Chapter 65: Final Exam


Short Update. This chapter will just a bridge for the next arc kaya maigsi lang.


ANONG oras na at nasa convenience store pa rin kami nina Seven at Teddy. Si Seven ang nagtuturo sa akin sa mga Math subjects habang si Teddy ang nagtuturo sa akin patungkol sa programming. Kanina ay nandito din sina Minute at Jessica para bigyan ako ng moral support daw pero feeling ko binabantaan nila ang buhay ko na huwag dapat akong bumagsak.

"Seven, pagod na talaga 'yong utak ko," nagpaawa na ako kay Seven dahil may tatlong equation pa akong hindi nasasagutan sa test na ibinigay niya and bukas na ang exams.

"Kanina noong nandito si Minute at Jessica ay hindi ka napagod makipagtsismisan." Sagot niya at itinuro ulit ang yellow paper.

Umirap ako. "Madaling makipagtsismisan mahirap mag-aral."

"Ano?"

"Wala, sabi ko mukhang tanga si Teddy." Nakatulog na kasi si Teddy sa table dahil sumakit daw ang ulo niya sa pagtuturo sa akin. Paano ba naman kasi! Sabi niya since hindi raw magkakaroon ng hands-on activity sa exam ay baka tungkol sa flow chart for the programs ang lumabas. Grabe! Ang sakit niya sa ulo, ang dami pang shapes! Puwede namang square na lang lahat para uniform.

"Gago ka, Jamie, nadinig ko 'yon." Salita niya habang nakadukdok pa rin sa table.

Naalala ko bigla ang papel na ibinigay sa amin ni sir. Paano niya naisip na magagawa namin ang mga bagay na iyon? Ibinaba ko ang ballpen at pumangalumbaba sa lamesa.

"Sa tingin mo, magagawa natin 'yong pinagagawa ni sir?" I asked Seven

Seven crossed his arms. "Naniniwala si Sir na kaya natin. We must do it. If we want to win against the Black Organization, kailangan ay patuloy nating i-improve ang kakayahan natin."

"Ano bang nakalagay sa papel mo?"

Seven put the ballpen in my hand. "Huwag mo akong nililibang. Mag-solve ka diyan." Buwisit, napansin niya pala na gumagawa lang ako ng way para makalusot.

Inabot pa kami ng ilang minuto sa pagso-solve bago namin napagdesisyunan na bumalik na sa Merton Academy. Sa totoo lang ay kumpiyansa na akong makakapasa ako dahil buong Class Zero ang tumulong sa akin. Kapag nag-focus naman kasi ako sa isang bagay ay sure na nagagawa ko katulad na lamang noong midterm.

"May three weeks vacation tayo after this semester, excited na akong umuwi sa amin!" Teddy shouted happily. Ang tagal ko na ring hindi nakikita sina Mama, nagkaka-text at nagkakatawagan kami pero dahil busy ako sa Class Zero at sa pag-aaral... maiiksing palitang ng messages lang iyon.

"Limang buwan na rin pala ang nakakalipas simula noong nangyari ang gulong ito, 'no?" Hindi ko maiwasang alalahanin ang napakaraming nangyari sa maiksing panahon

"Kung saan-saan na rin tayo nakarating," Teddy said. "Limang buwan na, pero hindi pa rin kayong dalawa. Awit sa inyo."

Siniko siya ni ni Seven at napatawa si Teddy. Siraulo talaga 'tong Teddy Bear na 'to. "After the exam, the intense training will start. As a leader of Class Zero, wala tayong sasayangin na oras. Nakita ninyo naman ang nangyari sa laban natin nila Edel... kaya natin silang labanan pero hindi natin sila kayang talunin."

Ang akala ko, kapag nakatalo na ako ng member ng Black Organization ay kaya ko na silang talunin lahat pero hindi... iba-iba ang lakas ng Black Organization, mas malakas sila sa mga una naming nakalaban.

Pagpasok namin sa Merton ay saglit kaming napatigil sa tapat ng streetlight.

"Seven, halika na, malapit na ang curfew." Sabi ni Teddy habang nakatingin sa kanyang relo. "At ikaw Jamie, subukan mong bumagsak. Ibabaon kita sa lupa na hayop ka."

Tumakbo na si Teddy paalis. Nasa magkabilang wing kasi ng school ang girls formitory at boys dormitory. Naiwan kaming dalawa ni Seven. "Sumunod ka na kay Teddy,"

"Jamie 'yong mga ni-review mo tandaan mo. Yung formulas."

"Opo susubukan ko pong ipasa."

"Anong susubukan? Kailangan mo talagang pumasa, Jamie... kapag hindi ka pumasa ay walang training camp na mangyayari at sayang ang pagtuturo ng buong Class Zero sa 'yo." Gamit ang hintuturo niya ay itinulak niya ang aking noo kung kaya't napakamot ako ng ulo.

"Oo, ipapasa ko 'to, sige na babye na. Medyo strict bantay sa dorm namin ngayon baka mapagalitan na ako." Humakbang na ako paalis.

