Chapter 74: Sudden Energy

"SIR, mag-a-amok na talaga kami rito. Hindi na kami susunod sa kahit anong iutos ninyo," proklama ni Teddy at umupo silang tatlo nina Ace at Kiryu sa may couch na parang bata na nagtatampo.
"Parang mga bata talaga," naiiling na sabi ni Kiran at kinuha ang basahan para punasan ang lamesa.
Naiwan kasi kaming mga boys dito sa bahay para maglinis which is okay lang naman sa akin as long as mapapahinga kami sa training ngayong araw. Sana nga lang ay nag-e-enjoy sina Jamie sa Tangadan Falls.
"Hindi ba't gusto mo rin mag-swimming sa falls?" Tanong ko kay Kiran.
"H-Ha?" Umiwas nang tingin sa akin si Kiran. "Bakit ba ang hilig ninyo akong igaya kay Kiryu? I am much more mature than him." he said at nagpasawalang-kibo na lang ako dahil alam kong gusto rin naman ni Kiran na mag-swimming. Noong nasa Bulacan kami ay nakita ko kung gaano siya nag-e-enjoy na magtimpasaw doon.
"Kiryu, magpunas ka na ng sahig." Utos ni sir Joseph.
"Kiryu huwag kang papayag. Simula na 'to ng rebolusyon." Pigil ni Teddy.
"I will give you a pack of gummy worms." Suhol ni Sir.
"Okay, Teddy tumabi ka diyan, nakaharang ka sa dadaanan ko." Sinipa ni Kiryu ang paa ni Teddy para makadaan siya.
"Taksil ka!" Sigaw ni Teddy.
Nagpatuloy kami sa paglilinis, maging si Ace ay nagsimula na ring maglinis dahil binantaan siya ni Sir Joseph na kukumpiskahin ulit 'yong camera niya kapag hindi siya sumunod kung kaya't kumilos na rin ang mokong.
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. Para sa akin ay sulit itong training camp na ito dahil mas nakilala ko ang buong Class Zero at ang pinakaimportante ay nag-improve ang bawat isa sa paggamit ng kani-kanilang abilities.
"Sir bakit kasi sila pinayagan mo? May gender inequality talagang nagaganap dito." hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si Teddy sa mga reklamo niya.
"Matagal na nilang ipinaalam 'yon. Si Claire ang nagpaalam." Paliwanag ni Sir sa kanya.
"Sir nagpaalam din naman kami sa iny--"
"Maayos silang nagpaalam. Teddy ang reklamador mo, maglinis ka na para pagkabalik nila ay maayos ang madadatnan nila sa bahay."
"Aba mga Donya pa ang mga hayop!" hindi pa rin tapos si Teddy sa pagmamaktol pero naglinis na rin naman siya dahil kahit papaano ay takot pa rin ito kay Sir Joseph.
Nagpatuloy kami sa paglilinis pero hindi pa rin talaga sumusuko ang tatlo dahil panay pa rin ang kanilang pagpaparinig. Hindi na ako sumasali sa pangungulit nila at ayoko rin naman na pagbawalan sila, they can be annoying all the time pero ibang klase din ang tatlong ito pagdating sa pakikipaglaban.
Hindi ko rin naman gusto na maging leader na sobrang higpit sa mga kasama ko pero kapag misyon ay misyon. At the same time, hinahayaan ko na lang din sila na mag-enjoy.
"Sir parang ang sarap lumangoy ngayon, 'no? Ang ganda ng sikat ng araw." -Ace
"Sir sanay ako lumangoy, gusto mo ipakita ko sa 'yo?" -Kiryu
"Sir parang-awa mo na payagan ninyo na kami!" -Teddy
"Hindi ba kayo nag-e-enjoy sa ginagawa nating paglilinis. Nagba-bonding din naman tayo." Sir Joseph explained.
Napatigil sa pagpupunas ng hagdan si Teddy. "Sir mukha ba akong nakatawa sa 'yo? Mukha ba akong masaya? Ikaw ang humusga sir kung nag-e-enjoy ako sa ginagawa natin."
"Kids, huwag kayong mag-alala, sa last day natin dito ay pupunta ulit tayo sa Tangadan Falls," sabi ni Sir Joseph at napasuntok sa buwan ang tatlo. They are waiting for that magic word.
"Walang bawian, sir, ha! Hindi ko na-record pero dinig na dinig ko 'yon," mukhang ginanahan na maglinis si Ace at napabuntong hininga na lang si Sir Joseph. I knew he cannot resist us.
"Sir, may mission ba tayo agad pagbalik ng Maynila?" Tanong ni Kiran habang nagpapagpag ng mga doormat. "'Di ba kailangan pa nating hanapin ang taong may royal blood? Malilibot ba natin ang buong Pilipinas?"
Napatigil si Sir Joseph sa kanyang ginagawa and he sighed. "Sa ngayon, gusto kong mag-focus kayo sa natitira ninyong araw na bakasyon na makasama ninyo ang pamilya ninyo. Alam kong nakakapagod itong bagay na ito para sa inyo, you should recharge together with your families. Then mag-enroll na rin kayo for the next sem at pagbalik ninyo sa Merton Academy ay doon natin pag-usapan ang mga bagay na iyan." Paliwanag ni Sir.
