Chapter 83: Dodgeball

Twitter hashtag: #ClassZeroCompetition

ITO ang unang beses kong makapasok sa sports complex ng Philippines area, I mean ang laki ng lugar at biglang nanlamig ang aking kamay sa kaba.

Makakalaban namin ang ibang estudyanteng may abilities kagaya namin kung kaya't hindi namin sila puwedeng maliitin. The emcee introduced the participating schools in this competition at tsaka lang sila pupunta sa center ng arena para pumila. "The first school, Sahandra Academy!" Sigaw noong emcee at may pitong kabataan na naglakad papasok sa arena.

"You should be careful kay Topher, his power is Ice." Bulong sa akin ni Mild. Napatingin ako sa lalaking tinuturo niya, he have a dark gray hair and a messy hairstyle. Hindi rin nagpapakita ng emosyon ang kanyang mukha at diretso lang na nakatingin sa kanilang nilalakaran. "He is the leader of Class Terra of Sahandra Academy."

"Bakit alam mo ang tungkol sa bagay na iyan?" I mean, ako lang yata ang hindi nakakaalam sa mga taong may abilities sa ibang school. Aware ako sa school pero hindi ako aware na may mga glitches sa school nila.

"Hindi ka naman kasi nakikinig kapag nagdi-discuss si Sir Joseph," reklamo sa akin ni Mild. "Puro kayo tsismis ni Kiryu."

Eh ang sarap kayang kakuwentuhan ni Kiryu!

"Ikaw din naman ah."

"Nakikinig pa rin ako," pagmamayabang niya. "Aral-aral din, Jamie." Yumakap sa akin si Mild at pinagmasdan ang mga sumunod na school na pumasok sa arena.

Sahandra Academy (7 members)
Arcadia Academy (9 members)
Dissidia University (7 members)
Valthyrian Academy (8 members)
Prolus Academy (9 members)
Kirenai University (10 members)
Al-Rashia Academy (8 members)

Sobrang namangha ako noong makita ang mga representatives ng bawat academy. Ang gaganda pa ng uniform nila na para bang elite students sila ng school nila. As much as I want to be friends with them, mukhang seryoso sila sa kompetisyon na ito. I can't blame them, kahit kami rin naman seryoso sa bagay na ito.

"Class Zero of Merton Academy!" Sigaw noong emcee at naglakad kami papasok sa arena sa pangunguna ni Seven. May mangilan-ngilan na nanonood dito na sinabi ni Mild na mga miyembro ng asosasyon at gusto nilang makita ang capabilities ng nga batang glitches sa panahon ngayon.

Humilera kami sa gitna ng arena pero pakiramdam ko ay nasa amin ang atensyon ng mga kakumpetensiya naming school.

Saglit lang na nag-explain patungkol sa kung ano ang mangyayari sa event. In this competition, we are allowed to use our abilities sa mga games na sasalihan namin. The oganization pointed that this is just a 'for-fun-competition' para lang makita nila ang capabalities namin.

Ang unang laro ay dodge ball. Kada-team ay bubuuin ng anim na miyembro at magkakaroon ng laglagan hanggang magtapat sa finals ang dalawang team na matitira for the final game. Ang rules, tanging ang mga kasali lang sa game ang puwede gumamit ng mga abilities at kahit masalo mo ang bola... you can't revive another player in the game.

Nasa isang gilid kami at kinausap kami ni Sir Joseph para piliin ang magiging members ng laro. "Hindi natin puwedeng isali si Kiryu sa contest na ito..." unang sabi sa amin ni Sir. Kiryu can duplicate himself at kapag ganoon ang nangyari ay madadagdagan ang players sa loob ng game kung kaya madi-disqualified kami kapag ganoon ang nangyari.

"Gusto ko pa naman maglaro," Kiryu pouted. Hinagisan siya ni Sir Joseph ng pack ng pochi at umaliwalas muli ang kanyang mukha. Napakababaw talaga nang kaligayahan ng taong 'to.

"Bawi ka na lang sa next game, Kiryu. Wala ka namang silbi." Nakangising sabi ni Teddy. Buwisit talaga 'yong bunganga ng lalaking ito. Kung hindi ko siya kilala ay paniguradong masasaktan ako sa mga sinasabi niya pero wala eh, ganyan talaga ang attitude nitong lalaking ito.

