Chapter 63: Accepting Defeat
Twitter hashtag: #ClassZero63
NAKABALIK kami sa Azalea Hotel at nagpahinga kami sa room nila Seven. May bagay akong gustong malaman dahil sa mga nangyari. May pinlano si Seven sa misyon na ito at wala kaming idea lahat kahit kaklase niya kami.
"Seven," pagsabi ko sa kanya at napalingon siya sa aking direksyon.
Tumingin si Seven sa mga mukha namin at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "You can ask me freely. Alam kong maraming tanong sa isipan ninyo."
"Anong ibig sabihin mong hindi si Megan ang babaeng may royal blood? Did we just waste our days here to protect somebody na wala man lang kapangyarihan?" Tanong ni Teddy. Minsan lang magseryoso si Teddy pero iyon din ang bagay na gusto kong itanong.
"Huwag ninyo isisi lahat kay Seven. Plano naming dalawa ito." Sabi ni Ace at umayos nang pagkakaupo sa kama. "Sa totoo lang ay gustong sabihin sa inyo ni Seven ang tungkol sa misyon na ito pero pinigilan ko siya. May isang traydor sa Class Zero and sorry... as of now, hindi ko kayang ipagkatiwala ang isang importanteng impormasyon sa inyo."
"Sinasabi mo bang wala kang tiwala sa amin, Ace?" Tanong ko.
"Ha? Napakalaki ng tiwala ko sa Class Zero. Kaya nga namin naisip ang plano na ito para lang i-confirm kung may traydor talaga sa atin. Parehas kami ni Seven... hindi kami naniniwala na may isa sa atin na nakikipagtulungan sa Black Organization." Paliwanag ni Ace.
"Kinausap namin ni Ace si Sir Joseph tungkol sa plano. Sinabi ni sir ang misyon dito sa Baguio sa Class Zero... at sa Class Zero lang. the fact that sumunod ang Black Organization dito, may isa sa atin ang nagsabi ng impormasyon sa Black Organization." Dugtong pa ni Seven sa sinasabi ni Ace.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bumalik na naman 'yong feeling na pinaghihinalaan ko ang lahat ng kasama ko. Ang tagal na naming magkakasama... imposibleng may nakikipag-usap sa amin sa Black Organization dahil iisa ang hangarin naming lahat, ang ibalik sa kapayapaan ang mundong ito.
"Pero napakadelikado ng pekeng misyon na ito para lang patunayan na may traydor sa atin," Kiryu said while eating gummy worms. "Muntik na akong mamatay, pati kayong dalawa Teddy at Seven."
Napayukonsi Seven at Ace. "A-Alam namin." Sabi ni Ace.
"Nilagay naming dalawa ang buhay natin sa panganib just to prove our theory. Pero hindi ako nagsisisi na ginawa namin 'to," seryosong sabi ni Seven sa amin. Nanginginig ang labi ni Seven habang nagpapaliwanag sa amin. "Handa akong sumugal para sa pagbabago. We are now one stepped ahead sa Black Organization. Sa oras na malaman ko kung sino ang nagtatraydor ay magbabayad siya... maraming buhay ang nawala dahil sa kanya. Si Roger, Si Vincent, ang mga inosenteng tao sa iba't ibang parte ng mundo."
"Kung matatanggal natin ang traydor sa grupo natin. Hindi na malalaman ng Black Organization ang mga susunod nating hakbang. At kung malalaman natin kung sino ang traydor... Jamie can use her ability," tumingin sa akin ng seryoso si Ace.
"A-Ang ibig mong sabihin, puwede nating malaman kung saan itinatago ang Phoenix Necklace, tama ba?" Tumango si Ace.
"Ahhhh!" Biglang sumugaw si Teddy at ginulo ang kanyang buhok. "Sasabog ang utak ko sa dami ng impormasyon na nalalaman ko ngayon!"
"Luh, wala ka naman utak." Sabi ni Kiryu sa kanya.
"Luh, wala ka namang ambag." Ganti ni Teddy sa kanya.
They easily uplift the heavy tension inside this room.
"Hoy! May ambag ako, nakita mo ba kung paano ko masipa si Hugo. Kahit si Seven at Ace ay hindi siya napantayan, ako lang!" Pagmamayabang ni Kiryu.
"Kung hindi dahil sa akin ay wala kayong magagawa lahat, mga gago kayo." Sabi ni Teddy.
"Ang yabang mo, ah." Hinead-lock ni Ace si Teddy.
"Oo! Mayabang talaga ako." Ganti ni Teddy.
Naputol ang aming kuwentuhan noong may biglang kumatok sa pinto. Seven opened the door at napadungaw kaming apat doon— si Megan.
"Naku Jamie, kung ako ikaw, sinabunutan ko na 'yan." Pagbubiro ni Teddy.
