Chapter 71: Train hard

NAGISING kaming lahat ng girls sa isang malakas na siren na umalingawngaw sa buong bahay. Pare-parehas kaming nagkatinginan at nagtataka kung ano ang ingay na iyon. Shemay! Ala-singko pa lang ng umaga!
Sir Hector opened the door at inuutusan niya kaming humilera sa labas. "Go outside, now!" Grabe! Akala ko magiging super fun lang nitong training camp na ito at magba-bonding lang kaming buong Class Zero, hindi naman ako na-inform na military training pala 'tong pinasok namin.
"Susunod kami, sir," wala pa sa huwisyong sabi ni Girly.
"Now!" Sir Hector shouted.
"Magba-bra pa kami sir! Puwede?" Ayan na, tumaas na ang kilay ni Girly, kahit professor talaga ay walang sinasanto 'tong attitude ng babaeng ito.
Namula ang mukha ni Sir Hector dahil hindi niya inaasahan ang magiging sagot ni Girly. "S-Sumunod kayo sa baba." Isinara ni Sir ang pinto at umalis na.
"My God, akala yata ng mga lalaki ay masarap matulog ng naka-bra." Umirap ulit sa ere si Girly at naghanda naman kami para sa magiging training namin ngayong umaga.
Lahat kami sa Class Zero ay humihikab pa habang nakahilera kami sa labas. "Isuot na ninyo ulit ang mga bags ninyo!" Sigaw ni Sir Hector at napareklamo kaming lahat. I mean, ngayon pa lang namin nararamdaman 'yong sakit ng katawan namin dahil sa pinaggagawa namin kahapon. "Sa tingin ninyo ba ay matatalo ninyo ang Black Organization ng ganyang mind set?!" Sigaw ni Sir.
"No, Sir!" Sigaw ni Seven at Ace. Isinuot nila ang bag at umayos ng tindig.
Determinado ang dalawa na mas lalo silang lumakas kung kaya't na-engganyo kaming lahat na gawin ang best namin.
Akmang tatakbo na kami noog biglang lumabas si Sir Joseph mula sa bahay. "Mild, ibaba mo 'yang bag... sumama ka sa akin,"
Kahit si Mild ay nagtataka dahil sa sinabi ni Sir.
"Anong nangyayari?" Mahinang tanong ko sa aking sarili na narinig pala ni Jessica.
"Magkakaroon ng one-on-one training si Sir Joseph at Mild. Pipilitin ni Sir na mapalabas ang ability ni Mild sa training camp na ito." Bulong niya pabalik sa akin at napatango ako.
That's a great idea... kug ipe-pressure ni Sir Joseph si Mild ay baka lumabas na ang kanyang ability. Sa amin kasing lahat ay siya na lang ang walang ability. Napatigil ang pagtingin ko kay Mild noong pumuto si Sir Hector at hudyat ito na kailangan na naming tumakbo.
Kagaya kahapon, kailangan naming tumakbo ng Limang beses sa trainig camp habang suot-suot ang bag. Madali naman tumakbo sa training camp pero jusko Lord! Pahirap talaga 'tong bag na 'to!
Halos gumapang ako sa lupa matapos ang ginawa naming pagtakbo. "Tuwing umaga ninyo 'yang gagawin habang nasa training camp kayo.! Nakahanda na ang pagkain ninyo sa loob at maya-maya lamang ay sisimulan natin ang pagsasabay sa inyong abilities, maliwanag ba?"
Akala ko ay napakabait ni Sir Hector kasi ang pogi niya kapag ngumingiti siya pero nalinlang lang pala ako. Sobrang hirap ng training namin ngayon dahil sa kanya. Mas strict siya kay Sir Joseph.
"Gusto ko na umuwi," reklamo ni Teddy habang kumakain kami sa lamesa. Lugaw ang almusal namin at pandesal.
"Uhm... kaya kong pawalain ang sakit ng katawan ninyo," Claire said at napatingin kaming lahat sa kanya. Okay naman kausap si Claire kapag kaming dalawa lang kaso nahihiya talaga siyang sabihin ang opinyon niya kapag sa grupo ng mga tao na. She's introvert afterall. "I-Iyon ay kung gusto ninyo."
"Duh!" Tumayo si Claire at isa-isang tinapat ang kanyang kamay sa amin.
Unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman namin at parang bumalik na sa maayos na kundisyon ang aking binti na kanina'y nanginginig dahil sa sobrang pagod.
"Claire, umagang-umaga ginagamit mo 'yang ability mo. Mahaba pa ang araw, mas madali kang mapapagod mamaya sa practice." Suway ni Teddy sa kanya.
"Alam mo, Teddy, may favoritism 'yang bunganga mo," sabi ni Kiryu at masama siyang tiningnan ni Teddy. "Kapag kami kung makamura ka para kang demonyo, eh."
"Aba, gago ka ah!"
"Tingnan mo!" Kiryu said. "Kahit anong bait mo kay Claire, hindi ka na tatanggapin sa langit. Persona Non Grata ka na doon."
Napatigil kami sa pagkain noong pumasok si Mild sa sala. "Tubig! Pahinging tubig!" Sigaw ni Mild.
"Mukhang pagod na pagod ka, ah?" Tanong ni Minute at inabutan siya ng tubig.
"Gaga ka, ikaw kaya ang makipag one-on-one training kay Sir Joseph?" Reklamo ni Mild. "Dapat pala nanood na lang ako ng K-dramas sa bahay. Walang adventure dito sa training camp. Binabawi ko na ang sinasabi ko." Sabi niya.
"Nagawa mo bang malaman ang ability mo?" Tanong ko. Siguro kapag nagkaroon ng ability si Mild, baka magpakain ako sa Class Zero.
"Hindi pa rin." Pumangalumbaba si Mild sa lamesa. "Ginagawa ko naman ang lahat, feeling ko naman physically fit na rin naman ako para magkaroon ng ability. Bakit kaya? Hay ang hirap naman nito!"
"Pero aminin natin, mahirap man... nag-e-enjoy pa rin tayong lahat kasi magkakasama tayo." Nagsalita si Ace ng nakangiti sa amin. "We can do this guys, para sa atin din naman 'tong training camp. Huwag kayong panghinaan ng loob."
Napangiti kami sa sinabi ni Ace. Mayabang si Ace pero alam niya ang sasabihin niya para ma-uplift ang mood namin. "Seven, wala ka bang sasabihin sa kanila?" Tanong ni Ace at tinunggo ang balikat ni Seven.
Inilagay ni Seven ang kanyang kamay sa gitna ng lamesa. "We are Class Zero..."
Nagkatinginan kaming lahat at ipinatong ang kamay namin sa kamay ni Seven. "We are family."
Matapos kumain ay sinimulan na muli ang pagsasanay.
"Sir ganito lang talaga ang pagsasanay ko?" Tanong ko habang nasa terrace ng bahay. Paano ba naman, tinambakan lang ako ni Sir Hector ng mga libro patungkol sa utak and how brain function. As in ang kakapal ng mga libro.
Hello! Wattpad books lang ang makapal na libro na binabasa ko sa tanang buhay ko. "Jamie, you need to learn the foundation of how your power works. Bago natin simulan ang pagsasanay mo."
Pinagmasdan ko ang mga kasama kong nagsasanay. Si Seven ay sinusubukan na pagalawin ang isang malaking tipak ng bato gamit ang kanyang kapangyarihan ngunit nahihirapan siya dahil masyado itong malaki.
Kiran is focusing sa isang putol na kahoy, ang kailangan niya kasing magawa ay masunog ito kapag tinitingnan niya lang ito at hindi gumagawa ng apoy sa kanyang kamay.
Pero napatigil kaming lahat noong may pinapasubukang gawin si Sir Joseph kay Ace.
Lahat kami ay nakatingin sa kanya. "Jamie-girl, video-han mo ako. Feeling ko ang astig ko kapag nagawa ko 'to."
"Yabang talaga." Umirap ako sa ere at kinuha ang cellphone ni Ace na nakapatong sa table. I know his phone password dahil minsan ay pinapagamit niya sa akin ito kapag nagpapa-vlog siya. At wala rin naman daw siyang itinatago na porn sa cellphone niya kaya confident siya.
"Oo mayabang talaga ako." Sagot ni Ace.
"Ace focus!" Sir Joseph clapped his hand at nagbitaw ng malalim na buntong hininga si Ace. "Kapag nagawa mo 'to ay ibabalik ko sa 'yo ang dalawang camera na kinumpiska ko sa 'yo."
