Chapter 85: The Good Effect

JAMIE
"GUYS, para kayong gago. Kalma lang naman," awat ni Teddy sa dalawa dahil nakukuha na nito ang atensyon ng lahat ng estudyante na nasa village. "Nandito tayong lahat magkasundo-sundo at hindi para magpaga—"
"Teddy, labas ka rito." Seryosong sabi sa kanya ni Seven at bumalik ang tingin niya kay Topher.
Napasampal na lang ako sa aking noo. Si Teddy ang pasimuno nito, so basically, involved siya.
Naglakad ang dalawa sa gitna ng field. Lahat kaming nagluluto ay napatigil sa ginagawa at napadako ang atensyon namin kay Seven at Topher. They are really serious in having this fight. Maging ang mga estudyante na nagpapahinga sa kani-kanilang rooms ay napalabas para mapanood ang laban.
"Jessica, pakitawagan naman si Sir Joseph," pakiusap ko sa kanya.
"Nasa meeting lahat ng teachers." Sagot ni Jessica.
Patay.
Humarap ako kay Teddy. "Hoy! Alam mo, kasalanan mo lahat 'to. Kung ano-ano kasing trip ang pumapasok sa isip mo, eh." Naaawa din ako kay Topher kasi nagalit sa kanya si Seven nang wala man siyang kaalam-alam.
"S-Sinubukan ko naman silang pigilan," sagot sa akin ni Teddy. "Jamie, yari ako kay Seven nito pota. Pakisabi naman sa parents ko mahal ko sila."
"Yari ka talaga."
Napabaling ang atensyon naming lahat sa field at malakas na nagsisigawan ang lahat. Some of them are rooting for Topher at siyempre kahit hindi ko gusto 'yong nangyayari... I am rooting for Seven.
"Claire, standby ka lang, ha?" Paalala ko kay Claire.
Kinuha na ni Seven ang deck of card niya at pinalipad sa ere. Pumosisyon naman si Topher sa kabilang side ng field at may usok na lumalabas sa buo niyang katawan dahil sa lamig.
Sinubukan ko pa rin silang pigilan dahil mapapagalitan na naman kami ni Sir Joseph. Jusko Lord, ayoko nang tumakbo ng ilang laps. "Seven, pag-usapan ninyo na lang muna ni Topher 'ya—"
"Hindi!" Sabay nilang sigaw at napatikom ako. Sabi ko nga, hindi.
"Kiryu, hawakan mo si Jamie!" Malakas na sigaw ni Mild at ikinulong ako ni Kiryu sa kanyang braso. "Magkaibigan tayo, Jamie, pero huwag kang KJ. Alam kog magsusumbong ka kanila Sir Joseph. This is clash of the leaders! Action 'to! Masaya 'to!" She clapped her hands because of her happiness. Typical Mild.
Nabigla kami pare-parehas noong nabaliyan ng makapal at madulas na yelo ang buong field. Napaatras kaming lahat dahil sa nangyari. Mukhang hindi nga talaga mapipigilan ang dalawang ito sa labanang ito. Sana lang ay matapos na ang meeting nila Sir Joseph dahil ayaw nilang makinig sa amin.
Pinalutan ni Seven ang kanyang sarili upang hindi maapektuhan ng yelo. He swayed his fingers at bumubulusok na tumungo sa direksyon ni Topher ang mga baraha.
Akala ko ay sobrang timid na tao ni Topher since he don't usually put an expression to his face pero ang bilis ng reflexes niya. Nagawa niyang maiwasan ang mga baraha ni Seven by just sliding with the ice. Although, may mga barahang tumama sa kanyang binti at kanang braso pero mukhang hindi niya ito alintana.
Lumalakas na ang sigawan ng mga tao rito dahil na rin umiinit na ang mga nangyayari.
Napasinghap ako noong may mga matutulis na yelo na umangat sa tapat kung saan lumulutang si Seven. Naiwasan ito ni Seven ngunit kinailangan niyang bumaba sa lupa upang ma-maintain ang kanyang balanse. Wrong move iyon dahil biglang kinapitan ng yelo ang kanyang paa dahilan para hindi siya makagalaw.
