Chapter 72: Progress

IILAN na lang kaming nandito na Class Zero sa labas dahil tapos nang kumain ang iba. Ako, si Jessica, si Mild, Teddy, at Kiran na lamang ang nandito. Kami kasi ang naka-assign na magligpit ng pinagkainan namin ngayon.

"So Jamie, what's the tea, ice tea?" tanong ni Mild sabay tunggo sa akin habang naghuhugas kaming pinggan na dalawa.

"Anong tea?"

"Jamie, magpaplastikan pa ba tayo rito?" tumaas ang kilay ni Mild. "Ano ang pinag-usapan ninyong dalawa ni Seven? May aminan na bang naganap?"

"Oo nga, Jamie, anong ganap?" Epal ni Teddy at maging si Kiran at Jessica ay naghihintay na sa aking kuwento. Ito naman kasing si Mild, ang hirap ka-tsismisan, ang lakas ng boses.

Matapos kong mapunasan ang isang plato ay ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng napag-usapan namin ni Seven. I mean, wala namang importanteng bagay kaming napag-usapan kung kaya siguro ay okay lang naman i-share ito kanila Mild.

After kong magkuwento ay mukhang hindi sila satisfied sa sinabi ko. "Bakit ganyan ang reaksyon ninyo?" tanong ko.

"Iyon na 'yon, Jamie?" tanong ni Teddy.

"Oo, pero ang weird lang noong huling sinabi ni Seven." Sa totoo lang ay bumilis ang tibok ng puso ko that time pero hindi ko na sasabihin sa kanila. Kapag nagkuwento ako kay Teddy at Mild tungkol sa aking nararamdaman ay paniguradong bukas ay alam na ng buong Class Zero iyon.

"Kinilig ka na doon Jamie?" tanong ni Mild habang nililinis niya ang mga foldable table. "Landi na sa 'yo 'yon? Todo na 'yon?"

"Tangina Jamie, ikaw na nga unang mag-I love you kay Seven. Hina ng manok ko. Parang-awa mo na, ikaw na ang mag-first move." sabi ni Teddy at namula naman ako.

"That dude is really not good with words. Base na rin sa kuwento mo, hindi siya agad-agad magsasabi ng totoo." Paliwanag naman ni Kiran. "'Di ba Teddy?"

Tumingin si Teddy kay Kiran. "Huwag mo nga akong tinitingnan Kiran, naba-badtrip ako sa 'yo. Kamukha mo si Kiryu."

"Gago, kambal kami."

"Alam ninyo tumigil na nga kayo, tapusin ninyo na 'yang mga ginagawa ninyo para makatulog na tayo." sabi ni Jessica. Buti na lang may saviour ako dito kahit papaano.

Natapos kami sa pagliligpit at pumunta na kami sa room namin, mahimbing nang natutulog sina Minute, Claire, at Girly pagkapasok namin. Pinatay ko na ang ilaw at binuksan lamp. "Hindi ka pa matutulog, Jamie?" tanong ni Mild.

"Tatapusin ko pa 'tong pinapabasa ni Sir Hector."

"Weh?" napatigil sa pagkukumot si Mild. "Mamamatay ka na ba? Himalang magbabasa ka."

"Oo nga! Sige na, matulog ka na."

Sa lahat ng nangyari ngayong araw, nakita ko ang determinasyon nila Seven at Ace. They are willing to do everything para mas lumakas sila kung kaya't hindi rin dapat akong magpaiwan. Kung gusto kong matalo si Edel, hindi dapat ako mag-settle sa mga bagay na nalalaman ko. I need to broaden my knowledge patungkol sa kapangyarihan ko.

"Good night, Love you." sabi ni Mild at natulog na.

Nagbasa muna ako ng ilang oras bago ako matulog.

***

KINABUKASAN, maaga kaming nagising dahil sa malakas na pito ni Sir Hector. As usual, nag-ikot kami sa buong training camp pero this time ay sumabay sa amin si Sir Hector. Si Mild naman ay mayroon pa ring one-on-one training kay Sir Joseph.

"Sir alam mo balewala lang 'tong ginagawa nating training kasi kakain din naman tayo ng marami mamayang gabi hehe," pagmamayabang ni Kiryu habang nasa gitna kami nang pagtakbo.

"At dahil sa sinabi ni Kiryu, wala tayong barbecue mamayang gabi." sabi ni sir Hector at nauna na sa amin sa pagtakbo.

Lahat kami ay masamang napatingin kay Kiryu. "Kiryuuu!"

"A-Ano na naman ang sinabi kong maliii?!"

Matapos nang ginawa naming pagtakbo ay saglit kaming kumain at makalipas lang ang ilang oras ay nagsimula ang sunod na training namin.