Binatukan ko si Teddy at nakinig sa usapan noong dalawa. We tried our best para marinig ang pinag-uusapan nila ngunit iilang salita lang ang naririnig ko kung kaya't hindi ko rin ganoon maintindihan.
"Bakit pa niya kailangan pumunta rito? Tapos na ang fashion show! Wala na siyang business dito lalo na't hindi naman siya royal blood o glitch ng society!" Reklamo ko sa mga kasamahan ko.
Nagkatinginan ang tatlo at malakas na tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman na wala na kaming kailangan kay Megan, ah!
Makalipas ang ilang oras na pakikipag-usap sa kanila ay bumalik na kaming dalawa ni Kiryu sa room namin.
Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame.
"Kiryu..."
"Hmm?"
"Paano ang gagawin mo kung sakaling malaman na natin kung sino ang traydor sa grupo?" Seryoso kong tanong.
"Tatanungin ko kung bakit niya tayo tinraydor," bumaling ang tingin sa akin ni Kiryu at ngumiti siya. "Naniniwala ako na hindi tayo basta-basta tatraydurin ng pamilya natin kung walang malalim na dahilan. Aalamin ko ang rason pagkatapos no'n ay tsaka ko siya huhusgahan."
"Bakit ba ang positive ng tingin mo sa lahat ng bagay Kiryu. Threat ang tao na iyon sa grupo natin!"
"Jamie, bakit ka nagdesisyon na piliin kami kanina kaysa patayin si Edel?"
I got confuse in his question. "Dahil mas importante kayo sa akin."
"Hindi mo ba naisip na baka ganoon lang din ang nararamdaman ng traydor sa grupo? Na baka may mas importanteng bagay siyang pinoprotektahan kung kaya't isinugal niya ang mga importanteng impormasyon sa loob ng Class Zero?" Diretso ang tingin ni Kiryu sa kisame. "Mapapatawad ko kung sino man ang traydor sa grupo. Pamilya ko kayo. Pamilya namin kayo ni Kiran."
Lumalim ang gabi, hirap akong makatulog kung kaya't naisipan kong magpahangin sa labas. Tama si Teddy, masyadong maraming impormasyon ang nakuha namin ngayon at hindi ko ito kinakaya.
Papunta ako sa garden nang hotel at natanaw ko si Seven na mag-isang nakaupo habang nakatanaw sa bituin. Mukhang malalim ang iniisip ni Seven at hindi niya ako napansin na nasa likod na niya ako.
"Hindi ka din makatulog?" Umupo ako sa kanyang tabi at doon niya lang napansin ang prisensya ko.
"Nagpapahangin lang."
"Iniisip mo din ang nangyaring labanan kanina, 'no?" Sa pagtanong ko no'n ay biglang kumuyom ang palad ni Seven. Nanginginig ito na parang pinipigilan niya ang kanyang emosyon.
"Nakita mo naman ang nangyaring labanan kanina, Jamie... wala akong naitulong." Seven mentioned at napailing ako. "Araw-araw akong nagsanay matapos natin mapahinga sa Merton Academy. Akala ko ay maipaghihiganti ko na si Roger... pero... pero nilampaso ako ng Black Organization at pinamukha sa akin kung gaano ako kahina."
"Noong nakita ko ang Black Organization... gusto ko silang patayin. Gusto kong ipaghiganti si Roger!" Kitang-kita ko ang galit sa mata ni Seven. Iyon ang naramdaman ko kanina sa labanan... galit.
"Baka kaya tayo hindi nakalaban ng maayos dahil nadala tayo ng damdamin natin?" Napatingin sa akin si Seven. "Kagaya mo... gusto ko rin ipaghiganti si Vincent, si Roger, si Casey. Tatlong malalapit na kaibigan ko ang nawala sa akin kung kaya gusto ko lang makaganti kay Edel that time." Kuwento ko sa kanya. "Pero mali na nagpadala ako sa galit ko. Imbes na makatulong ako, para bang dagdag intindihin lang ako sa grupo kanina."
"Si Ace, si Teddy, si Kiryu. They kept their cool habang nasa labanan. Alam nila kung ano ang dapat gawin, kung ano ang susunod nilang atake, they think effectively." Dugtong ko pa sa kanya.
"Baka dapat si Ace ang maging leader ng Class Zero... imbes na ako."
Hinawakan ko ang kamay ni Seven at seryoso siyang tiningnan sa kanyang mata. "Hindi totoo 'yan. Kahit si Ace ay nagtitiwala sa 'yo. Nakadepende rin sa 'yo si Ace. Hindi man halata pero laging nakasuporta sa 'yo si Ace"
Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Seven at may luha na namumuobsa kanyang mata. Kanina niya pa pinipigilan ang damdamin niya. "Jamie, natalo tayo." Sabi niya pagitan ng kanyang hikbi.