"Go Seven! Huwag kang magpapatalo riyan!" Nangingibabaw ang malakas na cheer ni Mild at Ace. Siguro ay weird na sa paningin ng ibang school ang buong Class Zero. "Kapag natalo ka tatakbo ka 15 laps!"
Pinagalaw ni Seven ang isang basurahan na nasa gilid at pinatama sa likod ni Topher, natumba si Topher at ginamit iyon na tiyansa ni Seven para mahiwa ang yelo na nasa kanyang paanan.
Naputol ang kasiyahan ng lahat noong marinig namin ang isang malakas na pito. "Everyone, go back to your room, now!" Sigaw ng isang professor na nagmamadaling pumunta rito.
Parang mga langgam na nagkalasan ang lahat at pumasok sa kani-kanilang silid.
"Class Zero, hindi talaga kayo tumitigil na ipahiya ako sa association." Naiiling na sabi ni Sir Joseph habang tinuturo kami isa-isa. "Mag-uusap tayong lahat pagkatapos kong masermunan."
Ayon, natigil lang ang labanan ni Seven at Topher noong dumating ang mga professors. Pero siyempre, napagalitan ang mga adviser ng Sahandra at Merton dahil sa nangyari.
***
"Sir, hindi ko naman talaga in-expect na lalaki nang ganoon ang gulo," malumanay na paliwanag ni Teddy na parang kinukumbinsi si Sir Joseph. "Ang gusto ko lang naman ay pagselosin si Seven. Tangina, 'di ko in-expect na magbubugbugan silang dalawa."
"Teddy, ilang beses na akong napapagalitan dahil sa 'yo. Hindi mo ako madadaan sa ganyang boses mo." Banta sa kanya ni Sir. "Ikaw man Ace, ilang beses ng sinabi na bawal mag-film... vlog ka pa rin nang vlog."
"Ah, bawal ba?" Inosenteng tanong ni Ace.
"Bawal!" Sabay-sabay naming sigaw dahil bago pa man itong competition ay ilang beses na siyang sinabihan ni Sir Joseph.
"Wow, classmates, salamat sa suporta. Damang-dama ko." Sagot ni Ace.
"Sir, sorry na po." Sabay-sabay naming sabi at napabuntong-hininga si Sir Joseph.
"Sige na, bumaba na kayo doon. Huwag lang mauulit 'tong nangyari. Avoid fighting." Bilin ni Sir. Akmang lalabas na kami noong may hinabol pa si Sir. "Saglit lang. Teddy, Mild, Ace, Kiryu, nasa inyong apat ang mata ko... huwag ko kayong makikitang gumagawa na naman ng kalokohan."
"Sir maayos naman kami!" Sagot ni Teddy. Coming from him talaga, ha!
"Wala akong ginagawang kalokohan, Sir, behave ako." Nag-peace sign si Kiryu.
"Wala PANG ginagawang kalokohan." Pagtatama ni Sir Joseph. "Ace at Claire, huwag ninyong kakalimutan na mas maaga kayong babalik ng Maynila. Kailangan ninyong magturo sa Fladus Academy at kailangan makapag-compact si Claire sa Servant of Holliness."
Lumabas na kami ng kuwarto ni Sir Joseph at napabuntong-hininga kami pare-parehas. Grabe! Akala ko ay mapapagalitan kami ng sobra ni Sir dahil sa nangyari pero buti na lang at mukhang good mood siya. Iba talaga ang nagagawa ng love life kay Sir, humahaba ang pasensiya.
"Kalokohan pa, Teddy," asar ni Ace bago siya lumabas.
"Vlog pa, tanga." Ganti ni Teddy sa kanya.
"Jessica, bumalik na tayo sa pagtulong doon sa fie—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin noong humarang sa daan si Seven.
"Mag-uusap pa tayo, Jamie," seryoso niyang sabi.
Pasimpleng lumalakad papaalis si Teddy. "Lalo ka na, Teddy! Lumapit ka rito!" Sigaw niya. Ayan na, naka-leader mode na si Seven. Yari nga talaga kami kay Seven.
