Chapter 86: Pavilion Date

Twitter hashtag: #ClassZero86 (let's trend this guys, ang haba nitong chapter nito haha!)

JAMIE

IT'S the second day of the competition pero grabe 'yong puyat ko kagabi. Anong oras kaming natulog nila Mild sa kaka-party kasama ang ibang school. We are not allowed to drink alcoholic beverages kahit nasa tamang edad na kami pero na-enjoy namin ang party kahit wala iyon.

"Malaki ba 'yong eyebags ko?" Tanong ko kay Kiran. Siya pala ang nakatabi ko dahil basta-basta na lang akong umupo kanina sa bus.

"Hindi ko alam," ibinaling niya sa iba ang atensyon niya. "Bakit ka ba sa akin nagtatanong ng mga ganyang bagay."

"Kasi ikaw ang katabi ko." Ibinalik ko ang eye cover sa mata ko para makatulog kahit papaano.

"S-Sakto lang," tinaas ko ulit ito noong sumagot si Kiran. "Hindi masyadong halata ang eyebags mo." Ang baby din talaga ni Kiran in different ways, eh.

"Luh, pinapalubag mo pa loob niyang si Jamie," sumabat si Teddy at masama ko siyang tiningnan. "Pangit ka talaga Jamie, tanggapin mo na."

"Sir! Si Teddy, nagsisimula na naman!" Reklamo ko kay Sir Joseph.

"Class please lang, umayos na kayo this time. Huwag ko lang talaga kayong mahuhuli na gumagawa ng kalokohan. Lalo na kayo Teddy, Kiryu, Mild, at Ace." Special mention talaga lagi ang top 4 pagdating sa kalokohan.

Dati top 5 'yan kasi kasali ako, pero nagbabagong buhay na ako. Nasa tuwid na landas na ako.

"Sir promise, magpapakabait kami." Kiryu said while eating his gummy worms.

"Hindi kayo gagawa nang kalokohan?" Paninigurado ni Sir at tiningnan sila sa rear mirror.

"Hindi kami magpapahuli." Sagot ni Mild at nag-apir ang apat.

"Hoy, umayos nga kayo. Ang laki na nung gulo na nangyari kahapon," suway ko sa kanila.

"Wow, Jamie, bait-baitan." Natatawang sabi ni Ace.

Nakarating kami sa arena and unlike yesterday, feeling ko nawala na 'yong tension sa pagitan ng walong school. Mas nagkakila-kilala kasi kami kagabi at kumbaga, parang friendly competition na lang ang nangyayari ngayon (which is dapat naman).

Mabusising nag-uusap sina Teddy at Seven na nakapukaw ng atensyon ko. "Kahapon lang ay pikon na pikon sila sa isa't isa, anong nangyayari sa dalawang 'yon ngayon?" Tanong ko kay Claire na nakasabay ko sa paglalakad.

"Hindi ko rin alam, eh," Claire smiled. "Pero mas okay na rin 'yon, magkakasundo tayong lahat."

Feeling ko lalabas ang halo at pakpak nitong si Claire anumang oras.

"Sa bagay, ay babalik na pala kayo bukas?" Tanong ko sa kanya. "Nakakalungkot naman, pero goodluck sa pakikipag-compact mo, ha!"

"Salamat, kayo man. Galingan ninyo sa competition, ichi-cheer ko kayo kahit malayo ako."

"Ikumusta mo na lang ako kay Jason kapag nakita mo siya," bilin ko sa kanya.

"Doon nga pala nag-aaral ang kapatid mo ngayon,"

"Oo. Ibilin mo naman sa kanya na tumawag kanila mama! Madalas makalimot 'yong batang iyon, eh."

"Makakarating." Sagot sa akin ni Claire.

"Hoy Jamie, dinudumihan mo na naman ang isip niyang si Claire," biglang sumulpot si Teddy at inabutan ng tinapay si Claire.

"Galing talaga sa 'yo, Teddy, ha!" Hinampas ko siya. "Nasaan 'yong akin?"

"Ulol mo. Kumuha ka doon, may kamay ka." Kinurot ko si Teddy. Kahit kailan talaga ay wala akong makukuhang matinong sagot mula dito sa lalaking ito. "A-Aray! Alam ninyo namumuro na kayong lahat. Hilig ninyo 'kong saktan!" Reklamo niya.

Naglakad na ako papunta sa table sa waiting area namin para kumuha ng pandesal.

