Chapter 82: The Competition

"JAMIE, sa likod mo!" Malakas na sigaw ni Jessica at mabilis akong napalingon dito. Isang lawbreaker ang sumusugod at tutusukin ako gamit ang matatalim nitong kuko. Shit, hindi magtatagpo ang mata naming dalawa.

Mabilis akong yumuko at nagpalabas ng dagger, I immediately sliced it's body at nahati ito sa dalawa, tumalsik ang mga dugo nito sa akin bago tuluyang naglaho. "Okay ka lang?" Tanong ni Jessica.

"O-Oo, wala naman akong naging sugat." Sagot ko sa kanya.

"Kailangan na nating puntahan sina Kiran at Kiryu kung tapos na sila na patayin ang mga lawbreakers." Sabi niya at nagmamadali kaming tumakbo na dalawa.

Nandito kaming apat sa parke malapit sa school. Agad kaming pinapunta rito ni Sir noong mabalitaan niyang may lawbreakers na nanggugulo dito. Kaming apat lang ang may vacant hour ngayon kaya kami lang ang nakapunta.

"Kiran! Kiryu! Tapos na kayo?" Malakas na sigaw ko noong makita ko silang nakatayo malapit sa isang court.

Kiryu's face suddenly lit up when he saw us. "Jamieee! Jessicaaa! Natalo na namin ang mga lawbreakers." Sobrang saya talaga ni Kiryu kapag nakakalaban siya ng mga lawbreakers.

Kiran snapped his finger at unti-unting bumalik sa dati ang lahat. Bumalik sa pag-ndar ang oras at gumalaw na ang lahat ng tao na nandito sa parke.

Kinuha ni Kiran ang cellphone niya at tinawagan si Sir Joseph. Binalita lang niya na nagawa naming matalo ang mga lawbreakers at may ilang mga tao na namatay dahil sa nangyari. Sa totoo lang ay ang sakit para sa akin kapag hindi namin nagagawang mailigtas ang lahat ng tao kapag devil hour pero kagaya nga nang sabi ni Sir, hindi sa lahat nang pagkakataon ay maililigtas namin ang lahat. Sapat na ang ginawa namin ang aming makakaya para protektahan sila tuwing devil hour.

Naglakad na kami paalis sa parke at pabalik sa Merton. "Napapadalas ang pagsugod ng mga lawbreakers sa iba't ibang lugar, ah." Reklamo ni Jessica.

"Kahapon man ay may mga lawbreakers kaming nakalaban sa may mall," kuwento ni Kiran. "I feel like the Black Organization is pressuring us."

"Hindi ba uso sa kanila ang salitang ceasefire?" Kiryu pouted. "'Di ba sila napapagod mambuwisit sa atin?"

"Gustong-gusto na talaga nila mabuhay si Deathevn," sabi ko sa kanila.

"As if naman makukuha nila si Mild sa atin." Sabi ni Jessica.

"Nagugutom ako!" Sigaw ni Kiryu habang naglalakad. "Nakalimutan kong magbaon ng gummy worms."

Binuksan ko ang bag ko at inabot ko sa kanya ang isang pack ng pochi. May ngiti na puminta sa mukha ni Kiryu, ang babaw lang ng kaligayahan nitong tao na 'to. "Where did you get it?" Kiran asked.

"Ah, lagi akong may baon na pochi... para kung sakaling may iuutos ako kay Kiryu ay susunod siya." Pag-amin ko at natawa si Jessica. "Pero ibibili din kita ng Clover kung gusto mo." Kiran enjoyed snacks than sweets.

"H-Hindi na, may pera ako." Sagot niya.

"Bakit ako walang pera?" Tanong ni Kiryu sa kanya.

"Ang lakas mo kaya gumastos." Sabi ni Kiran

Nakabalik kami sa Merton at pagkabalik ko sa dorm ay ang una kong ginawa ay tinawagan si Jason. Siyempre, wala si Mama at at Papa sa tabi niya kung kaya't kailangan ko laging kumustahin ang kapatid ko sa Fladus Academy.

"Ate, tawag ka naman nanag tawag," reklamo ni Jason habang magka-facetime kami.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ay wow, parang kasalanan ko pang concern ako sa 'yo, ha! So, kumusta ka diyan sa Fladus Academy?" Tanong ko.

"Nakakapagod ate, alam mo bang ilang beses kaming pinatakbo sa field ng adviser namin! Ang sakit nga ng binti ko ngayon, eh," napangiti ako sa sinabi ni Jason, ganoon din ang reaksyon ko noong unang ipagawa sa amin ni Sir iyon. Ngayon, naiintindihan ko naman na kung bakit namin kinakailangan gawin iyon

Physical training is really important to control your magic skill better.

"Pero okay ka naman diyan?" Seryoso kong tanong.

