Chapter 73: Girls Bonding
Before I start this chapter, I want to promote my newly published book under Psicom which is Anti-Hero. Napakasipag kong nilalang, how to be me? (Joke!)
You can pre-order the book in Psicom's official store in Shopee and Lazada for only 195 pesos (Eto ang pinakamakapal na book na mapa-publish ko so sana suportahan ninyo) please do grab a copy! Ang bibili, mami-meet ang Class Zero during devil hour haha!
"GIRLS," napatigil sina Minute sa kanilang ginagawa at mapatingin sa akin. "Feeling ko napaamin ako kay Seven ng wala sa oras... nasabi ko... I mean, naisip ko na gusto ko siya." Kasi naman! Hindi ko naman gustong oaganahin 'yong powers ko that time, sobrang nagulat din ako sa nangyari.
Kakatapos lang ng party na ginawa namin at nandito kami nila Girly sa room namin.
"Ah, okay," sagot ni Girly at bumalik sa pagse-cellphone.
"Hindi kayo nagulat?" Tanong ko.
"Anong nakakagulat sa sinabi mo, Jamie?" Niyakap ni Minute ang kanyang unan. "It's pretty obvious na gusto ninyo ang isa't isa."
"Mas okay nga na nasabi mong gusto mo siya, eh, baka kaya ayaw mag-fist move ni Seven kasi wala siyang assurance. Oh ayan, may assurance na ngayon ang lolo mo. Ewan ko na lang kung hindi pa kikilos 'yan." Sabi naman ni Jessica.
Bakit sa aking anim... ako lang yata ang nagulat? Ganoon ba kahalata na gusto ko si Seven?
"Pero paano mo nasabi, Jamie? Magkakasama tayong lahat buong gabi." Kunot-noo na tanong ni Mild.
"I sent the message thru my mind. First time kong magawa 'yong ability kong iyon! Hindi ko alam na sa kanya ko unang magagawa tapos... ang epic fail pa noong nasabi ko." Kuwento ko sa kanila.
Umirap sa ere si Girly. "Sa harot mo pa talaga unang nagawa ang ability mo, 'no? Pero atleast, congrats mukhang worth it sa 'yo 'tong training camp na 'to." Bumalik na siya sa pagse-cellphone.
"Hindi kaya magiging awkward para sa amin ni Seven 'to? I mean, may tatlong araw pa tayo sa training camp."
"Alam mo, ang negative mo." Sabi naman ni Minute sa akin. "Magiging awkward lang naman ang situation kapag naging awkward kayo sa isa't isa. Umamin ka lang naman sa kanya, hindi big deal. Atleast aware na siya na may feelings ka."
"Tama si Minute. Matulog na tayo, maaga pa ang training bukas." Sabi ni Mild at pinatay na ang ilaw.
"A-Ah guys," nagsalita si Claire kung kaya't binuksan muli ni Mild ang ilaw. "Tungkol sa swimming, pinayagan na tayo ni Sir Joseph na mag-swimming tayong girls sa Tangadan Falls sa susunod na araw."
Napaupo kami lahat sa kama at parang nawala ang antok na nararamdaman namin. "Seryoso ka ba diyan?! ONG! Masusuot ko 'yong swim suit ko!" Pumalakpak pa si Girly sa tuwa.
"P-Pero sasamahan daw tayo ni Sir Hector para bantayan tayo. 3pm hanggang 5pm lang ang ibinigay na oras sa atin ni sir."
"Okay na rin na kasama si Sir, atleast makakapag-swimming tayo." Sabi ni Mild. "Iba talaga kapag isang anghel ang nagre-request... walang nakakahindi. In St. Claire we trust..." pumikit pa si Mild at itinapat ang kanyang palad sa noo ni Claire.
"Amen." Sagot namin.
"Matulog na tayo, Mild patayin mo na 'yong ilaw. 'Yong TV pakipatay din please." Sabi ni Jessica at nagtalukbong na ng kumot.
"Heto na 'nay, nanginginig pa oh." Reklamo ni Mild at ginawa naman niya ang utos ni Jessica.
