Chapter 70: Decision He Made
BANDANG alas-cuatro noong tinipon kami ni Sir Joseph para ipaliwanag ang mangyayari sa training camp (matapos kasing kumain kanina ay pinayagan niya kaming magpahinga saglit). Umupo kami sa long table at ilalabas pa pang ni Ace ang vlogging camera nito ay mabilis na itong nakumpiska ni Sir Joseph.
"The purpose of this training ay para madagdagan ang knowledge ninyo patungkol sa kanya-kanya ninyong abilities. We also want to develop new things in your powers dahil possible na magawa ninyo ito," Sir Joseph explained habang isinusulat niya iyon sa whiteboard. "Natatandaan ninyo ba kung ilang clones ang kayang gawin ni Kiryu noong na-discover niya ang power niya?"
"Tatlo po sir." Sagot ni Teddy.
"Bobo, dalawa lang." Sabi ni Kiryu sa kanya habang kumakain ng gummy worms.
Kinatok ni sir ang lamesa para makuha ang atensyon naming muli. "Ngayon, Kiryu, ilang clones na ang kaya mong gawin?" Tanong ni sir.
"Mga walo, sir. Minsan nagagawa ko din paabutin ng siyam pero sobrang nakakapagod po." Kiryu explained.
"Lumipat tayo kay Jamie... dati, ano lang ang kayang gawin ni Jamie?" Hala bakit naging example ako bigla? Maganda ba ang sasabihin ni sir Joseph patungkol dito?
"Kaya niya lang magbasa ng iniisip ng ibang tao, sir," aagot ni Mild at napatango si sir bilang pagsang-ayon.
"Correct. But as the time goes by ay natutunan na rin ni Jamie na mag-utos sa ibang tao kapag nagtatagpo ang mata nila," paliwanag ni sir at may dino-drawing pa si Sir sa whiteboard na hindi ko naman din naiintindihan. "So the point is... your ability can evolve kung madalas ninyo itong gagamitin, kung pag-e-eksperimentuhan ninyo ito, at kung pag-aaralan ninyo ito..."
"Sir," I raised my hand. "Feeling ko pati ang willingness na matutunan ang isang bagay, sir, factor din 'yon." I mean, noong una akong nag-utos sa lawbreaker ay inisip ko pang na magagawa ko siyang mautusan to save my life that time at nagawa ko naman.
"It also help." Sir Joseph agreed. "Malaki na ang pinagbago ng bawat isa simula noong una ninyong nalaman ang kanya-kanya ninyong abilities. You guys trained hard and saksi ako sa bagay na iyon. Kaya na ninyong malabanan ang Blaco Organization but that is still not enough para matalo sila. Nandito tayo ngayon para sanayin kayo, hindi natin hahayaan na mabuhay ng Black Organization si Deathevn. At ayaw natin na mawala ang balanse ng mundo sa oras na mangyari iyon."
Madami pang ipinaliwanag si Sir Joseph at umabot na nga sa point na napipikit-pikit ako dahil sa sobrang antok.
"Sir, si Jamie, natutulog!" Sumbong ni Kiran at dumiretso ako ng upo. Kiran smirked.
"H-Hindi po, sir, napuwing lang kaya ako napikit. Pauso ka, Kiran!" Reklamo ko. Buwisit, ipapahamak pa ako nitong kambal na 'to.
Nagbuntong hininga sinSir Joseph at nagpatuloy sa pagsasalita. "Natatandaan ninyo pa ba ang mga inabot kong papel sa inyo?" Sir asked at napatango kaming lahat.
Actually I really find it impossible to do pero ngayong naipaliwanag na ito ni sir sa amin maigi. I am really looking forward na magawa ko siya in just a week.
Ang task na ibinigay sa akin ay kailangan makapagpasa ako ng message sa isang tao by just looking into his/her eyes. Kailangan ay makapag-usap kami gamit ang isip lamang. Nakalagay doon na importanteng magawa ko ito para madali akong makapagpasa ng mga sikretong plano sa mga kasama ko, we can outsmart Black Organization in this tactic.
Pero ang hirap niya talaga for me, I mean, feeling ko nga ay sinuwerte lang ako noong matutunan ko ang pag-uutos gamit ang utak, eh.