"Tagal ninyong nag-party kagabi, ah," sumulpot si Seven sa tabi ko at naglagay ng cheese sa tinapay niya.

"Ah, si Mild kasi tsaka si Ace kasi ayaw magpaawat." Buog gabi nag-party tapos noong ligpitan na, mga nawala na. Ang huhusay talaga. Ako na ang nahiya sa ibang school kung kaya ako na lang ang tumulong sa paglilinis. "Anong pinag-uusapan ninyong dalawa ni Teddy kanina? Mukhang seryoso, ah!"

"W-Wala, tungkol lang sa misyon."

"May misyon na? Hala ba't hindi ako nasabihan?" Gusto ko pa naman gamitin 'yong mga bagong abilities na natutunan ko. Pero sa bagay, hindi naman din lahat ng misyon ay makakasama ako. "Ay siya nga pala, nagkausap na kayo ni Topher?" Tanong ko.

Nakausap ko si Topher kagabi at hiyang-hiya ako habang nagpapaliwanag sa kanya. Pero alam ninyo kung ano ang sinabi ng loko?

"Pakisabi sa Pinuno ninyo na hindi ako magkakagusto sa 'yo. You look dumb."

Isa rin pa lang loko-loko. Akala ko kung sinong matinong pinuno, eh. Matalim din ang tabas ng dila.

"Yeah, we talked. I also said sorry," kumakamot niya sa ulong paliwanag. As a leader may pride si Seven pero kapag alam niyang may mali siya ay mabilis naman siyang mag-so-sorry which is a good trait of him.

"Goods 'yan, magkakasundo kayong dalawa. Marami kayong similarities."

"Ha? Paano naman kami nagkaroon ng similarities no'n?" Tanong niya.

"Parehas kayong masungit." Sagot ko at sumubo ng pandesal. Grabe! Ang sarap talaga nito kapag mainit-init pa.

"I am not masungit anymore. I changed." He said while grinning. "Don't compare me to him."

"Okay." Sagot ko. "Galit agad, eh."

"May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong niya.

"Wala naman." I answered at naglakad na paalis si Seven. Anong nangyayari roon?

Tinawag na kami ng isang staff at pinatawag na sa arena dahil magsisimula na ang event. Kagaya kahapon, marami pa rin mula sa association ang nandito.

The first game started at racing ito. Si Teddy ang pinanlaban namin. Compare kanila Ace, hindi rin naman ganoon ka-physically fit si Teddy pero nanalo pa rin siya sa laro.

He just hide to the first place shadow buong game (which is from Al-Rashia Academy) lumabas lang si Teddy noong malapit na to sa finish line at mabilis niyang tinisod ang kalaban.

***

LUNCH time. Kasama namin sina Faith, Topher, Ronan, at Taki na mag-lunch nila Mild. Ang sarap pala sa feeling na magkaroon ng kaibigan na kagaya naming may ability na wala sa Class Zero. I mean, sa competition na ito, feeling ko normal lang kaming lahat at hindi glitches ng society.

"Class Zero will win this competition, sure ako." Sabi ni Taki habang kumakain ng in-order naming Takoyaki sa hindi kalayuan.

"Hindi naman," sagot ko. Pa-humble kunwari. Pinaghandaan talaga namin 'tog competition, sa utos na rin ni Sir Joseph. "Malakas din ang Sahandra Academy, tsaka school ninyo."

"Naiintindihan naman namin kung manalo kayo. Ilang beses na rin kaming sinabihan na mga adviser namin na iba talaga ang lakas ng Merton Academy," paliwanag naman ni Faith. "Lalo daw ngayon. Merton Academy is holding the best of the best glitches in our society."

"Nagawa nga ninyong matalo ang ilang miyembro ng Black Organization, eh," puri naman ni Ronan. Pare-parehas kaming natigilan nila Mild.

Natatalo nga ba namin ang Black Organization? Pakiramdam ko ay nagagawa lang namin silang malabanan pero hirap kaming matalo sila.

"Sa laban namin sa Black Organization... maraming kaibigan na rin namin ang naglaho," diretso lang ang tingin ko sa juice na nakalagay sa cup.

"I-I am sorry to hear that, I didn't mean to offen you guys," hinampas-hampas ni Ronan ang bibig niya. "Sorry ulit, hindi na ako magtatanog tungkol doon."

"O-Okay lang," sagot ni Mild. "Tatalunin naman namin ang Black Organization, hindi namin hahayaan na mabalewala ang paglalaho ng mga kaibigan namin." Nakangisi niyang sabi. She suddenly lifted my mood up.