Malakas na sumigaw si Ace at nabalutan ng kidlat ang buong katawan niya. Napa-whoah kaming lahat dahil ibang klaseng magi ang inilalabas ng katawan ni Ace ngayon.
"Kulang pa!" Sigaw ni Sir Joseph.
"Ahhh!!" Malakas na sumigaw si Ace at mas lumaki at kumapal ang kidlat na bumabalot sa kanyang katawan.
"Ipunin mo ang enerhiya na dumadaloy sa 'yong katawan sa kanang kamay mo." Utos ni Sir. We are all thrilled sa ginagawa ni Ace.
I mean, pangalawang araw pa lang namin dito pero inilalabas na ni Sir Joseph ang buong potential ni Ace. "S-Sir! Hindi ko kaya!" Sigaw ni Ace.
"Ace ipunin mo ang ang enerhiya sa kamay mo kung hindi ay mawawalan ka ng kontrol sa kuryenteng inilalabas mo!" Sigaw ni Sir Joseph.
Ace slowly moved his hand at unti-untig gumapang ang kuryente sa katawan ni Ace patungo sa iisang direksyon. Pawis na pawis si Ace at nanginginig ang kanyang mga binti. He's trying to control the energy coming out from his body.
"Tago!" Sir Joseph shouted at tumama sa kung saan-saang parte ng training camp ang mga kidlat na naglikha ng apoy sa paligid.
Nakahiga si Ace sa damuhan. Unluckily, hindi niya nagawang kontrolin ang kuryenteng lumabas mula sa kanyang katawan.
"Kiryu, apulahin mo ang apoy sa paligid. Kumuha ka ng tubig sa balon." Utos ni Sir Joseph.
"Yes sir." Dumami si Kiryu at tumakbo na siya patungo sa balon.
Napalapit naman kami kay Ace dahil sa pag-aalala. Alam ko naman na ang purpose ng training camp na ito ay i-push kami sa limits namin pero grabe naman 'yong kay Ace. "Sir, kumusta si Ace?" Tanong namin.
"S-Sir, may sasabihin ako kay Jamie bago ako mamatay." Nagsalita si Ace at pilit na gumapang.
Bumuntong hininga si Sir Joseph. "Siraulo, hindi ka mamamatay. Kailangan lang ng katawan mo nang pahinga."
"J-Jamie, i-delete mo 'yong video. Hindi ko nagawa." Matapos no'n ay nakatulog na si Ace napabuntong hininga na lang ako. Image niya pa rin ang iniisip niya hanggang ngayon.
"Tapos na ang palabas, bumalik na kayo sa kanya-kanya ninyong ginagawa!" Sigaw ni Sir Hector at agad naman namin iyong ginawa.
***
KINAGABIHAN, we had a feast dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa lamesa. Sabi ni Sir Joseph ay alam niyang napagod kami sa maghapon na training kung kaya't deserved namin na kumain ng masasarap na pagkain.
"Sir baka puwede kaming pumunta doon sa Falls? Baka lang naman." Pagpaparinig ni Teddy habang kumakain kami. "Kasi feeling ko gaganahan ako na gawin 'yong task ko kapag nakalangoy ako sa falls. Baka lang naman, sir."
"Tsaka Sir, baka kapag nadampian ng tubig ng falls ang balat ko... magkaroon ng magic, baka hindi lang hanggang walong clone ang magawa ko." Pagsabay pa ni Kiryu.
Magkasundo talaga ang dalawang ito pagdating sa kagaguhan kahit madalas silang magtalo. Buti na nga lang at tulog si Ace dahil paniguradong sasabay din ang isang mokong na iyon.
"Kapag nagawa ninyong lahat yung pinapagawa ko sa inyo, mangyayari 'yang hinihiling ninyo." Sabi ni Sir Joseph.
"Sabi mo 'yan, sir, ha! 'Wag kang scammer diyan. Na-record ko 'yang sinabi mo." Itinaas ni Teddy ang kanyang cellphone.
Nagkaroon kami ng outdoor barbecue party ngayon at may tatlong box din ng pizza, may isang bilao na Pansit at cake na binake ni Claire at Jessica.
Habang nagkakasiyahan kami ay napansin kong nakaupo si Seven sa nakatumbang puno at pinagmamasdan ang kalangitan.
