Chapter 81: New Challenge

"HOY, Jamieee!" Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay ang matinis na boses ni Aris agad ang sumalubong sa akin, . Nagulat ako noong makita silang dalawa ni Diana dito at may naka-reserve pang upuan para sa akin.

"Anong ginagawa ninyo rito? Wala kayong klase?" Tanong ko.

"Well, simula ngayong araw ay kaklase mo na kami." Pumalakpak pa si Diana sa tuwa at umangkla sa aking braso. "Nagpalipat kaming section ni Aris para lang mas makasama ka!"

"Seryoso ba?" Mas umaliwalas ang mukha ko sa tuwa. I mean, silang dalawa na lang ni Aris ang kaibigan ko outside the Class Zero at noong last semester ay minsan-minsan lang kami magkasama dahil nga nagkakaroon ng conflict sa schedule. "Na-miss ko kayo!" I hugged them at tuwang-tuwa kaming tatlo habang nag-uusap.

"Oo 'te, nagpalipat kami. Paano ba naman kasi, itong si Diana kaaway lahat ng nasa 1-A. Attitude si bakla." Kuwento ni Aries.

"Excuse me, hindi sila kawalan lahat. Akala naman nila gusto ko silang kausap." Diana flipped her hair.

As usual, kapag first week ng bagong semester... hindi nagtuturo ang mga professor kaya marami kaming free time. Pinirmahan lang ng mga professors ang COR namin tapos class dismissed na agad. Sana lagi na lang ganito.

Nagkukuwentuhan kami sa Library ng College of Engineering para magpalipas ng oras. "Bakit dito pa tayo tumambay? May Library din naman sa department natin," reklamo ko.

"Madaming guwapo sa Engineering tsaka Architect." Bumungisngis si Diana. "Siyempre, lalandi na lang din naman ako... doon na sa secured ang future ko, 'no!"

"Correct!" Pag-agree ni Aris. Jowang-jowa na talaga ang dalawang 'to.

Seven:
San ka?

Jamie:
Nasa library ng COE, bakit?

Seven:
May kasama ka?

Jamie:
Sina Diana at Aris. Tumambay lang kami dito kasi ang haba ng vacant namin. Hindi mga naturo prof namin, ikaw ba?

Seven:
👍

Buwisit. Napakasarap talaga ka-chat. Napatigil ako sa pagcha-chat noong tinawag ako ni Diana.

"Panay tingin mo diyan sa cellphone mo, may boyfriend ka na, 'no?" Mapanuksong nguti ang ipinukol nila sa aking dalawa.

"W-Wala, issue kayo. Nagtanong lang si Seven kung nasaan ako," kuwento ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan sila at ngumisi. "Iba na 'yan, girl! Balita pa namin nag-date kayo noong nakaraan."

Hindi ko alam kung bakit ganoong klase ang balita na kumalat sa Merton Academy. Bago kasi mag-start ang klase ay nagpasama ako kay Seven na mamili ng Notebook at ballpen, tapos kumain na rin kami, tapos pumunta kaming dalawa sa Planetarium. Nasaan ang date doon?

"Huy, Jamie-Girl!" Nagulat ako noong biglang may bumati sa aking likod— si Ace. He have a new hairstyle this time, naka-perm ang buhok niya tapos naka-salamin na rin siya dahil sumasakit daw ang mata niya kapag nag-e-edit ng video. Umupo si Ace sa isang bakanteng upuan katabi ni Diana. "Anong ginagawa ninyo rito sa COE?"

"Tumambay lang kami dito. Sira ang aircon doon sa library namin, eh." Dahilan ko at napatango-tango si Ace. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"Department namin 'to malamang. Nag-e-edit ako ng vlog since wala pa namang ginagawa." Paliwanag sa akin ni Ace. "Gusto ninyong mapanood yung bago kong upload na vlog? Wait kuhanin ko 'yong laptop ko."

Saglit na umalis si Ace. Napatingin ako kanila Aris at Diana. In 10 seconds, nagawa nilang mag-retouch na dalawa (that's a talent). "Mas lalong naging yummy si Ace sa new look niya, 'te." Bulong ni Diana.

"Nakita mo 'yong biceps? Hindi ko na kailangang mag-lunch, kay Ace pa lang busog na ako. Okay din talaga dumikit kay, Jamie... nagiging friends natin ang mga yummy sa Merton, eh." Dugtong pa ni Aris.