"You guys can ask for our help," biglang nagsalita si Topher. "Hindi man kasing bigat ng Class Zero ang mga nagiging mission namin, we can fight Lawbreakers." Dugtong niya pa.

"Huwag muna natig pag-usapan 'yong mga lawbreakers!" Pag-iiba ko ng topic. "Nandito tayo para magsaya at magkakila-kilala. Ay nga pala, bakit parang may mga foreigners akong nakita kanina sa balcony?"

"Iyon ba?" Sumubo si Taki ng Takoyaki at saglit na pinaypayan ang kanyang bibig dahil sa init nito. "They are the representatives of different countries. Hindi lang naman sa Pilipinas may mga lawbreakers at gulo. They are scouting here the best glitches at o-offer-an nila sa bansa nila ng scholarship kapalit nang pagtulong nila doon."

"They are transferring some of us in different country?" Tanong ko.

"Not totally transferring," sabi ni Faith. "Offer lang, nasa sa 'yo pa rin kung tatanggapin mo o hindi. Para magandang opportunity iyon kung mabibigyan ka ng scholarship ng ibang bansa."

"They are considering Topher, narinig ko noong madaan ako sa isang room one time." Sabi ni Ronan. "Pero hindi ako tsismoso! Aksidente ko lang talaga narinig." Parehas na parehas sila ni Teddy na magpalusot.

Napatingin kami kay Topher. "I will not accept it." He answered.

"Sayang naman!" Sabi ni Taki.

"Bakit ko lalabanan 'yong mga lawbreakers sa ibang bansa kung may mga lawbreakers din na nanggugulo sa Pilipinas?" He explained. "I want a safer place for my family first bago ako unalis."

"May point," Kiryu said. "Jamie, ahhh!" Inabutan niya ako ng isang pochi at sinubo niya sa bibig ko.

"Sarap?" Kiryu asked and I nodded. "Nalaglag na 'yan."

"Kiryu!" The people here laughed at naghabulan kami sa field na dalawa.

***

PAGOD na pagod ako pagbalik namin sa Village, wala naman akong naging game sa araw na ito pero napagod ako mag-cheer.

Nakaka-drain din pala ng energy makipag-tsismisan. Ngayon ko lang na-realize.

Ang sarap din kasing kausap nila Faith patungkol sa mga adventures nila. Nainggit nga ako, eh! Nakapag-mission na sila sa Cebu! Imagine! Lumabas sila ng Luzon para pumatay ng lawbreakers sa Cebu.

They just killed the lawbreakers for a day tapos hawak na nila ang natitirang araw nila doon.

Sana all may budget sa out-of-town mission. Merton baka naman.

Kanina pa may ka-chat sina Jessica at Mild na nakapukaw ng atensyon ko. Tutok na tutok sila sa mga cellphone nila. "Hoy ano 'yan? Ang saya ninyong may ka-chat, ha!" Akmang sisilip ako sa cellphone ni Mild pero mabilis siyang nagtalukbong. "May lumalandi sa inyo from different school, 'no?"

"Kung may lumalandi man dito, hindi kami iyon." Sagot ni Jessica. "Tanungin mo kung sino sa mga boys ang lumalandi."

"Si Ace." Sagot ko. "Sobrang obvious naman."

Ang dalas pang sabihin ni Ace Say hi to his vlog daw pero mamaya lang ay nakapatay na ang camera niya tapos panay kuwentuhan mula sa ibang school. Style niya bulok.

"May gagawin ka ba mamaya-maya, Jamie?" Tanong ni Mild.

"Wala naman pero gusto ko mag-samgyup. May mala—"

"Huwag na," putol ni Jessica. "Malakas makataba ang samgyup, dito ka na lang." parang nanay talaga 'to.

"Opo, hindi na nga po."

Tumulong na lang ako kay Claire sa pag-a-ayos niya ng gamit. Ang sad naman dahil babalik na si St. Claire sa Maynila agad.

"Claire ang aga mo naman kinukuha ng liwanag?" Tanong ni Mild.

"M-Magtuturo kami ni Ace sa mga batang glitches sa Fladus Academy," sagot niya kay Mild. "Teacher ako, isa sa pangarap kong gawin ang magturo."

"Claire, anong sex position ng parents mo ang ginawa nila para mabuonang perfect na gaya mo? May formula ba?" Walang prenong tanong ni Mild. Hindi din talaga uso ang filter sa babaeng ito.