***
NOONG sumunod na araw ay mas nag-focus na kami sa pagpa-practice lalo na't kaunting oras na lang ang mayroon kami. The good thing is, lahat ng mga kasama ko ay nag-improve... nagagawa na nila ng maayos ang kanilang mga task pero inaabot pa rin kami ng ilang minuto bago ito magawa dahil nahihirapan pa rin kaming kontrolin ang magic sa katawan namin.
Maaga umalis sina Tom dahil sumaglit lang daw talaga sila para tingnan ang practuce na ginagawa ng Class Zero. Iba talaga kapag mga rich kid, dumayo pa ng La Union para lang mag-stay ng isang buong gabi tapos bumalik na rin agad sa Maynila.
Pero sinigurado naman sa amin ni Tom na maghahanap pa siya ng servant of elements na makatutulong sa amin. Sa totoo lang ay masasaktan ako kapag naglaho si Tom at John, I mean, lagi silang tumutulong na dalawa sa amin at parang kaklase na ang tingin ko sa kanila kahit minsan ko lang sila makita.
"Mild, upo ka lang diyan sa tapat ko... may ipapasa akong message sa 'yo then sabihin mo kung na-receive mo." Paalala ko sa kanya.
"Alam mo, Jamie, napapagod na ako sa 'yo. Feeling ko may bumubulong sa aking multo kapag may sinasabi kang message sa akin thru mind. Nai-imagine mo ba kung gaano ka-creepy 'yon?" Reklamo niya at nagbukas ng tsitsirya.
"Bilis na, please, last na."
"Pang-ilang last na ba 'to, Jamie?" Tanong niya. She sighed. "Last na talaga 'to, ha! Game."
Tinungnan ko siya ng mata sa mata at ngumisi ako.
Hindi ka magaling mag-drive
"Hoy Jamie! Magpapasa ka na lang ng message, 'yong nakakasakit pa! Bruha ka!" Reklamo niya kung kaya't napatawa ako ng malakas.
"Biro lang, pero na-receive mo?"
"Gaga, magre-react ba ako ng ganito kung hindi ko na-receive?"
Napatigil ang pag-uusap namin noong umupo si Seven sa bakanteng upuan. Naglipat-lipat ang tingin ni Mild sa aming dalawa at ngumiti.
"Maghuhugas pa pala ako ng pinggan, maiwan ko na kayong dalawa," kinuha ni Mild ang mga gamit niyang nasa lamesa. "Galingan ninyo humarot— I mean, practice. Seven more practice pa para mag-improve ka, nakakaawa ka. Bye."
Sinundan namin ni Seven nang tingin si Mild hanggang sa makaalito. Nagkatinginan kaming dalawa at napangiti. "Tapos ka nang mag-practice?" Tanong ko.
"10 minutes break. Pero baka mamaya bumalik na rin ako sa practice, sabi ni Mild kailangan ko pang mag-improve."
"Seryoso ka? Naniniwala ka pa rin sa mga ganoon ni Mild? Niloloko ka lang no'n," sabi ko at ngumiti sa kanya. Kinuha ko 'yong isang baso ng tubig. "Oh, mukhang napagod ka."
"Jamie..." he leaned forward at ipinatog ang dalawa niyang braso sa lamesa kung kaya't medyo napalapit siya sa akin. "'Yong message na sinabi mo kagabi..." napayuko si Seven at ngumiti bago bumaling ulit ang tingin niya sa akin. "Wala nang bawian 'yon, ha?"
Kunwari akong nagbuklat ng libro sa lamesa dahil bigla na lang akong namula sa kanyang sinabi. "H-Ha? Anong message? Wala kaya!"
"I received that."
Tumingin ako sa kanya. "You received it naman pala, bakit mo pa 'ko pine-pressure ngayon?" Tanong ko.
"I am not pressuring you. Sinisigurado ko lang," sagot niya.
"Oo na, walang bawian 'yon. Bumalik ka na doon, mag-practice ka na. Hindi ako makapag-focus oh, ang dami ko pang babasahin." Pero sa totoo lang ay nabasa ko na ang lahat ng mga lubro na nandito. (#masipag)
"Okay." He said.
Naputol ang pag-uusap namin noong napabaling muli ang tingin namin sa field, nasa gitna si Ace habang kinakausap siya ni Sir Joseph. "Mukhang susubukan ulit ni Ace,"
Bumaling ang tingin sa akin ni Ace. He waved his hand and smiled widely. "Jamie-girl! Nandiyan 'yong phone ko 'di ba? Video-han mo ulit ako!" Utos niya.