"Ako na ang mag-iihaw ng barbecue," inagaw sa akin ni Mild ang pamaypay. "Lumandi ka na, girl. Pasulyap-sulyap ka pa, eh."
"Sure ka?" Tanong ko. "I mean, hindi naman ako lalandi, kakausapin ko lang si Seven."
"Ganoon din 'yon. Mukhang problemado ang lolo mo, oh. Hindi niya kasi nagawa 'yong pinapagawa ni Sir Hector." Paliwanag sa akin ni Mild. Pansin ko nga rin na ang down ni Seven dahil hirap siyang gawin na pagalawin ang malaking bato kanina.
Kumuha ako ng isang cup ng coke at naglakad tungo sa kanyang direksyon. Naputol ang pagtingin niya sa bituin at napadako ang tingin niya sa akin. Seven smiled. "Bakit ka nandito? Bumalik ka na doon, mukhang masarap 'yong barbecue na dala ni Sir Joseph."
Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mga bituin. Naging tahimik ang mga sumunod na segundo at ako na ang bumasag ng katahimikan na uyon. "Okay ka lang?"
"Oo naman," he answered at inabot ko sa kanya ang coke at uminom naman siya rito. "Kasama ko kayo, tsaka kahit mahirap nagiging magaan kasi nandiyan kayo." Paliwanag niya.
Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga at mas seryoso kong tiningnan si Seven. "Okay ka lang?" Ulit ko ng tanong ko.
He paused for a couple of seconds at tumingin sa aking mata. "No... I am not okay." He answered honestly.
Pinangtukod niya ang dalawang kamay niya sa trunk ng puno at tumingala para pagmasdan ang mga bituin. "Naiinis ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko ay hindi ko magawa ang simpleng bagay na dapat kong gawin. Noong nakita ko si Ace kanina... ibinibigay niya ang lahat-lahat niya, nakaramdam ako ng inggit."
"Pero ginagawa mo rin naman ang lahat-lahat mo, Seven." Sabi ko sa kanya pero nakatahimik lang siya. "Dahil ba 'to sa laban natin nila Hugo sa Baguio kung kaya't nagmamadali kang lumakas?" Tanong ko.
"Napansin mo?" Tanong niya.
I nodded. "Hindi lang ako nagsasalita pero alam kang naiinis ka dahil hindi mo magawang matalo si Hugo that time. Pakiramdam ko rin ay sinisisi mo ang sarili mo na muntik na kayong mapahamak sa Baguio."
"Binasa mo ba ang nasa isip ko?" Kunot-noo niyang tanong.
Niyakap ko ang aking tuhod. "Hindi. Sa lahat yata ng nandito, ako ang pinakanakakakilala sa 'yo, Seven."
"Alam ko ang hipokrito pakinggan pero gusto kong lumakas agad, gusto ko kayong protektahan, ayoko ng maulit ang nangyari kay Roger. Alam ko, paulit-ulit na lang pero importante kayong lahat sa akin." Sabi niya sa akin.
"Seven, hindi mo kailangan magmadali, lalakas tayo. Magagawa natin 'to. Huwag mo akuin lahat ng responsibilidad dahil lang ikaw ang leader namin. You don't need to protect us alone, we will protect each other." I explained to him. "Tsaka, mahirap naman talaga ang dapat mong gawin. Kaya mo 'yan, mahaba pa ang oras natin dito sa training camp. Huwag kang ma-pressure."
"Paano kung hindi ko magawa?" He asked.
"E'di hihintayin ko na magawa mo. Magiging saksi ako sa lahat ng improvements tsaka achievements mo." I assured him. "Halika na, baka maubusan tayo ng barbecue, timawa pa naman si Teddy."
Tumayo ako at tumingin sa kanya. Ngumiti sa akin si Seven. "Jamie ipangako mo sa akin na walang mangyayaring masama sa 'yo. Okay lang na dumipende ka sa akin. Okay lang na masugatan ka, magkagalos ka pero huwag ka lang maglalaho." Seryoso niyang sabi.
"Sinasabi mo ba 'yan as a leader of Class Zero? Opo, hin—"
"Sinasabi ko 'to bilang si Seven, bilang ako. Jamie masasaktan ako kapag naglaho ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top