"H-Ha!" Nagtakip ng mukha si Claire. "Kung ano-anong sinasabi mo riyan, Mild!"

"Hay naku Claire, ang cute mo talaga!" Yumakap si Mild sa kanya at pinagkiskis ang kanilang pisngi. "Buti na lang kaibigan kita, kapag nahirapan akong pumasok sa langit, backup-an mo 'ko, ha!"

Our fun was interrupted noong may unan na tumama sa ulo ko. Jessica is holding a throw pillow. "Aba! Nagsisimula ka nang gulo, ha!" Sigaw ni Mild at kumuha rin ng throw pillow at ayon na nga at nagbatuhan na kaming apat.

***

MALAPIT na mag-gabi at tahimik na sa village. Nakatanaw lang ako sa labas ng bahay naming tinutuluyan sa mga estudyanteng nagja-jogging.

"Mild, ready na daw," sabi ni Jessica.

"Bakla! Maligo ka na!" Nagulat ako noong hatakin ako ni Mild paalis sa bintana.

"H-Ha? Bakit? Anong mayroon?" Tanong ko at bumalik muli sa pagkakaupo. "Tinatamad akong maligo, ang lamig ng tubig dito. Bukas na lang ng umaga."

Mild sighed. "Bilisan mo na lang! Claire! Tulog naman!" Iniharap niya sa akin si Claire.

"J-Jamie, maligo ka na." Nahihiyanh sabi ni Claire.

Alam ninyo 'yong feeling na kapag si Claire ang nagre-request ay ang hirap tumanggi? Feeling ko hindi na ako tatanggapin sa langit kapag tinanggihan ko siya, eh.

"Sige." Tumayo ako at kumuha ng tuwalya sa cabinet. "Pero ano ba kasi mayroon? Bakt atat na atat kayong maligo ako? Mabaho na ba ako?" Inamoy-amoy ko ang sarili ko. "Hindi pa naman, ah!"

"May surprise date kayo ni Seven!" Mild clapped her hands.

"Date? Ba't hindi ko alam?"

"Gaga ka, nakikinig ka ba? Surprise date nga, eh!" Tinulak na ako ni Mild papasok sa banyo. "As your bestfriend, binubugaw na kita."

Ano na naman bang pakulo ito?

Matapos kong maligo ay nakahanda na ang damit na susuotin ko sa kama. Isa itong baby pink na dress. I rarely wear dress, kapag nasa misyon kami, delikado 'yong mga movements na gunagawa namin kung kaya't hindi ako nagdadala ng isa. The last time na nagsuot ako noon ay noong Baguio mission pa.

Jessica is the one who put makeup on my face. "Ang kati naman niyan sa mukha," sabi ko habang nilalagyan niya akong blush-on.

"Tiis-ganda. Wala ka bang concept no'n?" Sabi ni Mild habang sinusuklay ang buhok ko.

"Seryoso ka bang may date na magaganap? Baka mamaya pinagti-trip-an mo lang ako?" Tanong ko kay Mild.

"Jamie, alam mo kung paano ako mang-trip," may point. Malala mang-trip si Mild, nilagyan niya nga dati ng palaka ang likod ni Ace noong nag-tuck in ito ng polo. Grabe 'yong panic ni Ace no'n habang si Mild ay gumulong sa sahig sa kakatawa. Siguro ang traumatic ng experience na iyon kay Ace.

I let them do the things at naupo pang ako sa kama. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos at babaeng-babae ako sa pagkakataong ito.

"Maganda rin pala ako kapag naaayusan." Sinuklay ko pa ang buhok ko gamit ang kamay.

"Halika na, Jamie, naghihintay ang date mo." Sabi ni Mild at naglakad kaming tatlo papalabas ng bahay.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nabigla ako noong mapunta kami sa isang lake, sa gitna ng lake ay may pavilion na napapailawan ng mga lights. May violin music din na nagpe-play sa background.

Hindi ko alam na may ganitong lugar pala sa village na ito. Sa bagay, tinatamad din naman akong mag-jogging para libutin ang lugar.

I smiled awkwardly. "A-Ano 'to?" Kumamot ako ng ulo ko.

Hinampas ni Mild ang kamay ko. "Gaga, huwag kang magkamot. Magugulo ang pagkakaayos namin sa buhok mo."

Hinarap ako muli ni Mild sa direksyon ng Pavilion.