I grabbed his phone at itinapat ang camera kay Ace.
"Ace tandaan mo, focus lang. Relax your body at pakiramdaman mo lang 'yong mahika sa katawan mo." Paliwanag ni Sir Joseph sa kanya.
Ace nodded. "Kapag nagawa ko, ang sabi mo ibabalik mo yung vlogging camera ko, sir, ha? Walang bawian 'yan." Pinagdikit ni Ace ang kanyang palad at may kuryenteng nag-spark doon noong pinaghiwalay na niya ito.
Lumayo si Sir Joseph at naiwan sa gitna ng field si Ace.
Malakas na sumigaw si Ace at may kuryente muling bumalot sa kanyang katawan. Amaze na amaze ako kay Ace kapag ginagawa niya ito... I mean, he really pushed himself into his limits.
Mas lalong lumakas ang sigaw ni Ace at mas kumapal ang kuryenteng bumabalot sa kanyang katawan. May mga pawis na namumuo sa kanyang mukha pero hindi niya ito alintana. Mukhang desidido siyang mabalik sa kanya ang vlogging camera niya this time, ah.
"Ipunin mo 'yong kuryente sa kanang kamay mo, Ace!" Sigaw ni Sir Joseph.
Gumapang ang kuryente na bumabalot sa katawan ni Ace papunta sa kanyang kamay. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Nakikita ko na nanginginig ang dalawang binti ni Ace, ibig sabihin lamang nito na nanghihina na siya sa dami ng mahika na pinapakawalan niya.
"Ngayon na, Ace!" Sigaw ni Sir Joseph.
"Ahh!" Malakas na sigaw ni Ace at may lumabas na kuryente mula sa kamay ni Ace papunta sa kalangitan. Kahit ako ay napahigpt ang kapit ko sa cellphone ni Ace at hinihiling ko na magawa niya sana.
Ilang segundo nang nagpapakawala si Ace ng kuryente at biglang nagdilim ang buong paligid, kanina lamang ay tirik na tirik ang araw pero ngayon ay parang may bagyo na darating dahil sa itim ng ulap at panay ang pagkulog at pagkidlat.
Ilang minuto ang lumipas at unti-unting pumatak ang mahihinang ulan hanggang sa naging isang malakas na ulan na ito.
Did he just controlled the weather?!
"Okay na, Ace! Nice job!" Sigaw ni Sir Joseph kung kaya't itinigil na ni Ace ang kanyang ginagawa.
Muling bumalik ang maaliwalas na kalangitan at napahiga si Ace sa damuhan. Lahat kami ay napalapit sa kanya. I mean, sobrang amazing noong ginawa niya!
Alam kong babaliw-baliw si Ace at saksakan ng yabang si Ace pero kapag practice... sorang desidido talaga siya na magawa ang mga bagay na ipinapagawa sa kanya.
"Ace hayop ka ang astig mo, tangina ka men." Puri ni Teddy habang sinisipa ang braso ni Ace.
"G-Gago ka, Teddy. Tantanan mo ako." Nanghihinang sabi ni Ace. "J-Jamie-girl... nagawa mo bang... i-video?" He asked.
Nabigla ako noong nakita ko 'yong screen ng cellphone ni Ace. "Ace, hindi ko napindot 'yong record buton, sorry."
"G-Gago ka din, Jamie. Magsama kayo ni Teddy." Reklamo ni Ace bago nawalan ng malay.
Sir Joseph sighed. "Dalahin ninyo na sa kuwarto ninyo si Ace... Kiran, Kiryu." Utos ni Sir Joseph na sinunod naman ng kambal.
Nagtuloy-tuloy ang practice namin ngayon at nagawa na namin ang kanya-kanya naming task.
***
"JAMIE bilisan mo! Ang bagal mo!" Reklamo ni Girly habang papaalis kami ngayon sa bahay, papunta na kami sa Tangadan Falls para mag-swimming. Ilang araw na kaming nandito pero ngayon lang kami makapupunta sa mismong falls.
"Hoy Claire, hindi liga ng basketball ang pupuntahan natin! Bakit ka naka-jersey?!" Reklamo ulit ni Girly. She's really excited about this since sa kanyang idea ang girls bonding namin. "May extra swimsuit akong babaunin para sa 'yo, iyon ang suotin mo."
