Chapter 66: Fun and Terror
Twitter hashtag: #ClassZero66
NATAPOS ang buong semester sa Merton Academy, halos anim na buwan din akong nasa loob ng school at ngayon lang ako ulit makakauwi sa amin. Inilalagay ko na ang mga damit ko sa duffle bag at nag-text na rin ako kay mama na bandang tanghali ay makauuwi na ako sa amin.
"Jamie! Sabay na tayo magpunta sa bus stop!" Aya ni Mild pagkabukas niya ng pinto. "Puwede naman ktang ipag-drive para makatipid ka sa pamasahe."
The last time na nag-drive si Mild ay muntik ko nang makita si Lord. "M-Mauna ka na. Magkita na lang tayo ult sa training camp." Malapit kong kaibigan si Mild pero sorry, mahal ko pa ang buhay ko.
"Sure ka?"
"Yup, ibabalik ko rin kasi 'tong ballpen kay Seven."
Mild grinned at umupo siya sa kama ko. "Wow, may hiraman ng ballpen na nagaganap. So, kayo na ba?" She asked.
"What? Kapag pinahiram ng ballpen kami agad. Ang issue ninyo lahat nila Teddy." Depensa ko.
Aware naman ako na madalas akong tuksuhin nila Teddy kay Seven kasi close kaming dalawa pero mukhang wala namang gusto sa akin 'yong tao. I mean, wala naman siyang sinasabi na gusto niya ako. Kaysa mag-expect ako... mas okay na 'yong ganito.
"Alam mo, kaunti na lang ay masisipa ko na si Seven. Ang bossy-bossy pero hindi sanay lumandi. My God, nakakaawa kayong dalawa, obvious na naghihintayan lang kayo." Reklamo niya at inabot sa akin ang ilang damit na nakatiklop.
"Tigilan na nga ninyo 'yan." Matapos kong maayos ang gamit ko sa duffle bag ay iniligpit ko na rin ang natitirang kalat sa dorm ko.
"Pero kung ikaw ba ang tatanungin, gusto mo ba si Seven?"
Napatigil ako sa pagpulot ng kalat sa tanong ni Mild. Inmean, special para sa akin si Seven dahil ilang beses na niya akong tinulungan. Iniligtas na niya ang buhay ko, at tinutulungan niya rin ako academically. Malamig man ang pakikitungo ni Seven sa ibang tao pero nice naman talaga ang personality niya.
"E-Ewan ko." Sagot ko. "Huwag mo na ngang gusutin yung sapin niyang kama ko, Mild." Pag-iiba ko nang usapan.
"Oh My God! Napakatagal mo na sa indenial stage, Jamie! Landi-landi din 'pag may time."
"Bakit ikaw?" Balik ko sa kanya.
"Wala akong time. Super busy ko these past few days dahil may pinagkakaabalahan akong bagay." Pagyayabang niya.
"Ano naman 'yon?"
"Hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo," tumayo si Mild at tumingin sa relo. "Sige na, baka ma-traffic pa ako sa EDSA. Mag-ingat ka pauwi, girl, ha? Sure ka bang hindi ka sasabay sa akin?"
"Oo, mahal ko pa buhay ko. See you next week!" Next week kasi gaganapin ang training camp so may one week kami para maka-bonding ang pamilya namin.
Pagkalabas ni Mild ay hindi na rin ako nagtagal sa kuwarto ko. Kailangan ko rin kasi agahan sa terminal ng bus dahil baka abutan ako ng mahabang pila. Nakakainip pa man din pumila ng matagal lalo na't kaka-expire lang noong netflix ni Claire. Oo, nakiki-connect lang ako sa anghel naming kaibigan. Badtrip nga, eh, hindi nagbayad ng netflix this month... pati ako damay.
Bago ako umuwi ay pumunta ako sa right wing ng school (kung nasaan ang boys dormitory). Nakasalubong ko pa si Teddy at sabay pa silang dalawa ni Claire na aalis ng school. Sinubukan pa nga nilang magtakip ng guitar case ni Teddy pero nahuli ko na sila.