"Good evening ma'am," nakangiting naglalakad sa amin si Teddy, he is wearing a waiter uniform ('yong katulad sa mamahaling restaurant) at maayos ang tindig nito. "Welcome to your date po,"

"Luh Teddy, ikaw ba 'yan?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Gago ka Jamie, sabi ni Seven, ayusin ko raw. Huwag mo 'kong simulan."

He offered his hand at tinanggap ko naman ito. Before we leave ay kumindat pa siya kay Claire.

"Hindi pumapatol sa waiter 'yong friend ko, sorry." Biro ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, naaawa lang din sa 'yo si Seven kaya niya ginagawa 'to." Hinampas ko ang braso niya. He chuckled. "Pikon."

Naglakad kaming dalawa ni Teddy sa bridge papunta sa pavilion. Seven is seating there while staring at me. Hindi ko alam kung bakit ang formal ng suot niya ngayon. Pero I will admit, he looks good kapag nakaayos ang buhok niya. Ang neat niya tingnan.

"Laglag panga naman si tanga sa 'yo." Bulong ni Teddy.

Titig nga talaga si Seven sa direksyon ko habang hindi nawawala 'yong nguti niya. Narating namin ang pavilion at ang ganda ng ayos nito. Maliit lang ang pavilion pero nakapag-setup sila ng table for two at nadaan nila sa design.

Kaya pala busy na busy ang boys sa class zero dahil may ganito silang paandar.

"Wow, may paganito kang paandar!" Sabi ko noong makalapit kay Seven.

He brushed his hair at namula ang tenga niya sa hiya.

I know this is a big move for Seven. Mahiyaing tao si Seven and he is having hard time in expressing his feelings. Kaya nga madalas ako lagi ang unang kumakausap sa kanya o ako na ang madalas nagpu-first move because hirap siyang gawin iyon.

I know this is a brave thing for him.

"Thank you sa ganito." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Have a seat, mga bungol." Teddy said.

"Teddy—" sasawayin sana siya ni Seven.

"Shhh!" Teddy said. "Sorry bro, hindi ko talaga kayo kayang seryosohin. Nakakatawa 'to." He chuckled.

Umupo kaming dalawa at nag-video rin ako sa buong place para i-myday ko sa facebook ko.

"So do you like it?" He asked. "Nakakahiya man pero nanghiram pa ako ng speaker sa ibang school pati 'yong mga lights."

Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa. "Ikaw ang nag-ayos nito?"

Namula muli ang tenga ni Seven. "Y-Yes. Tingnan mo," pinakita niya ang daliri niyang may bandages. "Nahirapan pa kami sa paglalagay ng lights. Dapat nga ay maglalagay pa kaming bulaklak... walang sanay gumawa sa amin." Nahihiya niyang pag-amin.

"I like it." I admitted. "Salamat dito. First time kong maka-experience ng ganitong date."

Sa totoo lang ay sasabog na din ako sa sobrang kilig pero baka kasi kapag hindi ko siya kinausap comfortably ay baka maging awkward lang ang dinner na ito.

I highly appreciated this kind of efforts.

"I am glad that you like it." Sabi niyang nakangiti at mukhang nawala na rin ang kaba sa kanya. "Juice?"

Teddy served an Tang Pineapple sa wine glass. "Tiis ka muna sa Tang, bawal magpuslit ng wine sa village eh." Natawa ako sa sinabi ni Teddy.

Ang cute pa noong pitsel nila! 'Yong malaking pink na pitsel na nabibili sa palengke. Sa bagay, limited ang resources nila and sobrang nag-effort sila.

Teddy was just standing sa isang gilid at hindi nangingialam sa kuwentuhan namin ni Seven. Ang rare ng moments kaya na nakatahimik si Teddy. Paniguradong may pamblackmail si Seven kung kaya't ganyan kabait si Teddy.

Marami kaming bagay na napag-usapan ni Seven patungkol sa mga misyon na pinagdaanan namin. We also talked about movies, he is really into Marvel movies. Ang dami niyang naikuwento tungkol doon, buti na lang talaga at napanood ko 'yong Infinity War at Black Panther kung kaya't nakasabay ako sa kuwento niya.

Naputol ang usapan namin noong dumating si Kiryu at Kiran na parehas naka-chef costume. I grabbed my phone and took a photo of the two! Ang cutie nila tingnan parehas.

Inabutan ako ni Kiryu ng menu list at alam kong sulat kamay iyon ni Ace... hindi readable, eh.

