Chapter 64: The Greatest Enemy
Twitter hashtag: #ClassZero64
MAG-A-ALAS OTSO na noong makarating kami sa Merton Academy. May ilang estudyante pa kami na nakasalubong na ngayon pa lang din papauwi. Grabe! Ilang araw pa lamang kami na nawawala ay na-miss ko agad ang school.
Pagkababa ko pa lang ng van ay sinalubong agad ako ni Mild mg isang mahigpit na yakap. "Jamie na-miss kita! Bored na bored ako sa Merton Academy noong wala ka!" She said while she's rubbing her cheeks on mine.
"Mild, ang ingay mo. Ang sakit mo sa tenga." Pabirong sabi ni Teddy.
"Epal, wala ka bang kalaro noong elementary ka at nakiki-epal ka?" Umirap si Mild sa kanya. Kinuha na namin ang duffle bag sa likod ng van. Alam ko naman din na hindi rin kami agad makakapagpahinga dahil paniguradong magpapatawag ng meeting si Sir Joseph after mag-report sa kanya ni Seven.
"Guys!" Nakita namin na tumatakbo sa aming direksyon si Claire habang may yakap-yakap na mga libro. Claire smiled to us. "Mabuti at nakabalik kayo ng Merton nang ligtas."
"Claire, I love you daw sabi ni Teddy Bear." Pambawi ni Mild sa pang-aasar ni Teddy sa kanya kanina. Mabilis na namula ang mukha ni Mild.
"H-Ha?! W-Wala akong sinasabi. Huwag ka ngang naniniwala sa babaeng walang powers na 'yan. Gago 'yan." Teddy defensed.
"Hoy may powers ako! Secret pa lang muna. Sa sobrang secret, maging ako hindi ko pa alam!"
Mabuti na lang talaga at sobrang pagod si Kiryu kung kaya't hindi siya nakikisali sa awayan ng mga kasama namin ngayon. Paano ba naman, sobrang active mamitas ng strawberry sa Strawberry Farm kanina tapos ang daldal niya buong biyahe. Ayon, sobrang na-drain.
Seven clapped three time at nakuha no'n ang atensyon namin. "Ilagay na ninyo ang mga gamit ninyo sa room ninyo. Magre-report lang ako kay Sir Joseph," tumingin si Seven sa kanyang relo. "8:30, may meeting tayo sa Classroom. Claire, inform mo yung ibang members na wala rito."
"Hindi ba puwedeng bukas na lang 'yan? Nakakapagod kaya magmaneho from Baguio to Manila!" Reklamo na naman ni Teddy.
Seryoso lang siyang tiningnan ni Seven.
"Tangina sabi ko nga hindi. Puta naman, kailan ba ako mananalo sa 'yo?" Nanlulumong naglakad si Teddy papunta sa dorm nilang boys.
Magkasama kami ni Mild na bumalik sa room ko at sobrang active niya magkuwento. Sobrang easy daw noong competition na in-attend-an nila kung kaya't naiuwi ng Merton Academy ang first place.
"May nakuha ba kayong impormasyon sa Baguio?" Tanong ni Mild habang kumakain na noong uwi kong strawberry. Hindi man lang niya hinugasan.
Akmang ikukuwento ko sa kanya ang nangyari sa Baguio pero hindi ko alam kung sa akin ba dapat manggaling ang importanteng impormasyon na iyon. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Mild pero isa pa rin ang traydor sa grupo. I can't share that private information easily.
"W-Wala, nakalaban lang namin ang Black Organization. Talo kami." I smiled to her weakly.
"Bawi tayo next time," Mild smiled to me. "Kapag nalaman na natin ang kapangyarihan ko. Gagawin ko ang lahat para makatulong, I'll be a useful in our group!" She shouted.