Wala rin akong udea sa kung ano ang dapat magawa ng ibang Class Zero dahil yung personal task ko lang naman ang ibinigay ni sir at iyon lang ang nakalagay sa papel na inabot niya.
"Kaming dalawa ni Hector ang magtuturo at gagabay sa inyo and we will start your training now," sir explained at napareklamo kaming lahat dahil napagod kami kanina na hanapin ang training camp.
"Sir, bukas na lang 'yan. Na-scam ninyo nga kami, eh. May hinanakit pa rin ako hanggang ngayon, sir." Reklamo ni Teddy.
"Bukas, uuwi ka na nang Maynila, gusto mo?" Tanong ni sir habang nakangiti kay Teddy.
Mukhang natakot si Teddy sa ekspresyon ni Sir. "H-Hindi ka mabiro, sir. To be honest, excited na nga ako sa ipapagawa ninyo, eh." Kunwari pa niyang iginalaw-galaw ang kanyang braso.
"Mag-warm-up na kayo sa lalabas. We will have a physical body training ngayong hapon." Utos ni Sir at nanlulumo naman kaming lumabas.
"Hindi ito ang inaasahan kong bakasyon!" Reklamo ni Girly. "Nagdala pa naman akong swimsuit dahil akala ko ay sa beach tayo magpapractice."
"Same, girl." Pag-agree ni Jessica at Minute.
Humilera kami para simulan mag-warmup at si Kiran ang nagli-lead sa amin.
"Psst," napalingon sa akin si Seven habang ini-i-stretch namin ang aming mga braso. "Ano 'yong nakalagay sa papel mo?" Tanong ko.
"Wala." Sagot niya.
"Bilis na!"
"Tsismosa ka talaga." Buwisit, nagtatanong lang naman.
Lumabas na si Sir Hector matapos namin mag-stretching at inabutan niya kami isa-isa ng backpack. "Ang bawat bag ay naglalaman ng sandbag na may samoung kilong bigat. Kailangan hanggang makalimang laps kayo ay suot-suot ninyo pa rin ang sandbag na iyan. May punishment ang hindi makakagawa, maliwanag ba?"
"Seryoso ka, sir?" Tanong ko.
"Mukha ba akong nagbibiro, Jamie?" Isinuot ko na ang backpack sa aking likod and grabe, ang bigat niya!
Nagsimula na kaming tumakbo at mas nauuna ang boys sa amin dahil nga madali lang sa kanila para ito pero paano naman kaming mga babae?!
Nasa pangatlong lap pa pang kami ay hindi ko na maramdaman ang hita ko dahil sa sakit. "Dapat... pala... nagpaiwan na lang ako..." reklamo ni Mild at napaupo na sa damuhan.
Iniwanan ko na siya dahil dalawang laps na lang naman ay matatapos na ako. Anong kinalaman nito sa pag-i-improve ng ability ko, ha?!
Inalalayan ni Claire na makatayo si Mild at isinukbit niya sa kanyang balikat ang braso nito para makatakbo pa rin si Mild.
"Thank you St. Claire, amen."
Nagpatuloy kami sa pagtakbo at bandang alas-singko noong natapos ako. Grabe ang panginginig ng hita at paa ko dahil sa pagod.
"Sinabi ko bang magpahinga kayo?!" Sigaw ni Sir Hector.
"Sir Joseph, I love you na ulit. Ikaw na ulit ang magturo sa amin. Please." Mahinang bulong ni Teddy.
Tumayo kami at humilera ulit. Nag-high knees naman kami na exercise (100 counts) at matapos noon ay nag-jumping jacks naman kami (100 counts). Can you imagine yung mga pawis namin ngayon? Mas marami pa yatang tubig na tumutulo sa mukha ko kaysa sa Tangadan Falls.
Matapos noon ay sinabi ni Sir Hector ay ipagpapatuloy namin ang training bukas. Nahiya pa siyang patayin kami ngayon.