Nag-usap kaming tatlo sa isang sulok ng village at ang unang ginawa ni Teddy? Lumuhod sa harap ni Seven. "Tangina, master, sorry na!"
"K-Kasalanang lahat 'to ni Teddy." Sorry Teddy, kailangan kitang ilaglag. Kailangan kong iligtas ang buhay ko.
"Na sinakyan mo naman?" Seven asked. "Nakakahiya sa tao, nagkaroon kami nang alitan ng wala man lang siyang ideya kung bakit ako inis sa kanya."
"So nagselos ka nga?" Nag-angat nang tingin si Teddy. "Sabi ko sa 'yo, Jamie, effecti—"
"Tadyakan kaya kita?" Seryosong sabi ni Seven sa kanya.
"Sorry po, master!" Lumuhod ulit si Teddy.
"Sorry na, Seven. Ako na lang ang magpapaliwanag kay Topher sa nangyari. Ako na lang ang magso-sorry." Sabi ko.
Umubo si Seven. "H-Hindi na. Ako na ang kakausap ng personal sa lider ng Sahandra na iyon."
"Uy selos si—" hindi na natapos ni Teddy ang pang-aasar niya dahil tinadyakan na siya ni Seven. "Aray ko! Punyeta!"
"Seven... puwede na ba akong bumalik sa pagtulong sa kanila doon?" Tanong ko.
"S-Sige," sagot ni Seven. Akmang aalis na ako noong tinawag niya muli ang pangalan ko. "Jamie,"
Napalingon ako sa kanya. "Bakit?"
"Totoo bang binigay ni Topher sa 'yo 'yong number niya?" Nahihiya niyang tanong. Ako naman ang napangiti sa sinabi niya, mukhang naapektuhan nga si Seven dahil sa sitwasyon.
"Wala akong number ni Topher," seryoso kong sabi.
"B-Bakit ka nakatawa noong nasa arena tayo habang nakatingin ka sa cellphone mo?" Tanong niya ulit.
"Kausap ko si Jason no'n."
Our conversation was interrupted noong mapatingin ako kay Teddy. Maging si Seven ay napatingin na rin dito. May malaking ngisi sa mukha ni Teddy na mukhang successful siya sa pinaggagawa niya sa buhay niya.
"Sige na, Jamie, tumulong ka na roon. Mag-usap na lang ulit tayo mamaya." Sabi sa akin ni Seven.
"Eh ako kailan ako makakaalis?"
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Teddy. Babawi ako sa lahat nang kalokohan na ginawa mo sa akin maghapon." Sagot ni Seven sa kanya. Dire-diretso na akong naglakad papaalis dahil baka mamaya ay magbago pa ang isip ni Seven at bigla na naman akong madamay.
"Jamieee!" Dinig kong malakas na tawag ni Teddy pero hindi ko siya pinakinggan. Pasensiya na kaibigan, kasalanan mo rin naman iyan.
***
TEDDY
"PUTANGINA, nakakahingal!" Malakas kong reklamo at ibinagsak ang katawan ko sa isang malaking patag na bato. Kakatapos ko lang tumakbo sa buong village bilang parusa ni Seven. Putangina, hindi siya masaya gawin. Minsan talaga ay dapat kong ayusin ang trip ko sa buhay, eh.
Nakatingin lang ako sa kalangitan habang naghahabol nang paghinga, medyo madilim na sa paligid at tanging ang ilaw ng streetlights na lang ang nagbibigay liwanag sa lugar.
"Teddy, ayos ka lang ba?" Napaupo ako noong narinig kong magsalita si Claire. May bitbit siyang towel at malamig na tumbler. "H-Heto, mukhang pagod na pagod ka sa parusa ni Seven."
Lintik na Pinunong Pito 'yan! Alam kong damay si Jamie sa kalokohan ko pero ako lang ang napagalitan. Badtrip. May favoritism talagang nagaganap dito, eh.
Inabot sa akin ni Claire ang tumbler at uminom ako rito. Gago, ang sarap uminom ng malamig na tubig pagkatapos nang matagal-tagal na exercise. "Ayos ka lang ba? Ang tagal kang sinermunan ni Seven kanina, ah."