Kataka-takang sa amin sa Class Zero, si Mild na lamang ang hindi nakakaalam sa kapangyarihan niya. Ilang buwan na ang nakakalipas simula noong napasok kami sa Merton. Ginagawa naman ni Mild ang best niya para malaman ang kapangyarihan niya.
Naputol ang aming pagkukuwentuhan noong kumatok si Girly sa pinto ng aking room. "Hoy, meeting na daw, puro kayo kuwentuhan diyan." Mataray na sabi ni Girly. "Argh! Nasisira ang beauty rest ko dahil sa meeting-meeting na 'yan, kapag talaga ako nagkaroon ng pimples... isisisi ko lahat 'yon kay Sir!" Reklamo pa niya.
Nag-thank you ako kay Girly dahil sa ipinahiram niyang dress sa akin kung kaya't nagmukha akong tao sa Fashion Show Event. At siyempre, binati ko na rin siya dahil nagawa na niyang makipag-compact sa Servant of Power. Malakas na si Girly pero dahil sa bago niyang kakayahan... alam kong mas magiging malakas pa siya.
Pagkarating namin sa classroom ay karamihan sa Class Zero ay nakapantulog na. Humihikab pa ang ilan dahil gabi na ang meeting na ito. Nasanay na lang din kami sa mga biglaang meeting na ganito.
"Sir say hi to my vlog naman diya—"
Mabilis na dinampot ni sir ang camera ni Ace at napasimalmal naman si Ace. Ilang beses ba siyang pagsasabihan ni sir na huwag mag-video sa loob ng Classroom namin at maging sa Zero base.
"Naipaliwanag na sa akin ni Seven ang nangyari. Mabuti na lamang at nakabalik sila ng ligtas dito sa Merton kahit dalawang miyembro ng Black Organization ang nakasagupa nila," Our classmates clapped. "Pero gusto kong i-inform kayong labing isa na nandito na peke lang ang misyon sa Baguio."
Nabigla ang lahat sa sinabi ni Sir at itinuloy lang ninsir ang pagpapaliwanag. He explained that hindi totoo na si Megan ang may royal blood at sinabi niya na plano lang ito nina Seven at Ace.
"T-Teka, bakit kailangan gumawa ng isang pekeng misyon sa Baguio? Napahamak lang ang buhay nila sa pagkalaban sa Black Organization." Kiran said.
"To confirm their assumption."
"Na ano?" Tanong ni Mild.
"Na may isang traydor sa Class Zero." Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni sir Joseph.
Oo, pati ako ay nagulat. Paano niya nagawa na sabihin sa buong klase ang ganitong klaseng impormasyon? I mean, isa sa amin ang traydor, dapat ay iilang tao lang ang nakakaalam ng ganitong klaseng impormasyon.
Napatingin ako kay Seven at Ace, hindi sila nagulat sa sinabi ni sir Joseph.
May pinaplano ba sila?
Dahil alam na noong traydor na aware ang Class Zerobsa kanya... paniguradong mas magiging maingat na siya. Mas mahihirapan kaming malaman kung sino siya.
Itinaas ko ang aking kamay to have a permission to speak. "Sir, bakit sinasabi mo ang ganyang klaseng impormasyon kahit alam mong nandito sa Class Zero ang traydor? That is our card against the traitor and you just slipped it away like it is nothing."
"Sinasabi mo bang hindi namin deserve na malaman ang ganoong klaseng impormasyon?" Girly raised her right brows.
Napatahimik ako... hindi naman iyon ang gusto kong palabasin.
"Jamie, naiintindihan ko ang takot mo." Sir Joseph said. "Pero kayong labing isa ang bumubuo ng Class Zero. I am sharing this information to everyone para maging aware ang bawat isa. Gusto ko rin ipaalam sa traydor na ako ang makakalaban niya sa oras na malaman ko kung sino siya."
"Sir, gamitin natin ang ability ko!" I suggested.