Inabot ako ng ilang minuto sa paglalakad pabalik sa bahay dahil aa sakit ng hita ko. Pumasok ako sa Girl's room at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
"Kung ganito ang gagawin natin para lang ma-develop ang powers ko..." bumuntong hininga si Girly at tinanggal ang kanyang hulas na hulas na make-up. "Huwag na lang, masaya na ako sa ability ko."
"Masaya ka ng maging bouncer?" Tanong ni Mild.
"Ikaw masaya ka nang nanonood lang? Epal ka, eh." Umirap si Girly sa kanya.
"Ano ba ang dapat mong gawin, Girly?" Tanong ko.
"I need to learn na paliitin ang katawan ko. Sabi ni Sir, kung kaya kong palakihin ang katawan ko ay kaya ko rin paliitin ng katawan ko pero 'yong strength level daw ay hindi nababago." Paliwanag ni Girly, wow, mukha lang siyang madali kung iisipin ko pero paniguradong mahirap iyon para kay Girly.
"Hey, bakit hindi tayo pumunta sa falls ngayon?" Tanong ni Mild.
"Gabi na," sabi sa kanya ni Minute. "Mahihirapan lang tayo makabalik dito at isa pa, ang oamig ng tubig sa mga falls lalo kapag gabi."
Napasimalmal si Mild. "KJ."
"B-Bakit hindi na lang tayo sa last day magswimming na mga girls?" Tanong ni Claire sa amin. "Puwede ko naman pakiusapan si Sir na payagan tayo,"
"Seryoso ka ba?!" Umaliwalas ang mukha ni Girly. "Oh my God! Magagamit ko ang mga swimsuits ko!"
"Paniguradong mahihirapan humindi sa 'yo si Sir." Nakangiting sabi ni Jessica habang pumapalakpak.
"Oo nga, ikaw ang babaeng ipinagpala sa lahat." Sabi ni Mild. "In St. Claire we trust..."
"Amen." Sabay-sabay naming sabi at namula naman si Claire sa hiya.
Nagtawanan lang kaming mga Girls habang nagkukuwentuhan sa kuwarto at naputol ang aming pag-uusap noong biglang bumukas ang pinto at napatingin kami rito.
"Kailangan ninyong magtago!" Sigaw ni Teddy.
"B-Bakit?" Bigla akong kinabahan dahil nasa malayong lugar pa naman kami. May lawbreakers ba ang biglang sumugod dito ngayon?
"B-Basta! Magtago na kayo!" Mabilis kaming kumilos at nagsisiksikanbsa loob ng kabinet.
We are holding our breathe at iniiwasan na lumikha ng ingay.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan..." biglang kumanta si Kiryu na nasa labas at napasimalmal kaming lahat kay Teddy.
Hagalpak na tumatawa si Teddy noong makita ang ekspresyon namin. "Takot sila, eh! Haha!" Gumulong pa si Teddy sa kama.
"Ah ganoon pala..." Girly raised her brows. "Jamie, Mild... hawakan ninyo si Teddy. Jessica and Minute, i-ready ninyo ang camera."
"T-Teka anong gagawin ninyo?!" Reklamo ni Teddy noong itinali namin siya ni Mild.
"Subukan mong tumakas. Hindi mo makikita si Claire ng ilang araw." Banta ni Girly at effective naman dahil hindi ginamit ni Teddy ang shadow movement niya.
Sinimulan ni Girly na make-up-an si Teddy at hagalpak sa kakatawa sina Ace at Kiryu na pinanonood ang ginagawa namin. Mukhang pikon na pikon naman si Teddy bear pero kasalanan niya rin naman dahil ininis niya si Girly.
Taguan pa, sige.
***
KINAGABIHAN ay tinawag ako ni Sir Joseph para mag-usap kaming dalawa patungkol sa kapatid ko. "Kumusta na ang kapatid mo, Jamie?" Concerned ba tanong ni sir.
"Mukhang naiintindihan niya naman po ang pagiging glitch niya, sir. Ako lang po ang hirap makatanggap." Pag-amin ko.
Madalas kaming magbangayan ni Jason pero mahal ko ang nag-iisang kapatid kong iyon. Noong si Vincent pa nga lang ang naglaho ay grabe na ang epekto sa akin... paano pa kung mismong kapatid ko na? Hindi ko alam kung kakayanin ko ang bagay na iyon. Honestly, hindi talaga ako masaya sa pagiging glitch niya ng society.