"May steak din kami sa menu..." pagmamayabang ni Kiryu. "Anong luto ba?"

"Medium." Sagot ko kay Kiryu.

"Hala, Seven, large 'yong mga steak na pinabili mo—"

Hindi na natapos ni Kiryu ang reklamo niya noong binatukan siya ni Kiran. "'Yong luto 'yon, Kiryu. Hindi 'yong size noong steak." Bumalik ang tingin ni Kiran sa akin. "Your order are steak and spaghetti. Coming up po." They walked away at nagtatalo pa ang dalawa.

Naiiling si Seven. "Ang epic fail nito."

Nangiti ako. "A-Ayos lang. ang sweet nga, eh. I never imagined that you can do this thing. Thank you Seven. Alam kong malayo ito sa mga ideal dates ko... pero mas masaya 'to."

Hinawakan ni Seven ang kamay ko at parang may kuryente na gumapang sa buo kong katawan. Napatingin ako kay Teddy na napapahampas sa pader dahil sa nangyayari.

"That's my boy." Teddy said.

"Alam kong matagal na rin tayong malapit na magkaibigan, Jamie... we both know that we are special to each other. But lately, I realized na ayoko nang ikulong ang sarili ko sa pagiging kaibigan. Ayoko nang mag-playsafe lalo na't may dahilan ako para sumugal. You already gave me an assurance." Diretsong nakatingin si Seven sa aking mata habang sinasabi iyan.

Hindi ko alam pero kaht naka-dress ako ay parang uminit bigla sa paligid. Hindi ko alam kung namumula na ba ako dahil sa kilig pero... bahala na!

"Tapos dahil sa kalokohan ng isang gago—" sumipol si Teddy na parang hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Seven. "I realized na hindi na dapat ako matakot. Noong una ay natatakot ako sumugal dahil sa nangyayaring gulo. Nakataya ang buhay nating dalawa sa giyerang ito..."

Humigpit ang hawak ni Seven sa kamay ko. "Pero hindi ko hahayaang maglaho ka Jamie, we will win this fight. Gusto kong maging totoo sa feelings ko kahit ngayon lang. Malakas ako Jamie kapag nasa tabi kita."

"Will you be my girlfriend?" He asked without stuttering. Kinagat ni Seven ang ibabang labi niya na parang kinakabahan sa magiging sagot ko.

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kaliwang kamay (since hawak ni Seven ang kanang kamay ko). "A-Alam mo naman ang magiging sagot ko, 'di ba?" Tanong ko. "Umamin na nga ako sa 'yo sa training camp, eh."

He chuckled. "But still, gusto ko pa ring marinig ang sagot mula sa bibig mo—"

Our conversation was interrupted noong marinig na malakas na hinahampas ni Teddy ang pader. "S-Sorry, don't mind me. Kinikilig lang ako. Isipin ninyo hindi ako nag-e-exist. Proud ako sa bestfriend ko, lumalandi na."

Humarap ako kay Seven. Tumayo ako ng bahagya and planted a kiss on his cheeks. Napatigil si Seven...

"P-Para saan 'yon?"

"My answer." Namumula kong sabi. "Hindi tayo maglalaho sa labang ito. Ikaw lang naman ang hinihintay kong magtanong, eh. Yes, I'll be your girlfriend." I answered while smiling.

Sigurado ako sa sagot ko.

Seven smiled at pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

Naputol ang usapan namin noong makita kong may cellphone camera na nakatapat sa amin na nasa tabi ni Teddy.

"A-Ano 'yan?" Turo ko sa camera.

Mukhang nag-panic si Teddy. "W-Wala 'yan. Tuloy ninyo lang. malapit na 'yong steak. Kaunting hintay na lang—"

"Naka-live tayo." I informed Seven.

Masama niyang tiningnan si Teddy. "Anong kalokohan na naman 'to, Teddy?"

"Idea 'to ni Mild at Ace. Magpa-Pay-Per-View daw kami sa village para magkapera kami." Lumuhod ulit siya sa harap ni Seven. "Sorry na, master!!"

"Magkano naman ang kinita mo?" Pinatunog na ni Seven ang mga daliri niya.

"100 pesos per head eh... wait compute ko, 5600 yata." Napaangat siya nang tingin kay Seven. "Sorry na nga!"

"Teddy!!"

Our day ended like that. Pero ngayon, official na kami ni Seven which make this day special.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top