa.
I watched her as she fight the lawbreaker. Mabilis na limusot si Claire sa pagitan ng hita ng isang lawbreaker ang hiniwa ang dalawang paa nito gamt ang dalawa niyang double-edge sword na hawak. Hindi ko alam kung saan natutunan ni Claire ang paggamit nito, iba ang naging epekto nang pagkamatay ni Girly kay Claire.
"Ace puntahan mo ang mga bata!" Sigaw niya sa akin. "Ang mga batang glitches ang pakay ng Lawbreakers dito... gagawin nila ang ginawa nila kanila Vincent noon!" Dugtog pa ni Claire.
"Paano ka?" Tanong ko.
She jumped high and spinned while in the air at hiniwa ang ulo ng isang lawbreaker, humiwalay ang ulo nito sa katawan nito at natalsikan si Claire ng dugo nito.
I smirked. "Sabi ko nga kaya mo ang sarili mo." tumakbo na ako sa malaking classroom kung nasaan ang mga batang glitches.
Kagaya nang inaasahan, napapalibutan ito ng maraming lawbreakers at may mga teachers na pumoprotekta sa classroom.
Naglabas ako ng isang pana at palaso. Ngumisi ako habang nakatingin sa mga lawbreakers na kumakalampag sa pinto ng classroom.
"It's my time to shine." Ngumisi ako at inasinta ang tatlog lawbreakers, binanat ko ang palaso sa pana at humingang malalim, sa talim ng palaso ay naglagay ako ng kidlat kong mahika bago ito pinakawalan.
Tumama ang palaso sa mga ulo nito at tagusan ito at makalipas ang ilang segundo ay sumabog ang mga ulo nito. "Bullseye." Nakangiti kong sabi.
"Kumusta ang mga bata?" Tanong ko kay Sir Warren.
"They are insi—" hindi na niya natapos ang kanyang paliwanag noong may marinig kaming pagsabog sa loob ng classroom.
Nagkatinginan kami ni Sir Warren at tumakbo kami papasok ng malaking classroom.
Gamit ang isang malaking ibon na gawa sa bato ay inililipad ni Edel ang mga batang glitches papaalis sa Fladus Academy.
Bumilis ang kabog ng aking dibdib noong makita ang mga batang glitches na umiiyak at nagmamakaawa habang nililipad sila ng mga ibon.
"Tigilan ninyo 'yan!" Inipon ko ang kidlat sa aking kamay at pinalipad sa direksyon ng isang malaking ibon at sumabog ito. Nabitawan nito ang batang akmang tatangayin nito. "Tumakbo na kayo! Sir Warren, itakas mo ang mga natitirang bata na nandito!" Malakas kong sigaw.
"Oh, akala ko ay nasa Arena ang Class Zero," Edel smiled brightly. "Kinagagalak kong marinig ang boses mo. Nasaan si Jamie? Hindi mo kasama?" Tanong niya. "Na-miss ko ang kaibigan kong iyon."
Naglabas ako ng isang sibat na nababalutan ng kidlat at hinagis sa direksyon ni Edel, she moved her head to left side para maiwasan ang sibat.
"I can be your playmate." I grinned.
Naglabas si Edel ng maraming malalaking ibon at pilit kinukuha ang mga batang glitches. "Si Jamie lang ang gusto kong kalaro sa inyo at hindi kayo ang ipinunta namin ngayon dito." She said while pouting. Tangina mukhang pagong na nakanguso.
"Pero hindi mo na makikita si Jamie sa mga susunod na araw. Ako ang tatapos sa iyo."
***
CLAIRE
MALALAKAS na pagsabog ang naririnig ko mula sa malaking classroom at mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko kung paano tinatangay ng malalaking ibon ang ibang mga batang glitches. We can't save everyone pero sisiguraduhin kong may maililigtas kaming mga batang glitches.
Nagliliyab na sa apoy ang karamihan ng building dito sa Fladus Academy at wasak na ang malaking pader nito. Walang tigil din ang pagpasok ng mga lawbreakers sa loob ng school.
May isang lawbreaker ang lumapit sa direksyon ko at sinaksak ko ang dalawang mata nito. Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw ang panglabing apat na lawbreaker na napatay ko." Naglaho ito sa ere.
Habang nakikipaglaban ako ay nakita ko si Jason na tumatakbo papabalik sa loob ng Classroom habang pinipigilan siya ni Sir Warren.
I looked at the classroom's direction. Hindi na ligtas dito.
Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Jason. Umiiyak siya habang nagpupumilit kumawala kay Sir Warren.
"Jason! Huwag kang makulit! Kailangan mong tumakas!" Pigil sa kanya ni Sir Warren.
"Jason!" Tawag ko sa kanya at napatingin sa akin ito. Tumingin ako kay Sir Warren na parang sinasabi na ako na ang bahala kumausap kay Jason.
"A-Ate Claire! Si Anne, si Joss! Tsaka si Raven! K-Kinuha sila ng malalaking ibon. Kailangan ko silang tulungan!" Pagpupumilit ni Jason habang umiiyak na nagpapaliwanag sa akin.
Sumakit ang puso ko. Alam ko ang pakiramdam na iyon.