"Ayos lang, may mga kaibigan na din ako dito. Ikaw ba, ate, ayos ka lang diyan?" He asked.

"Ayos lang din. Mag-iingat ka lagi diyan, Jason. Kahit pa sabihin mong nasa loob ka ng Fladus Academy ay dapat mag-ingat ka pa rin. May mga pagkakataon na sumusugod sa loob ng campus ang mga lawbreakers." Paliwanag ko sa kanya.

Napakadelikado pa naman nang sitwasyon ngayon lalo na't napapadalas ang paglabas ng mga lawbreakers.

"Kumusta si Kuya Seven?"

Nawala ang ngiti sa aking labi. "Alam mo, lagi mong kinukumusta si Seven. Kayong dalawa ba ang magkapatid?"

"Soon. Brother-in-law ko 'yon, eh."

"Ewan ko sa 'yo, sige na. End ko na 'yong call. Tumawag ka kanila mama, ha! Alam mo naman 'yon..."

"Praning." Sabay naming sabi at natawa kami.

***

NOONG mga sumunod na araw ay nag-focus kami sa pag-i-improve ng mga skill namin dahil sa nalalapit na kumpetisyon. Sabi ni Sir ay ito ang unang beses na mangyayari ito kung kaya't kailangan naming paghandaan ito. We will prove them that Merton Academy is number one school here in the Philippines.

"Anong pakiramdam mo ngayon, Jamie?" Tanong ni Claire. She learned a new skill na kung saan napapabilis at napapagaan ang mga pagkilos namin.

Tumalon-talon ako at inihakbang ang aking paa. "Mas magaan." Sabi ko sa kanya.

"Mabuti naman." She smiled brightly.

Pakiramdam ko ang holy ng ngiti ni Claire.

In St, Claire we trust...

"Claire, kailan mo binabalak makipag-compact kay Paltia?" Tanong ko. Si Paltia ang Servant of Holliness.

"Kinausap ko na si Sir Joseph patungkol diyan... humingi na ako ng permiso."

"Kailan daw?"

"Nasa Fladus Academy si Paltia, ang sabi ni Sir ay dumalaw na lang ako sa Fladus sa araw ng kumpetisyon." Paliwanag niya sa akin.

"Sinong kasama mo? Si Teddy bear?"

"S-Si Ace. Competitive si Teddy, gusto niyang manalo sa competition kung kaya't hahayaan ko na lang din na nandoon ang atensyon niya." Tama naman si Claire. But I am really glad that Claire is doing her best.

"Jamie! Mag-practice na tayo!" Sigaw ni Kiryu at naglakad ako papalapit sa kanya.

Nag-i-stretch kaming dalawa ni Kiryu sa gitna ng field bago maglaban... "Jamie," tawag sa akin ni Kiryu at napatingin ako sa kanya. "Naisip ko lang, hindi mo pa ba kayang gumawa ng illusion?"

"Illusion?"

Nag-high knees na warm-up si Kiryu. "I mean, your power is all about mind. You can make a fake imagery sa utak ng kalaban mo. Hindi mo pa kaya? Sa bagay, mahirap gawin iyon."

"H-Hindi pa sumagi sa isip ko 'yan. Pero dahil sinabi mo na rin, kokonsultahin ko si Sir Joseph."

"Jamie hindi pam-physical na laban ang kapangyarihan mo," tinuro ni Kiryu ang utak niya. "You're attacking the enemy's mind. It's more deadly."

"Alam mo, Kiryu, lagi mo akong binibigyan ng magagandang advice pagdating sa kapangyarihan ko."

"Lagi mo din kasi akong binibigyan ng Pochi," kumamot siya sa kanyang ulo. "Give-and-take."

Kiryu duplicated himself at sinimulan kong sanggahin ang mga atake niya.

"Kumusta na kaya si Minute?" Tanong ni Kiryu at napatigil ako. Malakas akong nasipa ni Kiryu sa mukha. "O-Oh, Jamie, hindi ko sinasadya! Akala ko masasangga mo. Yari na naman ako kay Seven nito."

"Kiryu..." tumayo ako at pinahid ang dugo sa gilid ng aking labi. "Bakit ba nag-aalala ka sa traydor na iyon?" Seryoso kong sabi.

Siya ang dahilan kung bakit naglaho si Girly at si Sir Hector.

"She's still part of Class Zero," Kiryu innocently said. "Naalala mo 'yong sinabi ko sa 'yo sa Baguio? Hindi ako magtatanim ng galit sa inyo."

"Pero pinatay niya si Girly! Sa bagay, wala ka naman doon noong nangyari ang bagay na iyon."

"Pamilya ang tingin sa atin ni Minute. Wala man ako doon ay alam kong labag sa loob niya ang ginawa niya. We can't judge her action dahil lang sa ginawa niya... let's look at the bigger picture. Paniguradong may dahilan si Minute." He explained. "H-Huwag kang magalit sa akin, I respect if galit kayo kay Minute, hindi ko hawak ang emosyon ninyo."