"Nakausap ko na ang organisasyon patungkol sa kapatid mo. They gave their suggestions already pero nasa sa 'yo pa rin kung tatanggapin mo ang offer nila since ikaw ang guardian ng batang glitch." Paliwanag ni Sir Joseph sa akin.
"Ano po?"
"Well, Fladus Academy is willing to give him a full scholarship sa kanilang school,"
"H-Hindi po ba puwedeng sa Merton Academy na lang din si Jason?" Tanong ko.
"Jamie, hindi priority ng Merton Academy na turuan ang mga batang maaga na na-discover na glitch sila ng society. Sa Fladus Academy... they really develop and help those young children na ma-control ng maaga ang kanilang kapangyarihan. At isa pa, dahil nga puro young glitches ang karamihan ng nasa school na iyon. Mataas ang seguridad sa paaralang iyon kung kaya't paniguradong nasa ligtas na kalagayan ang kapatid mo." Paliwanag ni sir sa akin. "At isa pa, hindi ganoon kalayo ang Fladus Academy sa Merton Academy kung kaya't puwede mo pa ring madalaw ang kapatid mo, Jamie... kung papayag ka sa suggestion ko."
Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ko. "Paano sila mama't papa?"
Kung dalawa kami ni Jason na mawawala sa kanilang tabi... paano na sila?
"Panandalian lang naman iyon, Jamie, sa oras na matapos ang gulo sa pagitan natin at nang Black Organization ay babalik na sa dati ang lahat. Sisiguraduhin lang natin na mako-control ng kapatid mo ang kapangyarihan niya bago mangyari ang kinatatakutan natin."
Habang nasa gitna kami ng diskusyon ni Sir Joseph noong maalala ko ang sinabi sa akin ni Jason.
"Pero ate, may sasabihin ako sa 'yo..." napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga damit at napatingin sa kanya. "Hindi ko man masyadong naiintindihan kung ano ang nangyayari o kung ano ba ako pero kung kinakailangan kong malayo kanila mama para lang masiguradong ligtas sila... gawin mo ate."
Umiling ako. "Hindi puwede, walang magbabantay kanila mama."
"Ate sa oras na malaman ko ang kapangyarihan ko ay puwede naman akong umuwi at bantayan sila. Ginagawa mo ang lahat para protektahan ang mga tao sa Pilipinas," ngumiti sa akin si Jason. "Ibigay mo na sa akin ang pagbabantay kanila mama. Gagawin ko ang lahat para masiguradong ligtas sila. Kahit papaano ay gusto kong mabawasan ang bigat na pinoproblema mo."
He is just a thirteen year old boy pero ang mature niya ng mag-isip. "Kung kinakailangan kong mag-training sa Maynila ay pumayag ka ate. Ako na ang bahalang magpaliwanag kanila mama. Gusto ko rin naman maintindihan kung ano nga ba ang sitwasyon natin. Tsaka feeling ko natatakot ka lang dahil baka mas malakas ang kapangyarihan ko sa 'yo, eh!" Pagmamayabang niya.
"Feeling ka."
"Ate... ayokong maging duwag. Alam kong may magagawa ako at kung makakatulong ang gobyerno para mapalabas ang kakayahan ko, okay lang."
Ibang-iba ang naging reaksyon namin ni Jason noong una naming nalaman na glitch kami ng society. Puno ako ng takot that time pero si Jason... handa siyang kaharapin ang magiging panganib huwag lang mapahamak sila mama.
"Anong masasabi mo sa suhestiyon ng organisasyon, Jamie?" Tanong ni Sir Joseph sa akin.
Nagbuntong hininga ako dahil buo naman na ang desisyon ni Jason. I should trust my young brother. "Pumapayag po ako as long as hindi mapapahamak si Jason."
Ngumiti si Sir sa akin. "I'll make sure na okay ang kapatid mo sa Fladus Academy kung sakaling makapasok siya. But for now, mag-focus ka na lang muna sa pagpapalakas ng ability mo."
"Yes sir."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top