Madalas kami ang kinakausap ni Sir Joseph ni Ace pagdating sa mga misyon pero may mga bagay pa din siyang pinapanatiling confidential. Lagi akong may pakiramdam na may mas alam si Sir Joseph... pero sino ako para mangialam? I know he will say to us that information when the time is right.
"Sir, aminin na natin, sa amin na nandito ay ako ang pinakamalakas." Puri ni Teddy sa kanyang sarili.
"Ulol." Sabay-sabay naming sabi at napalingat siya sa amin.
"Ulol din kayo, mga gago." Sagot niya.
Siyempre, we are a team pero hindi pa rin nawawala sa aming mga lalaki ang kumpetisyon sa kung sino ang pinakamalakas at pinakamagaling.
We are done cleaning the house at naupo na kami sa couch para magpahinga. Malapit ng makabalik ang girls kung kaya't naghanda na si Sir Joseph nang makakain at tinulungan naman siya ni Kiran.
Napatigil kami sa kanya-kanya naming ginagawa noong makaramdam kami nang kakaibang enerhiya sa paligid. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at nararamdaman ko ang enerhiya na iyon sa iba't ibang parte ng gubat.
"Class Zero!" Sigaw ni Sir Joseph and he snapped his finger. The devil hour started, huminto sa paggalaw ang buong paligid.
Pare-parehas kaming tumakbo papalabas ng bahay. Kailangan namin puntahan sila Jamie ngayon dahil sa pagkakataong ito ay hindi ngayon ligtas sa gubat.
We are about to run noong may mga level 1 and level 2 lawbreakers na lumabas mula sa iba't ibang parte ng gubat. Napapalibutan nila ang bahay na tinutuluyan namin at naglalakad tungo sa aming direksyon.
"Teddy, puntahan mo ngayon sina Girly," utos ni Sir Joseph. Seryosong nakatingin si Sir Joseph sa mga lawbreakers. "Isama mo si Kiran, nasa gitna ng gubat sina Girly, May advantage ang ability ni Kiran."
"Sir, paano kayo? Ang dami nito." Seryosong sabi ni Teddy. Teddy can be jerk but he knows when he will take things seriously.
"Tanga, wala ka bang tiwala sa amin?" Nakangiting sabi ni Kiryu at unti-unti siyang dumami.
"This is not a request, Teddy. It's an order!" Sigaw ni Sir Joseph at tumakbo na siya tungo sa mga lawbreakers.
May isang sibat na lumabas mula sa kamay ni Sir Joseph at dali-dali niyang hiniwa ang isang lawbreaker. Nahati sa dalawa ang lawbreaker at naglaho ito na parang abo. Kailangan ay makaalis kami agad lahat dito at mapuntahan sina Jamie, mas nasa pahamak sila kaysa sa amin.
"Teddy ikaw na ang bahala!" Sigaw ko at kinuha ko ang mga baraha sa aking bulsa. Hinagis ito sa ere at pinalutang.
"Galingan ninyo!" Sigaw ni Teddy at hinawakan niya sa balikat si Kiran at nilamon na sila ng anino ni Teddy.
Lumapit ako sa isang lawbreakersat ang gamit ang mga baraha ay itinusok ko ito sa katawan nito. Akmang hahablutin ako nito ngunit mabilis akong nakagulong at muli siyang pinaulanan ng mga baraha. Tumalsik ang mga dugo nito sa paligid bago tuluyang maglaho.
Nakaalis na sila Teddy at nawa'y makarating sila kanila Jamie ng ligtas. Susunod din naman kami pero sa ngayon ay dapat magawa naming matalo ang mga lawbreakers na nandito.
"Oooh, heto pala ang sinasabi ninyong Class Zero," isang lalaki ang sumulpot na naksupt ng itim na tuxedo habang nakasunod sa kanya si Hugo.
Hindi namin ibinaba ang aming depensa dahil may diamond tattoo ang lalaking ito at ibig sabihin lamang nito ay miyembro din siya ng Black Organization.
Hindi ko alam kung paano nalaman ng Black Organization na nandito kami dahil isa itong lihim na training.
Napatigil ako sa aking ginagawa at naalala kong may isang traydor sa amin. Paniguradong ibinenta niya ang impormasyon na ito sa Class Zero. Sa mga oras na ito ay nanganganib ang kanya-kanya naming buhay.
***
JAMIE
MASAYA kaming nagtampisaw nina Mild sa tubig, mabuti na lang talaga at may life vest kung kaya't hindi ako nalulunod kahit gaano kalalim ang tubig dito sa falls.
"Ano kayang ginagawa nila Seven sa bahay?" Tanong ko habang nakalutang sa tubig. Grabe! First time kong mag-swimming sa isang falls at masasabi kong ang lamig talaga ng tubig! Para akong naliligo habang may nakalublob na yelo sa tubig.