Ngumisi ako sa kanila at sinamaan lang ako ng tingin ni Teddy.
"Teddy bear, ang laki mo na. I am so proud of you." Sigaw ko.
"Ulol ka. Ang problemahin mo 'yong sa inyo ni Seven." Epal na Teddy bear 'to, ayan na naman siya sa panunukso niya.
I texted Seven na nasa ibaba ako ng dorm nila at lumabas naman siya after a couple of minutes. Nakasuot ng itim na sweatshirt si Seven habang nakasukbit sa kanya ang duffle bag niya. Hindi siya naka-wax ngayon at bagsak lang ang medyo brown niyang buhok. He also wear a transparent glass na bumagay sa porma niya.
"Bakit ka nandito? Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya habang nakapamulsa.
"Pauwi na rin ako pero may ibabalik lang ako sa 'yo," I opened the pocket of my bag and kinuha ang mamahalin niyang ballpen. "Promise hindi ko naibagsak 'yan."
Pero ang totoo, naibagsak ko talaga siya kagabi and thank God dahil sumusulat pa naman siya. Grabe! Wala akong pamalit sa ballpen niyang mas mahal pa sa original na Nike shoes.
"You don't need to return that. Bumili na ako ng bago. Sa 'yo na 'yan." Sabi niya.
"Huy baliw! Ang mahal nito,"
"Sa 'yo na 'yan. Hindi mo ba napansin 'yong naka-engrave sa takip niyan?" Tanong niya sa akin at doon ko lang napagmasdan ang ballpen na maigi.
Jamie
OMG! Seryoso ba 'to? Naka-engrave talaga ang pangalan ko sa ballpen na 'to?
"Nakalagay ang pangalan mo sa ballpen na 'yan, meaning, sa 'yo 'yan." Sabi niya at napatahimik na lang ako. I mean mahal na nga 'yong ballpen at paniguradong mahal din 'yong pagpapalagay ng pangalan ko sa ballpen.
Sana all mapera.
"Thank you dito." Nasabi ko na lang. Mukha naman kasing wala nang balak si Seven na tanggapin ito ulit, eh.
"So..." kumamot siya sa kanyang baba. "How's the exam?"
Hindi naman din kasi nag-usap during the exam week dahil ayoko silang istorbohin. Hello! Architect kaya ang course niya at nakita ko siya dati na naghahabol ng plates para sa klase niya, eh.
"Okay lang. Nasagutan ko naman ng maayos, although, dumugo ang ulo ko sa mga major subjects. Pero feeling ko maipapasa ko naman siya." Charot lang, kinakabahan talaga ako sa Calculus ko, palyado score ko doon, eh.
"That's good." He smiled. "Ibig sabihin no'n ay malaki ang tiyansa na magkaroon tayo ng training camp."
"Oo," I checked my wristwatch. "Sige na, baka mahaba na ang terminal sa bus... kailangan ko nang pumunta doon."
"I can drive you there." Prisinta ni Seven. "I mean, madadaanan ko naman ang mga terminal sa Cubao papauwi. Para makatipid ka na sa pamasahe."
Kung tatanungin ako kug kanino ako makikisabay kung kya Mild o kay Seven... siyempre kay Seven! Baka kasi kapag kay Mild ako sumabay ay baka naikot na namin ang buong Metro Manila dahil sa pagkakaligaw at hindi kami makarating sa mga terminal ng bus.
"S-Sige." Sabi ko.
"Anong sinabi mo, Seven?" Biglang sumulpot si Kiryu while chewing a pochi. "Madadaan kayo sa Cubao? Pasabay kami ni Kiran! Kambal halika na rito! Hahatid daw tayo ni Seven!" He smiled widely.
"S-Si Jamie lang ka—"
"Hoy Seven, doon din kami! Huwag kang madamot diyan. Isusumbong kita kay Sir Joseph sige ka! Ako ang gagawin na leader no'n panigurado." Banta ni Kiryu. Bakit ba kahit ang lakas mameste ni Kiryu ay ang cute niya sa paningin ko.