Ang sakit sa puso sa tuwing nakikita namin na naglalaho ang mga kaibigan namin. "Jason," I cupped her face using my hand. "Kami na ang bahala rito, you need to run. Unahin mo ang kaligtasa—"
Sinampal ni Jason ang kamay ko at seryoso akong tiningnan. "Taliwas ang sinasabi mo ngayon sa sinabi ninyo kanina sa seminar." Parang nakikita ko si Jamie sa kanya ngayon. "Ang sabi ninyo ay kailangan namin protektahan ang isa't isa! Hindi ko hahayaan na makuha lang nila ng basta-basta sina Joss!"
"Jason! Iligtas mo ang sarili mo para sa Ate mo! Ako na ang bahalang magligtas sa mga kaibigan mo. Magtiwala ka sa akin."
Umiling si Jason. "Iba ako kay Ate. Simula nang pumasok ako rito ay parati ninyo akong kinukumpara sa kakayahan ng ate ko. Nakita ko kug paano umiyak si ate sa tuwing may naglalaho kayong kaibigan... ayokong mangyari sa akin iyon at makitang maglaho ang mga kaibigan ko kung alam kong may magagawa ako!"
He is just thirteen years old pero mas matapang siya sa akin. "I will never abandon my friends." Inalis niya ang kamay kong nakakapit sa kanya at tumakbo siya pabalik sa loob ng classroom.
I called his name for several times pero hindi ito nakinig sa akin.
"D-Dumadami na ang lawbreakers!" Sigaw ni Sir Warren. "Humihina na ang depensa ng Fladus Academy!"
"T-Tutulong po ako." Sigaw ko, pinagmasdan ko si Jason at tumingin sa mga lawbreakers.
That kid chose his path already.
Gusto ko mang iligtas si Jason pero sigurado siya sa desisyon niya. Hinihiling ko na lang ngayon na magawa siyang mailigtas ni Ace. Ace can handle the situation inside that classroom habang ako ay poprotektahan ko ang buong Fladus Academy.
I healed Sir Warren bruised. "Itakas ninyo po lahat ng mga batang glitches na makikita ninyo. Ako na ang bahala sa lawbreakers."
Matapos kong pagalingin ang mga sugat ni Sir Warren ay tumakbo muli ako para pumatay ng mga lawbreakers.
Hindi na ako ang dating Claire. Mas malakas na ako. Hindi na ako magtatago sa likod ng mga kasama ko.
Hindi ko na mabilang kung ilang lawbreakers ang napatay ko at humihingal akong tumitingin sa paligid. Parang hindi sila nauubos.
Isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa 'di kalayuan at nagkaroon na makapal na usok sa paligid. Gumawa ako ng barrier upang hindi ako mayamaan ng nililipad na debris.
All the officials here are working hard para maprotektahan ang school. Alam kong kaya naming protektahan ang Fladus Academy... kulang lang kami sa tao.
Mula sa pinaggalingan nang pagsabog ay may nakita akong anino ng isang tao na naglalakad tungo sa aking direksyon. Hindi ko binaba ang depensa ko dahil baka miyembro ito ng Black Organization.
Habang lumalapit ito sa aking direksyon ay unti-unti nang naglaho ang makapal na usok dahil tuluyan na itong hinangin papalayo— si Minute.
Saglit akong nabato noog makita siya at mukhang maging si Minute ay hindi inaasahan na makikita niya ako rito. She's wearing the Class Zero uniform which makes my heart ache.
"A-Anong ginagawa mo rito Claire?" Tanong niya sa akin. "H-Hindi ba't nasa Bulacan dapat kayo?"
I smiled to her. 'Yong ngiti na ginagawa ko tuwing makikita ko sila Jamie. I acted like I am happy to see her. "Nandito pala ang traydor naming kaibigan."
Ayokong saktan si Minute pero hindi dapat akong magpadala sa sarili kong damdamin. Kung iiyakan ko si Minute ngayon... babalik lang ako sa dati.
Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at siniguradong walang ni-isang hibla ng buhok ang magiging sagabal kung sakaling magkaroon man kami ng laban ni Minute ngayon.
She killed Girly without hesitation. Hindi ako nandito para maghiganti... nandito ako para bigyang katarungan si Girly. She deserve a justice.
"Claire ayoko kitang saktan... tumakbo ka na hangga't may pagkakataon ka pa." Isang mahinang tao pa rin ang tingin sa akin ni Minute.
Humigpit ang hawak ko sa dual-edge sword ko. "Ganoon ba?"
I smiled brightly to her. I secretly casted a spell to my feet para mabilis na makakilos sa direksyon ni Minute.
Hindi niya inasahan ang nangyari. In a split of second, nakatutok na sa kanyang leeg ang talim ng espada. Mukhang nagulat siya sa nangyari at hindi nakakilos si Minute.
Ngumisi ako sa kanya habang nakatingin ng mata sa mata. "Wala akong balak tumakbo papalayo... Minute. Hindi ako katulad mo."
Isang malapit na kaibigan si Minute pero tinalikuran na niya kami. Hindi na ako iiyak sa isang gilid lang.
I will protect this school no matter what happen. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top