Niyakap ko si Seven at maging ako ay napaluha na rin.!maging ako, hindi ko tanggap na natalo kami.
***
KINABUKASAN ay may libreng oras kami bago kami bumalik sa Maynila. Nag-checkout na kami sa hotel at pabalik-balik ang tingin sa amin ni Teddy.
"Hoy Seven at Jamie... bakit mugto ang mata ninyo parehas?" Tanong ni Teddy at palipat-lipat ang tingin nilang dalawa ni Kiryu sa amin.
Ganoon ba ka-obvious na umiyak ako?! "N-Nanood ako ng Netflix kagabi. Nakakaiyak." Dahilan ko sa dalawa at bumaling ang tingin nila kay Seven.
"Nanood ako ng boxing." Dahilan ni Seven.
"Ha! Anong nakakaiyak sa boxing, Seven!" Sugaw ni Teddy.
"Talo si Pacquiao." Simpleng sagot ni Seven. "Ilagay na ninyo ang mga gamit ninyo sa van. Isipin na ninyo kung saan ninyo gustong pumunta dahil bandang alas-tres ay babalik na tayo sa Maynila."
Na-excite ako sa sinabi ni Seven, maiksi lang ang oras na ininigay sa amin ni Seven pero gusto ko talagang pumunta sa Strawberry farm tapos sa Mines View.
Nilalagay na namin ang aming mga gamit sa likod ng van noong lumapit muli si Megan sa direksyon ni Seven. Oo na, maganda na siya sa umaga kahit walang make-up.
"Aalis na kayo?" Tanong ni Megan kay Ace.
"Oo, ikaw mag-i-stay ka pa?" Bakit ba parang concern itong si Seven kay Megan?
Megan smiled. "Yup, may business pa ako dito sa Baguio pero baka bukas ay umuwi na rin ako. Can I say goodbye to your friends?" She asked.
Seven nodded at lumapit sa direksyon namin si Megan.
Napatingin ako sa mga mata ng tatlong lalaki kong kasama at hindi ko naman sinasadyang mabasa ang iniisip nila that moment.
Diyosa, puwedeng-puwede ko siyang maging asawa -Teddy
Single ako, kapag nagreply to sa message ko sa facebook. Crush din ako nito. -Ace
Paubos na ang stock ko ng Pochi, sana may madaanan kaming Seven Eleven. -Kiryu
"Hey, sayang at aalis na kayo... hindi ko man lang kayo nakausap." Megan said to us but the smile on her face doesn't fade. Mabuti na lang talaga at hindi siya glitch ng society dahil nakakapanghinayang lang kung maglalaho lang siya at hindi maaalala ng ibang tao.
"Maybe sa Maynila. We can hangout." Ace said. Isa rin itong malandi. Ipapalunok ko sa kanya 'yong vlogging camera niya, eh.
"Sure. Thank you for taking care of my cousin. Alam ko medyo snobbish si Seven pero..." madami pang ipinaliwanag si Megan pero iyong cousin lang ang pinakatumatak sa akin.
"T-Teka, magpinsan kayo?!" Putol ko sa paliwanag niya.
"Hindi ba nasabi sa inyo ni Seven?" Napatingin kami kay Seven and he just shrugged it off. "Yeah, pero sabi niya ay umakto daw kami na parang hindi magkakilala. Weird nga, eh. Sana next time ay makasama ko ulit kayo, lalo ka na, Jamie..."
"A-Ako?"
"Yup. I hope we can have a little chit-chat some other time. Masaya ako na mas makilala ka." Naglakad na paalis si Megan.
"Jamie paano maging ikaw?" Sabi ni Teddy.
Pumasok na kami sa van at pinaulanan namin ng tanong si Seven. It turns out na si Ace lang ang nakakaalam na magpinsan si Megan at Seven, kung ano-anong masamang bagay ang inisip ko kay Megan! My God! Nakakahiya.
"Grabe ka Seven, pinagselos mo si Jamie sa wala." Sabi ni Teddy na ikinapula ng mukha ko. Pasalamat si Teddy at hindi ko siya mabatukan dahil matarik ang dinadaanan namin.
"Jamie don't need to be jealous." Seven said at naglabas ng libro mula sa kanyang bag. "At tsaka, bakit naman magseselos si Jamie?"
Napa-facepalm sina Teddy, Kiryu, at Ace. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Bakit?
"Wala ka na talagang pag-asa, Seven." -Kiryu
"Sabi ko sa 'yo Seven, magpari ka na lang at ialay ang buhay mo kay Lord." -Ace
"Hirap mong tulungan lumandi tanginamo ka." -Teddy
Ano daw? Sabi na, eh, weird talaga ang lahat ng lalaki sa Class Zero.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top