Lumapit sa amin si Kiran at nag-iwas nang tingin. "Pasensiya na kayo kay Kiryu. Pero..."
Nabasa ko bigla ang iniisip ni Kiran.
Pasabay sana kami dahil kinupit pala ni Kiryu pambilinng pochi 'yong dapat pamasahe namin sa train.
"Seven isabay na natin sila." I smiled. "Mas marami mas masaya! 'Di ba, Kiran?"
"H-Ha? Ayoko ngang makisabay. Kaya naman namin ni Kiryu na pumunta doon—"
Hinatak ko na ang kamay niya papunta sa kotse ni Seven.
***
NAKARATING na kami sa bust terminal at nauna akong bumaba sa kanila. Luckily, hindi ganoon kahaba ang pila at mabilis din akong nakasakay. Super excited akong makauwi sa Bulacan ngayon dahil na-miss ko sina Mama at Papa.
Although, nanggaling na ako sa Bulacan last time pero hindi rin naman ako nakauwi dahil na rin may misyon kaming dapat na gawin.
Pagkauwi ko sa bahay ay sumalubong sa akin si Jason na nagwawalis ng bakuran. "Mama! Nandito na ang kapatid kong bobo!" Sigaw niya na dinig na dinig ng buong compund namin.
Napasimalmal ako dahil wala pa rin pagbabago si Jason. "Sige, Jason, isigaw mo pa... hindi pa dinig noong kabilang baranggay, louder pa." Umirap ako sa ere at binuksan ang gate ng bahay.
Pagkabukas pa pang ng gate ay pinagmasdan ko si Jason, grabe! More than 5 months ko oang hindi nakita itong kapatid ko pero feeling ko ay ang laki na nang pinagbago niya. Nag-iba na rin ang hairstyle niya, from student cut ay iba na ang style nito (I am not familiar sa hairstyle ng mga lalaki) na sobrang bumagay sa kanya.
Yumakap ako agad sa kapatid ko pagkakita ko sa kanya. "Ate amoy pawis ka, kadiri ka!"
"Arte mo naman, 'di ka pogi, uy!" Reklamo ko. "Pero na-miss ko kayo."
Jason just smiled at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko agad si mama na naghahain nang pananghalian at si Papa na nililinis ang electric fan.
"Nandito ka na pala, Jamie, na-miss kita." Humalik si mama sa aking pisngi. "Oh siya, sakto kumain na tayo at kuwentuhan mo naman kami sa Merton tsaka tungkol sa mga sinabi mong naging kaibigan mo."
Hindi ko in-expect na kailangan ko pala ang bagay na ito. Kahit ngayon lang ay nalayo ako sa problema sa Class Zero maging sa glitches of the society. I just spent my time with my family at nagkumustahan kami.
Kahit pa sabihing isang linggo lang ang ibinigay na bakasyon sa amin ni Sir Joseph para makasama ang family namin (before going back to training) ay malaking bagay na ito. This whole scenario reminds me na tao pa rin pala ako.
Matapos kumain ay tumulong ako kay Papa sa paglilinis ng mga electricfan bago umakyat sa kuwarto ko.
Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay wala masyadong naiba except sa kurtina na napalitab ng kulay pero the rest... kung paano ko siya iniwanan ay ganoon pa rin.
Ang nakakuha ko ng pansin ko ay ang mga poster about sa magics and magical creatures sa dingding ng kuwarto ko. I smiled when I saw that. "Hindi ko lubos maisip na totoo pa lang nag-e-exist kayo,"
Ipinatong ko ang duffle bag sa gilid ng kama. "Masaya magkaroon ng magic pero kaakibat pala noon ang panganib. I have my comrades pero nandiyan din ang Black Organization na kinakailaingan naming matalo para mailigtas ang mundong ito. We secretly saving the world without anyone recognize it." Pagpapatuloy ko.