Bumalik lang sa ayos ang dalawa noong makabalik na si Ace.

Sana ganito sa lahat ng library, I mean, hindi masyadong mahigpit. At dahil engineering at architect ang nasa department na ito... ang bongga ng design nitong library nila. Parang cafe style lang ito at cozy lang 'yong vibes

'Yong bagong vlog ni Ace ay "What inside his bag." And pinanood lang namin siya na magdadaldal sa video niya. He just uploaded this vlog yesterday pero mayroon na agad itong mahigit 30,000 views. Akala ko talaga ay trip-trip lang ni Ace na magvideo-video pero mukhang gusto niya rin talagang gawin ito.

Ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang mga comments sa vlog niya ay ang mga comments. Maraming fangirls ang nag-comment pero umangat sa akin ang comment ni Teddy bear.

ItsMe_Teddy: One dot, dadagukan ko si Ace.

Kiryow: Kumpiska daw camera mo sabi ni sir.

Biglang dumating si Seven na may dalang kape from Starbucks. Maging sina Diana ay binilihan niya.

"Seven, asan 'yong sa 'kin?" Tanong ni Ace.

"Hindi naman sinabi ni Jamie na kasama ka niya." Sagot ni Seven. Tumingin siya kanila Aris at ngumiti.

"Ayon, ganyanan tayo, Seven. Tandaan mo, ako ang naglakad sa 'uo kay Jamie. Huwag kang makakalim—"

"Ni-report ko 'yong youtube mo." Sabi ni Seven.

"Gago ka, ah."

Sinamahan kami nina Ace at Seven na tumambay dito sa library. Ang cute lang kasi feeling ko ay normal na estudyante lang ako, hindi namin napag-usapan ang tungkol sa mga lawbreakers o kahit anong tungkol sa mga susunod na misyon. May mga araw din talaga na mararamdaman ko na normal lang din akong college student.

***

BANDANG hapon noong nagkaroon kami ng meeting sa Zero base, pinatawag kami ni Sir Joseph. Of course, new school year... he will just explained once again to us kung tungkol saan ang special program na ito. At siyempre isa pang naiisip ko ay baka may misyon nang nakalatag sa amin si Sir.

Isang semester na pala ang nagdaan simula noong maging miyembro ako ng Class Zero. Akala ko noong una ay baka nagkamali lang sila ng pasok sa akin dahil ang pagkakaalam ko sa Class Zero ay grupo ito ng pinakamatatalinong estudyante sa Merton.

Nakangiting pumasok si Sir Joseph sa Zero base na para bang may magandang balita siya para sa amin.

"Ngiting-ngiti, sir, ah? May love life ka na?" Tanong ni Teddy. "Balita ko dine-date mo daw 'yong magandang professor doon sa College of Nursing."

Nabigla si Sir dahil alam ni Teddy ang ganoong bagay. Kahit din naman ako ay bagulat, hindi ko naman din kasi pinakikialamanan ang private life ni Sir. As a student, respeto ko na lang din 'yon kay Sir.

"May dine-date ka na, Sir? Hanep, big boy na." Gatong pa ni Ace.

"Ace and Teddy, 10 laps sa field after the meeting." Seryosong sabi ni Sir Joseph. Buti na lang talaga at hindi ako nagsalita!

"Tangina, badtrip." Bulong ni Teddy.

"May sinasabi ka, Teddy?"

"Wala, Sir! Sabi ko bagay kayo ni Ma'am Celine—"

"15 laps sa 'yo, Teddy."

"Kumusta ang naging saglit na bakasyon ninyo kasama ang pamilya ninyo?" Sir Joseph asked. "Alam kong hindi naging maganda ang nangyari sa training camp pero sana ay sa maiksing oras ay kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ninyo."

Well, may tama si Sir, naging okay ako noong nakasama ko sila mama. May kakaibang comfort talaga kapag kasama natin ang mga magulang natin.

"Okay na, Sir. Kaya na namin magpatuloy ulit." Sagot ni Seven at napatango kami bulang pagsang-ayon.