"Sir, hindi kami magkakaroon ng individual training ngayon?" tanong ni Minute.

"No, we will have a little game." Sir Hector informed us at na-excite naman kaming lahat dahil magkakaroon ng twist ang practice namin ngayon. May kinuha si Sir Hector mula sa kuwarto nila at inilapag iyon sa lamesa.

"Kung mapapansin ninyo, may limang pulang flags at limang asul na flags. Mahahati ang Class Zero sa dalawang grupo at ang goal ng magkabilang grupo ay makuha ang lahat ng flags mula sa kalaban at protektahan ang kani-kanilang flags na hawak." paliwanag ni Sir Hector. "You are allowed to use your abilities para sa training na ito ngunit papaandarin natin ang devil hour upang hindi natin mapinsala ang gubat dito sa Tangadan Falls, maliwanag ba?"

"Yes sir!" Sabay-sabay naming sabi. Kapag ganitong games ay mas nagiging competetive ang lahar, eh. They are proving na mas malakas ang ability nila kumpara sa iba.

"Sir, bakit 10 flags lang? 11 kami rito," sabi ko sa kanya.

"Hindi muna kasali si Mild sa training na ito dahil hindi pa nalalaman ang ability niya." Paliwanag ni Sir Hector sa amin. Nakakalungkot naman 'yon, laging excluded si Mild sa mga training namin dahil lang wala pa siyang ability.

Sana ay mapalabas na ni Mild ang power niya para nakakasama na siya sa amin.

"What?! Sir! Kaya ko naman makipagsabayan sa mga 'yan kahit wala pa akong ability." Reklamo ni Mild. "Isali ninyo na ako sir! Promise behave lang ako."

"Hindi puwede Mild," biglang sumulpot si Sir Joseph na may hawak na maraming libro. "Hindi pa tapos ang pagte-training ko sa 'yo, alam mo naman siguro kung gaano kahirap ang sitwasyon mo, 'di ba?"

Bumuntong-hininga si Mild. "Yes sir." She forfeited.

Si Sir Hector ang nag-grupo sa amin para raw maging patas ang laban.

Team Red- Ako, Si Ace, Kiran, Jessica, at Minute

Team Blue- Seven, Kiryu, Teddy, Claire, Girly

Hindi ko alam kung paano naging patas ang laban na 'to dahil sobrang competetive noong mga nasa kabilang team.

"You have 20 minutes to hide in the forest bago ko paandarin ang devil hour. This game will last an hour at kung sino ang pinakamaraming flag na makukuha ay may prize sila..." sabi ni Sir Hector.

"Ano 'yon, sir?"

"Sila ang mamimili ng menu para sa kakainin mamayang gabi and I will give them the password of the pocket wifi." OMG! Internet ang prize! Kailangan kong galingan sa game na ito.

Pumito si Sir Joseph at kanya-kanya na kaming takbo papasok sa gubat. Kasama ko si Jessica na tumatakbo sa gubat at naghahanap nang matataguan.

"Kailangan natin makahanap agad nang tataguan, delikado tayo Teddy." Paalala sa akin ni Jessica. Shadow movement ang kapangyarihan ni Teddy. Kapag ginamit ni Teddy ang shadow movement sa mga clone ni Kiryu ay paniguradong matutunton nila kami ng wala sa oras.

Umandar ang devil hour at hudyat na ito na start na ang game. Nagtago kami ni Jessica sa likod ng makapal na sanga na maliit na puno.

"Baka makita nila tayo rito," paalala ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala poprotektahan kita," Jessica smirked at himinga siyang malalim. Itinapat niya ang kanyang kamay sa lupa at may mga naaagnas na tao ang biglang lumabas mula rito.

"I-Ito ang unang beses na makita ko ang capacity ng magic mo," I informed her.

"Oh, nakikita mo kasi na nagbabasa lang din ako during training. Well, Necromancy ang kapangyarihan ko, kaya kong bumuhay ng mga tao in a short period of time. Pero hindi ko kayang buhayin ang mga glitches ng society na naglaho at ang mga taong namatay during devil hour. Ang kaya kong kontrolin ay ang mga namatay na talagang tao." Paliwanag niya sa akin habang nakatingin ako sa mga naaagnas na tao na naglalakad sa paligid.

"Para kang zombie queen!" Natutuwa kong sabi.

Kumamot si Jessica sa kanyang baba. "P-Parang ganoon na nga, those undead will guard us from the other team. Kapag may namatay na isang undead ay made-detect ko kung nasaan ang kalaban natin."

Ilang minuto ang lumipas at napatigil si Jessica.