"Ako man Sir!" Mild raised her hand. "Sasali din ak--"

"Hindi mo pa kayang kontrolin ang kapangyarihan mo, out din si Mild." Sabi ni Sir.

"Badtrip, e'di sana iniwan ninyo na lang ako sa Merton."

"Ang players natin for this game are Kiran, Ace, Seven, Jamie, Claire, at Teddy." deklara ni Sir Joseph at napatango naman kami. Unluckily, kami ang unang maglalaro para sa game na ito at ang Prolus Academy ang katapat namin.

"Sigurado ka ba, Claire, kaya mo?" tanong ni Teddy kay Claire.

"Sa amin ba, 'di ka mag-aalala?" tanong ni Ace sa kanya.

"Luh, pakialam ko sa inyo. Tamaan sana kayong lahat ng bola sa mukha." Sinipa ni Ace si Teddy dahil wala talagang makukuhang matinong sagot dito. "Sir oh! si Ace, Nananakit! Kumpiskahin mo nga 'yong kamera nito."

"Alam mo, Teddy, protektado ni Lord 'yang si Claire. Kung sino man makakatama sa kanya ay diretso impyerno na iyon." Pagmamayabang ni Mild na ikinapula ng mukha ni Claire. Ayan na naman siya sa pang-aasar niya. "Ikaw naman, Teddy, huwag kang mag-alala protektado ka ng mga demonyo."

"Aba gago ka, ah."

Saglit kaming nag-stretching sa isang gilid habang nakatingin sa makakalaban naming school. Hindi ko alam kung ano ang abilities kung kaya't kinakabahan ako sa makakalaban namin.

"Kinakabahan ka?" tanong ni Seven habang nakatingin sa game area.

"H-Hindi naman,"

He smirked. "Huwag kang mag-alala, nakalimutan mo na ba ang ability ko? We can easily win this game."

Bigla kong naalala 'yong naglaro sila ng volleyball for school intrams. They easily won that game because of Seven's power.

The referee whistled at pumunta kaming lahat sa gitna para maglaro. Nasa amin ang atensyon ngayon ng lahat ng taong nandito sa arena at maging ang mga taga-ibang school. Hindi ko puwedeng maliitin itong kalaban namin... they have their abilities like us.

"Simple lang ang game, may tig-anim na manlalaro ang nasa magkabilang side ang bawat team. Kapag natamaan ka ng bola ay out ka na at kung sino ang unang team na mawalan ng players sa loob ay siyang talo sa larong ito, maliwanag ba?" tanong noong referee at napatango kaming lahat.

"Let's have a clean fight, class zero." Nakangiting sabi noong lalaking naka-salamin sa Prolus Academy.

Paano magiging clean fight 'to kung gagamitin ng bawat isa ang abilities nila para magkaroon ng advantage sa laro na 'to?

"Okay, guys, focus!" Sigaw ni Seven at pumosisyon kaming mga nasa court para sa laban. The referee whistled at inihagis ang bola sa ere.

"Ako na!" Sigaw ni Ace at mataas siyang tumalon para kuhanin ang bola, but the boy in the opponents jump higher than Ace. Hindi normal ang pagtalon niya dahil naramdaman kong ginamit niya ang magi niya sa kanyang paa.

"Nice one, Taki!" Sigaw noong nasa kabila. Nakalutang sa ere si Taki habang hawak ang bola. He can float and jump high.

Pinagmasdan kami ni Taki habang nakangisi. "Nakaka-thrill naman na nakalaban natin ang Class Zero ngayon." The smile in his face doesn't fade. Pinaikot niya ang bola sa kanyang kamay. "This ball is pretty heavy. Sino kaya ang magandang patamaan sa Class Zero?" tanong niya sa kanyang sarili."

"Aim for the weakest!" sigaw noong lalaking nakasalamin.

Tumingin si Taki kay Teddy. "Aba, gago 'to, ah!" Bulong ni Teddy.

Inipon ni Taki ang buong lakas niya sa kanyang kamay at malakas na inihagis para patamaan si Teddy.

Shit! Halos hindi ko napansin ang bola dahil sa bilis nito. Mabilis akong napatingin kay Teddy at noong matatamaan na siya ng bola ay mabilis siyang nagtago sa kanyang anino. Nakaabang si Kiran sa likod niya na mabilis na sinalo ang bola.