"Jamie, naalala mo ba ang nangyari last time?" Tanong ni Ace sa akin. "Hindi parating tama ang ability mo. Ipinapakita lang nito na hindi perfect ang powers mo at may flaws pa rin ito. Yeah, we can use it to get information pero hindi natin ito puwedeng gamitin na pilitin ang isang tao na sabihin ang totoo.
Mild hold my hand at napatingin ako sa kanya. "Naiintindihan ko ang frustration mo, Jamie. Alam kong sa amin na nandito sa Class Zero... ikaw ang pinaka nawalan ng malalapit sa buhay. But you need to calm down, huwag mong hayaan na manaig ang emosyon mo." She explained.
Nagulat ako sa sinabi ni Mild... nadadala na naman ako ng galit ko.
Sir Joseph coughed and it caught our attention again.
"Pero huwag na ninyo munang pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon. I want you to focus in one mission na lahat kayo ay paniguradong magpa-participate."
"Oh my God! Lahat kami? Kasama ako! Action na naman 'to!" Mild shouted. Tiningnan siya ng masama ni Sir Joseph. "Sorry sir, na-excite lang ako."
"Anong misyon 'to sir?" Tanong ni Minute.
"Final exam."
Sa pagkasabi noon ni sir... alam kong katapusan ko na. Exam is my greatest enemy.
***
NOONG mga sumunod na araw ay walang misyon na ibinigay muna sa amin si Sir. He really wants us to pass the exam. Umiiyak akong pumasok sa Zero base at nakuha no'n ang atensyon nila.
"B-Bakit ka umiiyak, Jamie?" Tanong ni Kiryu. "Labag man sa loob ko pero bibigyan kita ng pochi mapagaan lang ang loob mo."
"Teddy nag-review ka?" Maiyak-iyak kong tanong.
Teddy nodded. "O-Oo."
"Seven nag-review ka?"
"Anong klaseng tanong 'yan, Jamie? Siyempre naman."
"Ikaw, Girly, nagreview ka."
Napatigil sa paglilinis ng kuko si Girly. "Duh?"
Napaupo ako sa sahig ng Class Zero at napaiyak ulit.
"Paano kayo nakahanap ng time para makapag-review?! Pare-parehas naman tayong naging busy sa Class Zero!" Sigaw ko. Kasi naman, noong nasa Baguio kami hindi ko naman nakita sina Teddy na humawak ng notes kaya kampante akong hindi rin magbuklat ng notes. (May dala akong Calculus book sa Baguio pero hindi ko binuklat.)
"Hala ka, Jamie, magsa-Summer class ka kapag bumagsak ka ngayong final exam." Pananakot pa ni Kiryu.
"Bakit kayo nag-review?!" Sigaw ko na maluha-luha ulit. Akala ko ay may kakampi ako sa Class Zero pero wala pala. Saktong pumasok si Mild kung kaya't napabaling ang atensyon ko sa kanya. "Ikaw, Mild, nag-review ka?"
"Hindi." She answered at nakakita ako ng liwanag. "Wala rin naman akong masyadong na-miss na klase these past few days. And dahil nag-participate ako sa competition... lahat ng quizzes na na-miss ko, perfect na ako. Kahit bumagsak ako sa exam, kampante ako na maipapasa ko ang sem na 'to sa taas na nang points ko."
Gumuho ang maliit kong pag-asa. Nagparticipate din naman ako sa mission pero bakit kinailangan kong i-retake kahapon lahat ng na-miss kong quiz?!
"B-Baka wala na ako sa Class Zero next semester!" Naiiyak ko ulit na sabi. Bakit ba kasi ginawa 'yang exam na 'yan? Hindi ba puwedeng grade-an na lang kami base sa ugali namin?
"Hoy, imbes na umiiyak ka diyan, kumuha ka ng libro at mag-aral ka." Sabi ni Seven sa akin. "You can ask Kiryu, Kiran, Ace, and me kapag may hindi ka maintindihan sa Math." Oo nga pala, engineering at architect 'tong apat na 'to. "And if it's related to programming, you can ask Teddy."