"May lumalapit sa direksyon natin, ang bilis nang paggalaw nito dahil isa-isa niyang napapatumba ang mga undead ko. Ihanda mo ang sarili mo kay Teddy," Jessica informed me at niyakap ko ang flag ko. Naku! Yari ako nito kay Ace kapag naagaw sa akin ang flag ko.

"Hello!" Biglang may sumulpot sa anino ko at mabuti ay nakatalon ako bigla paalis sa tinataguan namin ni Jessica.

Ang kailangan ko labg ngayong gawin ay magkaroon ng eye contact kay Teddy para maprotektahan ang flag ko.

"Takbo!" Sigaw ni Jessica kung kaya't iyon ang ginawa naming dalawa. Nag-summon pa siya ng maraming undead upang mapabagal ang paghabol sa amin ni Teddy ngunit mabilis lang iyog naiiwadan ni Teddy lalo na't maraming anino dito dahil na rin sa matataas na puno sa gubat.

"Jamie huli na kayo! Kami ang magkakaroon ng wifi mamayang gabi." Diretso lang kaming tumatakbo ni Jessica at alam naming nakasunod si Teddy.

"Biglain mo si Teddy," ngumiti sa akin si Jessica. "Dahil hinahabol niya tayo, naka-focus ang mata niya sa atin."

Dire-diretso kaming tumakbo ni Jessica at kailangan ko lang ng tamang minuto para humarap kay Teddy. Sinigurado ko na walang anino kahit papaano sa harap namin dahil open field ang tinatakbuhan namin.

"Ngayon na!" Jessica shouted.

Humarap ako sa likod and Hindi iyon inasahan ni Teddy. Mataas siyang nakatalon sa ere. "Oh shit."

Late na noong naipikit niya ang kanyang mata dahil nagkatitigan na kaming dalawa. "Give me your flag." Utos ko.

Walang choice si Teddy kung hindi ibigay sa amin ang flag.

"Pota napakadayang ability naman niyan." reklamo niya habang pabag sa loob niyang inaabot ang flag.

Sa wakas ay nagkaroon kami n points against sa blue team. Nagpatuloy kami ni Jessica sa pagtakbo. Dahil sa mga undead niyang naka-summon sa buong gubat ay nalalaman namin kung saan maaaring may kalaban at alam namin ang lugar na iwasan.

Nakaramdam kami ng malakas na pagyanig ng lupa. Alam kong si Girly iyon dahil ang malalakas na suntok niya lang naman ang nakakapagyanig ng lupa.

"Kailangan lang natin ngayon na umiwas sa gulo. Let Minute and Ace steal the other flags. Nasa malupa tayong lugar, may advantage si Minute dito." Sabi ni Jessica sa akin kung kaya't tumakbo lang kaming dalawa hanggang sa matapos ang game.

Natapos ang devil hour at unti-unting bumalik sa dati ang napinsalang bahagi ng gubat. Hindi pa rin talaga ako magsasawam na pagmasdan kapag bumabalik sa ayos ang lahat.

Bumalik kami sa training camp na hingal na hingal.

"So sino ang maraming flags ang nakuha?" Tanong ni Sir Hector.

"I managed to get Claire and Kiryu's flag," pagmamayabang ni Ace at nakipag-apir kay Minute dahil mukhang nagtulungan ang dalawa.

"Nakuha ko ang flag ni Kiran." Sabi ni Seven.

"Nakuha ko ang flag ni Teddy," iwinagayway ko ito. Nanalo kami sa game na ito.

So Ace team is the winner for this game, sila ang mamimili ng menu for tonight." Puri ni sir Hector.

Nagpatuloy kami sa individual training matapos noon at lumapit ako kay Kiryu dahil unti-unti na niyang nagagawa ang imitation. Although, mga mukha ng hayop pa lang ang kaya niyang gawin pero malaking improvement iyon para kay Kiryu.

"Paano mo nagagawa iyan?" Tanong ko. Baka kasi makakuha ako ng idea sa kung paano ang dapat kong gawin para makapagpasa ng message sa isang tao thru mind.

"Eto?" He asked while eating pochi. Naging isang mukha ng leon ang kanyang hitsura. Which is amazing, kung mai-improve ni Kiryu ang ability niya na ito ay baka magawa naming lokohin ang Black Organization sa pagkopya ng mukha ng ibang tao."

"Oo. May maipapayo ka ba sa akin?" Tanong ko.

"Kasi Jamie ganito 'yon," inubos ni Kiryu ang pochi na kinakain niya at seryosong humarap sa akin. "Ang buong katawan natin, nababalutan 'yan ng magical energy. Kung ilalabas ko ang magical energy sa aking katawan at mag-iisip ng bagay kong gawin base sa ability na mayroon ako... kaya kong gumawa ng clone ko," paliwanag ni Kiryu at naging tatlo siya. "Ngayon, kung ipo-focus ko ang mahika na dumadaloy sa aking katawan sa upper body ko..." his appearance change into a cute rabbit. "I can change my appearance. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo kung paano 'yong pagpo-focus ng magic energy in just one body part pero malalaman mo naman iyon."