Napaatras si Kiran ng ilang hakbang at muntik pa siyang mapalabas sa guhit. "Go, Kiran!" Malakas kong sigaw. Oras na para ibalik sa kalaban ang bola.

"Whoah, mabigat nga 'tong bola," pinaikot ni Kiran ang bola sa kanyang kamay at nag-apoy naman ito.

Malakas na inihagis ni Kiran ang bola patungo sa direksyon ng kalaban.

Nagulat kami noong lumabas si Teddy sa kanyang anino at sa kanya tumama ang bola. "Aray ko, putangina" reklamo ni Teddy.

Maging ang mga kalaban ay napatayo na lang sa kanilang mga puwesto at nagtatakang tumingin sa aming direksyon. "H-Hoy! Bakit ba bigla-bigla kang sumusulpot!" Sigaw ni Kiran kay Teddy habang turo-turo ito.

"Aba, ikaw pa galit, manang-mana ka talaga kay Kiryu. Hindi ko naman alam na hinagis mo na ang bola since nakatago ako!"

Pumito ang referee. "Teddy of Class Zero... out!"

"H-Hoy magkakampi kami!" Malakas na sigaw ni Teddy.

"That's the rule, kung sino ang matamaan ng bola ay siyang matatanggal." Paliwanag noong referee at hindi ko pa rin talaga ma-gets ang imbentong rules para sa larong ito.

"Pakyu ka, Kiran." Huling sinabi ni Teddy at lumabas ng court at pumuwesto siya sa labas ng court sa tapat ng kalaban.

"Tanga ka lang." sagot ni Kiran.

Napabaling ang tingin namin sa Prolus Academy na nagtatawanan.

"Akala ko ba naman ay malakas ang Class Zero. Mukhang mabilis lang natin matatapos ang laban na 'to." Sabi noong lalaking nakasalamin. Kinuha nila ang bola dahil turn na nila para ibato ito sa aming direksyon.

Siguro ay isang malaking joke ngayon ang tingin ng sa amin ng kalaban namin ngayon maging ang ibang school dahil sa pagkakamali na nagawa ni Kiran at Teddy.

"Hoy ikaw," tawag ni Ace sa lalaking nakasalamin. Seryoso niyang tinitingnan ang lalaki habang ini-i-stretch ang kanyang braso. "Anong pangalan mo?"

"Ronan." Sagot nito.

Ngumiti si Ace sa kanya. "Ikaw na ang sunod na ma-a-out."

"Ha? Hindi ninyo nga nagawang pata—"

"Hindi mo gugustuhin kapag sineryoso namin 'to." Ace interrupted him.

Malakas na hinagis ni Ronan ang bola patungo sa direksyon ko, mabilis akong nakaiwas at napatingin ako sa likod. Bumubulusok ang bola tungo sa direksyon ni Claire. Claire made a barrier to protect herself in getting hit.

The ball stopped in the mid-air at pinalutang ito ni Seven papunta sa kamay ni Ace.

"Gago ka , ah! Bakit sa babae mo pinapatama 'yong bola?! Wala ka bang bayag?!" Dinig naming sigaw ni Teddy, out na nga siya ay napakaingay niya pa rin. Nasaway pa nga siya ng referee pero hindi magpapatalo itong Teddy bear na ito.

Nakatingin kami sa direksyon ng kalaban. Ngumisi si Ace habang diretsong nakatingin kay Ronan. "Hoy, subukan mong iwasan 'tong gagawin ko." Bilin ni Ace sa kanya. "Sa 'yo ko papapuntahin 'tong bola. Heads-up lang kita."

Pinaikot ni Ace ang bola gamit ang kanyang daliri.

"Claire, pabilisin mo nga ang kilos ng kamay ko," hiling ni Ace.

Claire immediately casted a spell for Ace.

Nagulat na lang ako noong biglang hinagis ni Ace ang bola nang walang pasabi. Hindi rin inasahan ng kalaban ang ginawa ni Ace. Mabilis na tinamaan ang balikat ni Ronan at hindi niya nagawang masalo ang bola. He's out.

Nakita kong nahirapan si Ronan na magalaw ang buong kanang braso niya dahil sa nangyari at kita ko rin ang pamumula nito. Mukhang sineryoso nga ni Ace ang sinabi niya.