"Okay lang," sagot ko at nag-indian seat. Itinuro ko ang bakanteng space sa lapad na bato para makaupo si Claire. "Kasalanan ko rin naman. Pero ang tagal din nang sermon na iyon, ah. Akala yata ni Seven ay nagmisa kaming dalawa."
Mahinang napatawa si Claire at napangiti ako sa kanya. "Ikaw, maaga ka pa lang aalis dito?" Tanong ko.
"Ah Oo, nag-request kasi ang Fladus Academy na bigyan namin ng training ni Ace ang mga batang glitches sa Fladus Academy. Tapos makikipag-compact na rin ako sa Servant of Holliness." Paliwanag niya sa akin at hindi naalis ang tingin ko sa kanya.
These past few weeks ay mabusisi talagang nagsasanay si Claire para mapalakas ang ability niya. Hindi man niya sinasabi sa lahat pero alam kong siya ang pinaka naapektuhan sa paglalaho ni Girly. Siya ang nag-aya na mag-swimming sila sa Tangadan Falls.
Maaga akong nagigising tuwing umaga at nakikita ko si Claire na nag-pa-practice mag-isa sa likod ng classroom naming Class Zero. Knowing Claire, ayaw na ayaw niyang makakaperwisyo ng ibang tao.
Akalain mo 'yon? May mga tao pala talagang pinanganak na likas na mabait? Si Kiryu nga kapag nakikita ko sarap batukan, eh.
"Good luck," I patted her head. "Wala man ako doon alam ko namang magagawa mo iyon. Kung magkaproblema, mag-text ka lang. kapag inaway ka ng mga bata doon, iumpog mo sa pader tapos heal mo na lang." paalala ko sa kanya.
"Teddy!"
"Joke lang! Pero seryoso kapag may problema, tawag ka lang."
"I-Ikaw man, kapag pinagalitan ka ni Sir, magsabi ka agad."
"Wow, Claire, bakit sa tingin mo papagalitan na naman ako?"
"Favorite ka ni Sir." Tangina, for the first time, ayokong maging favorite.
Mahinang napatawa si Claire at napangiti naman ako ulit. Dati ay kinakausap ko lang si Claire dahil mukha siyang kawawa sa Class Zero na walang kausap (dahil sa pagiging tahimik niya). Pero noong lumaon, kahit siya na lang kausap ko maghapon... I don't mind.
It makes me proud na ngayon ay nag-i-improve na siya,m. Nahihiya pa rin siya pero mas nae-express niya na ang sarili niya sa ibang tao. She gained new friends either.
Hindi counted si Ronan as his friend. Gago 'yon.
Humiga ako sa lapad na bato at pinagmasdan ang kalangitan. Mas visible na ang bituin ngayon kaysa kanina.
"Claire, kailan mo sasabihin sa kanila na tayo na?" Tanong ko.
"H-Ha?" Mabilis na namula ang mukha ni Claire at napangiti ulit ako. "H-Hindi naman nila kailangan malaman, 'di ba?"
Ginawa kong unan ang dalawa kong kamay. "Sa bagay. Hindi naman sila nag-aambagan kapag nagde-date tayo."
"Pero masaya ako na ganito tayo..." sabi ni Claire.
"Ako man."
"K-Kapag nagtanong sila hindi ko naman din itatanggi na tayo na." I preferred that, 'yong hindi kailangan ipagsigawan na may relasyon kami pero hindi rin naman itatanggi.
"Mamayang gabi, makipag-interact ka sa ibang school. Huwag lang kay Ronan!" Paalala ko.
Subukan lang talaga ng gago na mag-move kay Claire, gagamitin ko ang ability ko para tisurin ang gago.
"Mabait naman 'yong tao..." sagot ni Claire.
"Pakitang tao lang ang hayop," umupo ulit ako. "Kapag nakita mo siya sabihin mo 'putangina mo gago.'"
"H-Hindi ako nagmumura."
"Make him an exception! Murahin mo nang tigilan ka niya."
***
KINAGABIHAN, we have a feast night hosted by Prolus Academy. May mahabang table sa gitna ng village kug saan nakalatag ang mga pagkain.