"Alam mo, Jamie, this is our Girls bonding! Huwag mo dapat silang pag-usapan. Nandito tayo para magsaya!" Binasa ako ni Mild ng tubig at gumanti naman ako sa kanya.
"Panigurado naman na naglilinis sila sa bahay. Wala naman silang magagawa kapag si Sir Joseph na ang nag-utos." Nakangiting sabi ni Minute at napatawa kami.
"Paniguradong puro reklamo na si Teddy bear niyan," Girly said. "Ilang araw na siyang nagpaparinig para makapag-swimming dito sa falls, eh."
"Buti na lang may Claire tayo!" Sigaw ni Jessica and she pinched Claire's cheeks.
"Mashakit... Jeshica." Reklamo ni Claire at muli kaming napatawa.
Napatingin kami kay Sir Hector na nakaupo sa malaking tipak ng bato habang nakamasid lang sa amin. "Sir, hindi ka ba magsi-swimming?" Tanong ko.
"Hindi na, nandito lang ako para magbantay. You girls can enjoy, isipin ninyo na lang na wala ako rito." Sabi ni Sir Hector sa amin.
Habang nagsi-swimming kami ay may kakaibang enerhiya akong naramdaman sa paligid. Maging sila Girly ay naramdaman din ito dahil napatigil sila sa kani-kanilang ginagawa. "Kailangan na nating umahon!" Sigaw ni Jessica.
Nabigla kami noong biglang umandar ang devil hour. Dali-dali kaming umahon sa tubig at wala pang ilang minuto ay napapaligiran na kami dito sa falls ng mga lawbreakers. Ang bilis ng pangyayari! Hindi ko inaasahan na masusundan kami ng lawbreakers dito.
Nagsama-sama kami nila Girly sa iisang sulok upang protektahan ang isa't isa. Girly makes her body bigger, nag-summon naman si Jessica ng mga patay habang si Minute ay nagpalutang ng mga bato.
"A-Anong nangyayari?" Claire asked. Nasa likod namin silang dalawa ni Mild. Claire is a healer, hindi siya makakalaban physically habang si Mild naman ay hindi pa niya natutuklasan ang kanyang ability.
Noong may lawbreaker na akmang lalapt sa amin ay malakas itong sinuntok ni Girly. Mabilis na lumipad ang katawan ng Lawbreaker at pagtama nito sa matulis na bato ay naglaho din ito.
"Mag-iingat kayo!" Sigaw ni Sir Hector at akmang tatakbo siya sa aming direksyon ngunit nabigla kami pare-parehas noong may kutsilyo na tumapat sa leeg ni Sir Hector— nandito si Edel at may kasama siyang isang babae.
Naaalala ko ang babaeng iyon, siya ay isa sa mga nakalaban namin sa Valenzuela at naniniwala ako na siya ang leader ng Black Organization.
Hindi nakagalaw si Sir Hector. "May bonding pala kayong nagaganap dito. Bakit hindi ninyo naman kami inaya?" Tanong ni Edel.
"Oh, kayo pala ang Class Zero... ako si Tasha, ang pinuno ng Black Organization," she smiled to us sweetly. "Kinagagalak ko kayong makilala."
Busy kami sa paglaban sa mga lawbreakers at sa pagprotekta kanila Mild kung kaya't hindi namin malapitan si Sir Hector.
"Huwag kayong lalapit dito!" Sigaw ni Sir Hector. "Tumakas na kayo!"
Akmang may a-atake sa aking lawbreaker ngunit isang malaking bato ang tumama sa ulo nito at naglaho. Ngumisi sa akin si Minute. "Focus, Jamie. Hindi ito ang tamang oras para pangunahan ka ng takot!" She shouted.
Lumingon si Sir Hector kay Edel at akmang susuntukin ito gamit ang nag-a-apoy niyang kamao ngunit mas naunang tumama ang kutsilyo ni Edel sa leeg ni Sir Hector.
"Hindi man ako nakakakita ay alam ko kung may kakaibang bagay ka na gagawin." Mas ibinaon ni Edel ang kutsilyo sa leeg ni Sir Hector hanggang sa maging tagusan na ito.
Lahat kami ay napatigil sa pakikipaglaban at natakot sa nangyari. Nakita naming nangosay pa ng ilang segundo si Sir Hector hanggang sa unti-unti itong naglaho.
Para bang nag-slowmotion ang lahat noong makita namin si Sir Hector na unti-unting nawawala. Si Sir Hector na matiyaga na nagturo sa amin ngayong training camp.
H-Hindi puwede! H-Hindi maaari! Hindi puwedeng maulit ulit ang mga nangyari noon.
Hindi ko hahayaang saktan nina Edel ang mga kaibigan ko.
"Magbabayad ka, Edel!" Malakas kong sigaw at tumakbo tungo sa kanyang direksyon.
Mas malakas na ako sa pagkakataong ito. Hindi na ako magpapatalo sa 'yo at sisiguraduhin kong ako ang makakapatay sa 'yo, Edel!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top