"Nice one, Ace!" Malakas naming sigaw.

"Ronin of Class Leemah, out!"

Malakas na tumawa si Ace. "Pare walang personalan, laro-laro lang! Shoutout na lang kita sa vlog ko next time. Subscribe ka muna."

Ronan look so pissed when Ace smiled to him. Maloko si Ace pero kapag sineryoso niya ang mga bagay-bagay ay hindi mo rin gugustuhin.

Seven clapped his hand to get our attention. "They already saw our dork side. Ipapakita natin sa kanila na hindi basta-basta ang mga glitches na nasa Merton Academy."

The game continued at mabilis na naming natalo ang Class Leemah ng Prolus Academy. It was a nice fight at hindi na kami nila nagawang patamaan ng bola dahil nagagawang kontrolin ito ni Seven. Kapag napapatingin din sa direksyon ko ang mga kalaban ay mabilis ko lang na inuutos na iabot sa akin ang bola kung kaya't mabilis lang din kaming nanalo.

The game ended at lumakad kami tungo sa direksyon nila Mild. "Ang galing ninyo, Jamie!" Yumakap siya sa akin ng mahigpit.

"Tangina, ako lang nataya, badtrip." Reklamo pa rin ni Teddy. "Buwisit ka Kiran."

Kiran crossed his arms. "K-Kasalanan mo 'yon, 'no! Tanga ka lang talaga."

Nagkaroon kami ng lunch break at sa may field kami pumunta nila Seven para kumain na magkakasama. "Teddy, kuhanin mo 'yong pack lunch natin sa waiting room natin." Utos ni Jessica. "Tsaka 'yong alcohol sa bag ko pakikuha."

"Ako na—"

"May sinasabi ka, Teddy?" Nakataas na kilay na tanong ni Jessica.

"Ang sabi ko, ako na naman. Ako yata ang alila dito sa Class Zero, eh,"

"Nagrereklamo ka?" Tanong ulit ni Jessica.

"Eto na nga po nanay, susunod na. Nanginginig pa." Natawa ako sa naging sagot ni Teddy at umalis na rin siya.

Ang ganda ng araw ngayon. Mataas ang sinag ng araw at puro asul ang makikita sa kalangitan. Masasabi kong hinga talaga para sa amin ito dahil sa dami ng nangyari.

"Ang sarap lang magkaroon ng ganitong event para sa ating mga glitches, 'no?" Sabi ko sa kanila. "I mean, dati iniisip ko na kakaiba tayo sa lahat pero ngayong kasama natin ang ibang glitches ng society, feeling ko normal lang din tayo." Humiga ako sa damuhan at pinagmasdan ang kalangitan.

"Let's enjoy this moment." Humiga din si Seven.

"Ang landi ninyo." Kiryu said.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa aking bulsa para tawagan si Jason. Ang sabi ko sa sarili ko ay weekly ko lang siyang iche-check pero ngayon ay araw-araw ko siyang tinatawagan. Okay lang na makulitan sa akin si Jason kaysa naman ma-homesick siya.

"Ay lobat 'yong phone ko. May powerbank kayo?" Napatayo ako at napatingin kanila Mild.

"Nasa duffle bag ko 'yong powerbank ko." Sagot ni Mild. "Kuhanin mo na lang, nasa waiting area lang din."

"Oo nga, Jamie, pakitulungan na rin si Teddy na dalahin yung mga foods dito, please." Pakiusap ni Jessica.

"Okay. Kayo ba, walang papakuha? Para isang puntahan na lang."

"Jamie-girl, yong camera ko. Pakuha naman. Salamat."

"Stop calling Jamie that." Inis na reklamo ni Seven sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, Seven," Ace tapped his back. "Isaksak mo pa sa baga mo si Jamie."

"Buwisit ka, Ace!" Reklamo ko.

Naglakad na ako paalis at pumasok muli sa arena para kuhanin ang mga gamit.

Habang naglalakad ako ay bigla akong tinawag ni... wait ano nga ulit ang pangalan nito... ah! Taki. "Jamie!" He waved his hand to get my attention.

Kumunot ang noo ko at tinuro ko pa ang sarili ko kung ako nga talaga ang tinatawag niya. "Oo ikaw nga!" He laughed again. Nasabi ko ba sa inyo na ang cute ng eye smile nitong si Taki kapag ngumingiti?