Humiga ako sa kama at ibang-iba ang feeling no'n kapag humihiga ako sa kama sa dorm. This bed... it feels like home. Naputol ang aking masayang pag-iisip noong mag-vibrate ang cellphone ko.
Seven:
Nakauwi ka na?
Jamie:
Kanina paaa, ikaw ba?
Seven:
Kakarating ko lang.
Spend your time with your family efficiently. Next week balik training tayo.
Jamie:
Yes po sir. 🙄
But did you missed your home? Ako kasi oo
Seven:
Ofcourse. Pinapaalala lang sa akin nito na normal na teen lang din ako.
In our house, I feel like I am not a glitch in the society.
Jamie:
Same ☺️
Seven:
Sige na, enjoy with your fam. Huwag ka munang makipag-usap sa iba na related sa Class Zero, sa mission, or sa study. Don't stress yourself.
Have a quality time with your family.
Kumatok si Jason sa pinto at inawang ang pinto. "Ate, sasama ka daw ba?" Tanong niya.
My brows crunched. "Saan pupunta?"
"Sa impyerno, hahatid kita." Tumawa ng malakas si Jason at napasimalmal ako. Hanggang ngayon, wala pa ring respeto sa akin ang hinayupak na 'to. Kapatid ko ba talaga 'to?
"Mamaaa! Si Jason nga, oh!"
"Joke lang naman, sumbungera ka pa rin hanggang ngayon. Sasama ka daw ba? Piyesta kasi sa kabilang baranggay... may perya." Sa sinabing iyon ni Jason ay napatayo ako. Ang tagal na yata noong huling punta ko sa perya.
"Oo, magbibihis lang kamo ako tapos bababa na." I informed him.
Pumunta kaming apat sa piyesta sa kabilang baranggay and super na-miss ko 'yong ganitong klaseng lugar. Alam ninyo 'yon, isa ito sa mga simpleng bonding namin nila mama.
Maingay ang perya at makulay. Madami ring tao ang nakakakilala sa akin (karamihan ay classmates ko noong elementary at highschool) dahil nga member ako ng Class Zero. Akala ng iba ay super talino ko pero hindi nila alam ang katotohanan na palyado ang grades ko sa Calculus.
May mga rides din dito na hindi ko na rin balak subukan dahil nga hindi ko sure ang safety nito, at may mga horror house. Pero ang pinakapaborito ko ay ang mga games dito katulad na lamang noong may tatlong cubes na may iba't ibang kulay tapos ibabagsak then mamimili ka sa mga color kung saan ka tataya.
"Ate, pahingi naman singkwenta," malambing na sabi ni Jason habang nagpapaawa.
"Ha? Talo ka na naman? Sino sa atin ngayon ang malas?" Tanong ko at umirap.
"Eh malay ko bang hindi tatama 'yong color na tinayaan ko! Promise ate, last na. Mananalo na ako panigurado, nararamdaman ko." Napasimalmal ako at inabutan siya ng singkwenta. Ngumisi si Jason. "Ahhh, uto-uto."
"Buwisit ka."
Napatigil ako sa paglalaro noong may kakaiba akong naramdaman, noong una ay akala ko ay napapraning lang ako pero noong may makarinig ako ng isang malakas na tili ay alam kong may lawbreakers ngayon sa lugar na ito.
I snapped my finger and the time stopped. Pinaandar ko ang devil hour at kinakabahan ako dahil ako lang ang mag-isang nandito... hindi ko kaya protektahan ang lahat ng tao rito sa perya.
Akmang tatakbo na ako patungo sa pinanggalingan ng sigaw...
"A-Ate, a-anong nangyayari?" Napatingin ako kay Jason na puno ng takot ang kanyang mata.
Maging ako ay nagulat. Hindi maaari... hindi puwede. Nakakagalaw siya ngayong devil hour. Ang bata pa ni Jason para maranasan ang bagay na ito.
Ibig sabihin ba nito ay glitch din ng society ang kapatid ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top