"For this school year, sana ay patuloy ninyong sanayin ang kanya-kanya ninyo abilities. Kung magkaroon man nang problema ay huwag kayong mahiyang magtanong sa akin," napatango-tango ako sa paliwanag ni Sir Joseph. "Nakipagpulong ako sa SSAO patungkol sa mga glitches ng Society at may isa silang importanteng balita na ibinigay sa akin." (SSAO= School of Students with Abilities Organization)

"Ayan ba ang rason kung bakit masaya ka, Sir?" Tanong ni Mild. "Panibagong misyon na naman ba 'to? Sisiguraduhin kong makakasama na ako sa mga susunod na misyon." Paliwanag ni Mild.

"You still can't, Mild. Hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo. At isa pa, hindi muna ako tumanggap ng kahit anong misyon mula sa Organization para na rin maprotektahan ang buhay ng bawat isa. Kayo ang pangunahing kalaban ng Black Organization, we need to secure your safety." Napatango-tango kami sa paliwanag ni Sir.

"Eh anong napag-usapan ninyo, Sir?" Tanong ni Kiryu habang kumakain ng Pochi. Hindi ba talaga siya nananawa doon? I mean, favorite ko ang pizza pero kapag nakakain na ako ng dalawang box nito ay nauumay na ako pero iba ang case ni Kiryu. Umaga, Tanghali, Gabi... pochi. Feeling ko nga asukal na ang dumadaloy sa katawan ng taong 'to.

"First time itong mangyayari. Dahil na rin sa nangyayaring giyera sa pagitan ng mga glitches of society, maging ang mga ibang school na may special class ay madalas na ring nakakalaban ng mga Lawbreakers. Maraming estudyante na rin ang naglaho dahil sa gulo..." kuwento ni Sir at tahimik lang kaming nakikinig. "The organization decided na magkaroon ng isang Competition para sa mga students with special abilities."

"Ibig sabihin, mami-meet namin ang ibang glitches of society?" Tanong ni Kiran.

"And you will compete against different schools. Makatutulong ito para mapalakas ng lahat ng glitches ang kani-kanilang abilities at siyempre, magkakila-kilala kayo. You need to know who is your ally in this war." Nakangising sabi ni Sir Joseph. "We trained so hard at gusto kong ipakita sa ibang school na Merton Academy ang may hawak ng pinakamagagaling at pinakamalalakas na estudyante sa Pilipinas."

Ngayon ko lang nakitang maging competitive ng ganito si Sir.

"Pero, Sir, may tanong lang ako." Mild raised her hand.

"Ano 'yon?"

"Nililigawan mo ba si Ma'am Celine—"

"Mild, 10 laps sa field, sumama ka kanila Teddy." Buti na lang kahit kating-kati 'yong dila ko na magtanong ay hindi ko ginawa.

Nakakapagod kayang tumakbo sa field!

Nag-discuss lang saglit si Sir Joseph patungkol sa mga abilities namin at binilin niya lang na mag-practice kami sa paggamit ng abilities namin at matapos no'n ay dinismissed niya na kami.

***

"JAMIE," pagkausap sa akin ni Claire habang nakaupo kaming dalawa sa bleacher sa tapat ng field. Hinihintay ko si Mild na matapos sa parusa niya (sabay kaming magdi-dinner) at siya naman ay hinihintay si Teddy.

I don't know the real score between the two pero palagi silang magkasama lately. But I am happy that Claire is more livelier when she's with Teddy.

Ikaw ba naman sumama sa ulol, mahahawa ka talaga.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong feeling kapag nakakaharap mo ang lawbreakers?" Nakayukong tanong ni Claire habang nilalaro ang kanyang daliri. "Anong pakiramdam kapag nakakalaban mo sila? Hindi ka ba natatakot?"

"Nakakalaban mo din naman sila, Claire, ah."

"Lagi lang akong nasa likod," she said. "Lagi ako 'yong taong protektahan dahil healer ako. Sa tuwing pinagmamasdan kayo mula sa likod... feeling ko ang dami kong nasasayang na oras sa panonood sa inyo. Alam kong may magagawa ako pero... natatakot ako," paliwanag ni Claire sa akin. "Natatakot akong maglaho."

"Sino bang hindi takot na maglaho?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin kay Mild na pawisan na sa Field pero may malaking ngiti sa kanyang labi habang nagkukuwentuhan sila nina Ace. "Sino bang hindi takot na makalimutan? Sino bang hindi takot na maiwan ang pamilya natin?" Sunod-sunod kog tanong sa kanya.