"Bakit?" Tanong ko. I mean, hindi naman kami close.

"Nice game kanina. I didn't expect that Class Zero will be that good." Bungad niya sa akin. "Aware naman kami na malakas ang Class Zero but it surpass our expectation."

"Nice game din kanina." Sabi ko.

"Oh by the way this is Faith mula sa Arcadia academy," turo niya sa isang babae na naka-twin tail ang buhok. Nakipagkamay ito sa akin na tinanggap ko naman. "And this is Topher, from Sahandra Academy." Pagpapakilala niya sa akin doon sa lalaki.

Kilala ko siya. Siya 'yong tinuro ni Mild kanina na may Ice daw na kapangyarihan. Well, it suits him. Tinanguan niya lang kasi ako noong pinakikala ako ni Taki sa kanya.

"Hello! Jamie, from Merton Academy." Pakilala ko sa kanila.

"It's nice to have friends outside my school." Taki said and I nodded. "Ay Jamie, sa village ba kayo mag-i-stay na Class Zero?" Tanong niya sa akin.

Five days kasi tong competition na ito at naghanda ang organization ng isang village kung saan mag-i-stay ang mga taong may abilities. Namangha na ako dati noong nagamit namin itong Philippine Arena pero mas bumilib ako sa Organization nokng umupansila ng isang village para sa amin.

"Ah, oo."

"Good! May chance na mas makilala kita!" Pumalakpak ng ilang beses si Faith.

"We are having a feast tonight, kasama ang ibang estudyante mula sa iba-ibang school. Invite lang namin kayong Class Zero," aya sa akin ni Taki. "Kalimutan mo na 'yong naging sagutan kanina sa court. Magso-sorry na lang din ako doon sa kasama mo."

"Tanungin ko sila kung game ba—"

"Jamie!" Narinig kong tawag sa akin ni Teddy bear habang hawak niya ang mga pagkain. "Kain na daw, matatapos na ang lunch break." Aya niya sa akin.

"Sige, guys, mauna na ako!" Paalam ko sa kanila.

"Punta kayo, invite namin kayong lahat na Class Zero! Let's have fun, iyon naman ang purpose nitong Competition na 'to." Taki said and waved his hand.

Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Teddy.

"Most friendly ng taon, ah." Asar sa akin ni Teddy.

"Buwisit ka, hintayin mo ako dito. Kuhanin ko lang 'yong powerbank tsaka camera sa waiting room." Paalam ko sa kanya.

"Bilisan mo. Gutom na ako, oh."

Saglit lang ako pumasok sa waiting room para kuhanin ang mga kailangan ko at hinintay naman ako ni Teddy bear. Sabay kaming naglalakad papunta sa labas ng Philippine Arena.

"Anong sinabi noong mga pokemon na 'yon sa 'yo?"

"Ha?"

"Hatdog. Ano kakong sinabi sa 'yo nung mga taga-ibang school." Hindi ko talaga alam kung kailan ko makakausap ng maayos itong si Teddy. Ang barumbado ng sagutan niya madalas, eh.

"Pinakikala lang ako ni Taki kay Faith tsaka Topher. Uy! Ini-invite nila tayo para sa kainan mamayang gabi. Prolus Academy daw ang magho-host." Aya ko sa kanya.

"Sure ka? Pati kami in-invite? Wala bang nagtangka hingin ang number mo? Isusumbong ko kay Seven ang mga gago."

"Wala! Ini-invite nga nila tayo. As in lahat tayo."

"E 'di game lang. I will make this fun for you, Jamie," ngumisi si Teddy at napakunot ako ng noo. 'Yong mga ganyang klase na ngiti ni Teddy bear ay alam kong may binabalak 'yang kalokohan, eh.

"Ano na naman 'yan?"

"Sasabihin ko kay Seven na hiningi ni Topher 'yong number mo."

Hinampas ko ang balikat niya. "Siraulo ka! Idadamay mo pa 'yong tao na wala namang ginagawa."

"Tingnan ko lang kung paano magselos si Seven, baka kumilos ang bata ko kapag ganoon ang nangyari." Ngumisi si Teddy. "Gago ka, Jamie, huwag mong sasabihin kay Seven. Makisakay ka na lang." banta niya sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko namang hindi papatulan ni Seven 'yong mga pang-isip batang idea ni Teddy, eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top