Naglalakad kami papalabas ng bahay noong harangin kami ni Teddy, Kiryu, at Ace sa pinto. "Saan kayo pupunta, mga hayop?" Tanong ni Teddy habang hinaharangan nila ang daan papalabas.
""Magsi-swimming," tumaas ang kilay ni Girly.
"Nang hindi kami kasama?" Kiryu asked.
"Alam ninyo, tumabi na lang kayo. Nauubos ang oras namin sa inyo," Girly rolled her eyes.
"Hindi puwede!" Sigaw ni Ace at talagang todo harang silang tatlo sa pinto. "Magkakamatayan muna tayo bago kayo makapag-swimming! Kami nga hindi pinayagan, eh!"
"Isama ninyo na lang kami!" Suhestiyon ni Kiryu and he pouted.
"Girls bonding nga, eh! Saang part ang hindi ninyo naiintindihan? Girls kayo?" Tanong ni Girly.
Mukhang desidido ang tatlo na huwag kaming pag-swimming-in. Paano ba naman kasi, hindi sila pinayagan ni Sir Joseph dahil kailangan nilang tumulong dito sa bahay.
"B-Bakla kami!" Sabi ni Teddy and the three of them acted like gay. "Sama na kami, Mars!"
"Ayaw nga namin kayo kasama!" Sigaw naman ni Minute.
"Para naman kayong demonyo sa sama ng ugali ninyo!" Reklamo ni Teddy.
"Hoy Teddy! Papunta pa lang kaming inpyerno, sunog ka na." Ganti ni Mild sa kanya. "Tsaka nandito si Claire, may koneksyon 'to sa langit, friends sila ni St. Peter sa facebook."
"Anong sinabi mo?!" -Teddy
"Padaanin ninyo na kasi kami!" Sigaw ni Mild.
At ayon, nagkasagutan kami sa sala dahil ayaw talaga nila kami paalisin. Mga inggitero talaga!
"Alam ninyo ayokong gawin ito pero ginagalit ninyo talaga ako!" Girly said at nagbitaw ng buntong hininga. "Jamie, gawin mo na."
Tiningnan ko silang tatlo ng mata sa mata. Umalis kayo sa pagkakaharang sa pinto."
Sa pagkasabi ko noon ay labag sa loob silang umalis sa pagkakaharang. "Pota talaga 'yang ability mo, Jamie!" Reklamo ni Teddy pero wala naman siyang magagawa dahil nagamt ko na ang ability ko sa kanya.
Naglakad na kami papalabas para magswimming at naghihintay sa labas si Sir Hector.
"Hoy! Bumalik kayo! Ang papangit ninyong lahat except kay Claire!" Sigaw ni Teddy habang nakatanaw siya sa amin na naglalakad paalis.
"Hoy hindi ka guwapo. Mukha kang pagod na bayawak, Teddy bear!" Sigaw pabalik ni Girly.
Naglakad na kami papunta sa falls at pare-parehas kaming excited dito. "You guys still act like children." Sabi ni Sir Hector at magsindi ng sigarilyo.
"Nanlalait ka ba, sir?" Tanong ni Girly. Attitude talaga, eh.
"No, naalala ko lang sa inyo 'yong batch namin. Ganyan na ganyan din kami." He said. "Maging ganyan lang kayo. Enjoy ninyo lang ang lahat na magkakasama. Alam kong mabigat ang pressure ninyo as the new batch of Class Zero... alam kong mas nagiging masaya si Joseph kapag umaakto kayo na parang normal pa rin na kabataan." Paliwanag ni Sir Hector.
Nakarating kami sa Falls at manghang-mangha talaga ko sa gana ng Tangadan Falls. I mean, maganda na siya noong tinitingnan ko siya sa google pero grabe 'yong ganda kapag nakita mo siya ng personal. Titingalain mo talaga ang falls habang lumalangoy ka dahil sa taas nito. Malamig din ang tubig since sa kagubatan nanghagaling ang tubig.
Nagkatinginan kami nila Mild. "Let's go?" Tanong niya.
Ngumiti kaming lahat ng girls sa kanya. "Tara na!" Tumakbo na kami papalusong sa tubig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top