Napaangat nang tingin sa akin si Claire. "Pero alam mo kung bakit ako nagkakaroon ako ng lakas? Kasi gusto ko kayong protektahan." Nakangiti kong sabi kay Claire. "Hindi mo kasalanan ang paglalaho ni Girly kung iyon ang iniisip mo. Hindi ikaw ang tumraydor, Claire."

"F-Feeling ko... sa loob-loob ninyo ay sini—"

"Hindi mangyayari 'yan, Claire. You are our healer, kailangan ka namin. Hindi man ako kasing lakas nila Seven pero gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo. The fact na hindi ka tumatakbo sa labanan, Claire, matapang ka na noon. Alam mo kung bakt kampante akong makipaglaban? Kasi alam kong nasa likod kita, you are there to heal all my wounds. Don't doubt your powers Claire... nakadepende kami sa 'yo." Nakangiti kong paliwanag sa kanya.

Ngumiti si Claire sa akin. "Salamat, Jamie..." alam ninyo 'yong feeling na nakakakita ng anghel kapag ngumingiti, ganoon si Claire.

Bakit ba saksakan ng bait nitong tao na 'to? Ang hirap murahin.

"Pero hindi ako habambuhay na magtatago sa likod ninyo, Jamie." Nakangiting sabi ni Claire at napatingin sa kalangitan.

"Nakakapagod!" Reklamo ni Mild matapos niyang maikot ang field mg sampung beses. Inabutan ko siya ng tumbler na ininuman niya rin naman agad.

"Hoy, Jamie, gago ka... baka kung ano-anong pinagsasabi mo kay Claire," bungad sa akin ni Teddy pagkarating niya rin. Inabutan siya ng towel ni Claire.

"Sinabi ko lang kay Claire, hindi kayo bagay."

"Tangina mo." Natawa kaming lima sa sinabi ni Teddy. "Mauna na kami ni Claire, manonood kaming sine."

"Alam mo, ano pang reason na magiging kayo tapos maghihiwalay lang din kayo?" Tanong ni Mild.

"Hindi ko talaga gagamitin ang shadow movement ko sa 'yo." Sabi ni Teddy.

"Mauna na kayo, Bye Teddy bear! Bye St. Claire!" Paalam ni Ace sa kanila.

Naglakad na sila paalis at nakangiti kaming tatlo habang naglalakad sila.

"Nakakahiya man sabihin 'to pero feeling ko magandang impluwensiya naman si Teddy kay Claire." Parehas kami nang iniisip ni Mild. "Ay, Ace, sama ka sa amin? Magdi-dinner kami ni Jamie. May bagong bukas na unli wings malapit sa school. May promo sila."

"Sure, kuhanin ko lang saglit sa room ko 'yong camera para makapag-vlog." Paalam niya.

"Sige, hintayin ka namin dito." Umalis si Ace at naiwan kaming dalawa ni Mild dito.

Pinagmasdan namin ang paglubog ng araw at pinakinggan ang huni ng mga ibon.

"Hindi pa rib ako makapaniwala na ikaw ang royal blood, Mild," kuwento ko sa kanya.

"Alam mo kung bakit ko nalaman? Kay Sir Joseph," sabi ni Mild sa akin. "Sabi ni Sir Joseph dahil kakaiba ang kapangyarihan ko... baka ako ang may royal blood kung kaya pina-test niya ang dugo ko sa isang malakas na taong may ability."

"Hindi ka natatakot?"

"Natatakot." Nakangiting sabi ni Mild. "Kapag nakuha ako ng Black Organization ay siguradong papatayin lang naman nila ako. Puso ko ang pangunahing kailangan para mabuhay si Deathevn."

"H-Hindi mangyayari iyon! Poprotektahan ka namin, Mild."

"Alam ko." Matamis na ngumiti si Mild. "Mas gusto kong mamatay nang lumalaban kaysa magtago lang lagi sa likod ninyo."

Hinawakan ko ang kamay ni Mild. Mild is my closest friend here in Class Zero. Ayokong maglaho siya.

"Tara na!" Aya ni Ace pagdating niya.

"Libre mo, Ace, ha!" Sabi ni Mild habang naglalakad kami.

"Gago, wala akong pera."

"Nakita ko 'yong wallet mo, ilang libo ang nandoon. 'Wag kang sinungaling diyan." Natawa ako sa pagtatalo ng dalawa.

This will be a new beginning for us and a new challenge.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top