"Ang gulo Kiryu. Ipaliwanag mo sa akin maigi, I'll give you a pack of pochi,"

"Isa lang? Ayoko." He crossed his arms.

"Tatlo." Nagbaon talaga ako ng pochi para sa training camp na ito para magawa kong utusan si Kiryu.

"Okay." 'Di ba, ang bilis kausap.

Umupo kami sa damuhan. "Kapag kasi binabasa mo ang isip ng ibang tao... naka-focus ang magic energy sa katawan mo sa iyon mata since iyon ang nangangailangan ng magic. Kapag nag-uutos ka sa ibang tao, naka-focus pa rin ang magic energy sa mata mo pero at the same time, may magic energy din sa bibig mo kung kaya't napapasunod mo sila... ngayon, how can you send a message to someone?"

"Hindi ko talaga ma-gets, Kiryu..."

"Ay tigilan na natin 'to! Sumasakit ngipin ko sa 'yo." Reklamo ni Kiryu.

"Joke lang! Ituloy mo."

"If you want to send a message to someone, kailangan mong i-focus ang magic energy mo sa utak mo then release it the magic energy and send it to the recipient of the message." Napatango-tango ako dahil mukhang nage-gets ko na ang paliwanag ni Kiryu. "So to make the explanation short, papuntahin mo ang magic energy sa utak mo then release it. Ganoon lang."

"Mukhang madali lang, ita-try ko mamaya."

"Kaso may problema tayo, Jamie..." Kiryu pouted.

"Ano 'yon?"

"Wala kang utak." Tumayo si Kiryu at hinabol ko siya. Buwisit, sinasabi ko na nga ba na sobrang bully ng mga tao rito sa Class Zero.

***

KINAGABIHAN, Nakausap ko si Jason for a short period of time maging sila mama. Hindi rin ito nagtagal dahil pawala-wala ang internet dito sa bundok.

Sa pagkain naman, we have a filipino food party. May Tinola, Adobo, Menudo na sobrang na-enjoy namin dahil ang daming nangyari sa maghapon na ito.

"Late na ba kami?!" Biglang may sumigaw papasok sa training camp— si Tom kasama si John. OMG! Na-miss ko 'tong mga Servant of Elements na ito. May kasama pa silang isang isang babae na nakasuot ng puting dress at buhok na hanggang balikat.

"Sino 'yan?" Tanong ni Ace habang nakikipag-apir kanila Tom.

"She's Paltia— the Servant of Holliness." Napatingin kaming lahat kay Claire dahil sa kanya compatible ang ganitong element.

"In St, Claire we trust," simula na naman ni Mild.

"Amen." Sagot naming lahat at malakas kaming tumawa. Siguro ay open-arms nang tatanggapin sa impyerno itong si Mild dahil sa pambu-bully na ginagawa niya kay Claire.

We had blast night that time. As in nag-enjoy lang kami na magkakasama kami. Naglaro kami ng spin the bottle, kumain ng mashmallow sa bonfire, at nagkuwentuhan lang buong gabi.

Napakasolid ng gantong bonding ng Class Zero. Yes, nahihirapan kami sa mga training pero sibrang memorable nitong Training camp para sa akin dahil mas nakikilala ko sila lahat at mas nagiging close kami.

Napatigil kami sa aming kuwentuhan noong biglang may fireworks na umilaw sa paligid na tanaw na tanaw dito sa training camp. "Mukhang may event sa malapit na bayan, ah."

Napakaganda ng fireworks at lahat kami ay nakatingala rito.

"Sana palagi na lang ganito..." nakangiting sabi ni Mild.

"Pangako, matapos lang ang gulong ito ay gagawin ulit natin ito!" Ace shouted at um-agree naman kami sa kanya.

Umaalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng mga fireworks na animo'y nagsasayawan na liwanag sa kalangitan.

Nagkatinginan kami ni Seven at napangiti ako sa kanya. Seven smiled back.

'Gusto kita.'

Naisip ko ang bagay na iyon pero hindi ko naman kayang sabihin iyon sa harap ni Seven.

Nabigla ako noong nagkaroon ng gulat sa mukha ni Seven. He smiled to me warmly.

"I received that message." He said.

OMG! First time kong magagawa 'yong pina-practice ko ay sa hindi ko pa inaasahang pagkakataon. Lupa, bumuka ka at lamunin mo na ako dahil sa kahihiyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top