Ang ganda nang pagkaka-setup nila sa lugar, may mga lights na nakasabit sa mga streetlight tapos ay may malakas silang music na nakahanda to enjoy the night. May party lights din at siyempre! Ang sasarap ng pagkain.
Sana all may budget ang school. Merton, baka naman.
Ito ang unang beses na kumain kami kasama ang taga-ibang school and the good thing is madami akong nakakasundo.
The bad thing is... punyeta ang daming umaaligid kay Claire.
"Teddy bear," biglang sumulpot si Jamie sa aking harap.
"Putangina ka, huwag mo akong kausapin. Nilaglag mo ako kanina," banta ko sa kanya.
"Galit agad?"
"Jamie, ikaw tumakbo sa village ng ilang beses... sa tingin mo matutuwa ka," she laughed. "Gago ang laki ng village! Kanina pa nangangatog binti ko dahil sa muscle cramps."
"Sorry na nga," nilagyan niya ng marshmallows ang pinggan ko. "Ayan, peace-offering."
Kumuha ako ng isang marshmallow at pilit pinakain sa kanya. "Anong akala mo sa akin, si Kiryu? Na mauuto mo ako sa ganito?"
"Hindi ba?"
I smiled and pinched her cheeks. "Puwede na rin. Pero hayop ka pa rin, ako sumalo ng lahat ng sermon."
"Aba! Kasalanan mo naman talaga!"
"May kasalanan ka rin."
Malakas na kanta ang umalingawngaw sa paligid and we started partying. We are all enjoying the night habang pinakikilala ang mga sarili namin sa ibang school.
You guys want to know kung ano ang first impression ng ibang school sa Class Zero?
Troublesome.
Mga punyeta, 'di naman din namin gustong masali sa gulo.
If I will describe their school in one word? Weak.
Wala silang Teddy Agoncillo sa school nila. Merton Academy is so lucky to have me. Ako ang pinakamalakas na support sa Class Zero.
Saglit akong umupo sa isang monoblock para ipahinga anh binti ko. Badtrip, 'di ako maka-party ng matagal dahil sa sakit nito.
"Sumpain ka sana Seven. Ang sakit ng binti ko—"
"Teddy," naglalakad papunta sa direksyon ko si Seven.
"W-Wala akong sinasabi, Pinunong Pito."
"Gusto kitang makausap..."
"Tangina, sorry na nga!" Ilang beses ko na bang nasabi ang sorry ngayong araw?
"That's now what I mean," he said at napatingin ko sa kanya.
"Ha? Para saan? Assignment? Gago mas matalino ka sa akin."
"Tulungan mo ako,"
"Sa?"
"Kay Jamie." Direkta niyang sabi.
"Seryoso ba?" Napatayo ako at ayan na naman ang cramps. "Aray ko p-putangina." Humawak ako sa balikat ni Seven para makatayo ng maayos.
"O-Oo nga. May mga na-realize ako sa ginawa kong kalokohan."
"Di ba? Putangina ikaw ang tumakbo sa field 10 laps. Tawagin mo akong master." I proudly said. Tinanggal niya ang kamay kong nasa balikat niya at napaupo ulit ako sa monoblock.
"Ulol."
"Ano namang na-realize mo ba? I am so proud of you bestfriend."
"Label." He answered at umiwas nang tingin. "P-Pakiramdam ko ay wala pa akong karapatan magselos kasi wala kaming label.
"Luh, wala naman talaga." Sagot ko at sinamaan niya ako nang tingin. "Joke lang. badtrip agad?"
Kunwari pa akong nagpahid ng luha. "Tanginamo kang animal ka. I am so proud of you, akala ko ay habambuhay ka ng masaya sa ganyan."
"So... ano nga? Matutulungan mo ba ako?"
"Sabihin mo muna, please maste—"
"Itusok ko kaya lahat ng baraha ko sa 'yo ngayon?"
"Joke lang. G ka agad eh. Siyempre tutulungan kita. Bestfriend mo ako, eh." Sagot ko sa kanya.
Sa wakas, nagbunga din ang kagaguhan ko sa buhay. Kikilos na ang bata ko. Totoong may himala.
In St. Claire we trust...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top