Nakatahimik ako at bumalik sa posisyon.

"Ang akin lang... mahal ko ang buong Class Zero," Kiryu smiled widely. "Mahal ko lahat kayo."

Maging ako ay napangiti na noong ngumiti si Kiryu. "Hindi ko kayang mainis sa pagiging baby mo, Kiryu."

"H-Hindi na ako bata! Ang cool ko kaya."

"Mag-practice na ulit tayo." wika ko sa kanya.

***

Dumating ang araw ng kumpetisyon. We are all ready sa kung ano man ang mangyayari. Gaganapin ang kumpetisyon sa loon ng Philippine Arena, hindi ko rin alam kung bakit gaganapin ito sa ganoong kalaking venue na parang isang olympics ang mangyayari.

"Sabi sa akin ni Jason, pumunta ka raw sa Fladus Academy kahapon," sabi ko kay Seven habang magkatabi kami sa bus.

Bakit ba ang bilis nilang nagkasundo?

"Dinala ko lang sa kanya 'yong PSP," Seven answered.

"Alam mo, ini-i-spoil mo 'yon. Kapag 'yan may bagsak this sem... sa 'yo ko talaga isisisi." Banta ko kay Seven. Ang alam nila mama ay scholarship ang dahilan kung bakit nakapasok si Jason sa magandang university kung kaya't dapat mataas man lang ang grades ng kapatid ko.

"Nagtatanong siya sa akin kapag may hindi siya naiintindihan sa subjects niya." Sagot ni Seven.

"Ha? Bakit sa akin ay hindi nagtatanong 'yong mokong na 'yon?"

Humarap si Teddy na nasa front seat. "Wow, Jamie, nagtaka ka pa."

"Alam mo, Epal ka."

We reached the Philippine Arena at may ilang bus na rin na nandito from different school. Ang nakapukaw ng pansin ko ay 'yong sa Northford University.

"Nandito sila Tom?" Tanong ko. I stretched as soon as makababa ng bus. Matagal-tagal din kaming nakaupo.

"Servant of elements are here to spectate." Sagot ni Ace habang bini-video ang paligid. "Excited na ako sa magiging mga laban."

We walked papasok sa arena. Sa hallway pa lang ay ang dami ko ng estudyante na nakita. Nakasunod kami kay Sir Joseph habang naglalakad.

Maraming estudyante mula sa iba't ibang school ang nakatingin sa amin. Diretso ang tingin namin habang naglalakad. Hindi ko alam pero parang ang big deal sa ibang school na makita kami rito.

"They are Class Zero of Merton Academy!"

"Sila ang nakatalo sa ilang miyembro ng Black Organization?"

"Gusto ko silang makalaban, I want to test their skills pagdating sa labanan."

Iyon ang nabasa ko sa isip ng ibang tao habang naglalakad kami. Mainit pala kami sa mata ng ibang estudyante samantalang kami ay hindi aware na nag-e-exist ang school nila.

Pumasok kami sa Waiting area namin at saglit na nag-stretching dahil may isang oras pa bago mag-umpisa ang program. "Sir ilang school ang nandito?" Tanong ko.

"May walong school ang nandito na nagmula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Remember, the purpose of this competition ay para magkakila-kilala kayo. Just enjoy your times here." Pero biglang sumeryoso ang mukha ni Sir Joseph. "Pero ayokong matatalo kayo."

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Sir.

"Kaaway ni Sir 'yong adviser ng Sahandra Academy," bulong ni Mild. "Gusto niyang matalo 'yong school na 'yon."

Tumayo si Seven sa harap habang kami ay nakaupo. Nakatingin kami sa kanya. "So guys, we trained hard for this competition. We just need to prove to them kung ano nga ba ang kaya nating gawin—"

"In short talunin natin ang mga putangina." Epal ni Teddy sa speech ni Seven. "Dami pang sinasabi, eh."

"We are Class Zero," Inilapag ni Mild ang kamay niya sa lamesa. Isa-isa naming pinatong ang aming mga kamay.

Napatingin kami kay Sir Joseph na nakasandal sa pader. "Kasama ba ako?" Sir asked.

"Ayaw mo ba, sir? Sige lumipat ka ng school. Ikaw ang mag-adjust." Barumbadong sagot ni Teddy kung kaya't natawa kami.

Ipinatong ni Sir Joseph ang kamay niya at ngumiti siya sa amin.

"We are family!" We all shouted in unison.

Maya-maya lamang ay may kumatok sa pinto ng waiting room namin. "Mag-i-start na po ang program in five minutes, pumunta na po lahat ng participant sa arena." He informed us at lumabas na rin para sabihan ang ibang school.

"Let's go." Aya ni Seven at sumunod kami sa kanya palabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top