"But if you want to fail, makipag-tsismisan ka kay Mild." Dugtong pa ni Seven.
"Mild, it's a friendship over for us. Sorry." Lumayo ako kay Mild at lumapit kay Teddy para magpaturo sa programming. "Teddy paano 'to?"
"Ano bang programming language ang itinuturo sa inyo sa Comp. Scie? Medyo advance kaming IT eh." Tanong niya.
"Programming language? E'di english minsan tagalog depende sa professor."
Inilayo ni Teddy ang libro. "Tangina mo ka Jamie, pumunta ka sa Chapel. Mag-Ama namin ka ng sampung beses. Himala na ang kailangan mo para pumasa."
"Teddy ipaliwanag mo kasi, hindi lang maintindihan ni Jamie." Sabi ni Claire. Hulog ng langit si Claire... noong nagpasabog si Lord ng kabutihan ng loob, feeling ko si Claire 'yong pinasabog. "Tsaka bawas-bawasan mo nga 'yang pagmumura mo."
Humingang malalim si Teddy. "Jamie, ang programming language ay 'yong ginagamit ninyong app pang-program. Turbo C? Java? C++? Or Web designing at gumagamit lang kayo ng notepad?" He asked.
"Turbo C." Sagot ko. Na-gets ko din sa wakas ang sinasabi niya.
Hindi ba puwedeng pumunta na lang kami sa mga misyon? Mas masaya pa iyon gawin kaysa ang magkulong dito sa Merton at mag-aral maigi, eh.
"Ahh Turbo C. Actually ang Turbo C talaga ang pinaka-unang programming language na itinuturo since iyon ang foundation," he explained. "Pero yeah, medyo mahirap intindihin kasi lahat ng functions ay ikaw ang gagawa. So saang part ka nahihirapan?"
Mabuti na lang at willing si Teddy bear na turuan ako. Way niya daw 'yon para ma-refresh din sa kanya ang ilang information. Sa math naman, kay Seven ako lumalapit since ipinapaliwanag niya sa mas madaling paraang 'yong mga equations and formula.
Naputol ang aming tutorial session koong pumasok si Sir Joseph sa Zero Base. "Kumusta ang pagre-review ninyo?" Tanong ni sir.
"Walang pag-asa si Jamie, Sir." Diretsong sabi ni Kiran. Epal 'tong kambal na 'to.
"Tandaan ninyo na maho-hold ang lahat ng activity ninyo sa Class Zero for next sem kapag nagkaroon kayo ng bagsak." Sir Joseph said. Thank you, sir, nakaka-motivate.
"Kaya ako nandito ngayon ay dahil gusto kong i-inform kayo na magkakaroon tayo ng training camp kung sakaling pumasa kayo sa exam lahat." Na-excite kaming lahat dahil first time na mangyayari iyon.
Sir Joseph distributed a paper to all of us at nagulat kami sa nakasulat dito. "S-Sir, seryoso kang kailangan magawa namin ito sa training camp?" Girly asked.
"Wala kayong choice kung hindi gawin ang bagay na iyan at palakasin ang kapangyarihan ninyo. Dahil sa nangyaring pagkatalo ninyo sa Black Organization... I feel like you need a little push to improve your skills."
Binasa ko ang dapat na magawa ko sa Training camp. It is impossible.
"Pero mangyayari lang ang training camp na iyan kung lahat kayo ay pumasa sa exam... sa oras na magkaroon ng bagsak ang isa sa inyo, we will cancel it right away at dito lang kayo sa Merton magpa-practice. Nagkakaintindihan ba tayo, Class Zero?" Tanong ni sir.
Lahat ng kaklase ko ay tumingin sa direksyon ko.
B-Bakit ba talaga kailangan ng exam! Final exam is my greatest enemy. Mas malala pa kay Edel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top