"Jamie," Napahinto ako noong bigla akong tawagin ulit ni Seven at napalingon ako sa kanya. Lumapit si Seven at napakunot ang aking noo sa pagtataka. Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang kanyang mamahalin na ballpen. "Use this in your exam."

"H-Hoy! Baka mabagsak ko pa 'yan." Pero kinuha ni Seven ang kamay ko at inilagay doon ang ballpen niya.

Hindi ako nagbibiro noong sinabi kong mamahalin ang ballpen ni Seven. Ang sabi niya ay ginaganahan daw siya mag-aral kapag maganda ang ballpen niya. Like what? Ako nga HBW lang, eh, kahit ilang beses mo ibagsak paniguradong may tinta pa.

Ang ballpen kasi ni Seven ay Parker IM Premium Gold, nalula ako dahil halos 4,000 pesos ang halaga no'n noong tiningnan ko sa Shopee. Imagine?! 4,000 pesos para lang sa ballpen!

Tumakbo na paalis si Seven at habang tumatakbo siya ay humarap siya ulit sa akin. "Ingatan mo 'yan!" Paalala niya.

***

SOBRANG sakit ng ulo ko ngayon dahil kakatapos lang ng lahat ng exam namin ngayon. Para bang sa buong isang linggo ay puro numbers at algorithms na ang nakikita ko. Jusko Lord! Bakit eto ang course ko?

Sa buong isang linggo ay wala akong nakita na kahit isang Class Zero dahil siguro ay busy din sila sa mga exam nila. Pero ang dami kong natanggap na banta sa buhay ko galing kay Girly, Teddy, Mild, at Kiryu... mukhang hindi ang Black Organization ang papapatay sa akin sa kung hindi silang apat, eh.

"Sa wakas ay tapos na ang exam mga 'te!" Masayang sabi ni Aris at kasama niya si Diana. Nagkita-kita kami ngayon sa ibaba ng department namin.

"Bakasyon na rin!" sabi naman ni Diana.

Napayakap ako sa kanilang dalawa at napaluha. "Mga 'te, feeling ko babagsak ako sa Calculus. Ang hirap noong exam." Reklamo ko. Paano ba naman kasi, walang multiple choice sa exam sa cal at ang pinakamalala ay walang multiple choice.

Sa sobrang hirap noong exam namin ay muntik ko ng gamitin ang powers ko sa matalinong kaklase ko pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kapag kasi gagamitin ko ang powers ko sa walang kabuluhan ay naririnig ko ang boses ni Sir Joseph na pinagbabawalan ako.

"Mabait naman daw si Miss Paula," sabi ni Aris at umangkla sa braso ko. "Nagbababa daw 'yon ng passing rate sabi noong mga senior."

"Seryoso ba?" Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni Aris.

Lumiko kami sa isang pasilyo at nakasalubong namin si Nick. He smiled to us when he saw us. "Hey, kumusta ang exam ninyo?" he asked.

"Okay lang naman." sagot ni Diana.

"Oh balita ko ay successful ang planting activity ng org ninyo."

Paano ba naman kasi, nagkaroon ng planting activity ang Flaternity (Org ni Diana). Nagtanim sila ng Pakwan para naman daw kahit doon man lang ay ma-experience nila.

"Kumusta ang Class Zero, Jamie?" Nick asked while there is a smile on his face.

Nagtaka naman ako pero si Nick nga pala itong kaharap ko. Gustong-gusto niyang makapasok sa Class Zero. "Okay lang naman, thank you for asking."

"Huwag kang mag-alala, balang-araw ay makakasali din ako sa Class Zero," hindi nawawala ang ngisi sa mukha ni Nick na ikinakaba ko. Alam kong normal na tao lang naman si Nick at hindi siya glitch ng society pero... bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. "Enjoy your vacation. Kita-kita na lang tayo next semester."

Naglakad na paalis si Nick at nagpatuloy kami sa paglalakad nila Aris.

"Ang weird no'n." sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba! Plano kasing tumakbo ni Nick as Governor sa department natin. Alam no naman, nagpapalakas sa mga estudyante. Sipsip ang lolo mo." sabi ni Aris sa amin. "So saan tayo magse-celebrate ngayon? Tara mag-mall tayo! Karaoke!"

Bigla kong naalala 'yong last time na nag-celebrate kami sa labas ng school... nawala si Casey. "D-Dito na lang tayo sa school. Order na lang tayo online tapos sa canteen natin kainin." Suhestiyon ko.

"Ang boring ng idea mo 'te." saad ni Aris.

"Oo nga bakla, dito na lang tayo sa school. Ang sakit na talaga ng ulo ko. Wala akong energy na maglakad-lakad pa sa mall." Pagkampi sa akin ni Diana.

Kailangan namin malaman kung sino ang traydor sa grupo sa lalong madaling panahon. Naalala ko muli ang papel na ibinigay sa amin ni Sir Joseph... sana ay magawa ko ang bagay na iyon sa training camp. I want to improve para sa susunod na magkaharap kami ni Edel ay matalo ko na siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top